God Gives Joy to Kingdom Givers

Preached by Derick Parfan on May 20, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

Giving: What’s the Problem?

Two weeks ago, David and Bathsheba ang story natin. Medyo mabigat kasi napag-uusapan ang tungkol sa sex at mga sexual issues. Ngayon naman, I want to talk about money. Hindi dahil sa personal agenda kundi dahil iyon ang nakita ko sa maraming bahagi ng Story of God. Alam kong maselang pag-usapan ‘to. Sensitive ang maraming Christians dito. Ang ibang lumilipat sa church natin naririnig ko na isang dahilan ay dahil ang pastor sa pinanggalingang church ay puro tungkol sa pera ang topic. May mga pastor din naman talagang nagkakamali sa paghandle ng issue na ‘to. Ang iba sobra, ang iba naman kulang ang pagtuturo tungkol dito. Pero sa tingin ko hindi naman ang pagtuturo ang pinaka-problema dito.

The problem is not mainly doctrinal. Kapag tithing o ikapu ang pinag-uusapan, maraming depensa ay biblikal, na sinasabing wala na tayo sa Old Covenant o Law nasa New Covenant na tayo – Grace. Para sa mga Israelita lang daw ang ikapu, sa atin dapat ngayon “cheerful giving” (2 Cor. 9:7). I believe that tithing is the starting point of giving, the training ground. Mamaya makikita natin na ang pagbibigay natin ay reflection ng laki ng pagpapala ng Dios sa atin. Ngayon, kung tayong mga nasa New Covenant na tumanggap ng higit na mas malaking biyaya kaysa mga Israelita sa Old Covenant, how can we justify giving only 2% of our income? Ayon sa website na http://www.generousgiving.org/stats#, “Overall, only 3 to 5 percent of those who donate money to a church tithe (give 10 percent of) their incomes.” Para bang mas effective pa ngayon ang “law” kaysa “grace.” Pero hindi “grace” ang problema kundi ang response natin. The problem is not primarily about the teaching about giving, but the giving in response to the teaching.

The problem is not mainly practical. Sasabihin ng iba, mahirap ang buhay ngayon, kaya nababawasan ang pagbibibay. Consider this stat: “Giving by North American churchgoers was higher during the Great Depression (3.3 percent of per capita income in 1933) than it was after a half-century of unprecedented prosperity (2.5 percent in 2004).” Masasabi ba nating kulang ang resources ng Church para matugunan ang mga pangangailangan sa mundo? Malaki ang spiritual needs – 2 Billion (30%) people have yet to hear the gospel. Malaki din ang physical needs – 1.2 Billion in absolute poverty (less than 50 pesos a day). Ayon din sa website na binanggit ko kanina, “Christians worldwide had personal income totaling more than $16 trillion in 2007 but gave only 2 percent, or $370 billion, to Christian causes…If Christian churches chose to give 10% of their income and to devote 60% of their increased giving to international missions, there would be $98.4 billion available for the international church and $32.8 billion for domestic missions…Conservative estimates indicate that $1 billion a year could be all that’s needed financially to complete the task of the Great Commission.”

The problem is not mainly doctrinal, not mainly practical, but primarily spiritual. Hindi dahil hindi natin kaya (we can’t) kundi dahil ayaw natin (we don’t want to).

Giving in the Story of God

Well, anong kinalaman nito sa Story of God? Our life (including our giving) must be under God’s Story. Magkakaroon lang ng saysay ang buhay natin kung nakapaloob ito sa kuwento ng Dios, sa kanyang magandang plano para sa buong mundo. Ibig sabihin, kasama dito ang paggamit natin ng pera – paggastos, pag-iipon, pagtatrabaho, pagbili ng gamit, at pagbibigay. This is obvious kung kilala natin ang Dios.

Our God is a Giver. Siya ang nagbigay ng buhay sa tao. Siya ang nagbigay kina Adan at Eba ng lahat ng pagkaing kailangan nila para mabuhay. Kahit sumuway sila sa Dios, ang Dios pa rin ang nagbigay sa kanila ng damit para maisuot nila. Ang Dios ang nagbigay kay Noe at sa kanyang pamilya ng paraan para maligtas sila sa bahay. Ang Dios ang nagbigay ng anak kay Abraham. Ang Dios ang nagbigay kay Abraham at sa kanyang mga lahi ng pagpapala. Nang ilabas sila sa Egipto, may dala-dala silang mga kayamanan galing sa mga Egipcio. Sa loob ng 40 taon nila sa disyerto, ang Dios ang nagbigay ng pagkain at inumin nila. Ang Dios ang nagbigay sa kanila ng lupa. Ang Dios ang nagbigay sa kanila ng lakas para pagtagumpayan ang mga kaaway nila. Ang Dios ang nagbigay sa kanila ng haring hiniling nila – si Saul. Ang Dios ang nagbigay sa kanila ng haring pinili niya para sa Israel – si David. Ang Dios ang nagbigay kay David ng pangako – eternal kingdom! Ang Dios ang nagbigay ng kanyang nag-iisang Anak na si Jesus para magkaroon tayo ng kaligtasan (John 3:16). Our God is a Giver.  At dahil tayo’y nilikha sa larawan ng Dios (image of God)…

God expects his children to be givers (like him). Natuwa ang Dios sa handog na ibinigay ni Abel. Tinanggap ng Dios ang handog ni Noe bilang pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa kanila sa baha. Handang ibigay ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac para ihandog sa Dios bilang pagsunod. Nang pigilan siya ng Dios, ang Dios ang nagbigay kay Abraham ng tupang ibibigay din pabalik sa Dios bilang kapalit ni Isaac. Si Jose, nang maging gobernador na siya ng Egipto, siya ang nagbigay ng pagkain at matitirhan para sa kanyang mga kapatid kahit na masama ang ginawa sa kanya. Natutuwa ang Dios kapag nakikita niya na ang kanyang mga anak na nagiging tulad niya na mapagbigay.

Kaya inutos niya ang pag-iikapu o tithing sa Israel. Basic meaning ng tithe ay ten percent. Pero dapat nating maintindihan na may tatlong klaseng ikapu. In Numbers 18:8-32, to support the Levites they are commanded to give 10% yearly. In Deut. 14:22-27, to contribute to community celebrations, they are to give another 10%. That’s also yearly. In Deut. 14:28-29, to support the poor, another 10% every three years. So the tithe is at least 23.3% of their income. Dahil they have their own government, kasama na doon yung parang taxes. Kaya ganoon kalaki. The tithe is the starting point in their giving. When we say you give 10% sa church, we are saying it as a guideline. Napakagandang principle nito na nasa utos ng Dios, bagamat hindi iniutos sa atin directly. Starting point pa lang iyon ng giving. We need to move beyond that.

In giving beyond the tithe, meron ding mga freewill offerings ang Israel. Magandang halimbawa nito ay iyong nangyari bago ipatayo ang Tabernacle. Iniutos ito sa kanila ng Dios nang nasa Mt. Sinai sila, kalalabas lang nila ng Egipto, pero sa halip na magbigay para dito, ginamit nila ang mga ginto nila para gumawa ng dios-diosan. Pero nagbago ang tugon nila nang makita nila ang pagdidisiplina ng Dios sa kanila. Kaya nagsimula silang magbigay, “Ibinigay [nila] ang lahat ng inihandog ng mga Israelita para sa pagpapatayo ng Tolda. At patuloy pa rin ang kusang-loob na pagdadala ng mga tao ng mga handog nila tuwing umaga. Kaya pumunta kay Moises ang mga nagtatrabaho sa Tolda at nagsabi, ‘Sobra na sa kailangan ang dinadala ng mga tao para sa gawaing iniutos na gawin ni Yahweh’” (Exodus 36:3-5). Wow, sana dumating din tayo sa ganyan na ang imbes na sabihin kong, “Magbigay pa kayo. Kulang pa,” sasabihin ko na, “Tama na, sobra-sobra na ang nabigay n’yo.” Isn’t that wonderful?

Nang maitayo ang tabernacle, pansamantala lang ito. Portable pa. Mahigit 400 taon ang inabot nito, at naging simbolo ito ng presensiya ng Dios, na kasama nila ang Dios. Dumating si Haring David. Gusto niyang magpatayo ng permanenteng “bahay” para sa pagsamba sa Dios – ang templo. Sabi ng Dios, hindi siya ang magpapatayo nito, kundi ang anak niyang si Solomon. Pero alam ni David, may papel pa rin siyang gagampanan. Oo, alam niyang di naman kailangan ng Dios ng “tirahan.” Oo, alam din niyang kayang-kayang gawin ito ng Dios kahit wala ang tulong niya. Pero alam din niyang gusto ng Dios may bahagi siya, may bahagi si Solomon, may bahagi ang mga mamamayan ng Israel bilang bansang pinaghaharian ng Dios. Medyo hawig ang tugon ng mga tao dito sa pagpapatayo ng templo sa nangyari noong panahon ni Moises sa Tabernacle. Pakinggan n’yo ‘tong kuwentong ‘to galing sa 1 Chronicles chapters 21-22 at 28-29.

The Story: Preparations for Temple Construction

Nagkaroon noon ng salot sa Israel dahil hindi nagustuhan ng Dios ang ginawa ni David na ipinabilang ang mga sundalo niya. Pinagsisihan ni David ang ginawa niya at hiniling sa Dios na pahintuin na ang salot. Inutusan siya ng Dios na magtayo ng altar sa may Bundok ng Moria, sa may giikang pag-aari ng isang Jebuseo. Kinausap ni David ang may-ari, “Ipagbili mo sa akin ang lupa mo para makapagpatayo ako ng altar para sa Dios. Babayaran kita kung magkano ang halaga.” Sabi ng may-ari, “Sige po, Mahal na Hari, sa inyo na po iyan. ‘Wag na po kayong magbayad. Bibigyan ko pa po kayo ng kailangan sa paghahandog.” Sumagot si David, “Hindi ko ito tatanggapin nang libre para ihandog sa Dios. Hindi ako mag-aalay ng handog sa Dios na walang halaga sa akin.” Kaya binayaran siya ni David ng 600 pirasong ginto. Sinabi niya, “Dito sa lugar na ito itatayo ang templo para kay Yahweh.”

Dahil bata pa noon si Solomon na siyang papalit sa kanya bilang hari, lubos ang paghahandang ginawa ni David sa pagpapatayo ng templo bago siya mamatay. Inihanda niya ang mga kailangang materyales – tone-toneladang ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato. Ibinilin niya sa anak niyang si Solomon, “Gusto ko sanang magpatayo ng templo para sa karangalan ng pangalan ni Yahweh, pero hindi niya ako pinayagan dahil sa dami ng labanang napagdaanan ko at dami ng taong napatay ko. Pero sinabi din niya sa akin na ikaw ang papalit sa akin na hari at ikaw rin ang magpapatayo ng templo para sa kanya. Gabayan ka sana ng Dios at magtagumpay ka sana sa pagpapatayo nito.Sinabi din niya sa mga pinuno ng Israel, “Ihanda na ninyo ang inyong mga sarili sa mga gawain para sa pagpapatayo ng templo para kay Yahweh.”

Nang matanda na si David, ginawa na niyang hari si Solomon. Tinipon niya ang mga pinuno ng Israel, pati mga pari at mga Levita. Inihanda niya ang libu-libong mga paring mamamahala sa gawain sa templo, mga maglilingkod bilang opisyal at hukom, mga guwardiya sa pintuan ng templo, mga musikerong tutugtog ng alpa, lira at pompyang para sa pagpupuri sa Dios.

Sa harap ng mga pinuno ng Israel, sinabi ni David kay Solomon, “Ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Dios ng iyong ama ng buong puso mo at isip, dahil nakikita ni Yahweh ang bawat puso at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Pinili ka niya para ipatayo ang templo para roon siya sambahin.” Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng templo ayon sa iniutos ng Dios. Sinabi pa niya, “Magpakatatag ka at simulan na ang pagpapagawa. Huwag kang matakot o manghina dahil kasama mo ang Dios. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang matapos ang lahat ng gawain para sa templo. Nakahanda na ang mga gamit na kailangan mo at mga taong tutulong sa iyo.”

Pagkatapos nito, sinabi ni David sa lahat ng mga Israelita, “Malaki ang gawaing ito, dahil ang ipapatayong gusali ay hindi para sa tao kundi para sa Dios. Naihanda ko na ang mga materyales para sa templo, at dahil sa kagustuhan kong mayari ito, pati mga personal kong ginto at pilak at mga naipon ko ay ibinigay ko na. Ngayon, sino pa ang gustong magbigay para sa gawain ng Dios?”

Pagkatapos, kusang loob na nagbigay ang mga tatay, mga pinuno ng bayan at mga kumander ng mga sundalo. Nagbigay sila ng 175 toneladang ginto, 10,000 perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal. Ang ibang mga tao naman ay nagbigay din ng mga mamahaling bato. Masayang-masaya ang mga tao dahil kusang loob at taos puso silang nagbigay para sa Dios.

Masayang-masaya din si David. Kaya pinuri niya ang Dios, “O Yahweh, sa inyo ang papuri, kapangyarihan, kadakilaan, tagumpay, at karangalan magpakailanman. Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan. Nagpapasalamat kami sa iyo. Sino ba naman kami na makapagbibigay ng nag-uumapaw na pagpapalang gaya nito? Lahat naman ng bagay nagmula sa inyo. Ang ibinigay namin galing din naman sa inyo. Pansamantala lang kami dito sa mundo. Ang buhay namin ay gaya ng aninong hindi nananatili. Nakikita n’yo ang puso namin at nasisiyahan kayo kapag nakikita n’yong tapat ito. Tulungan n’yo po kaming lahat na manatiling tapat ang puso namin sa iyo.”

Pagkatapos sinabi ni David, “Purihin n’yo si Yahweh na inyong Dios.” Kaya lumuhod sila, yumukod at pinuri ang Dios. Nang sumunod na araw, sinunog nila ang 1,000 toro, 1,000 lalaking tupa, at 1,000 batang tupa bilang handog sa Dios. Masaya silang nagsalu-salo sa presensiya ng Dios.

Naghari si David sa Israel sa loob ng 40 taon. Naging mahaba at masagana ang buhay niya. Namatay siya sa katandaan at ipinalit ng Dios sa kanya si Solomon para umupo sa trono ni Yahweh bilang hari ng Israel.

Kingdom Giving

Ang nangyari sa kuwentong ito ay isang halimbawa ng tinatawag kong “kingdom giving.” Ibig sabihin, ito yung pagbibigay ng mga taong kabilang sa kaharian ng Dios, na kinikilala ang paghahari ng Dios, at nagbibigay na tulad ng Dios na siyang haring mapagbigay – na kinakatawan ni David bilang hari na nakaupo sa trono ni Yahweh sa Israel. So, kung ano ang nakita nating klase ng “kingdom giving” sa panahong ito ng Israel, ay ganoon din sa atin na pinaghaharian ni Jesus – na siyang Hari ng ating Iglesia. Anu-ano ang makikita nating characteristics dito ng “kingdom giving”?

Generous giving. Ibig sabihin, may sakripisyo. Hindi kung ano lang ang convenient sa atin, kundi iyong mararamdaman natin. Si David ang bumili ng lupang pagtatayuan ng templo. Binibigay na sa kanya ng may-ari, pero gusto niyang bayaran. Malaking halaga din ang binayad niya. Sabi niya, “Hindi ako magbibigay sa Dios ng walang halaga sa akin” (1 Chr. 21:24). At hindi lang basta may sakripisyo, sagana pa. Ganito rin ang pinakitang halimbawa ni David. Inihanda na niya ang mga kailangang materyales, bukod doon, kumuha pa siya ng mga ginto at pilak galing sa personal niyang kayamanan. Ibang-iba sa mga pulitiko ngayon! Hindi lang si David, pati mga Israelita din sa pangunguna ng mga tatay at mga tribal leaders. 175 toneladang ginto, 10,000 perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal (29:7)! Hindi ko alam equivalent niyan ngayon. Siguro hundred millions or billions pa! Tapos kinabukasan, naghandog pa sila ng libu-libong mga hayop (29:21). That’s generous giving! Hindi barya-barya. Hindi tira-tira lang. Hindi kung ano madukot lang sa bulsa. They were asking not how much is needed, but how much I want to give.

Grace-driven giving. The issue here is not how much I want to get, but how much I already received. Alam nilang ang daming pagpapala ng Dios sa kanila. Sabi ni David, “Ang ibinigay namin ay nagmula rin sa inyo” (29:14). Ang pagbibigay nila ay dahil sa ginawa na ng Dios para sa kanila, hindi para bayaran ito at hindi rin para obligahin ang Dios na lalo pa silang pagpalain. Kung mapapansin n’yo, ganito rin ang principles of giving na itinuturo ni Pablo sa 2 Corinthians 8-9.

Grateful giving. Ang pagbibigay na ito ay galing sa isang pusong nag-uumapaw sa napakaraming pagpapala ng Dios. Sabi ni David sa panalangin niya, “Nagpapasalamat kami sa iyo…” (29:13). Hmmm…sila ang nagbigay, hindi para pasalamatan sila ng Dios sa bigay niya. Hindi naman kailangan ng Dios iyon. Kundi para ipakita ang pasasalamat nila sa Dios. Ito ay kusang loob. Kung sino ang may gusto. Hindi ito mandatory o obligatory tulad ng tithes na nakita natin kanina. This is giving beyond the tithes! Wow!  They were asking not what is required, but how much I am willing to give.

God-glorifying giving. Ang templong itatayo ay para sa karangalan ni Yahweh. Ang pagbibigay nila ay para makapagbigay din ng karangalan sa kanya. Nagbigay sila na isinasaalang-alang kung ano ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa Dios. “Tingnan n’yo, ganito kadakila ang Dios! Ganito karapat-dapat sambahin ang Dios! Ganito kabuti ang Dios! Giving is for the glory of God. Not what makes me comfortable, but what makes God look more glorious. Kaya nga hawa-hawa na sila. Simula kay David, sunod mga tatay at mga leaders. Tapos buong Israel. Oo nga’t sabi ni Jesus palihim ang pagbibigay, pero kung ang motibo ay bigyang karangalan ang Dios, mainam makita din ng iba (Matt. 5:16).

What Fuels Kingdom Giving

Bakit naging ganito ang klase ng pagbibigay ni David at ng mga Israelita? Paano magiging ganito ang “giving” natin? We need to have a right view of the kingdom of God – God as King, we as subjects of that kingdom, and the mission of that kingdom.

Kailangan tama ang pagtingin natin sa Dios. He is our King and he is the Owner of everything – everything in the world and everything we possess, including our money. Sabi ni David sa panalangin niya, “Sa iyo nagmumula ang kayamanan…ikaw ang nagbibigay ng lakas…lahat naman ng bagay mula sa iyo.” Ang Dios ang may-ari ng wallet mo, ng bank account mo, ng credit card mo, ng business mo! Kahit pangalan mo ang nakalagay sa card o sa titulo ng lupa mo, sa isip mo lagyan mo na ng tatak ang mga “pag-aari” (possessions) mo na nakalagay, “Owned by God.”

Kailangan din tama ang pagtingin natin sa sarili natin. Kung ang Dios ang may-ari ng lahat, ibig sabihin, hindi tayo ang may-ari. We are stewards. Para tayong manager, accountable tayo sa may-ari. “Sino ba naman kami na makapagbibigay ng nag-uumapaw na pagpapalang gaya nito?…Pansamantala lang kami dito sa mundo. Ang buhay namin ay gaya ng aninong hindi nananatili.” Ibig sabihin, hindi naman magtatagal na hawak natin ang pera natin, ang bank account natin. Darating ang araw  haharap tayo sa Dios na ating Hari at tatanungin tayo, “Paano mo ginamit ang kayamanan o lakas na ibinigay ko sa iyo?”

Kung ang Dios ang may-ari, tayo ang katiwala, dapat alam natin kung ano ang misyon niya, kung ano ang gusto niyang mangyari. God has a kingdom mission, he wants us (and our money) to be part of it. God wants to spread his fame to all the earth. Gusto ng Dios gamitin natin ang anumang bagay na ipinagkatiwala ng Dios para sa ganoong layunin. “O Yahweh, sa inyo ang papuri, kapangyarihan, kadakilaan, tagumpay, at karangalan magpakailanman” (29:10-11), sabi ni David. Ito ang layunin ng Dios, sa lahat ng panahon, sa lahat ng tao, siya ang makilalang dakilang Dios. Paano siya makikilala ng mga tao na Dios na nagbubuhos ng pagpapala sa kanyang mga anak kung kuntento na tayo sa barya-baryang pagbibigay? Gusto ba nating makilala siya na Dios ng barya-barya, Dios ng tira-tira? Paano makikilala ng mga tao na meron tayong Dios na bumabago sa puso ng tao kung hanggang ngayon ang puso natin sinasakal ng materyalismo?

Kingdom Giving – Today

Obviously, ang nakita nating nangyari sa kuwentong ito ay may kinalaman sa atin ngayon. Times change, but biblical principles don’t. Old Testament man o New Testament. Nagbabago ang situwasyon, oo, pero ang Dios natin at ang layunin niya para sa atin at sa kanyang kaharian ay hindi.

Halimbawa, iyong tungkol sa templo. Mahalaga iyon sa layunin ng Dios, para makilala siya, para sambahin siya, para maakita ang iba pang bansa bukod sa Israel. Anong katumbas ng templo ngayon? Kung ang iisipin n’yo ay ang church building, maling-mali. Ang worship ngayon ay hindi na confined sa isang space tulad ng temple, sabi ng Panginoong Jesus sa babaeng Samaritana sa John 4. Sabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “You are God’s temple.” Tayo – the church – we are God’s temple. Ang Dios nananahan sa atin. Sabi ng Panginoong Jesus, “I will build my church.” Yun ang mission niya. Yun din ang sa atin. Itatayo natin ang iglesia – hindi ang building – kundi ang mga taong na susunod sa Panginoon. Papalawakin natin – aabutin ang iba pa para maging tagasunod din ni Jesus. Oo nga’t gagastusan natin ang mga facilities natin, lalo na sa mga susunod na araw na balak nating i-upgrade ang ating mga training rooms at magkaroon din ng student center. Pero ang building ay secondary lang. Hindi natin ito gagastusan kung walang kinalaman sa pagtatayo ng kaharian ng Dios. We give sa mga projects natin. Para ano? To build God’s people for the work of the ministry. Multiplying disciples, churches planting churches, telling the Story of God to many places, to the unreached peoples of the world. Misyon nating lahat ‘to. Kaya lahat din tayo magbibigay – mga bata, mga magulang, mga singles, mga senior citizens. Hindi lang tithes o 10% ang pinag-uusapan natin dito. We are talking about kingdom giving – giving beyond. You start with the 10% na binibigay sa church tapos ang iba puwede n’yong isupport sa iba pang projects, missions, at pagtulong sa mga mahihirap.

Siyempre may mga excuses tayo. “I don’t want to.” Ayaw ko. Sabihin pa ng iba, hindi ba’t nasa malaya na tayo ngayon bakit sasabihin mong magbigay ng tithes? Oo, malaya na tayo. Malaya tayong magbigay, hindi malayang hindi magbigay o magbigay lang ayon sa kung anong kumportable. Oo, nasa biyaya na tayo, mas malaki nga ang pagpapala ng Dios. Does it mean we give less?

Yung iba, “I can’t.” Hindi ko kaya. Ang hirap ng buhay. Ang daming bayarin. May utang pa. Ano ba ang pangako ng Panginoon? “Seek first the kingdom of God and all these things (ang mga inaalala mo!) will be added unto you” (Matt. 6:33). Sabi ni David kay Solomon, “Gagabayan ka ng Dios…sasamahan ka niya hanggang matapos ang templong ipinapagawa niya.” Ganoon din sa atin. Makakaya natin sa biyaya ng Dios. Sa mga walang trabaho at wala talagang maibibigay, alam ng Dios ang nasa puso n’yo. Give what you have. God honors the desires of your heart. Sa mga bata, ‘wag n’yo silang bigyan ng pang-offering. Instead, turuan n’yo silang magtabi galing sa allowance na bigay n’yo. Sa mga young professionals, binigyan kayo ng trabaho ng Dios. Una ang para sa Dios, hindi ang taxes o mga deductions. Kaya kapag nagtatanong ng tungkol sa tithes daw ba na galing sa gross o sa net income, di ba obvious kung ano ang kinita n’yo doon?

“I’m not yet ready.” My heart is not yet cheerful in giving. So the solution is not to give or to give kung ano lang ang maluwag sa iyo? What if you cannot be happy and glad if you are not giving generously? Anong resulta sa kuwento pagkatapos silang magbigay? Naging mas masaya ang mga tao, pati si David (29:9).  Nag-celebrate at nagsalu-salo sila dahil nag-uumapay ang kagalakan nila (29:22). God gives joy to kingdom givers. Aantayin ba nating maging masaya muna tayo bago tayo magbigay o magbibigay tayo para umapaw ang puso natin sa kasiyahan? Gusto ba nating maging masaya ngayon na? O next year pa? Bakit ako nag-preach tungkol sa giving? Gusto kong maging masaya kayo. Gusto kong mas maging masaya tayong lahat. Mas nagiging masaya tayo kung nagiging tulad tayo ng puso ng Dios na mapagbigay. Kala ng iba kapag maraming pera mas masaya. Sabi sa kuwento natin, kapag mas masagana ang pagbibigay, iyon ang mas masaya. Kaya prayer ko, maging faithful tayo sa pagbibigay hindi lang after ng sermon na tulad nito, kundi araw-araw sa buong buhay natin. Prayer ni David, “Nakikita n’yo ang puso namin at nasisiyahan kayo kapag nakikita n’yong tapat ito. Tulungan n’yo po kaming lahat na manatiling tapat ang puso namin sa iyo” (29:17-18).

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.