December 25, 2011 | By Derick Parfan | Scripture: Matthew 1:1-17
Listen Now
Downloads
A Story Behind 47 Names
Sa mga natanong ko sa inyo, sabi nila isa sa mahirap basahin sa Old Testament ay ang mahahabang listahan ng pangalan. Pero dito rin naman sa New Testament, introduction pa lang, list of names na. A list of names on Christmas day? Why? Ang dahilan ay nasa unang mga salita: “Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo.” “Talaan” sa Griyego ay biblos – aklat, listahan o kasulatan. This is not an ordinary list, but the very Word of God. Kung salita ng Diyos, bawat salita, bawat pangalan mahalaga. Walang binitawang salita ang Diyos na walang kuwenta at walang layunin (2 Tim. 3:16-17; Isa. 55:). The Book of Matthew started with this, so this introduction is important. The NT started with this. Transition from Old to New is important, so that we will see the connection and continuity in the flow of the story of the Bible.
Ang “mga ninuno” o pinanggalingan o pinagmulan ay galing sa genesis. (Sounds familiar?). People know Christmas stories, but they don’t know the Story behind those stories. They don’t know God’s reason for sending Jesus, God’s purpose for sending Jesus. They don’t really know God and his Son Jesus. Mahalagang malaman natin hindi lang na Jesus is the reason for the season, but also what is the reason for Jesus? Bakit nga ba siya dumating? Makikita iyon sa istorya ng mga ninuno niya at pagkilos ng Diyos sa kasaysayan bago siya dumating.
Pinakamahalagang dahilan: “Jesu-Cristo.” Many people know the name Jesus. But they don’t know the meaning of the name. They don’t really know him. The saddest part of Christmas today is not the lost of loved ones in the Sendong tragedy, but the lost of love of many people for Jesus. Because they don’t know him. So I want us to know him more, and better. Oo, kilala na natin. Pero nakakalimutan natin sa kaabalahan ng Pasko.
The Name of Jesus Christ
Don’t forget the name of Jesus Christ. Sa panahon natin ngayon, ang pangalan o palayaw ng tao ay ginagamit na pantawag o pagkakilanlan sa kanya. Pero sa Bible, makikilala mo ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang pangalan. At totoo ito lalo na kay Jesu-Cristo. Ang Jesus ay pangalang ibinigay sa kanya. Ang Cristo ay hindi apelyido, kundi titulo. Si Jesus na Cristo, o Jesus the Christ. Ano’ng ibig sabihin nun?
“Jesus” – Our God is Salvation
“Jesus” ang pangalang ibinigay ng Diyos sa sanggol na isinilang sa Bethlehem. Hindi si Maria o si Jose ang nagpangalan. Ang Diyos mismo. Ang Jesus ang ibig sabihin sa Hebreo (Yeshua, Joshua) ay “ang Panginoon ang nagliligtas.” Ang kanyang pangalan ay totoo sa kanya. Kaya sabi ng anghel kay Jose, “Papangalanan mo siyang Jesus, dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Matt. 1:21 ASD). Hindi mula sa pagkakaalipin sa gobyernong Romano, kundi sa pagkaalipin sa kasalanan. Ang kabuluhan ng pangalang ito ay hindi nakikita ng maraming taong nagdiriwang ng Pasko. Hangga’t ang isang tao ay alipin pa rin ng kasalanan at di pa nararanasan ang kalayaan mula dito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, walang kabuluhan ang Pasko sa taong iyon.
“Christ/Messiah” – God’s Anointed One
Ang Cristo ay salitang Griyego (wikang gamit sa Bagong Tipan) na ang katumbas sa Hebreo (wikang gamit sa Lumang Tipan) ay Mesias, na ang ibig sabihin ay “anointed” o siyang itinalaga para sa isang partikular o espesyal na tungkulin, katayuan o posisyon. Bahagi ng kultura sa panahon ng Lumang Tipan na pahiran ng langis ang sinumang itinalaga o hinirang para sa isang mataas na tungkulin tulad ng propeta (tagahatid ng mensahe ng Diyos sa tao), pari (tagapamagitan sa Diyos at sa tao), at hari (tagapamahala ng Diyos sa mga tao) (Eerdman’s Bible Dictionary, p. 207).
Pero lahat ng mga ito ay pansamantala lang. Darating ang isang Propeta, Pari, at Hari – ang Mesias – na hahawak sa lahat ng posisyong ito at di ito magtatapos. Siya ang Panginoong Jesus, ang Cristo. Kaya nga nung magsalita siya sa sinagoga, bahay-sambahan ng mga Judio, inangkin niyang siya ang katuparan ng Isaiah 61:1:
Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon (di lang langis ang ipinahid), dahil pinili niya ako (Cristo o Mesias) upang ipangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi, at ipahayag na dumating na ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon (Luke 4:18-19 ASD).
Hindi lang si Jesus ang Tagapagligtas, siya rin ang Haring may kapangyarihang iligtas tayo at ibigay sa atin ang tunay na kalayaan, pag-asa at ganap na buhay. Sa atin na inaaming tayo’y minsang naging mga pulubi at walang-wala, sa atin na inaaming tayo’y inalipin ng pagkamakasarili natin, mga bulag na di makita ang liwanag ng katotohanan, at mga inaapi – sa kanya tayo tumingin, sumunod, sapagkat siya ang Cristo.
Don’t Forget the Name
‘Wag na ‘wag nating kalimutan kung ano ang ibig sabihin ng pangalan niya. Jesu-Cristo. Ito ang pinakamahalaga di lang kapag Pasko, kundi bawat araw ng buhay natin. Pero ngayong Pasko na ang layunin ay kilalanin natin at ipagdiwang natin ang ginawa niyang pagliligtas sa atin, mas nagiging balakid pa nga para makalimutan natin. The reason for Christmas is to worship Jesus. And when we forget the name Jesus Christ, especially during this season, we are not worshipping him. We are worshipping Christmas (or gifts or family or money or material things or food), and not Christ. That’s idolatry.
The Story of Jesus Christ
Don’t forget his name, don’t also forget his story. Hindi lang pangalang Jesu-Cristo ang nandito, meron pang 46 names ang nakalista. It looks dry or boring to read. Oo, kung ito lang ang alam mo. Kung hindi mo alam ang kuwento ng Lumang Tipan, ang kuwento sa kabila ng mga pangalang ito. Bawat taong binanggit dito ay patungo kay Jesus. Ang buong kuwento ng Lumang Tipan ay patungkol sa kanya, siya na rin ang nagsabi (Luke 24:27). [Titingnan natin ang kuwento ng buong Old Testament next year, January to September, Lord willing.] Kung ikaw ay isa sa mga Judiong sinulatan ni Matthew dito, this introduction is important. Ipinapakita niya kung sino at ano ang kuwento sa kabila ng ipapanganak na sanggol, kung ano ang kinalaman nito sa plano ng Diyos sa Israel at sa buong mundo. This is exciting, not boring, kaya nga napakanta pa si Andrew Peterson at itong listahan ng mga pangalang ito ang lyrics ng kanta niyang Matthew’s Begats. I pray na mapakanta rin tayo sa kuwento ng mga pangalang nakasulat dito.
The Son of Abraham
Si Jesus ay “anak ni Abraham.” Nilikha ng Diyos ang tao para sambahin siya pero nagrebelde ang mga tao sa kanya. Ikinalat niya sa iba’t ibang bansa at pinarusahan, pero mula sa maraming bansang iyon, tumawag siya ng isang tao na ang pangalan ay Abram. Pinalitan ng Diyos ang kanyang pangalan na Abraham at nangakong, “Pagpapalain kita…Bibigyan kita ng mga lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan…At sa pamamagitan ng iyong mga lahi, pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo…” (Gen. 22:17-18 ASD); “Kings shall come from you” (Gen. 17:6).
Kahit matanda na sila ng kanyang asawa at 25 taong naghintay, binigay niya ang anak na pinangako; hindi si Ishmael, kundi si Isaac. Inulit niya ang kanyang pangako kay Abraham kay Isaac at inulit din sa anak nitong si Jacob at hindi sa panganay na si Esau. Pinalitan ang pangalan ni Jacob na Israel at sa kanya nagmula ang labindalawang lipi o tribo ng Israel. Sa magkakapatid na ito, bagamat pinakakilala natin si Jose, si Judah ang pinili niyang panggalingan ng mga hari. “Patuloy kang mamumuno, Juda. Magmumula sa mga lahi mo ang magiging mga pinuno (o hari)…” (Gen. 49:10 ASD). Sa kanya nga nagpatuloy at sa lahi niya nanggaling si Boaz. Mula sa pagbubukas ng bahay-bata ng mga babae hanggang sa paggamit ng taggutom, patuloy ang pagkilos ng kamay ng Diyos para tuparin ang pangako niya kay Abraham. Nakilala ni Boaz si Ruth at napangasawa, naging anak si Obed, na siyang lolo ni Haring David, na siya namang pinanggalingan ng pinakamakapangyarihan at pinakamabuting Hari sa kasaysayan ng mga tao – nasilayan nang ang sanggol na si Jesus ay ipanganak sa Bethlehem.
The Son of David
Si Jesus ay anak ni Abraham, ang kinikilalang ama ng bansang Israel. Bukod dun, siya din ang anak ni David, ang pinakakinikilalang hari ng Israel. Kay David, may binitawang pangako ang Diyos na pinaninindigan niyang tuparin, “Ako, ang Panginoon, ay nagsasabi sa iyo na hindi mawawalan ng maghahari galing sa sambahayan mo…Magpapatuloy ang paghahari mo magpakailanman, ganoon din ang paghahari ng iyong angkan” (2 Sam. 7:11-16 ASD). Agad itong natupad sa anak niyang si Solomon – ang pinakamarunong, pinakamayamang naging hari ng Israel. Siya ang nagpatayo ng templo. Magandang simula, pero nauwi sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Rehoboam, naging dahilan para mahati ang kaharian sa dalawa – Israel sa north, Judah sa south. Sa Israel, iba-ibang lahi ang naging hari. Pero dito sa Judah, lahat mula sa angkan ni David.
Abijah – relatively good king. Asa (Asaph) – good. Jehoshapat – good. Jehoram – bad. “Nang mamatay siya, walang nagluksa sa kanya. Inilibing siya…hindi sa libingan ng mga hari” (1 Chron. 21:20 ASD). Uzziah (Azariah) – relatively good. Jotham – relatively good. Ahaz – very bad. Inihandog ang kanyang anak, sinunog para sa mga diyus-diyosan. Dinala ang Juda palayo sa Diyos. Hezekiah – very good king. Walang katulad niya sa mga nauna sa kanya, at mga sumunod sa kanya. Manasseh – di tulad ng tatay niya, itinayo niya ulit ang mga sinira na ni Hezekiah na altar at mga imahen sa pagsamba kay Baal at mga diyus-diyosan. Amon (Amos) – bad. Josiah – good. Jeconiah (Jehoiachin) – bad. Pagsalakay ni Nebuchadnezzar sa Jerusalem. Binihag si Jehoiachin at mga Judio sa Babylon. Wala nang hari sa Judah at Israel. From David the king to “no king.” Ito ang mapait na karanasan ng mga Judio.
God’s Kingdom Comes
Nang mapatapon ang bayan ng Judah sa Babylon, isinumpa ng Diyos si Jeconiah (Jehoiachin). “Ako, ang buhay na Panginoon ay sumusumpa na itatakwil kita…Kahit parang singsing ka sa aking kamay na tanda ng kapangyarihan ko, tatanggalin kita sa daliri ko…O lupain ng Juda…Isulat n’yo na ang taong ito na si Jehoyakin ay walang anak na luluklok sa trono ni David bilang hari ng Juda” (Jer. 22:24, 29-30 ASD). Sa sumunod na 400 taon, walang haring namamahala sa kanila maliban sa mga dayuhang pinuno. Nang bumalik ang mga Judio sa lupa nila galing sa Babylon, pinangunahan sila ni Zerubabbel na siyang nagsilbing gobernador, pero hindi hari. Wala ring propeta galing sa Diyos, wala ring paring nakalulugod sa Diyos. Paano na ngayon ang ipinangako ni Yahweh kay David…
Sa takdang panahon ng Diyos, dumating ang isang anghel at sinabi kay Maria na siya’y magsisilang ng isang sanggol sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Hindi si Jose (na galing sa angkan ng isinumpang si Jehoiachin) ang ama ni Jesus, biologically. But legally, Jesus was the son of Joseph, the son of Jehoiachin, the son of King David. Ang katuparan ng pangako ng Diyos na sinabi niya pagkatapos ang sumpa kay Jehoiachin, “Darating ang araw na paghahariin ko ang isang hari na matuwid na mula sa angkan ni David…maliligtas ang Juda at magkakaroon ng kapayapaan sa Israel” (Jer. 23:5-6 ASD).
Siyempre di lang ito para sa bansang Israel. Ang pangako kay Abraham ay para sa lahat ng bansa. Hindi lang para sa mga lalaki, kundi para din sa mga babae. Pansinin ninyong bago banggitin si Maria, may binanggit na apat pang babae – si Tamar, si Rahab, si Ruth at si Bathseba (“asawa ni Uriah”). Very unusual sa mga genealogy ng mga Judio na karaniwang puro lalaki lang ang binabanggit. Di lang mga Judio ang nandyan, tulad ng pangako kay Abraham, si Ruth ay isang Moabite. Si Rahab at Tamar din ay mga dayuhan. Di rin naman mga matutuwid na tao nandyan. Si Abraham sinungaling at muntik nang ipamigay ang asawa niya, nagkaanak pa sa ibang babae. Ganun din si Jacob. Si Judah, di ba’t manugang niya si Tamar, na naanakan niya? Ngunit ginamit din ng Diyos para sa kanila manggaling ang lahi ng Mesias? Si David nang-agaw ng may-asawa na, at mamamatay-tao pa. At sa mga hari? Ilan lang naman sa kanila ang maituturing na “matuwid.”
Kung sa lahi pa lang ni Jesus ay puno ng mga “katiwalian” at mga kasalanan ng tao, may pag-asa sa bawat isa sa atin – na ang kanyang kaligtasan, ang pagkilos ng Diyos, ang kabutihan ng Diyos ay para sa lahat sa atin. Iyan ang pinakamasayang balitang dapat natin marinig ngayong Pasko.
Don’t Forget the Story
Ang Pasko ay isang araw ng kasiyahan sa marami. Pero araw din ng kalungkutan sa marami. Eleven percent daw ng mga Pilipino, sabi sa isang survey, ang nag-eexpect na magiging malungkot o malamig ang Pasko nila. Kapag tinanong mo, ano’ng ikukuwento nila? Kasi malayo ang mahal nila sa buhay, kasi kamamatay lang ng tatay nila, kasi wala silang pera, kasi binaha at nasira ang bahay sa bagyong Sendong, kasi ganito, kasi ganoon. Ikaw naman kaya, masaya ka ba? Bakit ka masaya? Kasi kumpleto kayo ng pamilya mo? Kasi makakakain ka ng hamon at iba pang pagkaing bawal naman sa iyo? Kasi may Christmas bonus? Kung ganoon din ang kuwento mo, ano pinagkaiba mo sa mga malamig ang Pasko? Wala din. Kasi di naman iyan ang kuwento ng Pasko.
Oo, mahalaga sa Diyos ang kuwento ng buhay natin. Pero ‘wag nating isipin na iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Ito ay nakapailalim din sa Kuwento ni Jesus sa Bibliya. Iyon ang pinakamahalaga, ‘wag nating kalimutan ang ilang libong taong inihanda ng Diyos para sa pagdating ng kanyang Anak.
Don’t Forget His Name and His Story
Madali tayong makalimot. May mga bagay na di gaanong malaki ang epekto kapag nakalimutan natin – nakalimutang regaluhan, nakalimutang magdala ng pagkain, nakalimutang magbaon ng panyo. No big deal, most of the time. Pero kapag may asawa ka o girlfriend, at nakalimutan mo kung sino siya para sa iyo, at iba na ang pangalang lagi mong binabanggit, laging naaalala sa isip, that’s crucial. Ipagpapalit mo na iyan sa ibang pangalan. Kapag nakalimutan mo na ang mahabang panahon ng mga kuwentuhan ninyo, when you share your life together, at naisip mong baka sa ibang babae ay mas maging masaya ka, ipagpapalit mo na iyan and you will re-write your love story. Ayaw iyang mangyari ng Panginoon sa atin. Kaya ‘wag na ‘wag nating kalimutan ang pangalan ni Jesus at ang kuwentong pinakamahalaga sa lahat. Kapag nakalimutan natin, tatawag tayo sa ibang pangalan para iligtas at pangunahan ang buhay natin, magiging iba ang kuwento ng buhay natin. And it will not be good for us.
Para lagi nating maalala, Thank God for Jesus Christ and His Story. Kasama ng pamilya n’yo, spend time worshipping God and thanking him. Tulad ng mga bata na iniisa-isa ang mga pinsan at mga tito sa prayer, iniisa-isa ang mga pagkain sa prayer, isa-isahin din natin ang ginawa ng Diyos mula sa ginawa niya kay Abraham, kay David, at kina Jose at Maria. Isa-isahin din natin ang mga ginawa ni Jesus para sa ating kaligtasan at buhay na walang-hanggan.
Di rin natin makakalimutan if we will tell others about Jesus Christ and His Story. Sana di lumipas ang Pasko na di man lang natin nakukuwento sa iba ang tungkol kay Jesus. Maraming tao, di naman alam ‘yan. Pakinggan n’yo ang kuwento ng buhay nila, malalaman mo kung gaano kahalagang marinig nila ang “the greatest story ever told.” Pero kung di mo ito sabihin sa iba, it will be “the greatest story never told.”
Tulad ng sabi ni Pablo kay Timoteo, sinasabi ko din sa inyo, “Alalahanin [n’yo] ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, na nabuhay mula sa mga patay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko” (2 Tim. 2:8 ASD) at siyang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.
1 Comment