Series: Prayer Rocks the World
August 1, 2009
Matthew 6:9-13 (ESV)[1]
Pray then like this: “Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors. And lead us not into temptation, but deliver us from evil.
My Way or God’s Way?
Marami sa atin ang pamilyar sa kanta ni Frank Sinatra na “My Way.” Ilan sa lyrics ng kantang ito ay:
And now, the end is near;
And so I face the final curtain.
My friend, I’ll say it clear,
I’ll state my case, of which I’m certain.I’ve lived a life that’s full.
I’ve traveled each and ev’ry highway;
And more, much more than this,
I did it my way.I planned each charted course;
Each careful step along the byway,
But more, much more than this,
I did it my way.For what is a man, what has he got?
If not himself, then he has naught.
To say the things he truly feels;
And not the words of one who kneels.
The record shows I took the blows –
And did it my way!
I did it my way. Ito ang awit na kinakanta ng maraming tao. Ngunit higit sa sinasabi ng ating mga labi, ito ang awit na naririnig ng Diyos sa buhay ng maraming tao. Kung ano ang gusto natin ‘yun ang ginagawa natin. “All we like sheep have gone astray; we have turned – every one – to his own way” (Isa. 53:6). Kaya nga namatay si Cristo upang ibalik tayo sa landas na dapat nating lakaran – ang landas ng kalooban ng Diyos. Na sa buhay natin, ang Diyos na ang nasusunod, ang kagustuhan niya ang ginugusto din nating gawin. Ngunit kahit pa tayo’y mga tagasunod na ni Cristo, may mga pagkakataong tayo pa rin ang boss. Maging sa panalangin, may ganyan tayong problema. Kaya nga itinuro ni Cristo ang Lord’s Prayer upang matuto tayong humingi nang naaayon sa kanyang kalooban. Sapagkat “kung tayo’y humingi ng anumang bagay na ayon sa kanyang kalooban, tayo’y pinakikinggan niya” (1 John 5:14). Ang lahat ng bahagi ng ating buhay, kasama ang ating pananalangin ay dapat gawin ayon sa kanyang kalooban. Kaya naman itinuro ni Cristo na pangatlo sa prayer list natin ang, “Your will be done, on earth as it is in heaven.”
May kaugnayan ito sa mga naunang bahagi ng Lord’s Prayer. Our Father in heaven. Kinikilala nating siya ang ating makapangyarihan at mahabaging Ama. Kung siya ang Ama, tayo ang mga anak, hindi ba nararapat lang na sumunod tayo sa kagustuhan niya? Hallowed be your name. Idinadalangin nating makita sa buhay natin at sa lahat ng mga tao ang karangalan ng kanyang pangalan. Ngunit paanong makikita ang kanyang karangalan kung sa pamumuhay natin o sa paligid natin ay hindi nakikitang karapat-dapat sundin ang kanyang mga utos? Your kingdom come. Idinadalangin nating maranasan dito sa lupa ang paghahari ng Diyos, na makitang lahat ay nagpapasakop sa kanyang pamamahala. Ngunit paano ito mangyayari kung nananatiling rebelde ang mga tao sa kanyang kalooban, na kahit ang mga taong nagsasabing Cristiano sila ay hindi binibigyang-pansin ang kanyang mga tagubilin sa kanyang Salita? Therefore, it is absolutely necessary that we pray, Your will be done.
Umatras tayo sandali at tingnan nating mas mabuti ang kahulugan at kahalagahan ng panalanging ito. Tingnan natin ang sagot sa tanong na, (1) Ano ang binabanggit dito na “will of God” o “kalooban ng Diyos”?; (2) Bakit mahalagang ipanalangin nating na masunod ang kanyang kalooban?; at (3) Anong klaseng pagsunod ang hinihiling natin sa ganitong panalangin?
What is “the will of God”?
Una, ano ba ang ibig sabihin ng “kalooban ng Diyos” sa panalanging ito? Ano ang ipinapanalangin nating mangyari dito? Ngunit bago ‘yun, dapat nating maunawaan na sa Biblia, dalawang klase ang pagkakagamit sa “will of God.”
Ang una ay ang tinatawag na “God’s will of decree.” Ito ang napagpasyahang mangyari o gawin ng Diyos. Sa pasimula pa’y itinakda na ito ng Diyos, at walang sinuman o anuman ang makapagpapabago nito. Ito ang “pasya” o “plano” ng Diyos. “Ang lahat ng naninirahan sa lupa ay ibinibilang na wala; at kanyang ginagawa ang ayon sa kanyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga nananahan sa lupa. Walang makakahadlang sa kanyang kamay, o makapagsasabi sa kanya, ‘Anong ginagawa mo?’” (Dan. 4:35). Lahat ng tumatakbong pangyayari sa mundo ay naaayon sa kanyang pinagpasyahang mangyari. God is orchestrating history toward his predetermined plan. Kasama dito ang ating kaligtasan, “sa kanya ay tumanggap din tayo ng isang mana, na itinalaga nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa kanyang pasiya at kalooban” (Eph. 1:11). Ito ang “kaloobang pasya” ng Diyos.
Ngunit may mga bagay na pinasyahan ang Diyos na mangyari ngunit hindi niya kagustuhan o hindi kasiya-siya sa kanya. Ito ay ang kanyang hinayaan ang tao na lumabag sa kanyang kagustuhan, at sa gayon ay magdanas ng kamatayan, na sinabi ni Jesus mismo na hindi ayon sa kalooban ng Diyos (Matt. 18:14). Kung ang una ay ang “will of decree” o “sovereign will,” ang ikalawa naman ay ang tinatawag na “God’s will of command.” Ito ang ipinahayag na “utos” o “kagustuhan” ng Diyos na gawin natin o mangyari sa buhay natin. Kung ang “pasya” ng Diyos ay hindi maaaring baguhin ng tao, ang kanyang “utos” naman ay maaaring suwayin ng tao, at alam nating palagian naman talagang sinusuway ng marami. “Kalooban ng Diyos na kayo’y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan” (1 Thess. 4:3 MBB). Ngunit ilan ba sa atin ang gumagawa o nag-iisip ng mga mahahalay na bagay, na gaya ng maraming tao na nasa sanlibutan? “Magalak kayong lagi. Manalangin kayong walang patid. Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo” (1 Thess. 5:16-18). Alam nating kung ito ang kalooban ng Diyos sa atin, hindi ito palagiang nangyayari. Ang “kaloobang pasya” ng Diyos ay hindi mababali. Ang “kaloobang utos” ng Diyos ay nababali. Ito ang dalawang klase ng gamit sa Biblia ng “will of God.”
Dito sa panalanging ito, ano ang tinutukoy ni Cristong ipanalangin natin? Ang una (pasya) o ang pangalawa (utos)? Sa panalanging ito, hindi natin ipinapanalangin na mangyari ang mga pinasyahang mangyari ng Diyos. Nakatakda na ‘yun. Sa halip, ang ipinapanalangin natin ay ang pagsunod sa mga utos na ipinahayag ng Diyos sa kanyang mga salita at pamumuhay nang naaayon sa mga gusto niyang mangyari sa buhay ng kanyang mga anak. Ito ay panalangin para sa ating mga nasa kaharian ng Diyos na palagiang pagsunod sa kanyang kalooban. Sa gayon, panalangin ito na maluwalhati ang Diyos sa ating pagsunod sa kanyang mga utos.
Why are we praying for the will of God to be done?
Maaaring alam na ngayon natin kung bakit itinuro ni Jesus na ipanalangin natin na masunod ang kalooban ng Diyos. Ngunit sa pagkakataong ito ay mas bigyan natin ito ng linaw. Bakit mahalagang ipanalangin natin na masunod ang mga utos o kagustuhan ng Diyos sa buhay natin at sa buhay ng kanyang mga anak sa buong mundo?
1. We are natural rebels against the will of God.
Sa panalanging ito, inaamin natin na likas sa atin ang pagsuway sa kanyang kalooban. We dishonor and rebel against God when we do not obey his will. Nasisiraan ang pangalan ng Diyos at nagrerebelde tayo laban sa kanya tuwing sinusunod natin ang sarili nating kagustuhan na hindi naaayon sa kagustuhan ng Diyos. Ganun din ang tingin ko sa kawalang respeto ng ilang mga nagrerebelde sa government natin. May mga masama nga tayong makikita sa government pero hindi pa rin sapat na dahilan upang hindi tayo sumunod at magpasakop. Ang mga NPA (New People’s Army) ay nagrebelde ngunit hindi sila dating mga rebelde. Ngunit tayong mga tao, simula pa ng ipanganak tayo, likas na rebelde sa kalooban ng Diyos.
‘Wag tayong magpanggap na kalooban na ng Diyos ang naghahari sa buhay natin. Totoo ngang tayo’y sumusunod dahil sa ating pagtitiwala kay Cristo. Ngunit aminin natin na mayroong mga kalikuan sa buhay natin, mga kalikuang inaawit pa rin natin na “I did it my way” sa halip na “I did it God’s way.”
Ito’y isang panawagang siyasatin natin ang ating mga sarili. Kung tayo’y hindi sumusunod, nangangahulugan itong hindi lamang sumusunod tayo sa sariling kagustuhan, kundi sinusunod din natin ang kagustuhan ng diyablo. Nais niyang sumuway tayo sa Diyos. Natutuwa siya sa ating pagsuway. Ipanalangin natin para sa ating sarili, at para sa ibang taong hindi sumusunod na “sila’y matauhan at makawala sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban” (2 Tim. 2:26). Aminin mong kailangan mo ang Diyos upang makalaya ka sa bitag ng diyablo. Aminin mong nalihis ka ng landas at nais mong bumalik sa landas na nais ng Diyos para sa iyo.
Mahalaga ito dahil lahat lamang ng mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ang makakapasok sa kanyang kaharian. Sinabi ni Cristo, “Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Matt. 7:21). ‘Wag kang padaya sa mga nagsasabing maliligtas ka kahit magpatuloy ka sa pagsuway sa utos ng Diyos. Ang tanda ng tunay na pananampalataya ay ang isang buhay na nabago. Kapahamakan ang naghihintay sa taong hindi gumagawa ng kalooban ng Diyos. “Ang sanlibutan at ang pagnanasa nito ay lumilipas, ngunit ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman” (1 John 2:17). Kung ikaw ay hindi pa tunay na kumikilala kay Cristo bilang Panginoon at Hari, ipahayag mo ngayon sa panalangin na siya na ang masusunod sa buhay mo. Hindi na ikaw. Hindi na si Satanas.
2. We are called to live only for the will of God.
Sa panalanging ito, tinatanggap natin ang pagkakatawag sa atin ng Diyos na mamuhay nang naaayon sa kanyang kalooban. God desires that his pleasure will also be our pleasure. Gusto ng Diyos na ang kagustuhan niya ay maging kagustuhan din natin. Sinabi ni Apostol Pedro na magkaroon tayo ng pag-iisip na gaya ng kay Cristo “upang hindi na kayo mamuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa masasamang pagnanasa ng mga tao, kundi sa kalooban ng Diyos” (1 Pet. 4:2). Ang mamuhay para sa kalooban ng Diyos ang pagkakatawag sa atin. Paano mangyayari ito? Mangyayari ito kung (1) aalamin natin ang kanyang kalooban; at (2) gagawin natin kung ano ang naaayon sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu sa buhay natin.
Una, alamin natin ang kanyang kalooban. “Do not be conformed to this world, but be transformed by the renewal of your mind, that by testing you may discern what is the will of God, what is good and acceptable and perfect” (Rom 12:1-2). We are praying for God’s good pleasures, his will, to be revealed to us. Sa pamamagitan iyan ng Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pakikinig natin sa mga sinasabi niya maging sa mga pangyayari sa buhay natin, sa sinasabi ng ibang tao, at sa mga karanasan natin. Sinasabi natin sa Diyos na ibukas ang ating mata para makita kung ano ang ginagawa niya sa buhay natin, at kung paano tayo tutugon dito. Hindi itatago ng Diyos ang gusto niyang ipagawa sa atin. Ipinapakita niya ito sa maraming paraan. Ang problema ayaw nating imulat ang mata natin. Nagbubulag-bulagan ang iba sa atin. Nagbibingi-bingihan.
Pangalawa, kung alam natin ang kanyang kalooban, maging handa tayong sumunod. Ang problema natin ay hindi dahil hindi natin alam kung ano ang kalooban niya. Malinaw iyang makikita sa kanyang Salita. At alam nating kung wala mang malinaw na direktiba ang Diyos patungkol sa isang bagay, halimbawa ay pagdedesisyon sa pag-aasawa o pagnenegosyo, alam nating may mga pamantayang pwede rin nating maging gabay. Ang problema natin ay ayaw nating sumunod. May gusto tayong mangyari, kaya’t ‘yun ang ginagawa natin. Kaya’t mahirap para sa ilan na ipanalangin, “Your will be done.” Tandaan natin, God reveals his will to us not for that revealed will to be considered, but to be obeyed.
Ngunit dapat nating malaman na ang Diyos mismo ang nagbibigay sa atin ng lakas o kakayahan sa pamamagitan ng Espiritung nasa atin. Ito ang panawagan ni Pablo, “Therefore, my beloved, as you have always obeyed, so now, not only as in my presence but much more in my absence, work out your own salvation with fear and trembling, for it is God who works in you, both to will and to work for his good pleasure” (Phil. 2:12-13). Ang Diyos ang gumagawa sa buhay natin. Simula nang tanggapin natin si Cristo na Panginoon ng buhay natin, siya na ang nasa “driver’s seat.” Ngunit para tayong pasahero ng jeep na minsan ay inuutusan ang driver na iliko sa kaliwa kahit alam naman nating sa kanan ang ruta ng jeep. Let God work in you. Don’t tell God what to do.
Kung aalamin natin ang kalooban ng Diyos, mananangan sa Espiritu na magbibigay lakas sa atin, at susunod nang walang pag-aalinlangan, magiging katulad tayo ni Cristo na sinabing, “For I have come down from heaven, not to do my own will but the will of him who sent me” (John 6:38). Naparito si Cristo upang tuparin ang kalooban ng Ama. Kahit na nahaharap na siya sa kamatayan, nanalangin siya, “Not my will but yours be done” (Luke 22:42). Ganun din tayo. “Let your will be done, Father.” Hindi tayo magsa-submit ng blueprint ng plano natin sa buhay natin para ipa-approve sa kanya. Kundi hihilingin nating ipakita ng Diyos ang plano niya at iaaayon natin ang buhay natin doon.
Sa isang klase namin sa UP noong college ako, nagreport ang group namin ng tungkol sa aesthetic technology. Pagkatapos ng report namin may isang nagtanong sa position ng group namin sa sex transplant. Sinabihan ako ng kasama ko na magsalita. Alam kong kalooban ng Diyos na magsalita ako laban doon. Pinangunahan ako ng takot. Hindi ako nakapagsalita. Pagkatapos ng klase, may lumapit sa aking isang kaklase ko na Christian din. Sabi niya, “I was disappointed na hindi ka nagsalita.” Ang sakit nun. Pero mas masakit na malamang dahil hindi ko ginawa ang kalooban ng Diyos, sinasabi niya sa akin, “I was disappointed.” Ouch. Naglalakad akong mag-isa noon at nanalangin, “Lord, simula ngayon, kung gusto mo akong magsalita sa harap ng maraming tao, gagawin ko. Tulungan mo akong masunod ang kalooban mo sa buhay ko.” Alam kong sumagot ang Diyos sa panalangin ko. At kung ganyan din ang magiging panalangin natin, sasagot siya.
In what manner should the will of God be done?
Anong klaseng pagsunod sa kanyang kalooban ang hinihiling natin? Your will be done, on earth as it is in heaven. Sa panalanging ito, nananawagan tayo sa Diyos na maipahayag ang kanyang kalooban dito sa lupa tulad ng kapahayagan nito sa langit. Paano ba sinusunod ang kalooban ng Diyos sa langit? Hindi ba’t lahat ng naroroon – mga anghel at mga mananampalatayang nauna na – ay sumusunod nang lubusan sa kalooban ng Diyos. Buong puso, walang pag-aalinlangan, buong kagalakan, lahat sila! Kaya ang panalangin natin, “Ama, gaya ng pagsunod ng mga anghel at mga anak mong nasa langit, gayundin nawa ang maging pagsunod sa kalooban mo dito sa lupa.” When we pray this prayer, we are bringing heaven down to earth. Naiimagine niyo ba kung anong mangyayari sa pamilya ninyo o sa church natin kung bawat isa ay sumusunod sa Diyos? Nakikita niyo ba ang magiging epekto nito sa mga taong nakakakita at nagmamasid sa atin kung makikita nilang tayo ay mga tunay na “tagasunod” ng kalooban ng Diyos?
Buo ba ang pagsunod natin sa kalooban ng Diyos? O pinipili natin kung ano ang komportable o reasonable sa atin? Tapos yung mga utos na sa tingin natin ay malalagay tayo sa alanganin ay hindi natin sinusunod?
Marami sa atin ay parang hindi naniniwala na sumasagot ang Diyos sa panalangin. May nais ang Diyos sa buhay mo. Dapat alamin mo ito at ipanalangin mong baguhin ng Diyos ang puso mo upang maging handa itong sumunod. Kaya nga kailangan natin ang panalangin kasi alam ng Diyos hindi natin kaya nang mag-isa. Hindi ipinaubaya ng Diyos sa atin ang resulta. Nasa kanyang kamay ito, at makikita natin kung ipapaubaya natin ang ating sarili sa kanya sa panalangin.
Sumasagot ang Diyos sa mga panalangin natin. May mga kabataang nag-initiate na para maayos ang ating youth ministry at young adults ministry. Purihin ang Panginoon. Napakalaking sagot ito sa panalangin kasi nga nakikita natin ang pangangailangan ang maghari ang kalooban ng Diyos sa buhay ng ating iglesia. Ilan lang ito sa maraming sagot ng Diyos sa panalangin natin. Maaaring hindi pa gaanong nakikita ng ilan, ngunit panawagan sa ating tingnan natin kung ano ang ginagawa ng Diyos at tumugon tayo sa pagkakatawag niya sa atin.
Sumasagot ang Diyos sa panalangin ko. Alam niyang kailangan ko ng isang prayer at accountability partner. Ibinigay ito ng Diyos sa akin. Sa pamamagitan nito, matitiyak ng Diyos na namumuhay ako ayon sa kanyang dakilang kalooban sa akin. Dalangin kong magpatuloy ito.
Naniniwala akong kailangan niyo din ng prayer partners. Kaya simula ngayon, maghanap na kayo at magcommit na mananalangin kayo ng partner mo kahit isang beses isang linggo. Ipanalangin ninyo na ang kalooban ng Diyos ay masunod sa buhay ninyo. At magbalitaan tayo kung anong nangyayari. Masabik tayo kasi may gagawing malaki ang Diyos sa buhay natin. Greater things will happen if we will pray, “Your will be done, on earth as it is in heaven.”
[1] All English Scripture quotations are from the English Standard Version, unless otherwise indicated. All Filipino Scripture quotations are from Ang Biblia (2001), unless otherwise indicated. Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (2005).
Very clear message
LikeLiked by 1 person