Part 11 – “Deliver Us from Evil”

Series: Prayer Rocks the World

Matthew 6:9-13 (ESV)[1]

Pray then like this: “Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors. And lead us not into temptation, but deliver us from evil.”

We are at War

Ang buhay Cristiano ay isang digmaan. Hangga’t naririto tayo sa lupa na puno ng kasalanan at nananatili sa ating katawang panlupa na nakikipaglaban pa rin sa kasalanang nasa atin pa, walang tigil ang digmaan. We are at war 24 hours a day, 7 days a week. Mula sa paggising pa lang sa umaga – babangon na ba ng maaga para maglaan ng oras sa panalangin at pagbabasa ng Biblia o matutulog pa? Hanggang sa pagtulog sa gabi – matutulog ba ng maaga upang maipahinga na ang katawan o magpupuyat pa sa panonood ng TV? Mula sa bahay – uubusin ba ang oras sa TV at pupunta sa kung anu-anong walang katuturan at malalaswang site sa internet o ilalaan ang oras sa mga produktibo at maka-Diyos na gawain. Hanggang sa opisina – gagamitin ba ang ilang mga oras sa overtime para mas lumaki ang suweldo o ilalaan sa pakikipagkaibigan sa ibang tao upang mailapit sila kay Cristo.

Ang mga Cristiano ay nasa isang digmaan laban sa kasalanan at mga gawa ng kaaway. Ang pakikipaglaban natin ay “sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito – ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid” (Efeso 6:12). Laban sa kasalanan at sa kadiliman.

We must realize the struggles we have. Ito ay digmaan laban sa sarili nating kagustuhan at sa kagustuhan ng Diyos, laban sa kagustuhan ng Diyablo at kagustuhan ng Diyos. Alam nating mahina tayo. Alam nating madalas ay bumibigay tayo at nagkakasala dahil sa mga maling desisyon natin sa araw-araw. Oo nga’t pinatawad na tayo sa kasalanan at nakatitiyak na patatawarin pa batay sa panalanging, “Forgive us debts…” Ngunit hindi ibig sabihin na magpapatuloy tayo at paulit-ulit na susuway sa Diyos. Hindi! Ang isang taong nakaranas ng pagpapatawad ay hindi nanaisin na mahulog pa muli sa kasalanan. Kaya nga may karugtong ang panalanging ito na: “And lead us not into temptation…” Hindi lang kapatawaran ang kailangan natin, kundi tagumpay laban sa kapangyarihan ng kasalanan. Not just freedom from the guilt and punishment of sin but also from its power.

Waging War through Prayer

Sa labang ito, panalangin ang isa sa mga sandata natin laban sa kasalanan at sa mga gawa ng kaaway. Sa mga talatang tumutukoy sa “spiritual warfare” sinabi ni Pablo, “Ang lahat ng ito’y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos” (Ef. 6:18). We are waging war through prayer. At ang laman ng panalangin natin ay ang paghingi ng proteksiyon sa Diyos laban sa kapahamakang dulot ng kasalanan at siyang plano ng Kaaway. We are praying for God’s guaranteed protection, “And lead us not into temptation but deliver us from evil.”

Ang panalanging ito (“Deliver us from evil”) ay pakikidigma. In this war, three players are at work: (1) The enemies – the devil and our own sinful desires; (2) The soldiers – Christians; (3) Because the soldiers cannot win the battle by themselves, Someone has to fight for them – the Deliverer – the mighty God. At upang maging tagumpay sa labang ito, sa pamamagitan ng panalangin, anu-ano ang mga istratehiyang dapat nating gawin?

Strategy #1: Know Your Enemies

First, we must know our enemies. Dapat kilala natin ang mga kaaway natin. Paano ka makikipaglaban kung hindi mo alam ang kalaban? Sa tingin ko ay dalawa ang kaaway natin – ang sarili nating patuloy na nakikipaglaban sa kasalanan at ang Diyablo, na alam ang kahinaan natin, at pilit na sinisira ang pananampalataya natin at hinihikayat tayong sumuway sa Diyos.

“Lead us not into temptation.” Ang “temptation” o “tukso” ay galing sa salitang peirasmos na maaaring ang ibig sabihin din ay “test/trial” o “pagsubok.” Magkaibang-magkaiba ang dalawang ito. Ngunit ang isang bagay o pangyayari ay maaaring isang “tukso” o “pagsubok” depende sa pagtingin natin. Halimbawa ay nalugi ang negosyo mo. Sa perspektibo ng Diyos, ito ay isang paraan para mapatibay ang iyong pananampalataya at pagsunod sa kanya. Ayon kay Pedro, maganda ang disenyo ng Diyos sa “iba’t ibang pagsubok (peirasmos).” Ito ay “upang ang kadalisayan ng inyong pananampalataya na mas mahalaga kaysa gintong nasisira, bagama’t ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay mauwi sa kapurihan, kaluwalhatian at karangalan sa pagpapakita ni Jesu-Cristo” (1 Pet. 1:6-7). Ang pagsubok ay galing sa Diyos, ngunit hindi ang tukso sapagkat “hindi siya nanunukso sa sinuman” (Jas. 1:13).

Ngunit sa perspektibo ng Diyablo, ang pagkalugi sa negosyo (pagsubok mula sa Diyos) ay maaaring isang paraan na gagamitin niya upang akitin ka upang huwag nang magtiwala sa Diyos. Maaaring sabihin ng mga kamag-anak mo, “Simula nang sumama ka sa church na ‘yan pumangit na ang takbo ng negosyo mo.” Maaaring pagdudahan mo ang kabutihan ng Diyos. ‘Yan ang gustong mangyari ni Satanas. Kaya nga ang panalangin natin ay, “Deliver us from evil” (or “from the evil one”). Ang “evil” o “masama” dito ay maaaring tumukoy sa Diyablo o sa kasamaan o gawang kasalanan.

Maliwanag na sinasabi ng Biblia na si Satanas ang “manunukso” (Mat. 4:3; 1 Thes. 3:5, sa MBB ay “diyablo”). Dapat kilala natin ang kaaway natin. Dapat alam natin kung ano ang magagawa ni Satanas para linlangin tayo. Dapat alam natin kung ano ang “tactics” niya para mabantayan natin ang sarili natin. “Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila. Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos” (1 Pet. 5:8-9). Kung alam natin na isa sa tactic niya ay baluktutin ang Salita ng Diyos tulad ng ginawa niya kay Eba (Gen. 3), mahuhulog tayo sa tukso gaya ni Adan at Eba kung hindi natin aalalahanin at panghahawakan ang salita ng Diyos. Ganoon din ang ginawa niya kay Jesus (Mat. 4) ngunit hindi siya nagtagumpay dahil alam ni Jesus ang kalooban ng Ama sa kanyang Salita. Dapat kilala natin si Satanas na siyang “manunukso” at mag-ingat tayo sa mga ginagawa niya.

Ngunit hindi naman din tama na sa tuwing mahulog tayo sa tukso sasabihin nating, “Natukso kasi ako ng Kaaway.” Tandaan natin na responsibilidad din natin. Tinukso nga tayo, ngunit nagpatukso din naman tayo. Dapat kilalanin natin ang kaaway – si Satanas at ang sarili natin na pinananahanan (ngunit hindi na pinaghaharian) pa rin ng kasalanan hangga’t naririto tayo sa lupa. Wala lang sa labas ang kaaway natin, nasa loob din natin.

Huwag sabihin ng sinuman kapag siya’y tinutukso, “Ako’y tinutukso ng Diyos,” sapagkat ang Diyos ay hindi natutukso ng masasama, at hindi rin siya nanunukso sa sinuman. Ngunit ang bawat tao ay natutukso ng sarili niyang pagnanasa, kapag siya ay nahila at naakit nito; at kapag ang pagnanasang iyon ay naipaglihi, ito ay nanganganak ng kasalanan, at ang kasalanan kapag malaki na ay nagbubunga ng kamatayan (Jas. 1:13-15).

Dapat kilala natin ang ating sarili. Alam natin mahina tayo. “Watch and pray that you may not enter into temptation. The spirit indeed is willing, but the flesh is weak” (Mat. 26:41). Huwag na tayong lumapit sa tukso. Huwag mo nang sabihing “O tukso, layuan mo ako.” Gaya ni Jose nang tuksuhin siya ng asawa ni Potiphar, tayo ang lumayo sa tukso. Sa halip na punuin mo ang iyong isip ng mga basura galing sa TV o Internet, punuin mo ito ng mga malilinis na Salita ng Diyos. “I have stored up your word in my heart, that I might not sin against you” (Psa. 119:11). Ang pinag-uusapan natin dito ay hindi lang “lust” o “sexual immorality.” Malaking tukso din ang pera (1 Tim. 6). Mag-ingat tayo baka ang pera o trabaho ang maging Diyos natin. Kapag may dumating na malaking financial blessing, maaaring tuksuhin ka ng Diyablo at sabihin sa iyong, “Bigay naman ng Diyos ‘yan para maenjoy mo, sige bilhin mo lang ang gusto mo.” Dahil nahulog ka sa tukso, sinuway mo ang Diyos at hindi ka man lang nakatulong sa iba, hindi ka man lang nakapagbigay ng iyong tithes at offering.

Know your enemies. Kilalanin ang sarili mong mahina at madaling madala ng tukso. At kilalaning ang diyablo na siyang walang tigil sa panunukso. Don’t underestimate him. But don’t also overestimate him because we have Someone stronger and more powerful.

Strategy #2: Trust Your Deliverer

Second, we must trust our Deliverer. Dapat magtiwala tayo sa ating Tagapagligtas. Magtiwala at sumunod. Mayroon tayong makapangyarihang Diyos na kumikilos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. At si Jesus mismo ang nananalangin para sa atin para tumibay ang faith natin. If we have the Father, the Son, and the Holy Spirit on our side, who can be against us? Not even the Devil!

Sa Diyos tayo umaasa sa panalangin natin, “Lead us not into temptation…” Tatanungin ninyo, “Akala ko ba hindi nanunukso ang Diyos? Bakit kailangan pa nating ipanalangin na huwag tayong dalhin sa tukso? Hindi ba’t hindi naman niya tayo talaga dadalhin sa tukso?” Oo nga, ngunit ang panalanging ito ay pagpapakita ng kumpiyansa natin sa proteksiyon ng Diyos. Ito ay panalanging nagsasabi sa Diyos na, “Huwag po ninyong hayaan na ang Diyablo ay magtagumpay sa kanyang pagtukso sa akin. Huwag po ninyong hayaan na ang pangyayaring ito ay maging dahilan ng pagbagsak ko sa pananampalataya. Do not let the testing become an occasion for the devil’s temptation.” This is confidence in God that God will do what he said he will do and God will not do what he said he will not do. “…tapat ang Diyos, na hindi niya ipahihintulot na kayo’y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay naglalaan ng pag-iwas upang ito’y inyong makayang tiisin” (1 Cor. 10:13).

Dahil sa katapatan ng Diyos may kumpiyansa tayong ililigtas niya tayo sa masama, “…but deliver us from evil.” Ang salitang “iligtas” o “deliver” ay pagsamo sa Diyos na hanguin tayo o sagipin sa isang sitwasyong mapanganib sa atin. Ito ay panalanging huwag ipahintulot ng Diyos na mapahamak tayo. Tulad ng isang taong nasa gitna ng dagat dahil lumubog ang barkong sinakyan, may darating na isang patrol boat upang iligtas siya mula sa kapahamakan, sa pagkalunod. Ganoon ang pagsagip (rescue) sa atin ng Diyos mula sa kapahamakan na nais ng Diyablo sa atin. At iyon ay kung magtitiwala tayo sa kanya. Maliligtas ka ba sa gitna ng dagat kung dumating nga ‘yung rescue boat ay hindi ka naman sasakay?

Paniwalaan mo ang mga pangako niya. Tapat siya at ayaw ka niyang mapahamak. Siya mismo “ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban” (Phil. 2:13 MBB). Ang kumpiyansa natin sa Diyos ay dapat maging tulad ng kay Pablo:

Ngunit ang Panginoon ay tumindig sa tabi ko at ako’y pinalakas niya…Kaya’t ako’y iniligtas sa bibig ng leon. Ako’y ililigtas ng Panginoon sa bawat masamang gawa at ako’y kanyang iingatan para sa kanyang kaharian sa langit. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen (2 Tim. 4:17-18).

At paano ka namang hindi magtitiwala sa Diyos kung maging si Jesus na nagturo sa atin ng panalanging ito ay nananalangin din para sa atin. Hindi tayo nag-iisa, kasama natin si Jesus sa labang ito. Si Jesus na nagtagumpay na laban kay Satanas, sa kasalanan, at sa kamatayan ay nasa tabi natin. Panalangin niya sa Ama, “Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama” (John 17:15). He is praying for our faith not to fail (e.g. Peter’s in Luke 22:31-32).

Many of us fail because we trust in ourselves too much. Ganyan ang nangyari sa akin. May panahon na gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong labanan ang tukso. Kala ko, pero hindi pala. Ikaw, nakanino ang tiwala mo? Tandaan mo: The battle is about trust – trust God or trust others besides him.

Strategy #3: Help Your Fellow Soldiers

Third, we must help our fellow soldiers. Dapat tulungan natin ang kasama nating nakikidigma sa Kaaway. Ang laban sa tukso at kasalanan ay laban hindi lang ng iisang tao, ito ay laban ng buong sambahayan ng Diyos. Pansinin ninyo na ang panalangin ay hindi lang pansarili kundi ipinapakita din ang pag-aagapayan para panlabanan ang kasalanan. “Lead us not into temptation, but deliver us from evil.” Kung alam natin na mayroon tayong kasama sa labang ito, at hindi tayo nag-iisa, dalawa ang resulta nito:

(1)   It builds our confidence in facing temptation. Alam natin na hindi lang tayo ang dumaranas ng ganito. “Walang tuksong (“pagsubok,” MBB) dumating sa inyo na hindi karaniwan sa tao” (1 Cor. 10:13). Kaya naman sinabi ni Pedro na lumaban tayo dahil dito: “Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig” (1 Pet. 5:9).

Alam ko na may ibang tutulong sa akin at nananalangin para sa akin. I praise God because he has given me a prayer partner. Sinasabi niya sa akin ang mga struggles at mga temptations na kinakaharap niya. Ganoon din ako sa kanya. Kaya nagkakaroon kami ng lakas kasi alam namin na may nananalangin para sa amin, may kaagapay kami. Alam kong may nananalangin din sa inyo para sa akin. Kaya naman nararamdaman ko kapag may panahong inaatake ako ng kaaway para magkasala at suwayin ang aking Ama sa langit, napagtatagumpayan ko ito kasi may nananalangin para sa akin. Bagamat may pagkakataon na natutukso pa rin, hindi ako aayaw sa labang ito dahil alam kong may kasama akong lumalaban.

(2) It builds our concern for others. Alam ko na marami na kayong kakilala na kapatid kay Cristo na nahulog sa pagkakasala, at maaaring ang iba sa kanila ay hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin sa kasalanan. Alam natin ang kahinaan ng tao, alam natin ang ginagawa ng Diyablo, at alam natin na may Diyos na kasama natin sa labang ito – kaya naman idinadalangin din naman natin ang ibang tao kasi may concern tayo sa kanila. Ito ay panawagan na “magtulungan [tayo] sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa” (Gal. 6:2 MBB).

Alam nating malapit ang tukso sa mga youth at singles dito sa church natin. Ano ang gagawin natin? Ipagpray natin sila. Gayundin siyempre ang mga may asawa na. Madalas ang unang reaksiyon natin kapag may isang youth na nahulog sa kasalanan, tulad ng sexual immorality, laging tinitingnan natin ang pagkakamali ng nagkasala. Totoo ngang may responsibilidad siya, ngunit bilang isang iglesia, responsibilidad nating lahat ito. Sama-sama! Kaya nga minsan ay kinausap ko ang isang kapatid na nagkasala at humingi din ng tawad sa kanya sa pagkukulang sa paggabay, pananalangin, at encouragement. Have you not realized how much your prayers can do to shield our young people from the attacks of the enemy?

Nawa’y maging katulad ang relasyon natin sa bawat isa sa relasyon na mayroon si Pablo sa mga taga-Tesalonica – nagtutulungan sa paglaban sa masama. Si Pablo ay humihingi ng panalangin mula sa kanila at nagbibigay din naman ng encouragement na mula sa katapatan ng Diyos na ipagtanggol tayo laban sa gawa ng kaaway. “Idalangin din ninyong maligtas kami sa mga taong masasama at walang kinikilalang Diyos…Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama” (2 Thes. 3:2-3 MBB).

Tandaan natin: sa labang ito, hindi tayo nag-iisa. Sama-sama! Walang magagawa ang kaaway kung nagkakaisa tayong labanan ang kanyang mga gawa sa buhay natin at sa ating iglesia. Pray for me and I will pray for you. Let us encourage one another to stand against the evil one. Pray for one another. Grab a prayer partner to help you fight sin and temptation in your life.

We Get the Help, God Gets the Glory

Kung mamumuhay ka na parang walang digmaan na nangyayari, matatalo ka. We are at war – against sin and the devil who is enticing us to sin. Dapat mong ma-realize na ang panalangin ay isang napakabisang sandata upang magtagumpay tayo. “And lead us not into temptation, but deliver us from evil.” Sa panalanging ito, kaakibat ang tatlong istratehiyang dapat nating laging gagamitin upang matiyak ang tagumpay: (1) Kilalanin ang kaaway – ang kasalanan at ang diyablo;  (2) Magtiwala sa Tagapagligtas – ang tapat na Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ni Jesu-Cristong namamagitan (interceding) para sa atin; at (3) Magtulungan bilang magkakasangga sa digmaang ito – sa pamamagitan ng panalangin at pagpapalakasan.

The Lord’s Prayer teaches us total dependence on God. Makakaasa tayo sa kanya dahil siya ang ating makapangyarihan at mahabaging Ama, “Our Father in heaven.” We must depend on God’s grand purpose, “Hallowed be your name.” We must depend of God’s global (and cosmic) program, “Your kingdom come.” We must depend on God’s good pleasures, “Your will be done.” We must depend on God’s generous provisions for our daily physical needs, “Give us this day our daily bread.” We must depend on God’s gracious pardon, “Forgive us our sins.” We must depend on God’s guaranteed protection, “Deliver us from evil.” At kung patuloy tayong aasa at magtitiwala sa kanya hindi tayo mabibigo.

Bakit hindi tayo mabibigong makuha ang tulong na kailangan natin sa pamamagitan ng panalangin? Dahil sa panalangin, “we get the help and God gets the glory” (John Piper). Sa ibang manuscript o kopya ng aklat ni Mateo ang panalanging ito ay may dagdag na, “Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.” Bagamat malamang na ito ay dagdag lamang at wala sa orihinal na Lord’s Prayer ipinapakita nito ang motivation natin sa panalangin – ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung sasagot siya at makuha natin ang ating hinihiling na ayon sa kanyang kalooban, ipinapakita niyang siya ang ating nag-iisang Ama na nasa langit, na ang kanyang pangalan ay karapat-dapat bigyang karangalan, na siya ang Hari ng lahat sa sanlibutan, na ang kalooban niya ang masusunod at dapat na masunod, na siya ang tumutugon sa mga kailangan natin sa araw-araw, na siya ang mahabaging Diyos na nagpatawad ng kasalanan natin upang ‘di na tayo maparusahan pa, at siya ang nag-iingat sa atin upang hindi tayo mahulog sa pagkakasala (Jude 24-25).

Ugali naming mag-asawa na kapag babalik sa Quezon City Linggo nang gabi, habang nakasakay sa bus pag-uusapan namin ang mga nangyari. At nitong mga nakakaraang araw, namamangha kami sa nakikita naming ginagawa ng Diyos. Nakikita namin ang sagot ng Diyos sa panalangin. Nagpupuri kami sa kanya kasi nangyayari ang akala ng marami na imposibleng mangyari. Halimbawa na lang ‘yung sa mga prayer partners natin. Pagkatapos ng worship marami sa inyo ang hindi pa umuuwi at nakikipagkita sa prayer partner ninyo. Wow! Hindi ba’t sagot ‘yan sa panalangin? Hindi ba’t marami pang panalangin ang sasagutin ng Diyos? Kaya kung may makita kang gawa ng Diyos, ipagsabi mo sa iba. Pag-usapan natin. Upang sa lahat, siya lamang ang mabigyan ng kapurihan at karangalan. Maniwala tayo, prayer will rock our life, our family, our church, our society and the world. Not because of our prayers but because of the God who answers our prayers.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.