A Longing for Relationship
We all long for relationships. Ayaw natin nang nag-iisa, gusto natin may kasama sa buhay. Kaya nga ngayong Valentines kinikilig ang iba kapag may ka-date. Ang iba naman malungkot kasi wala. Kahit mga taong sinasabi nilang, “I want to be alone,” nasabi nila yun kasi nasubukan nilang mag-fail ang relationship nila. Pero andun pa rin yung longing for relationship. Kahit ang isang babae na iniwan ng asawa at sumama sa iba, hindi matiis ang asawa niya kapag darating sa bahay. Kasi we long for relationship. Ang mga binata’t dalaga naghahanap ng boyfriend o girlfriend kasi nga we long for relationship. May ilan sa inyo malungkot kasi lumaki na walang tatay o nanay, o kasama nga sa bahay pero parang wala rin naman dahil hindi napag-uukulan ng atensiyon. Kasi we long for relationship.
Ang Dios din naman ang naglagay nito sa puso natin. At ito rin ang purpose bakit niya nilikha si Adan at Eba. God created us for a relationship. Nakita niyang di mabuti kay Adan ang mag-isa kaya gumawa siya ng isang Eba. At higit sa lahat, nais ng Dios ay ang magandang relasyon sa kanya. God created us for himself. Doon sa Garden of Eden, pinatira ng Dios sina Adan at Eba, at doon ay kasama nila ang Dios na naglalakad at nakikipagkuwentuhan sa kanila. Maayos na relasyon sa kanya at sa isa’t isa ang nakita natin dito. Pero di nagtagal nasira ito. Bakit? Dahil sa kasalanan, sumuway ang tao sa Dios. Pumasok ang kasalanan at nahiwalay ang tao sa Dios. Di rin naging maganda ang epekto nito sa relasyon ng mag-asawa. Pinalayas ng Dios ang dalawa sa hardin at binantayan ng kerubim ang hardin para di nila maabot ang Puno na Nagbibigay-Buhay. Pero nagplano ang Dios na ibalik ang tao sa magandang relasyon sa kanya. Sinabi niya kay Abraham, “Pagpapalain kita at ang lahi mo, at sa pamamagitan mo ay pagpapalain ang lahat ng bansa.” Parang sinasabi ng Dios, “Ibabalik ko kayo sa isang magandang relasyon sa akin. Ibabalik ko kayo sa Hardin ng Eden kung saan mararanasan ninyong kasama ako at nasa presensiya ko.”
Yun ang dahilan kung bakit pagkatapos na maalipin ang mga Israelita sa Egipto nang mahigit 400 taon, iniligtas sila ng Dios. Sabi niya kay Moises, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Egipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito” (Exodus 3:12). Ito ang paulit-ulit na mensahe ng Dios sa Faraon sa bawat salot na pinadala niya sa kanila, “Paalisin mo ang mamamayan ko para makasamba sila sa akin” (Exodus 7:16; 8:1, 20; 9:1, 13; 10:3). We are created and redeemed to worship God. God saved us for himself. The goal of salvation is worship. The gift of salvation is God himself.
Tingnan natin ngayon kung nakita ito ng mga Israelita at kung paano sila tumugon sa layunin ng Dios kung bakit sila iniligtas. At habang pinapakinggan natin ang kuwento, ilagay din natin sa isip natin, “Ano nga ba ang layunin bakit tayo iniligtas ng Dios?”
God Gives Food
Story of Exodus 15-16. Pagkatapos ng mahigit 400 taong pagkaalipin sa Egipto, malaya na ang mga Israelita at nagsimulang maglakbay tungo sa lupang ipinangako ng Dios sa kanila. Pagkaraan ng ilang linggo, nagreklamo ang lahat ng Israelita kay Moises, “Mabuti pa sa Egipto, doon nakakakain kami ng karne at ng mga gusto naming makain. Dinala mo ba kami dito para patayin sa gutom?”
Sinabi ng Dios kay Moises, “Magpapaulan ako ng pagkain mula sa langit para sa inyo. Sabihin mong bawat araw ay kumuha sila ng kailangan nila sa araw na iyon at ‘wag magtitira para bukas. Sa ika-anim na araw naman ay doblehin n’yo ang kukunin para mamamahinga na lang kayo sa ikapitong araw. Bubusugin ko kayo ng tinapay sa umaga at karne naman sa gabi. At malalaman n’yong ako si Yahweh na inyong Dios.”
Sinabi nga ni Moises sa mga Israelita ang pinapasabi ng Dios. At dumating nga ang mga pugo sa kanilang kampo, at may nakita silang tinapay na tinawag nilang “manna.” Sinabi ni Moises sa kanila na ‘wag silang magtitira para bukas. Pero ang iba’y matigas ang ulo at nagtabi para bukas. Pero inuod ito at bumaho. Sinabi din n’yang mamahinga sila sa ikapitong araw, pero ang iba ay lumabas pa ng bahay para manguha ng pagkain, pero wala rin silang nakita. Pinakain sila ng Dios habang sila ay naglalakbay sa disyerto. Pinupulot lang nila ang pagkain, at ang kumuha ng marami ay hindi sumobra, at ang kumuha ng kaunti ay di naman nagkulang.
Nang muli silang magkampo sa isang lugar, nagreklamo na naman sila kay Moises, “Bigyan mo kami ng tubig! Bakit mo pa kami inilabas ng Egipto kung papatayin mo lang kami sa uhaw?” Kaya’t sinabi ng Dios kay Moises, “Kunin mo ang baston mo. Pagdating n’yo sa may Sinai, paluin mo ang bato, at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao.” Ganoon nga ang ginawa ni Moises.
Sa simula pa lang ng kanilang paglalakbay, nasubok ang mga Israelita na parang sinasabi, “Sinasamahan ba tayo ng Dios o hindi?”
We have a Faith Problem
Anong problema dito? Nasa disyerto sila siyempre mahirap makakuha ng tubig at pagkain. Kaya nagreklamo sila kay Moises. At sa pagrereklamo nila kay Moises, na lingkod ng Dios, sa Dios naman talaga sila nagrereklamo. Di naman si Moises ang nagdala sa kanila doon, kundi ang Dios. Nauuhaw, nagugutom. Mabuti pa daw sa Egipto, sana doon na lang sila, para laging may pagkain, laging may maiinom. Sana daw di na lang sila iniligtas ng Dios. Sana daw hindi na lang nila nakilala ang Dios.
Ang problema dito? Pagkain ba? Inumin ba? Hindi naman, minor issues lang iyon. Bakit? Binigyan sila ng Dios ng pagkain. Tapos sabi sa kanila, wag silang kukuha ng sobra para sa isang araw. Pero ang iba, kumuha pa rin. Walang labis, walang kulang ang bigay ng Dios. He gives our daily bread at gusto niya araw-araw nagtitiwala sa kanya. Kaya nga ang prayer natin ay, “Give us this day our daily bread” (Matthew 6:11). Pero di naniwala ang iba. Sabi din ng Dios na kapag ika-anim na araw doble ang kuhaning pagkain, tapos wag nang mamulot sa ikapitong araw para makapahinga. Pero ang iba, lumabas pa rin at sinubukang mamulot. Noong nauhaw naman sila, nagreklamo na naman sila. Binigyan sila ng Dios ng tubig pero ang ginawa nila ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa kanya. “Tinawag ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi” (Exodus 17:7). Nagrereklamo sila sa tubig, di ba nila nakita kung ano ang ginawa ng Dios sa tubig sa dagat nang hatiin niya ito at makatawid sila nang ligtas? Obviously, this is not just a food problem, this is a faith problem. They really want food more than they want God.
Ito rin ang problema nina Adan at Eba, sa dinami-dami ng binibigay ng Dios sa kanila. “Sa inyo lahat ‘to, pati ako ay sa inyo,” sabi ng Dios sa kanila. Ginusto pa rin nila ang isang prutas na pinagbabawal ng Dios. Ang mga sumusunod kay Jesus noong panahon niya, sumusunod lang kasi may makukuhang pagkain sa kanya. Pero ang sabi niya, hindi pagkain ang kailangan n’yo, ako ang kailangan n’yo. Si Jesus ang totoong “manna” – siya ang “tinapay mula sa langit…tinapay na ibinibigay ng Dios…na bumaba sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao sa mundo…Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman” (John 6:31-35).
Alam n’yong umuulan din ng tinapay sa bahay namin kasi lumaki kami sa isang bakery. Pero dumating ang araw na nalugi ang negosyo nila daddy kaya sabi ng lolo ko, “Ayan kasi, nagpalit kayo ng relihiyon.” Parang mga Israelita, siguro sabi ng iba, “Ayan na nga ba sinasabi ko…” Pero hindi tinapay o negosyo ang isyu dito kundi ang Panginoong Jesus at relasyon sa kanya. Sa pagkain lang at materyal na bagay ang dali nating nasusubok. Pinapaalala sa atin na, “Man does not live by bread alone but by every word that comes from the mouth of God.” Every promise, every warning, every story, every truth, and every command. Ipinakita ito ng Dios sa mga Israelita sa susunod na bahagi ng kuwento, at gusto rin niyang makita natin.
God Gives His Law
Story of Exodus 19-24. Pagdating ng mga Israelita sa Sinai, nagkampo sila sa paanan ng bundok. Tinawag ng Dios si Moises na umakyat sa bundok at makipagkita sa kanya. Sabi ng Dios, “Ganito ang sabihin mo sa mga Israelita: Nakita n’yo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Egipcio, at kung paano ko kayo dinala rito sa akin, tulad ng pagdadala ng agila sa mga inakay niya sa pamamagitan ng kanyang pakpak. Kung susunod kayo sa kasunduang ibinigay ko, magiging para kayong isang kayamanang pagmamay-ari ko, isang kaharian ng mga paring maglilingkod sa akin, at isang banal na bansa.” Sinabi ito ni Moises sa mga tao at sabay-sabay na sinabi nila, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng Dios.”
Nakita ng mga taong bumaba ang Dios sa bundok, kumulog at kumidlat, at may makapal na ulap na tumakip sa bundok. Nanginig sa takot ang mga tao. Narinig nilang nagsalita ang Dios:
“Ako si Yahweh na inyong Dios, ang naglabas sa inyo sa pagkaalipin sa Egipto. Huwag kayong sasamba sa ibang dios maliban sa akin.
“Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa o sa tubig. Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin. Ayaw ko nang may karibal sa pagsamba sa akin. Kung gagawin n’yo iyon, parurusahan ko kayo pati na ang mga anak n’yo hanggang sa ika-apat na henerasyon ng mga sumusuway sa akin. Pero sa lubos na susunod sa akin, ipapakita ko ang pagmamahal ko sa napakaraming henerasyon.
“Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan, para di ko kayo parusahan.
“Gawin n’yong Araw ng Pamamahinga ang ika-pitong araw at ilaan para sa pagsamba sa akin. Anim na araw lang kayong magtrabaho, dahil ginawa ko ang langit at lupa sa loob ng anim na araw at nagpahinga ako sa ikapitong araw.
“Igalang ninyo ang inyong tatay at nanay para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibibigay ko sa inyo. Sinumang manakit at sumumpa sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.
“Huwag kayong papatay. Huwag kayong sisiping sa asawa ng iba. Huwag kayong magnanakaw. Huwag kayong magbabalita ng kasinungalingan. Huwag ninyong pagnanasahan ang asawa ng iba o alinmang pag-aari ng inyong kapwa.”
Bukod sa mga ito, nagbigay pa ang Dios ng mga tuntuning gagabay sa kanilang pamumuhay – sa kanilang relasyon sa kanya at sa kanilang relasyon sa isa’t isa. Tulad ng, “Huwag kayong maging malupit sa mga dayuhan dahil dayuhan din kayo dati sa Egipto…Aalagaan n’yo ang mga biyuda at mga ulila…Kung magpahiram kayo ng pera, ‘wag n’yong tutubuan…Igalang n’yo ang mga namumuno sa inyo…Tulungan n’yong makakuha ng hustisya ang mga mahihirap… Huwag kayong tatawag sa ibang dios…Italaga n’yo para sa akin ang panganay n’yong lalaki…Ihandog n’yo sa akin ang pinakamagandang bahagi ng una n’yong ani…Huwag kayong magbibigay o tatanggap ng lagay…Parusahan n’yo ang nagkasala ayon sa bigat ng kanyang kasalanan…Sundin n’yong lahat ang utos ko sa inyo…”
Sinulat itong lahat ni Moises sa Aklat ng Kasunduan. Nagtayo sila ng altar at naghandog sa Dios ng isang toro. Kinuha ni Moises ang dugo nito at iwinisik sa altar. Kinuha niya ang Aklat ng Kasunduan at binasa sa mga tao. Sumagot sila, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng Dios.” Kumuha ulit si Moises ng dugo at iwinisik sa mga tao at sinabi, “Ito ang dugong nagpapatibay sa kasunduang ito.” Pagkatapos, pumunta sina Moises, Aaron at 72 pinuno ng Israel sa bundok at nakipagkita sa Dios. Kumain sila at uminom doon kasama ang presensiya ng Dios.
Why We Need God’s Law
Utos, utos, puro na lang utos! Bakit ang daming bawal? Reklamo ng mga anak sa kanilang mga magulang. Ganoon din naman lahat tayo, aminin nating medyo allergic tayo sa mga utos. Kaya dapat maintindihan natin kung para saan nga ba ang mga utos ng Dios. Dapat maging malinaw sa atin na this is not about our salvation, hindi ito para maging tanggap sila ng Dios. Naligtas ang mga Israelita nang makalaya sila sa Egipto, binigay ang kautusan pagkatapos noon. Ang mga bata, bakit inuutusan ng mga magulang? Para ba sila’y maging katanggap-tanggap na anak? Hindi, kasi mga anak na sila, may relasyon na sila sa magulang nila. Ang pagbibigay ng utos ng Dios sa mga Israelita ay katibayan na sila’y sa Dios na at ang Dios ay sa kanila na. Inuutusan ka ng tatay mo kasi anak ka. Hindi niya inuutusan ang anak ng kapitbahay mo! Bakit binigay ang utos? Ano ang layunin ng Dios kapag susunod sila?
You yourselves have seen what I did to the Egyptians, and how I bore you on eagles’ wings and brought you to myself. Now therefore (Bago utos, madalas sinasabi muna ang pagliligtas na ginawa ng Dios), if you will indeed obey my voice and keep my covenant, you shall be (1) my treasured possession among all peoples, for all the earth is mine; and you shall be to me (2) a kingdom of priests and (3) a holy nation (Exodus 19:4-6).
Hawig din ito sa sinabi ni Pedro tungkol sa church (1 Peter 2:9-10). Kaya ang function ng mga utos ng Dios ay may similarity sa atin din ngayon. Anu-ano ito? A holy nation. Basic idea ng holiness ay hindi lang moral purity, kasama iyon, pero tumutukoy ito sa pagiging bukod, kakaiba, naaangat sa ibang mga bansa. Ang mga utos ni Yahweh at pagsunod dito ang magiging pagkakaiba nila sa ibang bansa. Makikita natin ito lalo na next week sa Leviticus.
A kingdom of priests. Ang “pari” dito ay tumutukoy sa buong bansa na gustong gamitin ng Dios para mamagitan sa kanya at sa ibang bansa – a channel of blessing, tulad ng promise kay Abraham. Next week din pag-usapan pa natin ‘to. Pero ngayon pansinin n’yo yung “kingdom.” Isa silang kaharian, na ang hari ay hindi si Moises kundi ang Dios. Ang mga utos ng Dios ay simbolo ng kanyang authority, non-negotiable authority. Sino ba dapat masunod sa buhay natin? Hindi ba’t ang Hari at Panginoon. “Ako ang masusunod dito, hindi kayo.” Ganito rin ang gusto ng Dios sa bahay, na ang mga magulang ay may sense of authority tulad ng Dios. “Honor your parents,” utos ng Dios. May pangakong blessing. May kasama ding parusa – kamatayan! Bakit? Kung di mo iginagalang ang authority ng parents mo, binabastos mo rin ang Dios. Kapag nag-utos ang mga magulang (tulad ng Dios) di kailangan ng paliwanag, di rin kailangang bilangan pa (1, 2, 3, 3 ½…).
My treasured possession. Kayamanang pag-aari ng Dios! Kung paano tayong pinahahalagahan ng Dios kahit di tayo deserving, mas lalo namang dapat natin siyang pahalagahan nang higit sa lahat. He is worthy of worship! We desire God more than anything else. Ito yung essense ng 10 Commandments. No. 1 – You shall have no other gods before me. Wala nang iba, siya lang. No. 10 – You shall not covet (pagnanasahan) your neighbor’s wife or property. Issues of the heart ito. Sino bang mas gusto mo? Ang Dios o ibang bagay? These are not just external obedience but whole-hearted commitment to God. Every commandment is a choice to desire God more than anything else. Kung gumagawa ka ng imahen, mas gusto mong sumamba sa Dios na nakikita kaysa sa Dios na espiritu. Kung sa ika-7 araw ay nagtatrabaho ka pa rin sa halip na sumamba sa Dios, ano ang mas gusto mo ngayon? Kung nagsisinungaling ka, mas gusto mong ingatan ang reputasyon mo kaysa maparangalan ang Dios sa kung ano ang totoo. Kung nang-aagaw ka ng asawa ng mas asawa o boyfriend ng may boyfriend, mas gusto mong magkaroon ng relasyon sa ibang tao, kaysa sa Dios.
God’s commands are not for limiting our freedom, but for enjoying our freedom from slavery of sin. It is for fellowship with God. When you say yes to his commands, you say yes to fellowship with him. Kung di tayo sumusunod sa utos niya, parang sinasabi natin, “Ayoko sa iyo.”
God Gives Himself
Story of Exodus 25-40. Sinabi pa ng Dios kay Moises, “Ipagawa mo ako ng isang Toldang Sambahan para sa akin kung saan titira akong kasama ninyo. Ipagawa mo ito at ang mga kagamitan nito ayon sa eksaktong tuntunin na sasabihin ko sa iyo. Magpagawa ka ng Kahon ng Kasunduan ayon sa sukat at detalyeng ipapakita ko sa iyo. Ganoon din sa Mesa na Pinaglalagyan ng Tinapay, sa Lalagyan ng Ilaw, sa Altar na Pagsusunugan ng Handog, sa Altar na Pagsusunugan ng Insenso, sa Plangganang Hugasan, at sa Bakuran ng Toldang Sambahan. Magpagawa ka rin ng maganda at marangal na damit para sa mga pari na may nakasulat na, ‘Ibinukod para kay Yahweh.’ Italaga mo ang mga pari para makapaglingkod sila sa akin. Maninirahan akong kasama ninyo at ako’y magiging Dios ninyo. Malalaman n’yong inilabas ko kayo sa Egipto para manirahan akong kasama ninyo.” Pagkatapos, ibinigay ng Dios ang dalawang malalapad na bato na sinulatan ng kanyang mga utos, na isinulat mismo ng Dios.
Nang mainip ang mga tao sa tagal ni Moises na bumaba ng bundok, gumawa sila ng dios-diosan, na pinangunahan ng kanyang kapatid na si Aaron. Inipon nila ang kanilang mga gintong alahas, tinunaw at ginawang hugis baka. Sinabi ng mga Israelita, “Ito ang dios natin na naglabas sa atin sa Egipto!” Nang makita ni Aaron na nasiyahan ang mga tao, sinabi niya, “Bukas magdiriwang tayo ng isang pista para kay Yahweh.” Ganoon nga ang ginawa nila kinabukasan, nag-alay ng handog, kumain, uminom at nagsaya sa pagsamba sa dios-diosan.
Matinding galit ang naramdaman ng Dios sa nangyari kaya sabi niya kay Moises, “Napakatigas ng ulo ng mga taong ito! Hayaan mong patayin ko silang lahat at ikaw na lang ang gagawin kong isang dakilang bansa!” Nakiusap si Moises, “Panginoon, ‘wag po. Hindi ba’t sila ang inyong bayang inilabas ng Egipto dahil nangako kayo kina Abraham, Isaac at Jacob? Patawarin n’yo po sila.” Nakinig ang Dios sa pakiusap ni Moises at hindi niya pinatay ang lahat ng Israelita.
Sabi ng Dios, “Pangunahan mo ang mga taong ito papunta sa lupang ipinangako ko, at sasamahan kayo ng anghel ko. Pero tandaan mong darating ang panahong paparusahan ko sila sa mga kasalanan nila. Sabihin mo rin sa kanilang hindi ko na sila sasamahan dahil matigas ang ulo nila at baka mapatay ko pa sila.”
Nakiusap ulit si Moises sa Dios, na parang magkaibigan na nagkukuwentuhan at magkaharap, at sinabi, “Kung hindi n’yo kami sasamahan, hindi na lang kami aalis dito. Paano malalaman ng iba na kami ang bayan n’yong kinalulugdan kung di n’yo kami sasamahan? Turuan n’yo po ako kung ano ang gusto n’yo. Magpakilala kayo sa akin, at ipakita n’yong sasamahan n’yo kami.”
Sumagot ang Dios, “Gagawin ko ang ipinapakiusap mo. Ipapakita ko sa iyo ang kabutihan ko. Ako si Yahweh. Kaaawaan ko ang gusto kong kaawaan at kahahabagan ang gusto kong kahabagan. Ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa maraming tao, at pinapatawad ang mga kasalanan nila. Pero pinaparusahan ko ang mga nagpapatuloy sa kasalanan, pati na ang kanilang salinlahi hanggang sa ikaapat na henerasyon.”
Pagkatapos silang patawarin at pagsabihan ulit ng Dios, naghandog na ang mga tao ng mga kagamitang kailangan sa paggawa ng Toldang Sambahan. Sobra-sobra ang inihandog nila, at nagtulung-tulong para magawa ito. Ginawa nilang lahat ang iniutos ng Dios kay Moises tungkol sa paggawa ng Toldang Sambahan. Nang makita ni Moises na ito’y gawa na, binasbasan niya ang mga tao. Pagkatapos na maitayo ito, binalot ang lugar na ito ng presensiya ng Dios sa anyo ng isang ulap. Sa buong paglalakbay ng mga Israelita, sinamahan sila ng presensiya ng Dios.
God Dwells with His People
The whole point of the tabernacle (and all of Exodus) is God’s desire to dwell with his people. “Let them make me a sanctuary, that I may dwell in their midst” (Exodus 25:8). Nang nagawa na, ito ang nangyari, “…the glory of the Lord filled the tabernacle…the glory of the Lord filled the tabernacle” (Exodus 40:34-35). Para itong “portable temple” habang naglalakbay sila para maranasan ang presensiya ng Dios. Para din itong mini – Garden of Eden. Obviously, gustung-gusto ng Dios na makasama, na parang sa isang bahay nakatira, ang mga Israelita. Pero ito rin ba ang gusto ng mga Israelita?
Makikita ito sa nangyari sa gitna – pagkatapos ibigay ang utos at bago buuin ang tabernacle. Gumawa sila ng gintong baka para sambahin at sabihin pang iyon ang Dios na naglabas sa kanila sa Egipto! Anong insulto sa Dios? Anong mensahe ang pinparating nila. “We don’t want you! We don’t treasure you! We want other gods! We want to eat, drink and play more than we want you!” Siyempre nagalit ang Dios. At gusto silang patayin lahat. Pero nanalangin si Moises para sa kanila, a mediator between God and Israelites. Mabuti pa rin ang Dios, nakinig sa prayer ni Moises. Because God desires to be with his people, even when his people don’t desire to be with him! Makikita ito sa pagkagawa ng tabernacle at kung paanong temporary lang ito, at ang final provision o fulfillment nito ay makikita kay Jesus:
- Sa Tabernacle ay may Most Holy Place, may kurtinang nakatakip dito at walang ibang puwedeng pumasok maliban sa punong pari at once a year lang. Sa pamamagitan ni Jesus makakalapit na tayo sa presensiya ng Dios. Di ba’t nahati ang tabing sa templo nang mamatay si Cristo?
- Ark of the covenant – simbolo ng presensiya ng Dios. Ito lang ang nasa Most Holy Place. Nasa loob nito ang 10 Commandments. Simbolo ito ng trono ng Dios, na walang basta-basta makakalapit, kaya may dalawang kerubim sa tuktok, tulad ng inilagay ng Dios sa Garden of Eden. Si Jesus ang Haring nasa trono, na siya ring namamagitan sa Dios at sa tao at sa Dios dahil siya lang ang nakatupad sa lahat ng mga utos ng Dios.
- Table for the Bread of Presence – may labindalawang tinapay sa ibabaw, kumakatawan sa 12 tribo ng Israel na tinawag niya para pagpalain at kumaing kasama niya. Jesus is the Bread of Life!
- Golden Lampstand – para may ilaw sa loob, madilim kasi. Dapat laging nakasindi ang ilaw. Jesus is the Light of the World.
- Bronze Altar – burnt offering, offer sacrifices; Altar of incense – aroma to the Lord. Si Jesus lang ang handog na katanggap-tanggap sa Dios para sa ating mga kasalanan.
- Priestly garments – for glory and for beauty. Jesus is our Great High Priest! He is glorious and beautiful beyond description!
Pinagawa ng Dios ang tabernacle kasi he wants to be with us! Sa tingin n’yo mas privileged ba mga Israelita noon kaysa sa atin ngayon? Hindi! Bakit? Kasi pinadala niya si Cristo kasi he wants to be with us. John 1:14, “And the Word (Son of God) became flesh and dwelt (lit. “tabernacled”) among us.” At pag-akyat ni Jesus sa langit, bumaba ang Espiritu ng Dios sa mga tagasunod ni Jesus at tayo ngayon (bawat isa sa atin) ay templo ng Espiritu (1 Cor. 3:16, “You are God’s temple and God’s Spirit dwells in you.”). God is not just with us, God is in us!
Do you want God more than anything? Or will you be content if you have a good family, money, gadgets, house, friends, even if you don’t have God? Let’s be honest before God. Tulad ba tayo ni Moises, nang sabihin ng Dios na pumunta sila sa Lupang Pangako pero di na sasama sa kanila ang Dios, sinabi niya, “If your presence will not go with me, do not bring us up from here…Please show me your glory” (Exodus 33:15, 18). Are we that desperate for the presence of God? Nandito ba tayo linggo-linggo kasi gusto natin ang music, kasama mga kaibigan o pamilya, magandang environment, o wala lang magawa, o nandito tayo kasi we want God desperately? Ask God to break down the idols of our heart. And replace it with a longing and a hunger for more of his glory, more of his presence.
2 Comments