Always Ready for the Harvest

April 17, 2011  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Romans 1:13-17

I want you to know, brothers, that I have often intended to come to you (but thus far have been prevented), in order that I may reap some harvest among you as well as among the rest of the Gentiles. I am under obligation both to Greeks and to barbarians, both to the wise and to the foolish. So I am eager to preach the gospel to you also who are in Rome. For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek. For in it the righteousness of God is revealed from faith for faith, as it is written, “The righteous shall live by faith.” (ESV)

[audio http://cdn.sermonplayer.com/k/pastorderick/audio/2661655_19480.mp3]
[vimeo http://vimeo.com/25853528]

Downloads: audio  |  video

PALM SUNDAY, THE HARVEST, AND 3-FOR-30 PRAYER

Ngayong Linggong ito ay ang tinatawag na Palm Sunday, bilang pag-alaala sa matagumpay na pagpasok (triumphal entry) ni Jesus sa Jerusalem ilang araw bago siya ipako sa krus. Nang mabalitaan ito ng maraming tao, kumuha sila ng mga dahon ng palaspas (mula sa palm tree) bilang simbolo ng tagumpay sa pag-aakalang si Jesus ay maghahari sa Israel at patatalsikin ang mga Romano. Sumigaw sila, “Hosanna! Blessed is he who comes in the name of the Lord, even the King of Israel!” (John 12:13 ESV). Nasabi ito ng karamihan at maraming tao ang sumalubong sa kanya dahil sa nabalitaang ginawa niyang himala nang buhayin niya muli si Lazaro (vv. 17-18). Ang ilan sa kanila ay tunay na tagasunod ni Cristo; ang karamihan naman ay hindi.

Ganoon din sa panahon ngayon. Marami ang nagsasabing Cristiano sila, umaattend sa church, umaawit ng papuri, mga relihiyoso, pero hindi naman pala. Sinasabi nila ang pangalan ng Panginoon, ngunit hindi naman talaga kilala nang personal si Jesus at walang tunay na pagtitiwala sa kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ganyan ang marami sa mga kamag-anak at kaibigan natin. Hindi nga sila matatawag na “masasama” pero sila naman ay mga makasalanang nangangailangan rin ng kaligtasan. Kaya nga tayo may 3-for-30 Prayer sa pasimula ng ating The Harvest Season 3 ngayong April. Sa susunod na 30 araw, ipapanalangin natin ang tatlo sa mga kaibigan nating hindi pa masasabing tagasunod ni Cristo. Ito ay bilang paghahanda sa pagbabahagi natin sa kanila ng mabuting balita ni Cristo (gospel) na pagtutulung-tulungan natin hanggang sila ay mabautismuhan at maging bahagi ng ating grace-community.

UNREADY HEARTS

Pero ang iba sa inyo, hindi naman kayo committed agad sa gawaing ito. Iba-iba ang magiging reaksiyon o damdamin ninyo kapag sabihin kong lahat tayo ay makibahagi sa The Harvest at simulan sa 3-for-30 Prayer. Some of you lack vision or a sense of purpose. Hindi nakikita ng iba sa inyo na malaking bahagi ito ng layunin ng buhay ninyo at kung bakit kayo iniligtas ng Diyos. Para sa iba sa inyo, may iba kayong pangarap at maaaring walang kinalaman dito ang kaligtasan ng mga kaibigan at mga taong kapag namatay ay mapapahamak dahil sa bigat ng parusa ng Diyos.

Pero maaaring nakikita mo nga ang nais gawin o ang layunin ng Diyos at masasabi mong dapat talaga sa isang grace-community ay nagiging instrumento ng Diyos para maligtas ang marami. Pero hindi mo naman nararamdamang tinawag ka rin upang makibahagi dito. Some of you lack a sense of calling or obligation. Sa tingin mo ang maging instrumento para sa kaligtasan ng iba ay para lamang sa mga pastor, missionaries, evangelists, mga trained leaders, at mga mature Christians.

Ang iba siguro kumbinsido na na may bahagi sila sa ginagawang ito ng Diyos sa pagliligtas ng maraming tao. Pero hindi sabik na makibahagi, hindi handa, at walang pagnanais. Some of you lack readiness, willingness, and eagerness. Basta ayaw mo kasi may mga bagay na sa tingin mo ay mas mahalaga at dapat pagtuunan ng pansin. Sasabihin mo siguro na wala kang oras dahil marami kang pinagkakaabalahan tulad ng trabaho.

Pero ang alam ko ang ilan sa inyo ay gusto ninyo. Nakikita ninyong kailangan para maligtas ang mga mahal ninyo sa buhay. Nakikita ninyong makapagbibigay ito ng karangalan sa Diyos. Pero naroon ang takot ninyo baka kung ano ang sabihin ng iba, baka mapahiya kayo, baka malaki ang ma-sacrifice ninyo kapag naging bahagi kayo. Maaaring makibahagi kayo sa simula pero kapag pinanghinaan na ng loob aayaw na. Some of you lack the courage and boldness.

Kung isa man lang sa apat na iyan ang masasabing totoo sa iyo, mahihirapan tayo sa pag-abot natin sa mga naliligaw bilang isang iglesia. Maaaring ang mga damdaming ito ang makahadlang para matupad ang layunin ng Diyos para sa ating iglesia at para sa buhay ng bawat isa sa inyo. Ang isyu dito ay ang puso natin. Hindi natin maaaring sabihing walang oras, masyado kasing busy, o hindi maganda ang sitwasyon natin ngayon sa buhay. Some of you are not ready for this because your heart is not ready.

PAUL AND THE HARVEST

Tingnan natin ang Salita ng Diyos at kung paano tayo maihahanda nito sa napakagandang layuning inilaan na niya para sa atin. Tingnan natin ang kaibahan ng saloobin ni Pablo patungkol dito. Ibang-iba ito sa maraming mga Cristiano. He does not lack vision or sense of purpose; he sees the harvest vision. “Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na madalas kong binalak na makapunta sa inyo (subalit hanggang ngayon ako’y nahahadlangan), upang magkaroon din naman ako ng bunga sa inyo, gayundin naman sa iba pang mga Hentil” (Rom. 1:13, Ang Biblia). Hindi pa sila nagkikita ng mga Cristiano sa Roma dahil iba ang nagtatag ng iglesia doon. Pero gusto nila silang makita. Yun nga lang, medyo may ilan pang mga aberya.

Bakit gusto niya silang makita? “That I may reap a harvest among you.” Maaaring tumukoy ang harvest sa “bunga” ng pananampalataya ng mga Cristiano roon. Pero malamang din na ito ay tumutukoy sa nais niyang gamitin siya ng Diyos para ibahagi ang ebanghelyo doon para marami pang maligtas. Kaya tama rin ang salin o paraphrase ng MBB, “Nais kong makahikayat din diyan ng mga sasampalataya kay Cristo.” Paul has a harvest vision. Alam niyang ito ang layunin ng Diyos sa buong kasaysayan, ang tawagin ang mga taong makasalanan upang kilalanin at sundin si Jesus na Panginoon. Alam niyang may ginagawa ang Diyos at may gagawin pa ang Diyos sa Roma para marami pa ang makakilala sa kanya roon. Kung ano ang pangarap ng Diyos, iyon din ang pangarap niya. Kaya nga “iyan ang dahilan kung bakit hindi ako matuluy-tuloy sa pagpunta sa inyo” (15:22 MBB). Anong dahilan? The Harvest Vision: “Makakakilala ang hindi pa nakakabalita tungkol sa kanya. Makakaunawa ang hindi pa nakakarinig tungkol sa kanya” (15:21 MBB). But The Harvest is more than just evangelism. May kinalaman ito sa pag-akay ng Diyos sa mga tao “sa pananampalataya at pagsunod sa kanya” (1:5 MBB).

Dahil alam nakikita ni Pablo ang isang harvest vision, alam din niyang may bahagi siya rito. He does not lack a sense of calling or obligation; he was gripped by a divine calling. “May pananagutan ako sa lahat (I am under obligation, ESV): sa mga sibilisado (lit. “sa mga Griyego”) at sa mga barbaro, sa marurunong at sa mga mangmang” (v. 14). Sa literal na salin, ang pananagutang ito ay may kinalaman sa isang taong may pagkakautang na dapat niyang bayaran. Pero hindi ibig sabihing may utang siya sa Diyos na babayaran niya sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo. Hindi! Ang kaligtasan ay sa biyaya lamang ng Diyos. Maging ang kanyang pagiging apostol ay “biyaya” o “kaloob” ng Diyos (1:5). Ang pagkakautang niya ay sa tao. Sabi ni John Piper, “Grace does not make you a debtor to God; but it does make you a debtor to others who need grace just as you did.” Ang pananagutang ito ay dahil naranasan din niya ang biyaya ng Diyos. Hindi niya mapipigilang hindi ito ibahagi sa iba. Ito ang “calling” niya. “For necessity is laid upon me. Woe to me if I do not preach the gospel” (1 Cor. 9:16)!

Alam niyang may pananagutan siya, pero hindi sapilitan ang ginagawa niya. Sa halip, he was eager to fulfill his part in the harvest. “Nasasabik din akong ipangaral ang ebanghelyo sa inyong mga nasa Roma” (1:15 Ang Biblia). Hindi pa sila nagkikita kaya’t nasasabik siya. Sa isang banda alam niyang kahit Cristiano na sila kailangan pa rin nilang marinig ang ebanghelyo. Alam din niya na marami pa ang kailangang makarinig nito para sila rin ay maligtas. Ang bahagi niya ay gampanan ang pagkakatawag sa kanya bilang isang apostol. “Si Pablo na alipin ni Jesu-Cristo, tinawag upang maging apostol, ibinukod para sa ebanghelyo ng Diyos…Sa pamamagitan niya’y tumanggap kami ng biyaya at pagka-apostol…saksi ko ang Diyos, na aking pinaglilingkuran sa aking espiritu sa ebanghelyo ng kanyang Anak” (1:1, 5, 9 Ang Biblia).

Alam niyang hindi magiging madali ito. At naranasan niya ang iba’t ibang persecutions. Pero hindi siya natinag, hindi pinanghinaan ng loob, hindi nagsawa, hindi huminto, hindi naduwag, hindi ikinahiya o itinakwil man ang Panginoon. He was passionate to finish his task even if it means suffering. “I am not ashamed of the gospel…” (1:16). ‘Di tulad ng mga taong noong una ay sinasabing disciples sila ni Cristo ngunit nang magkagipitan na umayaw na. Nagsisigawan noong Palm Sunday ng “Hosanna!” sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem ngunit noong Good Friday na at ipako siya sa krus tumalikod na. Naduwag na. Si Pablo nakita niya ang Panginoon at ito ang naging dahilan kung paanong siya na dating nagpapapatay ng mga Cristiano ay siya na ngayong handang mamatay para dito. Hindi niya ikinakahiya ang ebanghelyo. Ang isang bagay na di mahalaga sa iyo o walang kuwenta ay maaaring ikahiya mo. Pero ang ebanghelyo ni Cristo? Masasabi bang hindi mahalaga o walang kuwenta? No way! Sabi ni Pablo.

BBCC AND THE HARVEST

Naniniwala akong sinabi ni Pablo ang saloobin nya tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo hindi lang para masabi niya kundi para mahawa ang mga Cristiano sa Roma at magsilbing halimbawa sa kanila. Mamaya ay sasabihin ko ang dahilan kung bakit kung paanong si Pablo ay may harvest vision ay dapat tayo rin. Kung paanong ginawa niya ang bahagi nya ay dapat tayo ring lahat ay makibahagi. Kung paanong siya’y nasasabik at hindi titigil ay dapat tayo rin.

Like Paul, we too have a harvest vision. Pinapangarap natin sa church natin na tayo ay maging isang tunay na grace-community. Ibig sabihin, tayong mga tumanggap na at nakakaranas ng biyaya ng Diyos ay nakikita nating marami pang tao na hindi nararanasan ito. Gusto din natin silang makabilang sa ating grace-community. At pangarap natin na dumami nang dumami ang mga grace-communities. May ginagawa na ang Diyos sa mga taong ipapanalangin mo. May gagawin pa ang Diyos para ang mga iyan ay makakilala sa kanya at balang-araw ay kasama na nating namumuhay sa ilalim ng biyaya ng Diyos. Pero ang tanong sa atin: Do you see what God is doing? Do you see what God is about to do? Are you willing to open your eyes and look and have a harvest vision?

Kaya kung hanggang ngayon ay wala ka pa sa ilalim ng biyaya ng Diyos at nasa ilalim pa ng kanyang hatol, inaanyayahan ka naming magsisi sa iyong kasalanan at kilalanin si Cristo na iyong Panginoon at Tagapagligtas. Pero kung tinatawag mo ang sarili mo na tagasunod na ni Cristo, at nasa ilalim na ng biyaya ng Diyos, tinatawag ka ng Diyos na gawin ang bahagi mo para maibahagi rin ang biyayang ito sa iba. Ano’ng kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos para magamit sa pag-akay sa mga tao kay Cristo? Tandaan mo, we are all part of the harvest. Kaya naman, let’s make a decision, an active decision to take our part in the harvest. At sa inyo namang mga hindi pa members ng aming grace-community, maaaring inaanyayahan ka ng Diyos ngayon na maging kabahagi ng isang napakahalagang misyon, mas mahalaga pa kaysa lahat ng pinangarap mo sa buhay mo.

May vision tayo. Lahat tayo may bahagi doon. Kaya dapat nasasabik tayo. Dapat may sinisimulan na tayong gawin. Dapat we are ready to take our part in the harvest. Pero ang tanong, gusto ba natin? Handa ba tayo? Sabik ba tayo? O magbubulag-bulagan pa rin tayo sa mga layunin ng Diyos? O magpapatuloy pa rin tayo sa pagiging makasarili at gusto lang na tayo lang ang nakakaranas ng biyaya ng Diyos at sa iba, “bahala na kayo!”?

At hindi lang basta handa, dapat laging handa. Always ready to take our part in the harvest. Oo, gusto natin. Excited tayo. Pero hindi ito tulad ng iba nating ginawa. Halimbawa, na-excite kang pumasok sa college pero pagkatapos ng isang semester may bagsak ka at nahihirapan ka na, huminto na sa pag-aaral. Baka naexcite lang sa simula pero kapag nahirapan na at kapag kung anu-ano na sinasabi ng tao ay umayaw at sumuko din. Tandaan ninyo, gagawin natin ang The Harvest pero hindi laging magiging madali. “Pastor, kanina lang ine-encourage niyo kami. Ngayon parang dinidiscourage.”

THE POWER OF THE STORY

Hindi. Pero inihahanda ko ang ating grace-community para dito. Ngayon, gusto kong makita ninyo kung ano ang nag-motivate kay Paul na magpatuloy hanggang sa kanyang huling hininga na ibahagi ang ebanghelyo sa iba. At ito rin ang mag-momotivate sa atin ngayon. Anong dahilan kung bakit kung paanong si Pablo ay masigasig sa the harvest tayo rin dapat? So what’s the common link? Yes, he lives in a different time or period of history, pero there’s something na meron si Pablo na meron din tayo. Ano yun? The gospel! The harvest is about the gospel. Wala namang maliligtas kung hindi ito maririnig ng mga tao. Gusto ni Pablong maligtas ang mga tao pero maliligtas ba sila kung walang mangangaral sa kanila ng ebanghelyo? (Romans 10:1, 13-15). His calling or obligation is because of the work of the gospel in his life. He is set apart for the gospel (1:1). He is eager to preach the gospel (1:15). He is not ashamed of the gospel (1:16).

Paul has the same gospel. We have the same gospel. Ngunit ano ang problema bakit iba ang attitude ng maraming Christians? Hindi lubos na nauunawaan o isinasapuso ang ebanghelyo, at kung ano ang ganda at kapangyarihan nitong bumago sa isang tao.

Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una’y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego. Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay” (1:16-17 MBB).

Ang ebanghelyo ay siyang napakagandang istorya ng ginawa ng Diyos nang dahil sa kanyang pag-ibig ay isinugo niya ang Panginoong Jesus upang mamatay sa krus, bayaran ang ating mga kasalanan, at nang sa gayon ay magkaroon ng kaligtasan lahat ng sasampalataya sa kanya. The gospel is the story of the grace of God. It is a most beautiful true story. Hindi lang dahil magandang kuwento kaya natin ito ipamamalita kundi dahil it is also a powerful story. Alam ni Pablo at naniniwala siyang ito ang paraan ng Diyos upang iligtas ang mga tao. It is the power of God for salvation. Sa pamamagitan nito ay uusbong sa puso ng mga tao sa gawa ng Espiritu ang tunay na pagtitiwala sa kanya. Ito ang istoryang magliligtas sa mga taong ipapanalangin ninyo. Ito ang istoryang nagligtas sa atin nang tayo’y manalig kay Cristo. Bakit di ka masasabik kung ganito ang ganda at kapangyarihan ng kuwentong ito? Bakit ka titigil at panghihinaan ng loob kung alam isasapuso mong ito ang kapangyarihan ng Diyos sa kaligtasan ng maraming tao?

Mahilig tayo sa kuwentuhan. Pero ilan ba sa mga kuwento natin ang may kuwenta? Bakit karamihan sa mga Cristiano ni minsan hindi nabanggit sa iba ang kuwento na may kuwenta sa lahat. Para kang nasa isang pamilya na lahat may cancer. Pero ikaw natuklasan mo ang gamot at may nag-abot sa iyo. Unti-unti kang gumaling. Tapos nakikita nila ang pagbabago sa iyo at kapag nagtanong sila, sabi mo lang, “Secret.” Hindi ba dapat nakikita mo kung ano ang mangyayari sa kanila kapag natuklasan nila na si Cristo ang lunas din sa cancer nila? Hindi ba dapat nararamdaman mong “obligado” kang ibahagi ito? Hindi ba dapat nasasabik ka? Hindi ba dapat kapag sinabi mo isang beses sa kanila at pinagtawanan ka hindi ka titigil?

ARE YOU READY NOW?

Kahapon sinamahan ko ang mga youth ng church sa isang youth conference. Tito ko ang driver. Hindi pa siya Cristiano. Kaya nagkaroon kami doon ng pagkakataong makapag-usap. Tungkol sa kanyang pamilya, mga karanasan. Pinag-usapan namin ang tungkol sa biyaya ng Diyos, tungkol kay Cristo, at inaanyayahang mag-aral ng Following Jesus. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging tugon niya, pero ito ay simula ng burden na ibinigay sa akin ng Diyos lalo na sa mga kamag-anak namin.

Bakit ko ginawa iyon at gagawin pa? Hindi dahil pastor ako. Kundi dahil may narinig akong magandang kuwento na bumago ng buhay ko na kailangan din niya para mabago ang kanyang buhay. Dahil dati rin may cancer ako at natagpuan ko ang gamot at siya rin ay may cancer na nangangailangan ng gamot. I have the gospel which saves me that I know will save him too. Kaya nasasabik akong ibahagi din ito sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin niya, kahit masakripisyo pa ang oras ko o ang kahihiyan ko, gagawin ko.

Oo, iba-iba ang gampaning ibinigay sa atin ng Diyos. Pero lahat sa atin may magagawa para dito sa The Harvest. Alamin ninyo kung ano yun. Pero nakatitiyak din ako na lahat tayo ay tinawag ng Diyos para simulan ang gawaing ito sa masidhing panalangin. Kaya inaanyayahan ko ang lahat sa inyo na ngayon ay isulat sa prayer cards ang tatlong taong inilagay ngayon ng Diyos sa puso ninyo upang ipanalangin sa susunod na 30 araw. At ipanalanging ihanda tayo ng Diyos para sa loob ng panahong iyon ay gamitin tayo ng Diyos para akayin sila at anyayahang pakinggan ang isang napakagandang kuwento ng kaligtasan na kailangan nilang marinig.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.