June 19, 2011 (Father’s Day) | By Derick Parfan | Scripture: Hebrews 12:4-11
[vimeo http://vimeo.com/25581511]
Sa aklat ni John MacArthur na The Fulfilled Family, sinabi niya na minsan daw ay nagpamigay ang Houston Police Department ng isang leaflet na ang title ay “How to Ruin Your Children.” Sabi nila 99% effective daw ‘to. Ilan sa mga nakasulat ay ito:
- Principle #1: Simula sa pagsilang ng bata, ibigay mo lahat ng gusto niya.
- Principle #2: Kapag nagsimula na siyang magsalita ng mga bad words, tawanan mo.
- Principle #3: Huwag na huwag mo siyang bibigyan ng kahit anong spiritual training. Hintayin mo munang mag-21 yrs old na siya, at hayaan mo siyang magdesisyon sa sarili niya.
- Principle #4: Iwasan mong gamiting ang salitang “mali” (wrong). Baka magkaroon siya ng serious guilt complex.
- Principle #5: Pulutin mo lahat ng iniwan niyang nakakalat sa sahig, para masanay siyang ipasa ang responsibilidad sa ibang tao.
Sa isang salita, ‘wag mong disiplinahin ang bata, siguradong wasak ang buhay niyan. Oo nga’t may responsibilidad din ang nanay sa pagdisiplina. Pero pangunahing role ito ng tatay kasi siya ang head of the family, sa kanya binigay ng Dios ang authority na manguna sa pamilya. Nakita ito ng Christian psychiatrist na si Paul Meier sa kanyang book na Christian Child-Rearing and Personality Development. Isa sa sagot niya sa mga tanong na how to develop a drug addict or alcoholic, “Protect him from your husband and from those mean teachers who threaten to spank him from time to time”; how to develop an obese child, “Feed him a lot of food and leave him home alone all the time so he has nothing to do but eat. Also make sure he has little regard for his father”; How to develop a hyperkinetic child, “Don’t ever spank the child; just nag him. Also make sure the father is always gone.” [John MacArthur, The Fulfilled Family]
Kung papabayaan ng mga tatay ang role nila sa pagdidisiplina dahil kulang ang time o busy sa trabaho, ikapapahamak din ng kanilang anak. Fathers, we must not just provide food but also instruction and discipline. Ito rin naman ang sinasabi ng Salita ng Dios, “Fathers (sa salin sa Tagalog, “mga magulang” pero “ama” sa literal), bring [your children] up in the discipline and instruction of the Lord” (Eph. 6:4 ESV). Hindi sa disiplina at turo ng tatay, kundi ng Panginoon. Standard ng Panginoon ang batayan ng pagdidisiplina ng mga tatay. Kaya dapat alam natin kung anong disiplina ito.
Bago natin ‘yan talakayin, gusto ko lang ipaalala na kahit na Father’s Day ngayon, it is not mainly about fathers, it is the Lord’s Day. Iba-iba man ang mga tatay natin, pero alam nating meron tayong nag-iisang Tatay sa langit na hindi nagbabago kailanman. Sa kanya dapat tumulad ang lahat ng tatay sa pagdidisiplina sa anak. Sa mga naghahanda para maging tatay, ang modelo ninyo hindi ang tatay niyo kundi ang Dios mismo. Sa lahat ng disappointed sa tatay niyo, lahat ng hinahanap ninyo sa isang tatay nasa Dios natin. Sa lahat naman ng bilib na bilib sa tatay, tandaan niyong hindi sila Dios na dapat sambahin. Kaya ngayon magfocus tayo sa isang mahalagang aspeto ng relasyon natin sa Dios bilang mga anak niya – pagdidisiplina. At tingnan ninyong mga tatay at asawa at anak kung paano natin (unang-una) dapat tanggapin ang pagdisiplina ng Panginoon at (pangalawa) paano tularan ang pagdidisiplina niya.
Pagdidisiplina: Turuan, Sawayin, Ituwid, Sanayin.
Discipline. This is not an attractive word for many. This is repulsive dahil sa iba-ibang images na kaakibat nito. Pamalo. Sigaw. Abuso. Galit. Sakit. Hirap. Control. Pero ito ang isang bagay na dapat matutunan ng mga tatay tungkol sa Dios. Isa ito sa pangunahing responsibilidad ng mga tatay na kung hindi napapabayaan (neglected) ay naaabuso (abused) naman o hindi nagagawa ng tama (misused). Hindi natin ito puwedeng isantabi dahil bahagi ito ng relasyon natin sa Dios, bahagi ng layunin niya sa atin. Bakit? Kasi makasalanan tayo at patuloy na nakikipaglaban sa kasalanan. “Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin…Kung tutuusin, wala pa namang pinatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan” (Heb. 12:1, 4 ASD). Hadlang ang kasalanan (impluwensiya ng iba at ng kasalanang nasa atin) sa buhay Cristiano. Hindi natin kayang labanan mag-isa kaya kailangan ang disiplina ng Panginoon.
Sabi sa Efeso 6:4, “Fathers, bring [your children] up in the discipline (paideia) and instruction of the Lord” (ESV). Discipline of the Lord. Hindi matututunan ng tatay ang tamang pagdisiplina kung hindi niya alam ang pagdisiplina ng Panginoon. Paulit-ulit na ginamit ang salitang discipline (both noun and verb) dito sa Hebrews 12:3-11. Ito ay galing sa salitang paideia na tumutukoy sa pagpapalaki ng isang anak. Dito inihahalintulad ang pagdisiplina ng Panginoon sa atin na parang isang magulang na nagpapalaki sa kanyang anak. Malawak ang salitang ito at hindi lang ito basta pagpalo at pagsaway. Apat na bagay ang ginagamit na paraan ng Diyos sa proseso ng pagdidisiplina. Ang apat na ito ay dapat ding tularan lalo na ng mga tatay kung nais nilang maging gaya ng Panginoon sa pagdidisiplina.
Turuan. Pagkatapos banggitin ng sumulat ng Hebreo ang tungkol sa kabigatan na dinaranas ng mga Cristiano dahil sa mga persecutions, sinabihan niya sila, “Baka nakalimutan n’yo na ang pangangaral ng Dios sa inyo bilang mga anak niya” (v. 5a ASD). Pagkatapos nito ay binanggit niya ang Kawikaan 3:11-12 na siyang payo ni Solomon sa kanyang anak o disciple. Simula ng disiplina ang pagtuturo ng Dios sa atin sa daan na dapat nating lakaran. Ano ang dapat gawin? Ano ang hindi dapat gawin? Ganito din ang dapat na ginagawa ng mga magulang. Hindi basta ipinapaubaya sa eskuwelahan ang paghubog sa bata, kundi ang bahay ay nagsisilbing unang school ng bata. At pangunahin ang Biblia na nagagamit at kapaki-pakinabang sa “pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay” (2 Tim. 3:16-17) sa atin.
Sawayin. Kapag naituro ang daang dapat lakaran, dahil likas sa bata ang pagiging foolish at selfish, susuway yan. “Folly is bound up in the heart of a child,” sabi ni Solomon (Prov. 22:15). Kapag sumuway sa utos ng tatay, dapat sawayin, dapat pagsabihang mali siya at hindi tama ang ginagawa niya. Dapat sawayin kapag sumasalungat ng landas. Ganito rin ang ginagawa ng Dios sa atin. “Huwag mong balewalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, at huwag kang panghihinaan ng loob kung sinasaway ka niya” (v. 5b ASD). Hindi hahayaan ng Dios na mali ang nilalakaran natin, na maligaw tayo. Kaya sasabihin niya sa atin kung Wrong Way o may Danger Zone.
Ituwid. Ang layunin ng pagsaway ay siyempre para maituwid, maibalik. Hihikayating magsisi at magbago. Ang Dios kapag matigas ang ulo natin pinapalo tayo. Sa pamamagitan ito minsan ng mga sufferings at mga consequences ng kasalanan natin. Tulad ng Dios, dapat ding gawin ang pagpalo sa mga anak kung hindi makuha sa pagsaway at hindi nakikinig. Dapat nilang malaman na may consequence na punishment ang pagsuway. Ganoon din naman, ang pagsunod ay may rewards. Sa US bawal na atang pinapalo ang mga anak, kapag nakita ng kapitbahay pwedeng ireklamo sa Social Services nila. Pero payo sa Biblia, “Ang pagpalo (rod) at pagsaway sa bata ay para sa ikatututo niya. Ngunit kapag ang bata’y pinabayaan, maghahatid siya ng kahihiyan sa magulang” (Prov. 29:15). Hindi tayo pababayaan ng Dios, tulad ng isang pastol na may hawak na tungkod o pamalo kapag ang isa sa tupa ay lumilihis ng daan, kapag hindi nakuha sa tapik, papaluin.
Sanayin. Ang disiplina patuloy na gawin ito hanggang magkaroon ng karunungan. Dapat siyempre sa mga tatay consistent. Hindi minsang nagkalat ang anak papagalitan, sa susunod naman babalewalain lang. Hindi masasanay ang bata kung hindi consistent. Ganoon ang Dios sa ating kanyang mga anak, sinasanay tayo na lumakad nang tuwid sa ating pamumuhay. Sabi sa v. 11 na masakit man ang pagdisiplina ng Panginoon pero may bunga itong malaki “sa mga nasanay sa pamamagitan nito” (Ang Biblia).
Pagdidisiplina: ‘Di Dapat Balewalain
Kapag ang isang anak ay tinuturuan, sinasaway, itinutuwid at sinasanay ng magulang, minsan hindi maganda ang response niya dito. Ang iba, lalo na siguro kapag teenager na gusto sila na ang masusunod, kung anong oras uuwi, kung kelan magboboyfriend, kung sinu-sinong kaibigan ang kasama. Ayaw nang napagsasabihan. Sobrang independent. Kapag may sinabi ang tatay, baka hindi na pinapakinggan. Ang iba nagsasawa nang lagi silang pinapagalitan. Imbes na mag-sorry at baguhin ang ugali, lalo pang nagrerebelde at naglalayas pa. Pero ganitong klaseng response ba ang nais ng Dios na gawin natin sa pagdisiplina niya? Siyempre hindi. Ang gusto niyang response natin sa disiplina niya ay:
‘Wag balewalain, kundi magpailalim. “Anak, huwag mong balewalain ang pagdidisiplina ng Panginoon” (v. 5b ASD). Ang ibang bata hindi iniintindi ang sinasabi ng tatay. Pero tandaan natin, may authority sila na dapat igalang, dahil ang authority na yun ay galing din sa Dios. Kapag sumuway tayo, Dios din ang sinusuway natin na nag-utos sa atin na igalang natin ang ating ama’t ina. “Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit” (v. 9 ASD). Ang Dios man ang magdisiplina sa atin directly o sa pamamagitan ng magulang o ng church bilang ating spiritual family, dapat magpailalim tayo dito. ‘Wag tayong magmatigas.
‘Wag magsawa, kundi magtiyaga. Ang ibang anak, kapag laging nasesermunan, medyo nabibingi na, nagsasawa nang makinig, sasabihin, “Ayoko na, bahala ka diyan.” Pero hindi dapat magsawa. “…at huwag kang panghihinaan ng loob kung sinasaway ka niya” (v. 5c ASD). Makulit ang Dios sa pagdisiplina sa atin, kasi hindi siya titigil na paalalahanan tayo at maituwid. Kaya, “Tiisin n’yo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Dios sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak” (v. 7a ASD). Magtiyaga na gawin ang pagbabago sa buhay kahit mahirap o masakit ang ginagawang disiplina. Bakit? Kasi sa likod ng tamang pagdisiplina ng tatay ay ang pag-ibig sa itinuturing niyang anak. “Dahil itinuturing niya kayong mga anak.”
Pagdidisiplina: Tanda ng Pag-ibig sa mga Anak
This is the motive of discipline. Proper discipline is loving. Kaya nga ang pagdidisiplina ay tanda ng pag-ibig ng Dios sa atin bilang mga anak niya. Ito ay tanda. Ibig sabihin, sa likod ng bawat pagdisiplina, may sinasabi sa atin ang Dios, may ipinapakita siya tungkol sa relasyon niya sa atin. It shows us something about God and about ourselves. “Baka nakalimutan n’yo na ang pangangaral ng Dios sa inyo bilang mga anak niya” (v. 5a ASD). Hindi natin dapat kalimutan kung ano ang sinasabi niya. Kaya nga ang mga anak na hindi sumusunod sa disiplina ng magulang, kinakalimutan nila kung bakit sila dinidisiplina. Ang focus nila ay sa pagiging strict o killjoy o pagiging hindi moderno ng kanilang magulang. Hindi nila naiiisip na sa bawat disiplina, bawat sermon, bawat palo ay nagpapakita ng pag-ibig sa isang anak.
Pag-ibig. The motive of discipline is love. It is a way of showing love. “Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo niya ang itinuturing niyang mga anak” (v. 6 ASD). Sa Prov. 3:12, “Sapagkat itinutuwid ng PANGINOON ang ugali ng kanyang mga minamahal katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan” (ASD). Your father disciplines you because he loves you. Kapag ang isang ama hindi naglalaan ng pagdisiplina sa anak, paano mo masasabing totoong mahal mo siya? Mas malungkot kayo kung wala nang pakialam sa inyo ang tatay niyo.
Anak. Patunay ang disiplina na itinuturing tayo ng Diyos na isa sa kanyang mga anak. “Tiisin n’yo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Dios sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama” (v. 7 ASD). Hindi dinidisiplina ng tatay ang anak ng kanyang kapitbahay kasi hindi naman niya anak yun. Kaya kung walang pakialam sa iyo ang Dios at hahayaan ka lang, ano ngayon ang katayuan mo sa harap niya? “Kung hindi kayo dinidisiplina ng Dios gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng mga anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas” (v. 8 ASD). Discipline is a sign of a father’s love to his child. God loves us kaya dinidisiplina tayo. ‘Wag tayong magreklamo sa Dios kung mahirap ang buhay kasi paraan ito ng Dios para mahubog tayo ayon sa wangis ni Cristo. Ganoon din para sa tatay, ‘wag magsawa sa pagdisiplina sa anak. Para sa anak, tandaan n’yo kung ano ang sinasabi sa inyo ng pagdidisiplina ng tatay niyo – kayo’y anak na minamahal.
Pagdidisiplina: Sandaling Hirap pero mas Makakabuti
Bukod sa motive of discipline, dapat din nating tingnan ang result of discipline para kahit na mahirap ang pagdisiplina, hindi tayo magsasawa at tatanggapin natin ito nang maluwag sa loob. Discipline is rewarding. Makakabuti ito sa taong dinidisiplina at sa relasyon niya sa nagdidisiplina. Masakit sa una kasi nga disiplina. “Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan” (v. 11a ASD). Pero sandali lang naman. “Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti” (v. 10a ASD). At para din naman sa ikabubuti natin. Halimbawa, kapag may sakit na kailangang gamutin. Masakit maoperahan. Lalo na dati na wala namang anestisya. Pero kahit na ngayong meron na, masakit naman sa bulsa. Pero kailangan. Magpapagamot kasi maganda ang magiging resulta. Ganoon din sa disiplina. Anu-anong resulta ang maaasahan natin kung papailalim tayo sa disiplina ng Dios? Ito rin ang mga resultang puwede ninyong asahan kung didisiplinahin ninyo ang inyong mga anak at kung ang mga anak naman ay makikinig sa inyo.
Buhay at hindi kamatayan. Kapag may sakit na nakamamatay, kapag hindi nadala sa ospital at naagapan, maaaring ikamatay. Ganoon din sa kasalanan. We are foolish and sinful by nature. Kapag hindi naituwid sa pagdidisiplina, kamatayan ang patutunguhan. “Hindi ba’t dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba’t upang tayo’y mabuhay, mas nararapat na tayo’y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu” (v. 9, Ang Biblia). Siyempre, sa isang banda hahaba ang buhay natin. Hindi tulad ng isang anak na sinabihan na ng magulang na magsuot ng helmet at huwag magpatakbo ng matulin kapag nagmomotor, hindi pa rin sumunod. Ayun tuloy, salpok sa pader, patay! Payo ni Solomon sa mga magulang, “Huwag mong hayaang hindi madisiplina ang bata. Hindi niya ito ikamamatay kundi makapagliligtas pa sa kanya sa kamatayan” (Kaw. 23:13-14 ASD). Sa pamamagitan ng pakikinig sa magulang, hahaba ang buhay ng isang bata (4:13; 6:23; 10:17).
Pero hindi lang pisikal na buhay ang itinuturo ditong resulta ng disiplina. Not just quantity but quality. Kung sa pamamagitan ng disiplina ng Dios, natuto tayo na lumakad sa daan na nais ng Dios na lakaran natin, ang tungo nito ay sa buhay na walang hanggan. Kung sa pamamagitan ng pagsisisi sa kasalanan ay nakilala natin at naging malapit tayo sa Dios, ito ang tunay na buhay. Kung magmamatigas tayo sa mga paalala ng Dios ito ang maglalayo sa atin mula sa kanya. Kung ang mga anak hindi didisiplinahin, ito ang maglalayo sa kanila sa buhay na inilaan ng Dios sa mga taong nagpapasakop sa kanya. Kaya kung ayaw ninyong masayang ang buhay ng inyong mga anak, gawin ninyo lahat ng magagawa ninyo para madisiplina sila. Ang tatay na hindi nagdidisiplina ay parang pinapatay ang kanilang anak.
Kabanalan at hindi karumihan. Ang isang maysakit sa puso, kapag naoperahan maaaring gagaling. Ang sakit natin nasa puso din natin, pero sa disiplina ng Panginoon, matatanggal ang karumihan na nasa puso natin. Ang mga tatay dinidisiplina ang anak sa tingin niyang makakabuti (v. 10a) pero minsan hindi, minsan sariling interes lang, minsan para mabago lang ang ugali pero ang puso marumi pa rin, malayo pa rin sa Dios. “Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya” (v. 10b ASD). Ito ang layunin niya at magiging resulta kung makikinig tayo sa kanya at susunod – kabanalan sa puso, hindi panlabas lang na pagbabago ng ugali. Mahalaga ang totoong kabanalan na nasa puso natin dahil kung wala tayo nito ay hindi natin makikita ang Panginoon, hindi natin mararanasan kung ano ang totoong buhay (v. 14).
Tuwid at hindi likong pamumuhay. Ang isang maysakit na gumaling, meron nang lakas para magawa ang mga bagay na dapat gawin. Ang isang taong dinidisiplina at nagkakaroon ng kabanalan sa puso, makikita ang bunga nito sa isang tuwid na pamumuhay. “Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay” (v. 11 ASD). Ang totoong nagpasakop sa disiplina ng Panginoon ay hindi lang iyong umiyak kapag nakagalitan o nasaway, iyon yung nagkaroon ng pagbabago sa kanyang pamumuhay. Ang baluktot naituwid; ang paliku-likong buhay, nadidiretso dahil sa disiplina. “Nakabalot sa puso ng bata ang kahangalan, ngunit inilalayo ito sa kanya ng pamalo ng pagsaway” (Kaw. 22:15 Ang Biblia).
Sabi ni Susana Wesley, nanay ng 19 anak kasama sina John and Charles Wesley (founders ng Methodist Church): “The parent who studies to subdue [self-will] in his child works together with God in the renewing and saving of a soul. The parent who indulges it does the Devil’s work; makes religion impracticable, salvation unattainable, and [damns] his child, body, and soul for ever” (Susanna: Mother of the Wesley, 59–60).
Disiplina: Para sa Ating Lahat
Maganda ang bunga ng disiplina, masaklap ang kapalit ng walang disiplina. Discipline is not an option for Christians, parents and children; it is a must. Ang disiplina ay para sa lahat. No exemptions. Kung ayaw mong dumaan sa disiplina ng Panginoon, sabihin mo rin sa kanya, “Ayaw kong maging isa sa mga anak ninyo. Gusto ko maging independent, walang nakikialam.” Ikaw ang bahala, alam mo kung saan hahantong ang ganyang buhay.
Mga tatay, bago pag-usapan ang pagdisiplina sa inyong anak, dapat siguro tayo muna ang disiplinahin ng Panginoon dahil maaaring nagkukulang tayo sa responsibilidad na ito. Kung malalaki na at huli na ang lahat, humingi ka ng tawad sa Dios at sa mga anak mo kung hindi sila nadisiplina. Sa lahat ng mga anak na nasa ilalim pa ng authority ng kanilang magulang, tandaan niyong ginagamit ng Dios ang inyong magulang para matuto kayong sumunod at gumalang sa kanya. Paano kayo makakasunod sa Dios na di niyo nakikita kung di naman kayo sumusunod sa tatay?
Sa lahat ng hindi nakaranas ng disiplina ng tatay (iniwan man o hindi pinapakialaman), meron tayong lahat na Ama sa langit na hindi tayo iiwan at siguradong pakikialaman ang buhay natin dahil mahal niya tayo. Laking pasasalamat ko sa Dios kasi dinisiplina niya ako noong bata pa ako sa pamamagitan ng Daddy ko, at hanggang ngayon ay dinidisiplina pa rin ako (hindi na ng Daddy ko) kundi ng Panginoon para maging tulad ng kanyang Anak na si Jesus – sa pamamagitan ng kanyang Salita, ng aking asawa, ng mga kapatid kay Cristo dito sa BBCC, at ng mga pangyayari sa buhay.
Good Evening po. Thank You very much for this message. na ispire at na blessed.
i want to ask permission to copy and share this to our congregation.
LikeLiked by 1 person
Sure po
LikeLike
Napaka ganda po ng mensahe na blessedbpo ako..pwede ko fin pi ba itong kopyahin at i share ko din po sa mga tinuturuan ko at sa church namin?
LikeLiked by 1 person
Napaka ganda po ng mensahe na blessedbpo ako..pwede ko din po ba itong kopyahin at i share ko din po sa mga tinuturuan ko at sa church namin?
LikeLike
Hindi popular na mensahe sa fathers day pero mahalaga katotohan na dapat gawin para sa buhay na banal at malayo sa kapahamakan
LikeLiked by 1 person