So I exhort the elders among you, as a fellow elder and a witness of the sufferings of Christ, as well as a partaker in the glory that is going to be revealed: shepherd the flock of God that is among you, exercising oversight, not under compulsion, but willingly, as God would have you; not for shameful gain, but eagerly; not domineering over those in your charge, but being examples to the flock. And when the chief Shepherd appears, you will receive the unfading crown of glory. Likewise, you who are younger, be subject to the elders. Clothe yourselves, all of you, with humility toward one another, for “God opposes the proud but gives grace to the humble. Humble yourselves, therefore, under the mighty hand of God so that at the proper time he may exalt you, casting all your anxieties on him, because he cares for you.
Humility and Authority
We all live under different levels of authority. Bahagi iyan ng relasyon natin sa ibang tao. Totoo ngang ako bilang husband ay may authority kay Jodi. Bilang pastor, may authority ako sa church. Pero noong ako ay wala pang sariling pamilya, I live under the authority of my parents. Ngayong nag-aaral ako sa seminary, teachers ang may authority sa mga students. Dahil ako ay Filipino citizen, may authority ang gobyerno natin sa akin. At kahit na ako ang Leading Pastor ng church, nasa ilalim ako ng awtoridad ng kabuuan ng Council of Elders.
Dahil nilikha tayo sa larawan ng Diyos, pantay-pantay tayo, ngunit iba-iba ang “roles” na ginagampanan natin. Bahagi iyan ng disenyo ng Diyos. Ngunit likas sa atin, dahil sa kasalanan, na ayaw nating mayroong ibang tao na sumasakop sa atin. Mas gusto natin ang independent. Sariling diskarte, sariling desisyon. Dahil diyan nasisira ang relasyon natin sa ibang tao. Kung ganyan, masisira din ang relasyon natin sa church dahil dinisenyo ng Diyos ang iglesia na mayroong tamang authority. Kung aabusuhin ng mga pastor ang kanilang leadership position sa church, ano sa tingin ninyo ang mangyayari? Kung kayong mga members ay hindi ninyo pakinggan ang turo ng mga pastor o hindi mag-commit sa mga responsibilities ninyo sa mga ministries, ano ang mangyayari sa church natin?
Kung gusto nating maging maganda ang mga relasyon natin dito sa church (maging sa bahay o sa opisina), isang katangian na dapat nating hubugin bilang mga Cristiano ay ang kababaang-loob o humility. Titingnan natin kung ano ang sinasabi ng salita ng Diyos sa pamamagitan ni apostol Pedro sa 1 Peter 5:1-7, kung paano tayo mamumuhay sa loob ng iglesia na may tamang pananaw tungkol sa relasyon natin sa Diyos at sa isa’t isa bilang mga leaders at members. Lahat tayo, leaders man o members, ay dapat na nababalutan ng kababaang-loob sa ating pangunguna at sa ating pagpapasakop sa mga nangunguna sa atin. Christians leadership and submission must be dressed with humility. Hindi lang sinabi na tayo ay “magpakumbaba” (MBB) kundi “magsuot ng kapakumbabaan” (v. 5, Ang Biblia). Noong tayo ay hindi pa Cristiano, ang damit natin ay ang pagmamataas, ngunit ngayon ay hinubad na natin at pinalitan ng kababaang-loob. Para itong nakatali sa atin na huwag na nating aalisin kahit isang segundo lang. Suut-suot natin palagi ang kababaang-loob sa pangunguna at pagpapasakop.
Christians humble themselves before God and other believers
Malinaw sa salita ng Diyos na ang nais niya sa kanyang mga anak ay magkaroon ng puso na nagpapakumbaba. Ngunit bago natin tingnan kung paano ito sa relasyon natin sa ibang tao, unang-unang dapat nating maunawaan ay ang tamang relasyon natin sa Diyos.
Humility Before God
Our relationship with God must be characterized by humility. “Humble yourselves, therefore, under the mighty hand of God…” (v. 6). Bago pa man natin isipin ang relasyon natin sa ibang tao, dapat muna nating tingnan kung tayo ba ay nagpapasakop sa awtoridad ng Diyos. Kung hindi tama ang relasyon natin sa Diyos, hindi rin magiging tama ang relasyon natin sa tao. Kung ang isang tao ay nagrerebelde sa mga leaders, ito ay dahil nagrerebelde siya sa Diyos, kahit pa hindi niya naiisip na ganoon. Ito ay desisyon na gagawin natin palagi, “Humble yourselves…”
Saan tayo magpapailalim? “Under the mighty hand of God.” Nang iutos ni Moises ang tungkol sa pag-alaala sa Sabbath, sinabi niyang, “You shall remember that you were a slave in the land of Egypt, and the Lord your God brought you out from there with a mighty hand and an outstretched arm. Therefore the Lord your God commanded you to keep the Sabbath day” (Deut. 5:15). Tandaan ninyo ang kapangyarihan ng Diyos, ang laki ng ginawa niya para sa inyo, na lahat kayo ay nasa ilalim ng kanyang authority. We are all under that hand, not above or even equal. Sa pagpapakababa sa harapan ng Diyos nagsisimula ang ating pagpapakumbaba sa ibang tao. Kung ano ang sabihin ng Diyos tungkol sa kung paano tayo dapat makitungo sa isa’t isa, susunod tayo at hindi magrerebelde.
Humility Toward One Another
Ano nga ang utos niya sa atin? “Clothe yourselves, all of you, with humility toward one another…” (v. 5). Katatapos lang niyang magbigay ng tagubilin sa mga elders at sa mga members ng church, ngayon ang sabi niya, “kayong lahat.” Sa pagpapakumbaba walang exempted. No position is high enough that we don’t need to be humble. Even Christ humbled himself before the Father! Ang mga nangunguna ay may kapakumbabaang nangunguna. Ang mga pinangungunahan ay may kapakumbabaang nagpapasakop. Ito ay dapat nating sundin. Tulad ng isang damit (“Clothe yourselves”) na hindi na nahuhubad sa atin, ito dapat ang makita sa ating relasyon sa isa’t isa. Ito ay bunga ng kung tayo ay puspos ng Espiritu,“submitting to one another out of reverence for Christ” (Eph. 5:21).
Isang paraan kung paano tayo magpapakumbaba sa Diyos (at sa gayon ay sa ibang tao) ay kung ilalagak o ipagkakatiwala natin sa kanya ang ating mga kabalisahan (v. 7). Humility begins with trusting God, letting him take control of our lives and our relationship with others. Nang mabalitaan ko na nagkaroon si Jodi ng “spotting” noong nakaraang araw, nag-alala kami. Ngunit dahil dito ay itinuro sa akin ng Diyos na siya ang may hawak ng sanggol na dala-dala ni Jodi. Maaari siyang mag-ingat, magpahinga, uminom ng gamot, ngunit sa bandang huli nasa ilalim ito ng makapangyarihang kamay ng Diyos. Kaya naman lalapit kami sa kanya at sasabihing, “Lord, sa inyo namin ipinagkakatiwala ang sitwasyong ito.” Two weeks na inirekomenda ng doktor na mag-bedrest siya. Dahil doon, “no rest” para sa akin! Karaniwan iniisip natin na ang asawang babae ang dapat na gumagawa sa bahay. Patuloy sa aking itinuturo ng Diyos ang kababaang-loob sa paglilingkod ko sa aking asawa at sa anak namin.
Anumang sitwasyon, dapat ay suut-suot natin palagi ang kababaang-loob. Nagsisimula ito sa tamang pagtingin natin sa sariling relasyon sa Diyos, na umaapaw sa relasyon sa iba.
The pastors lead the flock in humility (5:1-4)
Kung isasaisip natin ito, apektado nito ang anumang relasyon natin sa ibang tao – tayo man ay nangunguna o nagpapasakop. Ngunit ngayon ay titingnan natin kung paano natin ito maiilalapat sa relasyon naming mga pastor o elder dito sa church at sa relasyon ninyo sa amin. Sa relasyon naming mga pastor sa inyo, nais niyang manguna kami na may kababaang-loob. Na hindi namin tinitingnan ang taas ng posisyon na ibinigay sa amin, kundi pribilehiyo na makapaglingkod sa kanya at sa kanyang iglesia.
The Responsibility of Humble Leadership
Paano ba namin dapat tingnan ang responsibilidad sa amin ng Diyos? Peter wrote, “So I exhort the elders among you, as a fellow elder and a witness of the sufferings of Christ, as well as a partaker in the glory that is going to be revealed: shepherd the flock of God that is among you, exercising oversight…” (vv. 1-2). Sinabi ito ni Pedro bilang isang elder din sa church sa iba pang mga elders. Kaya nga marami tayong elders. Ang “elder” na tinutukoy dito ay hindi lang matanda sa edad kundi sa level ng maturity o leadership. Bukod sa elder, ang tawag din sa mga tagapangunang ito ng iglesia ay “pastor” dahil ay tungkulin nila ay alagaan ang iglesia tulad ng isang mabuting pastol sa kanyang mga tupa.
Paanong pangangalaga ang nais ng Diyos na gawin namin? We shepherd by “exercising oversight” (Gk. episkopos). Elder, pastor, overseer. Para kaming panganay na kapatid na ipinagbilin ng tatay na bantayan namin kayo hanggang sa bumalik siya. We shepherd not our flock but the flock of God. Dapat kaming manguna na nasa ilalim ng Diyos at ni Cristo na “Chief Shepherd” (v. 4). We were just undershepherds. Ang kababaang-loob sa pangunguna ay ang pagtanggap sa responsibilidad na galing sa Diyos. Kung anong sabihin niya, yun ang gagawin namin. Sabi ni Pablo sa mga elders sa Efeso, “Pay careful attention to yourselves and to all the flock, in which the Holy Spirit has made you overseers, to care for the church of God, which he obtained with his own blood” (Acts 20:28).
The Character of Humble Leadership
Anu-ano pang katangian ang nakapaloob sa pangungunang ito nang may kababaang-loob? Paano namin dapat pangunahan ang iglesia bilang mga pastor? “…not under compulsion, but willingly, as God would have you; not for shameful gain, but eagerly; not domineering over those in your charge, but being examples to the flock” (vv. 2-3).
Tatlong negatives at tatlong positives ang makikita natin dito. Una, hindi dapat napipilitan lang. Hindi dahil sa posisyon. Hindi dahil pinilit ng iba. Hindi tulad ng iba na nagtatrabaho kahit hindi nila gusto ang trabaho kasi kailangang pakainin ang pamilya. Hindi ito dahil ibinoto. Kundi ano? Kusang-loob. Buong puso. Kasi gusto nila. Kasi alam nilang ito ang tawag ng Diyos. Pangalawa, hindi dahil sa pakinabang na hindi galing sa Diyos. Hindi dahil sa pera o suweldo (ako lang sa mga elders ang may tinatanggap na support sa church). Hindi dahil sa papuri ng ibang tao. Hindi dahil sa gusto ng kapangyarihan. Kundi ano? Dahil sabik maglingkod. Na magamit ang mga kaloob sa kanya ng Diyos. Ikatlo, hindi upang maging panginoon sa nasasakupan at diktahan sila o kontrolin. Hindi nagmamataas dahil sa posisyon. Hindi hinahangad na tawagin siyang “pastor” o anumang titulo. Kundi ano? Kundi halimbawa sa mga kapatid kay Cristo. Nakikitang nagpapasakop kay Cristo na siyang nag-iisang Panginoon. Nakikita ang mabuting halimbawa ng kababaang-loob.
The Reward of Humble Leadership
Kung ganito ang mga nangunguna sa iglesia, nakatingin sila sa gantimpalang inilaan sa kanila ng Diyos. Alam nila na hindi nila itataas ang kanilang sarili dahil ang Diyos ang magtataas sa kanila sa takdang araw. Ito ang resulta ng pangungunang may kababaang-loob ayon kay Pedro, “And when the chief Shepherd appears, you will receive the unfading crown of glory” (v. 4). Peter also believes that he is “a partaker in the glory that is going to be revealed” (v. 1). Hindi ko alam kung ano talaga ito. Basta ang alam ko, hindi ito maaaring ipagpalit sa anumang kayamanan sa mundo, anumang karangyaan o katanyagan na galing sa tao. Walang makapapantay dito. Dahil ito sa sa pagbabalik pa ni Cristo, dapat tayong maghintay. Kung papipiliin ka sa pagitan ng isang bahay na uupahan mo pa at ng isang bahay na ibibigay sa iyo pagkatapos ng tatlong taon pa, ano ang pipiliin mo?
Dapat ay suut-suot natin palagi ang kababaang-loob sa pangunguna. May pusong nagpapasakop sa Diyos dahil ipinagkatiwala niya sa atin ang gawaing ito, at may tiyagang maghintay sa gantimpalang inilaan ng Diyos. Bago ko ito ituro sa iba, sangkatutak na tanong na ang naririnig kong nais ng Diyos na itanong ko sa sarili ko. Ang ginagawa ko ba bilang pastor ay dahil gusto kong patunayan sa ibang tao ang kakayahan ko? Ginagawa ko ba ito dahil gusto kong isipin ng iba na I deserved the monthly support you are giving me? Ginagawa ko ba ito para masabi ng iba na umalis sa church na nagkamali sila? O ginagawa ko ito dahil alam kong dito ako inilagay ng Diyos at siya ang boss at buong kagalakan akong maglilingkod sa kanya at sa mga taong inilagay niya upang aking pangunahan? Sawayin ninyo kami kung itinataas namin ang aming mga sarili. Please pray for us, na palagi naming suutin ang kababaang-loob sa aming pangunguna sa ating iglesia.
The flock submit to pastors in humility (5:5-6)
The Character of Humble Submission
Para naman sa inyong pinangungunahan namin, nais din ng Diyos na tumugon kayo nang may kababaang-loob. Ipinapakita ito sa pagpapasakop. “Likewise, you who are younger, be subject to the elders” (v. 5). Hindi lang mga kabataan ang tinutukoy dito, kundi lahat sa inyo – matanda man o bata – basta’t nasa ilalim ng mga nangunguna. Ang pagpapasakop na ito ay hindi nakadepende sa klase ng elders na meron kayo. Tulad halimbawa ng pagpapasakop sa gobyerno. Hindi dapat sabihing, “Hindi na ako magbabayad ng taxes kasi kurakot naman ang nasa gobyerno.” Sa pagpapasakop sa mga leaders ng church, hindi maaaring sabihing, “Bakit ako susunod sa gusto nilang mangyari? Ayoko naman sa kanila! Hindi ko gusto ang programa nila!”
Tulad naming mga pastor na nagpapasakop sa Punong Pastor na si Cristo, kayo rin ay dapat na pasakop sa aming pamumuno bilang mga pastor na itinalaga ng Diyos. Ang pagrerebelde sa anumang awtoridad na inilagay sa atin ng Diyos ay pagrerebelde mismo sa Diyos. Ito ay desisyon na gagawin ninyo at hindi ipipilit sa inyo. At sasabihin ninyo sa Panginoon, “Lord, itatalaga ko ang aking sarili na makikibahagi bilang miyembro ng church sa mga gawaing pinangungunahan ng mga leaders namin. Kahit sa mga desisyon nila na hindi ko sinasang-ayunan ay magpapakumbaba akong magpapasakop dahil ito ang nais mo.”
The Reward of Humble Submission
Bakit ko ito itinuturo sa inyo? Dahil lang ba gusto namin na mababait ang mga miyembro ng church at walang pasaway? Siyempre gusto rin namin yun. Ngunit higit doon, ayaw kong ipagkait sa inyo ang pangakong gantimpala ng Diyos sa mga nagpapakumbaba at nagpapasakop sa mga namumuno. “Clothe yourselves, all of you, with humility toward one another, for ‘God opposes the proud but gives grace to the humble. Humble yourselves, therefore, under the mighty hand of God so that at the proper time he may exalt you” (vv. 5-6).
Hindi yayakapin ng Diyos ang mga mayabang kundi itataboy pa. Pinagpapala pa lalo ng Diyos ang mga mababang-loob. Kung nakita natin kanina na ang mga pastor ay may nakalaang “crown of glory,” para sa lahat ng mga nagpapakumbaba ay mayroon ding nakalaang pagpapala. Hayaan nating Diyos ang magtaas sa atin. Huwag nating intindihin na itaas ang sarili natin. Tandaan natin na ang mga nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.
Isipin ninyo kung anong klaseng relasyon ang maipagpapatuloy natin kung ganito ang mindset natin. Nagpapakumbaba palagi. Maraming conflicts dati ang lumaki dahil sa kawalan ng kababaang-loob, sa bahagi ng leader o ng member. Hindi mangyayari ang mga ito kung matututo tayong suutin palagi ang kababaang-loob sa pagpapasakop.
Humility Must Stay
Nang umalis noon sina mommy at daddy para magtrabaho sa ibang bansa, bilang panganay ay ako ang tumayong parang magulang sa aking mga kapatid. Hindi madali para sa akin dahil lumaki ang pananagutan ko sa kanila. Pag may mga panahong sumusuway sila sa ibinibilin ko, kapag pagalitan ko sila ay naiiyak talaga ako. Mas nagiging maganda ang relasyon naming magkakapatid kung natututo silang makinig sa akin. At ako naman na nagpapasakop sa parents namin. Mananatili ako ganoong role hangga’t hindi pa bumabalik si mommy o si daddy. Dito sa church bilang isang pamilya ng Diyos, isipin ninyo ang mga elders ng mga “kuya” ninyo. Habang naghihintay tayo sa pagbabalik ni Cristo, ipinagkatiwala kayo sa amin ng Diyos na alagaan, turuang sumunod kay Cristo, tulungan sa mga dalahin sa buhay, alalayan, disiplinahin kung magkamali. Gustong makita ng Diyos na kayo’y nakikinig at nagpapasakop. Parang isang tatay na tatawag sa bahay at tatanungin kayong magkakapatid, “O, hindi ba kayo nag-aaway diyan? Nagtutulungan ba kayo? Nakikinig ba kayo sa kuya ninyo?”
Laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil sa ipinapakita ng mga leaders ng church na pagpapasakop sa akin bilang inyong Leading Pastor. Isa sa pag-aalinlangan ko noon bago tanggapin ang hamon ng Diyos na maglingkod bilang pastor ay ito: “Bata pa ako, baka hindi sila makinig sa akin. Baka sumakit ang ulo ko dahil sa hindi nila pagrecognize ng authority na ibinigay sa akin ng Diyos.” Wala na ngayon ang ganyang pag-aalinlangan. Kung maupo kayo sa mga meeting naming mga elders, makikita ninyo ang mga pinaka-humble na tao sa balat ng lupa! May sinabi ako isang araw na gagawin natin bilang isang iglesia, sabi ng isa, “Basta sinabi mo, pastor.” Pati mga Kaagapay Group leaders na nandoon ang willingness na matuto sa training namin. That’s humility. Pati mga parang nanay o tatay ko na dito ay kinikilala ang aking pangunguna bilang pastor. Praise the Lord kasi sa tao imposible yan, pero sa Diyos posible dahil siya ang bumabago sa puso natin.
Leader ka man o hindi, subukan ninyo sa susunod na araw na gumawa ng isang bagay na magpapakita ng inyong kababaang-loob sa ibang kapatid natin. At ipanalangin natin na lahat tayo ay uuwi na palaging isinasapuso ang kalooban sa atin ng Diyos bilang kanyang mga anak na suut-suot natin palagi ang kababaang-loob sa pangunguna at pagpapasakop. Tulad ng isang damit na hindi natin ipagpapalit, humility stays with us and will always stay. Sinuman ang kaharap natin, anumang sitwasyon.
ang pagpapakumbaba ay napakahalaga sa atin kaya dapat na lagi tayo nagpapakumbaba para ang diyos ang magbibigay sa atin nga maraming blessings….
LikeLike