April 24, 2011 | By Derick Parfan | Scripture: Philippians 3:7-11
But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ. Indeed, I count everything as loss because of the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord. For his sake I have suffered the loss of all things and count them as rubbish, in order that I may gain Christ and be found in him, not having a righteousness of my own that comes from the law, but that which comes through faith in Christ, the righteousness from God that depends on faith— that I may know him and the power of his resurrection, and may share his sufferings, becoming like him in his death, that by any means possible I may attain the resurrection from the dead.
From Good Friday to Easter Sunday
Tuwing Good Friday inaalala ng mga Cristiano ang kamatayan ng Panginoong Jesus. Ngayong Easter Sunday naman ay ang kanyang muling pagkabuhay. Ang dalawang pangyayaring ito ang bumago sa takbo ng kasaysayan. Kung wala si Cristo, at hindi siya ipinako sa krus at nabuhay na muli, naiisip niyo ba kung ano ngayon ang takbo ng mundo natin? Sabi Dinesh D’Souza sa kanyang aklat na What’s So Great About Christianity:
Christianity is responsible for the way our society is organized and for the way we currently live. So extensive is the Christian contribution to our laws, our economics, our politics, our arts, our calendar, our holidays, and our moral and cultural priorities that historian J. M. Robers writes in The Triumph of the West, “We could none of us today be what we are if a handful of Jews nearly two thousand years ago had not believed that they had known a great teacher, seen him crucified, dead, and buried, and then rise again.” (http://www.faithfacts.org/ christ-and-the-culture/The-Impact-of-Christianity, accessed April 23, 2011)
Obvious naman siguro ang laki ng epekto nito sa takbo ng mundo natin ngayon. Kaya naman masasabi nating napakahalaga ng muling pagkabuhay ni Jesus. Pero ang tanong, nakikita ba sa atin na ipinamumuhay natin ang isang bagong buhay dahil dito? Obvious ang epekto nito sa kasaysayan, pero obvious din ba ang epekto nito sa iyong buhay? Ang paraan ng pagtingin mo sa mga bagay sa mundo, ang pakikipag-ugnayan mo sa Diyos, ang pakikipagrelasyon mo sa kapwa tao, ang pagharap mo sa kinabukasan at darating na buhay, obvious bang nabago dahil sa pagkabuhay muli ni Cristo? Maraming nagsasabing Cristiano sila at naniniwala sa kahalagahan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo. Maraming baptized at ipinahayag na si Jesus ang kanilang Panginoon at susundin habang sila’y nabubuhay. Pero marami ang hindi nababago ang istorya ng kanilang buhay dahil sa istorya ng nangyari noong unang Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay.
Anong problema? Bakit ganito? Kasi ang istorya ng ebanghelyo nasa isip lang ng iba, pero wala sa puso. Kasi ang pagiging Cristiano parang “karagdagan” lang sa buhay. Nadagdagan ng mga activities o schedule pero hindi nabago ang paraan ng pamumuhay. Hindi napalitan ang dating mga values ng mga bago na. Hindi napalitan ng bagong pagtingin sa mundo. Hindi napalitan ang mga pangarap, naisin at ambisyon sa buhay. Sinsabi nating nakita nating buhay si Cristo at may relasyon tayo sa kanya, pero ang tanong, obvious bang nabago tayo ni Cristong nabuhay na muli?
“I Count Everything as Loss”
The gospel does not just inform; the gospel transforms. Ganito ang nangyari kay Pablo. Nag-iba ang pagtingin niya sa mundo. Nag-iba ang pangarap niya sa buhay. Ano na ang pagtingin ni Pablo sa mga bagay sa mundo? Walang nang kuwenta!
Ang dating pakinabang sa kanya ngayon kalugihan na. “Ang mga bagay na sa akin ay naging pakinabang (o inakala kong pakinabang), ay inari kong kalugihan” (v. 8, Ang Biblia 2001). Ang tinutukoy ni Pablong “pakinabang” ay ang mga binanggit niya sa vv. 4-6. Para sa kanya, noong hindi pa nagpakita sa kanya ang Panginoong Jesus, ang kumpiyansa o tiwala niya ay sa kanyang sariling gawa o mga accomplishments. Ipinagmamalaki niya ang kanyang relihiyon, ang kanyang tribong pinanggalingan, ang kanyang mataas na antas sa kaalaman sa Kautusan at pagiging lider ng kanilang relihiyon, at ang kanyang sigasig sa pag-uusig sa iglesia. Ipinagmamalaki din niya ang kanyang pagiging matuwid at pagiging masunurin sa kautusan. Pero (but) nagkamali siya. Hindi pala iyon ang mga bagay na mahalaga. Kaya naman, ang mga bagay na ito na dati ay akala niyang malaki ang pakinabang para maging katanggap-tanggap sa Diyos “kalugihan” pala.
Sa business language, from profit to loss, from assets to liabilities. Ang mga dating pinagkakatiwalaan pala ni Pablo ay walang kuwenta o walang pakinabang sa kanyang katatayuan sa Diyos. Hindi parang isang negosyo na dati ay kumikita pero ngayon ay hindi na. Kundi parang isang negosyo na akala niya noong una ay kumikita pero hindi pala. Simula’t simula pa lugi na. Noong makita niyang ang record books na lugi, sinabi niya, “Wala pala ito. Sayang lang ang panahon ko at pagpapahalaga ko dito. Ayoko na.” Nakita na ni Pablo ang kabuluhan ng mga bagay na ito at napatunayan niyang walang kabuluhan kung ang pag-uusapan ay ang katayuan natin sa Diyos at tunay na kaligayahan sa buhay.
Hindi lang ang mga iyon ang itinuring ni Pablong kalugihan. “Indeed, I count everything as loss” (v. 8 ESV). Everything else besides Christ. Lahat ng iba pang bagay ay itinuturing na niyang walang silbi o walang pakinabang sa kanya. At hindi lang iyon. “[I] count them as rubbish” (v. 8 ESV). Ang salitang rubbish ay galing sa skubalon, na dito lang ginamit sa NT. Depende sa konteksto ng gamit, ang karaniwang kahulugan nito ay “useless or undesirable material that is subject to disposal, refuse, garbage” (BDAG, 932). Sa ibang gamit ay “excrement, manure.” Sa KJV, “dung.” Sa salin ni Eugene Peterson sa The Message, “dog dung.”
Hindi lang bagay na walang kabuluhan, hindi lang basurang itatapon, parang tae o dumi ng hayop, ito na ngayon ang pagtingin niya sa lahat ng bagay. “The intensification lies in the element of resolute turning aside from something worthless and abhorrent, with which one will have nothing more to do. The choice of the vulgar term stresses the force and totality of this renunciation” (TDNT, 7:446). Kung papasok ka ba sa kuwarto mo at makitang nagkalat ang dumi ng hayop, hindi ka naman papasok at mahihiga sa kama. Hindi ka rin naman din kukuha ng walis at basahan at lilinisin. Basta aalis ka na lang at hahanap ng mas magandang lugar. Parang “ewan” tayong mga Cristiano kapag niyayakap pa natin ang mga bagay na parang dumi lang ng hayop kung ikukumpara kay Cristo.
The Surpassing Worth of Christ
Sobrang radikal ng ganitong klaseng pagtingin sa mga bagay sa mundo at maging sa sariling buhay. Pero hindi lang ito para sa mga radikal na misyonero na katulad ni Pablo. Para ito sa lahat ng Cristiano. Sabi mismo ng Panginoon, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay” (Luke 14:33, MBB 2005). If we want to be identified with Christ, then we forsake all things. Tingnan natin ang lahat ng bagay sa mundo na walang halaga.
Bakit ganoon dapat? Bakit ganito na ang pagtingin ni Pablo sa mga bagay sa mundo at inaanyayahan tayong maging ganito rin ang pagtingin natin? Walang ibang dahilan maliban kay Cristo. Dahil kay Cristo! Simula nang makita niya si Jesus sa daan ng Damasco nagbago na ang lahat para sa kanya. Si Cristong buhay ang nakita niya. Dati hindi niya pinaniniwalaan ang mga alagad ni Cristong nagpapakalat na buhay si Jesus. Pero nakita niya mismo. Dahil kay Cristo – sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, nabago na ang pagtingin ni Pablo sa mga bagay sa mundo.
Dito sa verse 7 binanggit niya ang dahilan kung bakit inari na niyang kalugihan ang lahat ng bagay, “alang-alang kay Cristo Jesus.” Sa verse 8 ganoon din ang sinabi niya. Si Cristo ang nag-iisang dahilan. Kung hindi dahil kay Cristo, hindi naman siya magkakaganito sa kanyang pagtingin sa mundo. Balewala na ang ibang bagay dahil kay Cristo at para kay Cristo. Pinakamahalaga na ang relasyon niya kay Jesus, “because of the surpassing worth (huperecho) of knowing Christ Jesus my Lord” (v. 8). Ipinapakita rito ni Pablo na kung ikukumpara ang lahat ng bagay kay Cristo, wala nang halaga ang lahat. Bakit? Dahil ang makilala si Jesus ay higit na mainam kaysa sa lahat. Ang relasyon kay Cristo ay higit na mainam sa lahat. Anumang human accomplishments, anumang worldly riches, anumang bagay sa mundo ay hindi maihahambing kay Cristo.
“That I May Gain Christ”
Kaya naman, dahil din kay Cristo – sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay – nabago na ang pangarap ni Pablo. Ano na ngayon ang kanyang pangarap? Ang mapasakanya si Cristo! Malinaw itong binanggit sa dulo ng verse 8, “makamtan ko lamang si Cristo” (MBB 2005), “in order that I may gain Christ” (ESV). Ito ang pangarap niya. Ito ang pinakamimithi niya.
Simula rito ay babanggitin ni Pablo kung ano ang layunin (“in order that” sa ESV; “upang” sa MBB) kung bakit ganito ka-radikal ang pagtingin ni Pablo sa mga bagay sa mundo kung ihahambing kay Cristo. Walang ibang layunin maliban kay Cristo. Gusto niyang maranasan at mapasakanya si Cristo. Siya na ang pinakamahalaga sa lahat. Ang salitang “makamtan” ay hawig din ng salitang “kapakinabangan” sa verse 7. Nagkapalit na. Ang dating kapakinabangan sa kanya iba na, si Cristo na. Ipinagpalit na niya ang mga bagay na ito upang makamit si Cristo. Kung tutuusin hindi siya lugi. Kung baga sa business, ang isang investment na natuklasan niyang kalugihan pala ay pinalitan niya ng ibang investment, doon sa kikita siya nang malaki. Ang ideya dito ay losing or forsaking something in order to gain something much better. Tulad din ng pananalita ni Jesus:
Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? (Mark 8:34-36, Ang Biblia 2001)
Ang mga susunod sa verses 9-11 ay maaaring tingnan bilang pagpapaliwanag ng sinabi na ni Pablo sa dulo ng verse 8: that I may gain Christ. Kung ano ba ang ibig sabihin nito nang makamtan si Cristo. Nagbigay siya ng tatlo: (1) and be found in him… (v. 9); that I may know him… (v. 10); that…I may attain the resurrection from the dead (v. 11).
Gaining Christ in Justification. Sabi niya sa verse 9, “[that I may] be found in him, not having a righteousness of my own that comes from the law, but that which comes through faith in Christ, the righteousness from God that depends on faith.” Tayo ay itinuring (past tense) na matuwid (justified) ng Diyos dahil sa katuwiran ni Cristo. Pinapangarap at inaasam-asam ni Pablong mapasakanya nang lubusan si Cristo dahil nalaman niyang sa pamamagitan lang ni Cristo ibibilang na matuwid (justified) ng Diyos ang isang makasalanan sa kanyang harapan. Alam niya ito sapagkat naranasan na niya ito nang siya’y sumampalataya kay Cristo. Oo, natagpuan ni Pablo ang tunay na buhay na katanggap-tanggap sa Diyos dahil kay Cristo.
Hindi ito dahil sa sarili niyang sikap sa pagsunod sa kautusan o paggawa ng mabuti: “not having a righteousness of my own that comes from the law.” Dati akala niya ganito. Kaya nga dati sarili niyang accomplishments ang pinagmamalaki niya, “kung may kinalaman sa kautusan, isang Fariseo; kung may kinalaman sa kasigasigan, tagausig ng iglesia; kung may kinalaman sa pagiging matuwid sa ilalim ng kautusan, walang kapintasan” (3:5-6). Yun ang akala niya. Pero nagkamali siya.
This righteousness “comes through faith in Christ, the righteousness from God that depends on faith.” Ang katuwirang kailangan natin ay hindi galing sa sarili natin kundi galing mismo sa Diyos. At mapapasaatin lang ito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Hindi ito nakadepende sa gawa natin kundi sa ginawa na ni Cristo para sa atin.
Gaining Christ in Sanctification. Sabi niya sa verse 10, “that I may know him and the power of his resurrection, and may share his sufferings, becoming like him in his death.” Tayo ay ginagawang (present tense) matuwid (sanctified) ng Diyos dahil sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Cristo at ng ating pakikiisa sa kanyang paghihirap at kamatayan. Ito ang pangarap ni Pablo: “that I may know him.” Expansion ito ng verse 8, “the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord.” Ang pagkakilalang ito ay hindi lang basta intelektuwal na kaalaman tungkol kay Jesus, kundi mas personal na pagkakilala sa kanya. Oo nga’t kilala na ni Pablo si Cristo. Pero ang gusto niya ay makilala pa siya nang makilala. Maging lubusan ang pagkakilala niya kay Cristo, ito ang pangarap niya. Na parang mag-asawa na mas lumalalim ang pagsasama hangga’t mas nakikilala ang bawat isa. Ano ang gustong ni Pablong maranasan sa kanyang pagkakilala kay Jesus?
Una, “the power of his resurrection.” Tumutukoy ito sa kapangyarihan ng Diyos na bumuhay kay Cristo mula sa mga patay. Ito rin ang kapangyarihang nais maranasan ni Pablo na bumago sa kanyang buhay. Ipinapakita nito na napakalaki ng pangangailangan niya sa kapangyarihan ng Diyos para lubos na mapagtagumpayan ang kanyang mga kasalanan at mamuhay nang may kabanalan sa Diyos. Sabi ni Don Carson tungkol dito:
According to Paul, that same “incomparably great power” (Eph. 1:19)—the power that raised Jesus from the dead—is the power that is at work in us to make us holy, to make us a fit place for Jesus to dwell, to enable us to grasp the limitless dimensions of God’s love for us (Eph. 3:14–19), to strengthen us so that we have great endurance and faith and lives constantly characterized by thanksgiving (Col. 1:11–12). It takes extraordinary power to change us to become like that. In fact, it takes nothing less than the power of God that raised Jesus from the dead. What the apostle wants, then, is not power so that he might be thought powerful, but power so that he might be conformed to the will of God. Only the power that brought Jesus back from death will do. (Basics for Believers: An Exposition of Philippians, 87)
Pero hindi lang iyon, nais din ni Pablong maranasan ang mga paghihirap ni Cristo. Ito ang ikalawa niyang binanggit bukod sa “power of his resurrection,” sharing or partnership or fellowship (Gk. koinonia) in “his sufferings, becoming like him in his death.” Kung gusto niyang makamtan si Cristo, inaasam niya ang lahat kay Cristo, kasama ang mga paghihirap nito. Ang problema sa mga Cristiano ngayon, gusto lang natin ang pakikihati sa muling pagkabuhay ni Cristo, at hangga’t maaari, iiwasan ang mga paghihirap na kasama ng pagiging tagasunod ni Cristo. Pero para kay Pablo hindi dapat ganoon. You cannot receive a half-Christ. It’s either you have all of him or you don’t have him at all.
Alam niya na sa pamamagitan ng pakikihati o pakikisalo sa paghihirap ni Cristo (kung ano ang kinain niya, yun din ang kakainin ni Pablo) ay magiging katulad o kawangis niya si Cristo. Parang sinasabi niya, “I want to be like Christ, even in his death!” Hindi dahil isang masokista si Pablo na inaasam ang paghihirap at torture sa sarili bilang kasiyahan, kundi dahil alam niya na may maidudulot itong pakinabang sa kanya. Alam niyang bahagi ito ng buhay Cristiano, at ipinagkaloob sa atin ayon sa layunin ng Diyos (1:29), kaya naman tatanggapin niya ito at aasaming makamit. It is not about the sufferings. But knowing Christ through the sufferings. “For to me, to live is Christ and to die is gain” (1:21).
Gaining Christ in Glorification. Verse 11, “that by any means possible I may attain the resurrection from the dead.” Tayo ay gagawing (future tense) ganap na matuwid sa pagbabalik ni Cristo. Ang salitang “makamit” (attain) ay literal na nangangahulugang “matapos ang paglalakbay” o “maabot ang pinakamimithi” (Friberg, katantao, p. 220). Para kay Pablo ang muling pagkabuhay mula sa mga patay (resurrection from the dead) ay ang dulo ng kanyang espirituwal na lakbayin (spiritual pilgrimage). Ito ang hangganan ng lahat sapagkat sa oras na ito ay mararanasan na niya ang pagiging ganap na matuwid, malulubos na ang kanyang pagkakamit kay Cristo. Hindi lang ito basta mamatay at mapunta sa langit, kundi tumutukoy ito sa gagawin ng Diyos para sa ating mga Cristiano sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, na ang ating mga katawang patay at nabubulok na ay muling isasama sa ating kaluluwa. Magiging tunay na ganap na bago ang ating pagkatao dahil wala nang kasalanan, wala nang kabulukan, wala nang paghihirap. Lubos nang mararanasan natin ang pagiging kay Cristo.
Ang problema ng maraming Cristiano, sa dami ng mga inaalala sa buhay na ito, nakakalimutan na na may kabilang-buhay na naghihintay. Iyon ang higit na mahalaga na dapat nating asamin. Naging posible at tiyak ito dahil sa muling pagkabuhay ni Cristo. Sinasabi nating gusto nating mapunta sa langit at makapiling ang Diyos pero ang isipan naman natin at mga pangarap natin ay nakatuon sa lupa at kuntento nang makapiling ang yaman at kasiyahan ng mundong ito. Sabi nga ng isang kanta ng David Crowder Band, “Everybody wants to go to heaven, but nobody wants to die.” Ang babaw ng kaligayahan natin! Pipiliin pa nating malugi kaysa kitain ang inilaan na ng Diyos para sa atin.
When you consider all things as loss you will gain Christ because of his cross.
Sa tuwing may babautismuhan tayo, natutuwa ako. Lalo na kapag maririnig ko kung paano kumilos ang Diyos sa buhay nila para baguhin sila. Mayroong isa dati na narinig kong kahit itakwil siya ng pamilya, tutuloy pa rin siya sa pagsunod kay Cristo. Iba na ang pagtingin sa mundo. Balewala maging ang sariling pamilya kung ito ay makahahadlang sa pagsunod kay Cristo. Ngayon naman may isa na noong una kong makilala gusto nang magpakamatay sa bigat ng dinaranas sa buhay. Pero ngayon, nakangiti at masaya dahil may dahilan na siya para mabuhay at ialay ang buhay para kay Cristo. May bago na siyang pangarap. Hindi ang magpakamatay nang walang dahilan kundi ialay ang buhay para makamtan si Cristo. Ito rin ang tawag sa atin ng Diyos. Dahil sa muling pagkabuhay ni Cristo, bagong buhay na – bagong pagtingin sa mundo (kasuklam-suklam kung ikukumpara kay Cristo) at bagong pangarap (hindi ang makamtan ang mundo kundi makamtan ang yaman ni Cristo). Tandaan natin:
When you consider all things as loss you will gain Christ because of his cross.