God Forms a Holy People

Preached by Derick Parfan on Feb. 19, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

Why Leviticus?

Isang kainaman po ng may Bible reading plan na sinusunod ay mababasa mo kahit ang mga books sa Bible na hindi naman natin normally babasahin. Mas natututo tayong basahin ang Biblia na pinanghahawakan ang sabi ni Pablo sa 2 Timothy 3:16-17, “All Scripture is breathed out by God and profitable…” Kasama dito yung Leviticus na nasimulan n’yo nang basahin, at ang iba ay nahihirapang basahin at sinasabing, “Ano ba ‘to? Itutuloy ko pa ba? Bakit ko ba kailangang basahin ‘to? Mahalaga ba ‘to sa buhay natin ngayon?” Ito ay salita ng Dios. Dapat nating ituloy. Mahalaga ito hanggang ngayon. Honestly, I’m beginning to love the Old Testament, even Leviticus. Sana ganito tayong lahat. Masabi din nating, “I find my delight in your commandments, which I love…I delight in your law…Oh! How I love your law! It is my meditation all the day” (Psalm 119:47, 70, 97). “I love Leviticus!”

Oo nga’t ang daming utos ang mababasa natin dito. Maraming detalye. Ang iba sa tingin natin parang walang sense, parang walang application sa atin. Paano natin masasabing “I love Leviticus”? Malaking bagay na nakatulong sa akin ay iyong isipin nating bahagi din ito ng The Story of God. Ibig sabihin, hindi kumpleto ang kuwento kapag wala ito. At tungkol sa Dios ‘to. Gusto niyang ipakilala sa atin ang sarili niya sa pamamagitan ng Leviticus. Gusto niya ring makita kung ano ang nasa puso natin, na kitang-kita kung paano tayo mag-react sa pagbasa nito. Hindi naman problema dito yung boring basahin kasi puro utos. Ang problema dito ay we are not taking seriously the laws of God. We are not taking God very seriously. It’s a heart problem. We justify na it doesn’t apply to us, pero may application ‘to sa atin. Iba nga lang dahil ito ay utos ng Dios para sa Israel, not necessarily sa atin. Pero salita pa rin ito ng Dios para sa atin, may gusto siyang ituro. Gusto niyang ituro kung paano tayo mamuhay ayon sa kalooban ng Dios, paano tayo lumapit sa kanya, at paano tayo makipagrelasyon sa iba.

So, Leviticus is part of a greater story. Kahit “Books of Law (Torah)” sa Genesis to Deuteronomy (Exodus 19 – Numbers 10 sa Mt. Sinai; buong Deuteronomy sa Plains of Moab bago pumasok sa Promised Land), there is a story behind this. Nakita natin yun mula sa Genesis. May plano ang Dios sa pamamagitan ni Abraham na pagpalain ang mga tao sa mundo sa pamamagitan ng lahing manggagaling sa kanya. Nabuo ang bansang Israel, dumami sila nang dumami habang naging alipin sila sa Egipto sa loob ng 430 taon. Pero may pangako ang Dios na dadalhin sila sa Lupang Pangako. Kaya inilabas sila sa Egipto, pinalaya at hindi na mga alipin. Binubuo muli ng Dios ang isang kaharian sa pamamagitan nila, kahariang sinisira ng mga taong nagrerebelde sa kanya simula pa kina Adan at Eba. Bahagi ng kahariang ito ay ang mga utos na bigay ng Haring is Yahweh, na dapat sundin ng mga Israelita para ipakita nila kung paano talaga mamuhay na nasa kaharian ng Dios. Sabi niya:

You yourselves have seen what I did to the Egyptians, and how I bore you on eagles’ wings and brought you to myself. Now therefore (Bago utos, madalas sinasabi muna ang pagliligtas na ginawa ng Dios), if you will indeed obey my voice and keep my covenant, you shall be (1) my treasured possession among all peoples, for all the earth is mine; and you shall be to me (2) a kingdom of priests and (3) a holy nation (Exodus 19:4-6).

Last week nakita natin ang significance nung kanilang pagiging “treasured possession.” Sa Dios lang sila, wala silang ibang dapat sambahing dios. Gusto ng Dios madala ang pagpapala niya pati sa ibang mga bansa, kaya sila “kingdom of priests.” Na dapat kakaiba sila, dapat maaakit ang mga tao sa kanila. Kaya niya ibinigay ang kanyang mga utos, para makitang iba sila. Kaya nga pinagawa niya rin ang Tabernacle, kasi ang gusto niya, manirahan siyang kasama nila.

Pero may problema dito, God is a holy King. Lahat ng ginagawa ng Dios ay tama, matuwid, at mabuti. Pero ang Israel, holy ba sila? Hindi! Kitang-kita natin ‘yan sa pagrereklamo pa lang nila, sa pagsamba nila agad sa dios-diosan. At hindi maaaring manahan ang Dios sa mga taong makasalanan. Nakita na natin ‘yan sa simula pa lang ng Kuwento. Pinalayas niya sina Adan at Eba sa presensiya niya, si Cain din, tapos pinatay niya ang lahat maliban sa pamilya ni Noe sa pamamagitan ng baha, tapos tinupok niya ang Sodom at Gomorrah, tapos hinatulan niya ang Egipto. Paano ngayon itong mga Israelita na makasalanan din namang tulad ng ibang mga tao sa mundo? God wants them to be “a holy nation.” God forms a holy people. Paano mangyayari iyon? Makikita natin sa Leviticus!

God Commands Israel to Offer Sacrifices

Story of Leviticus 1-10, 16. Tinawag ng Dios si Moises sa loob ng Toldang Tipanan at inutusang sabihin sa Israel ang mga ito: “Sinumang napag-alamang nagkasala siya laban sa Dios ay dapat maghandog para bigyang karangalan ang Dios. Kailangang niyang magdala ng baka, tupa, o kambing na walang kapintasan. Ipapatong niya ang kanyang kanang kamay sa ulo ng hayop, at ito’y tatanggapin ng Dios upang matubos siya at patawarin ng Dios sa kanyang mga kasalanan. Pagkatapos, kakatayin dapat ang hayop sa presensiya ng Dios at iwiwisik ang dugo nito sa may altar. Susunugin ang hayop na ito at ang Handog na Sinusunog na ito ay isang mabangong samyo na makalulugod sa Dios. Kinakailangang tiyakin ng mga pari na ang apoy sa altar ay patuloy na nagniningas at huwag itong pabayaang mamatay.”

Inutusan din ng Dios si Moises na gawin sa loob ng pitong araw ang pagtatalaga o pag-oordina kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na maglilingkod bilang mga pari. Sila ang mamamagitan sa Dios at sa tao para mapatawad ang mga kasalanan nila. Ginawa ngang lahat ni Moises ang ipinapagawa ng Dios. Sa ikawalong araw, pinangunahan nina Aaron at mga anak niyang lalaki ang paghahandog ayon sa utos ng Dios kay Moises. Nagtipon ang mga Israelita sa harap ng Tolda at nagdala ng mga hayop para ihandog sa Dios. Pagkatapos na ihandog ang mga ito, binasbasan ni Aaron ang mga tao. Ipinakita ng Dios ang kanyang kapangyarihan sa mga tao sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang ito’y makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at pagkamangha, lumuhod at sinamba ang Dios.

Isang araw, kumuha ang dalawang anak ni Aaron – sina Nadab at Abihu – ng baga at insenso at inihandog ito sa Dios. Gumamit sila rito ng apoy na iba sa iniutos ng Dios. Kaya nagpadala ang Dios ng apoy at sinunog sila hanggang mamatay. Sinabi ni Moises kay Aaron, “Iyan ang ibig sabihin ng Dios nang sabihin n’yang, ‘Dapat malaman ng mga pari na ako’y banal, at dapat akong ituring na banal ng lahat ng tao.’” Hindi makapagsalita si Aaron dahil sa nangyari. Sinabi ng Dios sa kanya, “Dapat mong malaman kung ano ang dapat ihandog sa akin at sa anong paraan. Kung hindi n’yo ito susundin, mamamatay kayo.”

Pagkatapos mamatay sina Nadab at Abihu, inutusan ng Dios si Moises, “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa loob ng Pinakabanal na Lugar (Most Holy Place) sa anumang oras na nais niya. Kapag ginawa niya ito, tiyak na mamamatay siya. Papasok lamang siya roon o sinumang magiging punong pari minsan sa isang taon. Bago siya pumasok tiyakin niyang malinis siya at nakapaghandog muna para sa sarili niyang kasalanan. Ang mga taga-Israel ay magbibigay sa kanya ng dalawang lalaking kambing. Ang isang kambing ay papatayin niya bilang handog sa paglilinis ng karumihan ng mga taga-Israel sa presensiya ng Dios. Iwiwisik niya ang dugo nito sa Kahon ng Kasunduan (Ark of the Covenant). Ihaharap naman niya sa mga tao ang kambing na buhay pa. Ipapatong niya ang dalawang kamay niya sa ulo ng kambing at ipapahayag ang lahat ng mga kasalanan ng mga taga-Israel. Papakawalan ang kambing na ito sa may disyerto. Sa ganitong paraan malilipat sa kambing at dadalhin nito ang mga kasalanan ng mga taga-Israel palayo sa presensiya ng Dios.”

Ito ang seremonya ng pagtubos sa kasalanan ng mga taga-Israel na ginagawa nila taun-taon hanggang dumating ang siyang tunay at minsanang tutubos sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Bilang pagpapahalaga sa mga seremonyang tulad nito, pinagbawalan sila ng Dios na huwag kumain ng dugo at sinabi niya ang dahilan, “Ang buhay ng bawat nilalang ay nasa kanyang dugo at ito ang ginagamit n’yo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan.”

Drawing Near a Holy God

Kung meron mang isang katotohanang gustong ituro ang Dios dito sa Leviticus, ito yun: Our God is a holy God! Kailangang seryosohin natin iyon. Makasalanan tayo, hindi tayo basta-basta makakalapit sa kanya. Kung lalapit man tayo sa kanya, sa paraang gusto niya, sa paraang sinabi niya. Kaya nga noong first time na naghandog ang mga pari at mga Israelita, ang Dios mismo ang nagpadala ng apoy para tupukin ang mga handog, para ipakita ang kanyang approval sa ginawa nila.

Pero if we messed up with his holiness, and don’t take him seriously, it means death. Si Nadab at Abihu, dalawang anak ni Aaron, naghandog ng insenso at gumamit ng apoy na di naman ayon sa gusto ng Dios. Anong nangyari? Sinunog sila ng apoy ng Dios hanggang mamatay. Ang kabayaran ng kasalanan – paglapastangan sa kabanalan ng Dios – ay kamatayan (Romans 6:23). Sa Old Testament lang ba ‘to nangyayari? Anong nangyari kay Ananias at Sapphira nang nandaya sila sa mga kaloob? Namatay din! E ngayon, buti na lang hindi umuulan ng apoy kapag naabutan tayong nasa labas pa habang ang mga nasa loob ay sumasamba na sa Panginoon. Buti hindi tayo kinakaladkad palabas kapag kulang ang ibinigay natin na mga kaloob. Gustong ipakita ng Dios na mabuti siya…at siya’y banal…dapat nating seryosohin iyon. Bakit di natin naiintindihan iyon? Kasi we have a man-centered view of sin. Tingin natin maliit na bagay lang. But if we have a God-centered view of sin, makikita natin ang bigat ng kasalanan natin laban sa kabanalan ng Dios. Hindi tayo basta-basta makakalapit sa kanya.

God, because he is gracious, provides a way to come to him through sacrifices. Ginagawa nila ito araw-araw kasi araw-araw naman silang nagkakasala. Isang araw sa isang taon, meron tinatawag na Day of Atonement. Dun sa Most Holy Place, walang puwedeng pumasok. Yung High Priest lang. Tapos once a year lang. Bago siya pumasok dun dapat malinis siya at naghandog sa sarili niyang kasalanan. May mga bells sa katawan niya, para kapag tumutunog pa, OK pa. Kapag wala nang marinig, ibig sabihin namatay yung High Priest. May nakatali sa paa niyang lubid para kapag nangyari iyon, hahatakin na lang siya palabas. Sa araw na iyon, maghahandog siya ng dalawang kambing, ang isa papatayin, ang isa pakakawalan sa disyerto.

Alam natin, alam nilang kahit gawin nila lahat ‘to, hindi ito sapat pantubos ng kasalanan. Kasi larawan ito ng darating na pagtubos na gagawin ng Dios. “I did my best but my best wasn’t good enough.” The law reveals our sinfulness and the insufficiency even of our best efforts to come near to God. It points us toward our need of a Redeemer, a Savior. It points us to Christ. Di na natin ginagawa ang mga rituals na ito kasi ginawa nang lahat ni Jesus para sa atin. Pero dapat basahin at intindihin kasi mas maiintindihan natin ang gospel, kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atin. Kaya sila di pinapakain ng dugo, kasi nga gusto ng Dios na pahalagahan nila ang pagtubos na gagawin niya para sa kanila. At ganoong pagpapahalaga din ang dapat makita sa puso natin sa sacrifice ni Cristo para sa atin.

Ito ang point ng Hebrews 9-10. Shadow ang Leviticus and reality yung kay Cristo. “Ang Kautusan ay anino lang ng mabubuting bagay na darating. Kailanman, hindi ito makakapagtuwid sa mga taong lumalapit sa Dios sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay nila taun-taon” (Hebrews 10:1). Hindi na tayo maghahandog para sa ating mga kasalanan kasi ginawa na iyon ni Jesus para sa atin.

Sacrifice in Leviticus

Jesus – Our Perfect Sacrifice

Larawan lang ng bagay na darating

Katuparan ng isinalawaran

Dapat walang kapintasan

Walang kasalanan

Dugo ay simbolo ng buhay

Kamatayan ni Jesus ang nagbibigay-buhay

Kapalit ng may kasalanan (pantubos), sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay

Kapalit ng may kasalanan, sa pamamagitan ng pananampalataya

Paulit-ulit ang paghahandog

Minsanan lang ang paghahandog

Hindi makapag-aalis ng kasalanan

Tunay na nag-aalis ng kasalanan

Hindi na rin natin kailangan ng pari ngayon, kasi si Jesus na ang tumatayong Pari natin. Dati maraming mga pari, at nagpapapalit-palit ang High Priest, pero ngayon iisa na lang at wala nang ibang pwedeng pumalit sa kanya.

High Priest in Leviticus

Jesus – Our Great High Priest

Tao

Tunay na tao

Pumapasok sa Tolda – presensiya ng Dios

Siya mismo ay Dios

May kasalanan

Walang kasalanan

Naghahandog para sa sariling kasalanan

Inihandog ang sarili para sa kasalanan ng iba

Minsan sa isang taon makakapasok sa Pinakabanal na Lugar sa Tolda

Nakaupo sa trono ng Dios, namamagitan sa atin sa harap ng Dios araw-araw

Siya lang ang puwedeng pumasok sa Pinakabanal na lugar

Lahat ay makakalapit na sa presensiya ng Dios sa pamamagitan ni Jesus

Now, tell me if you don’t love this part of Leviticus! Napakagandang larawan ng ginawa ni Cristo. Parang picture ng crush mo o ng asawa mo, kahit picture lang, naiinlove ka kasi alam mo o kilala mo kung sino ang nasa picture na iyo. Itinuturo sa atin dito na tumingin kay Cristo, “Look to Jesus! He is the author of our salvation!” Tinubos na tayo. Ligtas na tayo. Ibig sabihin ba noon, OK lang na magkasala tayo nang magkasala? Tingnan pa natin ang Leviticus…

God Commands Israel to Be Holy

Story of Leviticus 11-15, 17-27. Pagkatapos ng mga utos ng Dios tungkol sa paghahandog, inutusan pa ng Dios sina Moises at Aaron na sabihin sa Israel kung anu-anong hayop ang malinis na puwedeng kainin at kung anu-ano naman ang marumi na hindi puwedeng kainin. Sinabi ng Dios, “Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng alinman sa mga ito, dahil ako, si Yahweh, ang inyong Dios. Ibukod ninyo ang inyong sarili para sa akin at kayo’y magpakabanal dahil ako’y banal. Ako si Yahweh na naglabas sa inyo mula sa Egipto para ako’y maging Dios ninyo. Kaya dapat kayong mamuhay nang banal dahil ako’y banal.”

Pagkatapos nito, nagbigay pa ang Dios ng maraming tuntunin tungkol sa babaing nanganak, tungkol sa sakit sa balat, tungkol sa mantsa sa damit, tungkol sa paglilinis ng taong kagagaling lang ng sakit sa balat, tungkol sa amag na kumakalat sa bahay, at iba pang tulad nito para mapanatiling malinis ang mga taga-Israel. Sabi ng Dios, “Sa pamamagitan ng mga tuntuning ito, malalaman ninyo kung alin ang malinis at alin ang marumi.” Binigyan niya rin ng babala ang mga taga-Israel tungkol dito para hindi sila mamatay kapag lumapit sila sa Tolda ng presensiya ng Dios.

Dagdag pa ng Dios, “Ako si Yahweh na inyong Dios. Hindi n’yo dapat tularan ang mga taga-Egipto kung saan kayo nanggaling, at ang mga taga-Canaan kung saan kayo titira. Dapat n’yong sundin ang mga utos at tuntuning ibinigay ko sa inyo para magkaroon kayo ng mabuting buhay. Huwag kayong sisiping sa kapwa lalaki o kapwa babae, o sa kamag-anak o sa hindi n’yo asawa. Huwag n’yong tularan ang kahalayan ng mga taong nauna sa inyo. Huwag n’yong dumihan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahihiyan sa pangalan ko. Sinumang gagawa nito ay huwag na ninyong ituring na kababayan n’yo.

“Magpakabanal kayo dahil ako, si Yahweh na inyong Dios ay banal. Huwag n’yong sisimutin ang aanihin n’yo nasa gilid ng inyong bukirin, para may matira para sa mga mahihirap at mga dayuhan. Huwag n’yong lalamangan ang kapwa n’yo. Huwag n’yong ipagpaliban ang sahod ng mga manggagawa n’yo. Huwag kayong magtsitsismisan o gagawa ng anumang makakasira sa inyong kapwa. Huwag kayong gaganti o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi ibigin n’yo siya gaya ng inyong sarili. Huwag n’yong palalahian ang isang hayop sa ibang uri ng hayop. Huwag kayong magtatanim ng dalawang klase ng binhi sa iisang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang klaseng tela.”

“Ipakita n’yong kayo’y may takot sa akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ko. Magpakabanal kayo dahil ako ang humirang sa inyo mula sa ibang mga bansa para maging akin kayo. Igalang n’yo ang banal kong pangalan, at ako’y kilalanin n’yong banal. Linggo-linggo, tuwing ika-pitong araw, huwag kayong magtrabaho sa araw na iyon, magtipon kayo para sumamba dahil ito ang araw para ako’y inyong purihin. Ganito rin ang gawin n’yo sa mga pistang ituturo ko sa inyo kung paano ipagdiwang. Ilaan n’yo ang mga espesyal na araw na ito para sa akin.

“Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan. Ako’y magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Dios ninyo, at patuloy kayong magiging mga hinirang ko. Pinalaya ko na kayo, kaya patuloy kayong mamuhay nang may kabanalan.” Ito ang mga utos na ibinigay ng Dios kay Moises doon sa bundok ng Sinai para sa mga Israelita.

Walking with a Holy God

Paano mamuhay ang isang taong pinalaya na ng Dios? May kabanalan! Ang isang taong nagsasabing pinalaya at iniligtas na siya ng Dios ngunit namumuhay naman sa patuloy na kasalanan ay hindi talaga malaya, dahil nananatili siyang alipin ng kasalanan. If we really want to walk with God and enjoy his fellowship, we must pursue holiness seriously. “Pursue…holiness without which no one will see the Lord” (Hebrews 12:14). Bakit tayo dapat mamuhay nang may kabanalan? The reason is God – who he is, what he has done, and what his purposes are.

We pursue holiness because of who God is. Paulit-ulit sa Leviticus na pagkatapos ng ilang mga utos, sasabihin ng Dios, “Ako si Yahweh!” Hindi nga nila kailangan ng mga explanations para sa mga utos. Kung nakikita nilang God is worthy of obedience, susunod sila. Pero kung sa tingin nilang walang kuwenta ang Dios, babalewalain nila iyon.

We pursue holiness because of what God has done. Sinasabi din niya madalas, “Ako si Yahweh, na naglabas sa inyo sa Egipto.” Hindi naman tayo perpektong makakasunod kasi makasalanan tayo, pero ginawa ni Cristo para sa atin. So every time we obey and do good works, we remember that we are accepted by God not because of what we have done or are doing or will be doing, but only by the finished work of Christ on the cross.

We pursue holiness because of his purposes. Ano yun? Gusto niya simula pa sa paglikha sa tao hanggang ngayon ay maging reflection tayo ng image niya. Na makita sa buhay natin kung sino ang Dios. “Be holy for I am holy” (Leviticus 11:44; 19:2; 20:7, 26; 21:8; cited in 1 Peter 1:16). Ang basic meaning ng holiness ay hindi lang moral purity kundi pagiging “set apart, different, unique.” Ang Dios lang talaga ang “set apart” from all, naiiba, bukod-tangi. Pero gusto niyang makibahagi tayo sa kabanalang meron siya. At sa lahat ng bahagi ng buhay – kaya nga may mga utos tungkol sa pagdadamit, sa paglalaba, sa pagluluto, sa pagkain, sa pagsasaka at pag-ani, sa kung anu-ano pa. Sa lahat ng bahagi ng buhay natin – hindi lang kapag Linggo, hindi lang sa church – makitang tulad tayo ng Dios na banal.

Ibininukod tayo mula saan? We are set apart from sin and sinful influences. “God has not called us for impurity, but in holiness” (1 Thessalonians 4:7). Di sila dapat tumulad sa mga Egypt at Canaan. At isang malaking issue sa mga bansang ito ay may kinalaman sa sex. Dapat maging banal sila sa area na ito, dapat sa asawa lang. Wala nang iba. Ngayon din, uso na ang pre-marital sex, ang extra-marital sex. Pero makikiuso ba tayo, tayong mga tinawag ng Dios na magpakabanal?

Para maging malinaw ‘to, nagpakita pa ang Dios ng mga larawan o simbolo sa kanila. Kaya nga may utos tungkol sa hindi kakainin ang mga hayop na marumi (hindi naman ibig sabihing masama talaga iyon), na iwasan ang mga bagay na marumi (hindi naman ibig sabihing nagiging masama ang babae kapag may buwanang dalaw). Pinapakita nito na kapag sinabi ng Dios na marumi ang isang bagay at dapat iwasan, basta sinabi niya, iyon dapat ang iwasan natin. At kung dapat umiwas sa anumang masamang impluwensiya dapat ding gawin. Kaya nga bawal magtanim ng dalawang binhi sa isang bukirin, o magsuot ng damit na dalawang klaseng tela. Para ipaalala sa kanila na pagdating nila sa Canaan, di sila dapat makiayon sa kanila at sa kanilang kasalanan. Anumang bagay na maaaring maging masamang impluwensiya sa atin – na makapaglalayo sa atin sa Dios – dapat iwasan. Tulad ng TV, Internet, boyfriend o girlfriend, masamang barkada.

Ibinukod din tayo para saan? We are set apart for God and his ways. Kaya nga mahalaga sa Dios ang isang araw sa isang linggo na nakalaan for rest, celebration and worship. At bukod doon ay ilan pang mga fiesta na dapat ipagdiwang – fiesta para sa Dios (hindi para sa mga tao). Para ipakita lahat ng araw ay para sa Dios. Maghahandog sila ng ikasampung bahagi ng ani, para ipakitang lahat para sa Dios. Maghahandog sila ng panganay na lalaki nila, para ipakitang ang mga anak at buong pamilya ay para sa Dios. Ang mga utos ay para lalo tayong mapalapit sa Dios na tumawag sa atin. At nag-uumapaw din ito sa magandang relasyon sa kapwa, sa asawa, sa anak, sa kapitbahay, sa mga di kilala, sa mga kaaway, at sa mga mahihirap.

We must pursue holiness in all areas of life – for God! Kung ano ang mensahe ni Moises sa mga Israelita sa Leviticus, yun pa rin sa atin ngayon na mga tinubos hindi ng dugo ng toro o ng kambing, kundi ng dugo ni Cristo. “Bilang masunuring mga anak ng Dios, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios. Banal ang Dios na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa n’yo. Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan (Leviticus!), “Magpakabanal kayo dahil banal ako” (1 Peter 1:14-15).

Oo nga’t tayo’y pinabanal na dahil kay Cristo, pero araw-araw ginagawa nating goal ay “to pursue holiness.” Are you progressing in holiness or sliding or stagnant? Nagiging goal ba natin sa bawat araw, “Paano kaya ako magiging tulad ng Dios na banal sa araw na ito – sa pamilya, sa trabaho, sa ministry”? Anong bahagi ng buhay mo ngayon ang hindi nagpapakita ng kabanalan? Ilapit natin ito sa Dios, ihingi ng tawad, at hilinging linisin tayo sa lahat ng ating karumihan.

3 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.