Bago Mag-asawa
Jodi: Sana’y paliguan mo ako ng halik, dahil mas matamis pa sa katas ng ubas ang iyong pag-ibig… Isama mo ako; umalis na agad tayo. Ikaw ang aking hari…
Derick: Napakaganda ng iyong mga pisngi, na lalong pinaganda ng mga hiyas. O anong ganda rin, ng leeg mong sinuotan ng kwintas…O napakaganda mo aking giliw. Mga mata mo’y kasing pungay ng mata ng kalapati.
Jodi: (tingin sa mga tao) Kayong mga dalaga…mangako kayo sa akin…na hindi n’yo pipiliting ang pag-ibig ay umusbong hangga’t hindi pa dumarating ang tamang panahon.
Derick: Halika na irog kong maganda at sa akin ay sumama ka…Halika na irog kong maganda, sa akin ay sumama ka na.
Jodi: (tingin sa mga tao) Kayong mga dalaga…mangako kayo sa akin…na hindi n’yo pipiliting ang pag-ibig ay umusbong hangga’t hindi pa dumarating ang tamang panahon.
Derick: Napakaganda mo, O irog ko…Ang mga labi mo’y parang pulang laso, tunay ngang napakaganda…O irog ko, ang lahat sa iyo’y maganda. Tunay ngang walang maipipintas sa iyo. O aking magiging kabiyak, sumama ka sa akin…O irog ko na aking magiging kabiyak, sa isang sulyap mo lamang at sa isang bato lamang ng iyong kwintas ay nabihag mo na ang aking puso. Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasintamis…O irog ko, tulad ka ng isang hardin na may bukal at nababakuran.
Mag-asawa Na
Jodi: (tingin sa mga tao) Ang aking mahal ay makisig at mamula-mula ang kutis. Sa sampung libong lalaki ay nag-iisa lamang siya…Napakaganda niyang pagmasdan. Kay tamis ng kanyang bibig. Tunay ngang siya’y kaakit-akit. O mga babae, siya ang aking mahal, ang aking iniibig…Ako’y sa aking mahal, at ang mahal ko naman ay sa akin.
Derick: O napakaganda mo, irog ko. Huwag mo akong titigan dahil hindi ko ito matagalan. Nag-iisa lang ang aking sinisinta. Tunay na maganda at walang kapintasan…Ang samyo ng iyong hininga’y parang mansanas. Ang halik mo’y kasintamis ng pinakamasarap na katas ng ubas.
Jodi: (Tingin sa mga tao) Ako’y sa aking mahal, at ako lamang ang kanyang ninanasa. (Tingin sa asawa) Halika mahal ko, pumunta tayo sa bukid at doon magpalipas ng gabi, sa tabi ng mga bulaklak…At doon ipadarama ko sa iyo ang aking pagmamahal…(Tingin ulit sa mga tao) Kayong mga dalaga…mangako kayo sa akin…na hindi n’yo pipiliting ang pag-ibig ay umusbong hangga’t hindi pa dumarating ang tamang panahon. (Tingin ulit sa asawa) Isarado mo ang iyong puso para sa iba maliban sa akin. At ang mga bisig mo’y ako na lamang ang yakapin. Sapagkat makapangyarihan ang pag-ibig gaya ng kamatayan…Ang pag-ibig ay parang lumiliyab at lumalagablab na apoy.
A Song Celebrating Sexual Love
Ito po ang Salita ng Dios para sa atin ngayong umaga. Really? Galing iyan sa Bibliya? Oo, sa Song of Songs (Song of Solomon) iyan. Song 1:1, “The Song of Songs, which is Solomon’s.” Maaaring ibig sabihin ay isa sa 1,000 mga awit na isinulat ni Solomon (1 Kings 4:32). O kaya naman ay awit na isinulat at inihandog para kay Solomon. Magandang awit tungkol sa isang lalaki at isang babaeng nag-iibigan, at naeenjoy ang intimacy at romance sa kanilang relasyon. Sabi ng ilan si Solomon ang lalaki sa awit na ito, sabi ng iba hindi naman. Kasi siguro ang hirap tanggapin kung siya iyon kasi mamaya makikita natin na hindi lang isa ang kanyang asawa. Pero alam din naman nating si Solomon ang sumulat ng Proverbs at hindi rin naman niya sinunod ang mga advice niya pagdating sa huli ng kanyang buhay. At alam din natin ang biyaya at kapangyarihan ng Dios na kahit isang tao na makasalanan ay kayang gamitin ng Dios para matupad ang layunin niya.
Si Solomon man ang sumulat o hindi, si Solomon man ang lalaki sa awit na ito o hindi, ang mahalagang itanong natin ay ito, “Bakit nandito ito sa Bible?” Marriage is very important. Sex in marriage is also very important to God. It is a song, right? We often sing about something we celebrate. And this is not just a song, this is “the song of songs”! Sa salin sa Tagalog, “Ito ang pinakamagandang awit ni Solomon” (1:1). Tungkol ito sa mag-asawa, tungkol sa pag-iibigan nila na walang puwedeng humadlang o umagaw, tungkol ito sa kanilang passionate sexual love. Nilagay ito ng Dios sa kanyang salita dahil dito – God celebrates sexual love in marriage. Tuwang-tuwa ang Dios sa mga mag-asawang mainit na mainit ang pagsasama, nag-aapoy, nagliliyab.
God’s Design for Sex in Marriage
Baka ang iba sa inyo nagtataka, bakit sex ang topic ng sermon. Bakit meron sa Bible na sexual love song? Hindi naman ito nakakapagtaka kung alam natin ang simula ng Story of God. Nilikha ng Dios ang tao – lalaki at babae – ayon sa kanyang larawan, para maging katulad niya. Una niyang nilikha si Adan. Nang makita niyang hindi mainam sa lalaki ang nag-iisa, pinatulog niya ito, kinuha ang isang tadyang at ginawang Eba. Si Eba ay katadyang (hindi katadyakan!) ni Adan. Ganoon kalapit ang relasyon na gusto ng Dios para sa mag-asawa. Napakanta din si Adan nang magising siya at makita ang napakagandang katawan (hubo’t hubad) ni Eba na ang Dios mismo ang nagdala sa harap niya (regalo ng Dios!), “This at last is bone of my bones and flesh of my flesh; she shall be called Woman, because she was taken out of Man” (Gen. 2:23). At comment ni Moises, ang sumulat ng Genesis, “Therefore a man shall leave his father and his mother and hold fast to his wife, and they shall become one flesh. And the man and his wife were both naked and were not ashamed” (2:24-25). Ang dalawa ay nagiging isa sa pagtatalik ng mag-asawang nagmamahalan – nagiging isa ang katawan, ang damdamin, ang pagnanasa sa isa’t isa. Ang mag-asawa lamang ang maaaring magkasamanag hubo’t hubad at walang dapat ikahiya.
This talk about sex is not something we need to be ashamed of. Ang pagtatalik ng mag-asawa ay salamin ng larawan ng Dios sa paglikha sa tao. Sa pamamagitan nito nakikita kung sino ang Dios – Ama, Anak at Espiritu. Ang tatlong personang ito sa iisang Dios ang pinakamataas na antas ng relational intimacy. Sexual love in marriage mirrors God’s desire for intimate relationships. Kaya nga sabi ni Pablo, pagkatapos niyang banggitin ang Genesis 2:24 sa Ephesians 5:31, “This mystery is profound, and I am saying that it refers to Christ and the church” (5:32). Nilikha ng Dios ang pag-aasawa at ang pagtatalik na ang iniisip niya ay balang araw na maging salamin ito ng relasyon ni Cristo sa atin! That’s the mystery of sex and marriage. Sex is good, and holy, and it is God’s idea – for his glory and for our good. Sex is good. (Amen?) No, sex is very good. “God saw everything that he had made, and behold, it was very good (Gen. 1:31).
Alam ko ang iba sa inyo walang asawa, o wala nang asawa. Pero ang sermon na ito para din sa inyo. Pakinggan n’yo at basahin din ang Song of Songs at tingnan ang napakagandang disenyo ng Dios sa sex. Ibang-iba sa kultura natin ngayon. Kahit kailan mo gusto, gawin mo. Kahit saan, bahala ka. Kahit sino, ikaw ang masusunod. Pero para sa Dios, sex is good in the right place, in the right time, with the right person. At ito ay para sa mag-asawa lang, wala nang iba. Kahit single ka, to have sexual desires is not bad. Nakita rin natin iyon sa Song of Songs na kahit hindi pa sila kasal, naroon na ang pagnanasa nila sa isa’t isa. God put it there in your heart. Ang usapan na lang ay paano ka magrerespond doon? Will you wait and trust God? Or will you choose to have your own way? Tatlong beses binanggit sa Song of Songs ito: “Kayong mga dalaga…mangako kayo sa akin…na hindi n’yo pipiliting ang pag-ibig ay umusbong hangga’t hindi pa dumarating ang tamang panahon” (2:7; 3:5; 8:4). Sexual love can be enjoyed only in the context of a marriage commitment. Sex is an exclusive intimate relationship.
Sa mga mag-asawa, if sex is very good, kung ang sex life n’yo ay “zero” (imbes na “sakto”), then chances are your marriage is in a bad shape. Sabihin n’yo na marami na kayong anak kaya paminsan-minsan na lang? Ang sex hindi lang sa pagpapalaganap ng lahi, kundi para sa inyong mutual enjoyment. Hindi ba’t ganoon ang picture na nakita natin sa Song of Songs? Mutual iyon, hindi lang lalaki ang enjoy, iyong babae din. Sa bandang huli nga siya na ang nag-aaya. Ang hirap talaga pag maraming anak, masyadong busy. Kaya kailangang kayong dalawa lang. Kaya nga walang mga bata sa mga eksena sa Song of Songs. Kids can kill your intimacy. Give space sa relationship n’yo. Ipaalaga n’yo muna sa babysitters! That’s why God created babysitters, too! Siyempre maeenjoy n’yo lalo kung hindi lang sa sex kayo intimate, pero sa quality time n’yo sa isa’t isa, at lalo na sa spiritual intimacy tulad ng panalangin at pag-aaral ng salita ng Dios na magkasama kayo. Enjoy your sexual relationship. Kahit matanda na kayo, kahit tumaba ang isa. Continue mutually praising each other. Nakita rin natin iyan sa Song of Songs. Talaga namang wala nang pinakamaganda kaysa sa atin asawa. Enjoy her beauty. Be captivated by her beauty. See your spouse as perfect in your eyes. At para mas maenjoy ng mag-asawa, dapat regular. Pag-usapan n’yo kung ano ang “regular.”
Mga mag-asawa, sinasabi ko sa inyo at tinitiyak ko sa inyo na totoo ang sinasabi ni James na mapalad o masaya ang taong sumusunod at hindi lang nakikinig sa Salita ng Dios (James 1:22-25). Hindi ko na masyadong ipaliwanag itong Song of Songs. Pag-uwi n’yo sa bahay, basahin n’yong mag-asawa, tapos tanungin n’yo ang isa’t isa, “Ngayon, paano natin masusunod ang sinasabi ng Salita ng Dios?” At pagkatapos ng siyam na buwan at nadagdagan pa ang mga bata dito sa church natin, mas masaya! Sa mga ang asawa ay nasa abroad, itext n’yo o tawagan n’yo at sabihin n’yong, “Uwi ka na honey, and let’s make love!” Tingnan ko lang kung hindi sila magulantang sa text n’yo at bumili ng ticket pauwi. Sa mga walang asawa, please, will you pray for us who are married, that we will have a passionate sex life?”
Solomon’s Marriage
Masaya ang buhay kung nakaayon sa intensiyon ng Dios. Binigyan ng Dios si Solomon ng karunungan. Nagkaroon siya ng magandang relasyon sa Dios. Pero hindi nagtagal, mapait ang sinapit ng buhay niya. Bakit nagkaganoon? Ganito ang nangyari kay Solomon (hango sa 1 Kings 3:1; 11:1-14, 26):
Nakipag-isa si Solomon kay Faraon na hari ng Egipto at naging asawa niya ang anak nito….Bukod doon, marami pang dayuhang babae ang inibig ni Solomon. May mga asawa pa siyang Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonita, at Heteo – kahit na sinabihan pa siya ng Dios na huwag mag-aasawa ng mga ganyang babae dahil ilalayo lamang siya ng mga ito para sumamba sa ibang dios. May 700 asawa pa si Solomon na puro mga prinsesa, at may 300 pa siyang asawang alipin. Ang mga ito ang nagpalayo sa kanya sa Dios. Hanggang sa pagtanda ni Solomon, hindi na naging maganda ang relasyon niya sa Dios, hindi tulad ng ama niyang David. Sumamba siya kay Ashtoret, diyosa ng mga taga-Sidon, at kay Molec, ang kasuklam-suklam na dios ng mga Ammonita. Nagpagawa pa siya ng bahay-sambahan para kay Kemosh, ang kasuklam-suklam na dios ng mga Moabita, pati para sa lahat ng dios-diosan ng mga asawa niya. Ang mga ginawa ni Solomon ay kasuklam-suklam sa paningin ng Dios. Hindi siya naging tapat sa pagsunod sa Dios, di tulad ng kanyang amang si David.
Nagalit ang Dios kay Solomon dahil sa pagtalikod niya sa Dios, ang Dios ng Israel, ang Dios na nagpakita sa kanya ng dalawang beses. Kahit na binalaan na niya si Solomon na huwag sumunod sa ibang mga dios, hindi pa rin sumunod si Solomon sa kanya. Kaya sinabi ng Dios sa kanya, “Dahil hindi mo tinupad ang kasunduan at ang utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa mga tauhan mo. Pero dahil sa iyong amang si David hindi ko ito gagawin habang buhay ka pa. Gagawin ko ito sa panahon ng paghahari ng anak mo. Pero hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kanya, magtitira ako ng isang angkan dahil sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking lungsod na pinili para sa aking pangalan.
Pagkatapos nito, pinahintulutan ng Dios na may kumalaban kay Solomon na mga hari ng ibang bansa. Nagkaroon ng kaguluhan sa kanyang kaharian. Pati isa sa mga opisyal niya ay kumalaban na rin sa kanya. Nagpatuloy ang kaguluhang ito hanggang mamatay si Haring Solomon.
Distortions of God’s Design
Maganda ang disenyo ng Dios sa sex at marriage – for his glory and for our good and enjoyment. Kung ito ay hindi makapagbibigay karangalan sa Dios, hindi rin ito makakabuti sa atin. Walang anumang pagsuway sa Dios at sa plano niya ang makapagbibigay ng kasiyahan sa atin. Kung totoo ito – God celebrates sexual love in marriage, totoo rin ito – God laments sex outside of marital love. Bakit? Tingnan n’yo ang nangyari kay Solomon. Nag-asawa siya ng napakarami (ang gusto ng Dios isa lang – at hindi pa dayuhang sumasamba sa ibang dios). Anong nangyari? Ang gusto ng Dios manatiling malapit ang relasyon ni Solomon sa kanya, na siya lang ang sasambahin, na siya lang ang iibigin ng buong puso. Pero hati ang puso niya. Oo, nagpatuloy siya marahil sa pagsamba sa Dios sa templo. Pero ang puso niya nasa ibang mga babae niya at mga dios-diosan nila. Ayaw ng Dios ng ganoon. Nagalit siya. Nalungkot siya. Dahil doon, hindi rin nakabuti kay Solomon. Nagkagulo ang buhay niya, ang kaharian niya. Walang mabuting maidudulot ang pagsuway sa nais ng Dios. Ganoon din kay Adan at Eba. Dati maganda relasyon nila. Hubo’t hubad, di nahihiya, intimate. Pero sa oras na sumuway sila sa Dios, nakita nilang hubad sila, nahiya, at sinubukang takpan ang kahubaran nila (Gen. 3:7). Nalayo sila sa presensiya ng Dios (3:23-24).
Ngayon, kung ang sex ay exclusive lang sa asawa at sa konteksto ng pagmamahalan ng mag-asawang nangakong magiging tapat habang buhay, ang sexual relationships na nasa labas ng ganitong relasyon ay hindi nakalulugod sa Dios. At ginagawa ito ng maraming tao, pati ng mga Cristiano. Bakit? Tulad ni Eba, alam nang pinagbabawal ng Dios, at ibinibigay naman ng Dios ang lahat ng kailangan nating makakabuti sa atin at wala siyang ipinagkakait kahit isa. Pero sa kabila noon, nakinig siya sa kasinungalingan ng ahas at sinabing masarap iyon. Nakita nga ni Eba na mukhang masarap, kaya kinain niya. At ang mga ito rin ay nakikita nating masarap pero kasinungaling galing sa mundong ito (tulad ng media at mga kabarkada) at kay Satanas.
Premarital sex. Sinasabi ng mundo na OK lang ‘to kung in love naman kayo sa isa’t isa. Kahit pa in love kayo sa isa’t isa, this is false intimacy. Nilalagyan n’yo lang ng sugat ang pagsasama n’yo, sugat na dadalhin n’yo hanggang kayo ay mag-asawa na, sugat na mas masakit lalo na kung iba naman ang mapapangasawa n’yo. Sa maraming kabataan ngayon, nagiging casual na lang ang sex. May hinahanap silang hindi nila nakuha sa magulang nila, kaya ang iba nauuwi sa promiscuity or casual sex with multiple partners.
Adultery. This is sexual relationship with someone other than your spouse. Isa ito sa sampung utos na ipinagbabawal ng Dios. Ito ay nilabag ni Abraham (Gen. 20:3) at ni David (2 Sam. 12:14). Ang katawan natin ay para lang sa asawa natin, hindi sa iba. Hindi natin dapat pagnasahan ang asawa ng iba dahil pag-aari iyon ng iba. Sinasabi ng kultura natin na kung hindi ka na maligaya sa asawa mo, humanap ka ng iba. Kasinungalingan din iyon.
Prostitution. Ito ay pagbebenta ng aliw. Ipinagbabawal din ito ng Dios (Deut. 23:17). Sinasabi ng kultura natin na OK lang ‘to, nagbabayad ka naman, nakakatulong ka naman sa mga babae para kumita sila, saka willing naman daw sila. Kasinungalingan din iyon. It involves sex trafficking. Na marami sa mga babaeng iyon ay biktima din. Sinumang involve sa prostitution ay pinopondohan ang isang negosyong sumisira sa mga kababaihan.
Homosexuality. Sexual relationship with the same gender. Makikita natin ito sa pagnanasa ng mga lalaki sa Sodom (Gen. 19:5-8) at Gibeah (Judg. 19:22). Nasusuklam ang Dios sa lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki, at babae sa kapwa babae (Lev. 18:22). Mainit na isyu ito ngayon. Sabi ng kultura natin, dapat tanggapin sila at huwag husgahan kasi ipinanganak silang ganoon. Pero malinaw din itong hindi pagsunod sa gusto ng Dios tungkol sa sexual intimacy – babae at lalaki sa konteksto ng commitment ng isang marriage relationship.
Incest. Sex between close relatives. Sa batas ng Dios at sa batas ng tao, ipinagbabawal din ito. Sumisira kasi ito sa boundaries ng family relationships. Naalala n’yo si Judah na sinipingan ang kanyang daughter-in-law na si Tamar? At kung ito ay sapilitan naman tulad ng ginawa tulad ng ginawa ng anak ni David na si Amnon sa kanyang half-sister na Tamar din ang pangalan, rape na iyon (2 Samuel 13:11-14). Sa kasong ito incestous rape. Rape din ang ginawa ng mga taga-Gibeah sa asawa ng Levita (Judg. 19:22-30). Nakakalungkot na ginagawa ito kahit ng mga tatay sa anak na dapat sana ay pinapakita nila ang pagmamahal. At kahit sa mag-asawa, nararamdaman ng ibang babae na para silang ginagahasa kung pinipilit lang sila ng asawa nila, at lalaki lang ang nag-eenjoy. Sex is for mutual enjoyment dapat.
Ito ang mas karaniwan maging sa mga nandito sa atin sa church – masturbation, sexual fantasies, lustful thoughts, pornography. Common sa mga lalaki, pero may mga babae ring struggling dito. Sinasabi ng kultura natin, OK lang ‘to. Kaysa naman mang-rape ang isang lalaki. OK lang daw ang masturbation, kasi for health reasons. Pero wala namang gumagawa noon for health reasons! Ang katawan natin ay ilaan natin sa asawa natin, o sa mapapangasawa natin, hindi sa makasariling pagnanasa. This is like taking the easier way to satisfy ourselves without taking the hard work of commitment to a partner. Hinuhusgahan natin si Solomon na 1,000 ang babae, pero sa pornography, kayang-kaya nating madaig ang record n’ya.
A Church Family of Broken People
Lahat ng mga nabanggit ko ay nanggagaling sa desire nating magkaroon ng intimate relationship sa isang tao. Hindi natin nakuha iyon sa magulang o asawa natin, hahanapin natin sa iba. Pero hindi iyon ang intensiyon ng Dios. That’s why our heart is broken in so many ways. Hindi natin ito kailangang pagtakpan. Oo, nakikita ng mga tao OK tayo, pero sa loob-loob natin, dinadala natin ang sugat ng mga nagawa nating kasalanan o patuloy pa ring ginagawa o mga kasalanang ginawa laban sa atin. Tulungan natin ang isa’t isa. Let’s be accountable. Let’s open up. Natuwa ako kasi nangyayari iyan sa small group ng youth natin, na nagiging open na sila maging sa mga sexual at relational struggles nila. The process is painful, but it will be for our good. Let’s learn to ask hard questions. Let’s start in the home. Parents – deal with your sexual sins past and present. Teach your kids God’s good design for sex. Ask your teens the hard questions (like, “Do you masturbate?”; “Have you viewed porn?”; “Did you have sex with your boyfriend?”) and be their “sex guide” not TV or Internet. Isang pamilya tayo dito, tulung-tulong tayo. Guys, don’t take advantage of your sisters in Christ. Don’t exploit their emotional vulnerability to satisfy your sexual lusts. Girls, don’t entice guys. Be modest in dressing. Avoid short shorts and shirts revealing your body parts that make guys uncomfortable. We all struggles in some way. Tulungan tayo.
The Grace of God Covering Our Sins and Wounds
Ang iba sa inyo struggling sa inyong sexuality, ang mensaheng ito ay warning ng Dios sa inyo. Kung makinig ka at tumalikod na sa kasalanan mo at muling lumapit sa Dios, mararanasan mo kung ano ang intimacy na nais niyang maranasan mo sa isang malapit na relasyon sa kanya. Gusto niyang talikuran mo ang mga ito kasi ito ang naglalayo sa iyo sa kanya, at tulad ng nangyari kay Solomon, yayakapin mo ang ibang mga dios – pekeng dios na akala mong magpapaligaya sa iyo pero hindi pala. Ilang beses nang binalaan ng Dios si Solomon, sa loob ng maraming taon, pero di siya nakinig. Pinili niya ang gusto niya. Anong nangyari? Hindi siya naging masaya. Hindi naging masaya ang Dios sa kanya. Nagkagulo.
Naranasan ni Solomon ang parusa ng Dios sa kanya. Oo, painful ang consequences ng mga sexual sins natin o maaring naranasan ng iba sa inyo ang painful ng neglect o abuse. Pero pansinin n’yo kung ano ang ginawa ng Dios sa dulo ng kuwento. Tatanggalin ang kaharian kay Solomon, pero ititira ang isang angkan para sa kanya – ito ang angkan ni Judah, ang angkang pinanggalingan ni David. God deals with Solomon’s sin according to his gracious promise – to Abraham, to David. Gaano man kagrabe ang nagawa nating mga sexual sins, gaano man kalalim ang mga sugat na nasa puso natin ngayon, higit ang biyaya ng Dios na magtatakip sa mga kasalanan natin, magpapagaling sa mga sugat natin. Dahil sa pangako niya na nagkaroon ng katuparan sa Panginoong Jesus.
The need for sexual intimacy should point us to the deepest intimacy God wants us to experience with him. Kahit single ka, magiging masaya ka. Hindi ba’t si Cristo ang pinakamasayang tao na nabuhay sa mundo? Single siya, pero hindi siya “alone” – because of his relationship with his Father. At kaya siya namatay sa krus – dala niya pati ang mga kasalanang sekswal ng lahat ng tao. Itinakwil siya ng kanyang Ama sa krus upang mailapit tayo sa kanya. Lumapit tayo kay Cristo, magpalinis sa kanya, magpayakap sa kanya. Ang uhaw na nararamdaman natin for intimacy, siya lang ang tubig na makakapawi sa uhaw na iyon. Hindi ang atensiyon ng tatay natin, o ang kalinga ng nanay natin, o yakap at halik ng lalaking pinapangarap n’yo, o pagmamahal at respeto ng asawa natin. Hindi iyon, si Jesus lang at wala nang iba.
Lumapit tayo sa krus, balikan ang ipinaranas niyang pag-ibig sa atin at bulay-bulayin natin ang mangyayaring pinakaaabangan nating lahat:
Hallelujah! For the Lord our God the Almighty reigns. Let us rejoice and exult and give him the glory, for the marriage of the Lamb has come, and his Bride has made herself ready; it was granted her to clothe herself with fine linen, bright and pure (Revelation 19:6-8).
Then I saw a new heaven and a new earth, for the first heaven and the first earth had passed away, and the sea was no more. And I saw the holy city, new Jerusalem, coming down out of heaven from God, prepared as a bride adorned for her husband. And I heard a loud voice from the throne saying, “Behold, the dwelling place of God is with man. He will dwell with them, and they will be his people, and God himself will be with them as their God. He will wipe away every tear from their eyes, and death shall be no more, neither shall there be mourning nor crying nor pain anymore, for the former things have passed away.” And he who was seated on the throne said, “Behold, I am making all things new” (21:1-5).
The Spirit and the Bride say, “Come.” And let the one who hears say, “Come.” And let the one who is thirsty come; let the one who desires take the water of life without price (22:17).
1 Comment