Love God with All Your Heart

October 10, 2010 By Derick Parfan Scripture: Mark 12:28-34

Downloads: audiovideo | sermon notes | discussion guide

And one of the scribes came up and heard them disputing with one another, and seeing that he answered them well, asked him, “Which commandment is the most important of all?” Jesus answered, “The most important is, ‘Hear, O Israel: The Lord our God, the Lord is one. And you shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength.’ The second is this: ‘You shall love your neighbor as yourself.’ There is no other commandment greater than these.” And the scribe said to him, “You are right, Teacher. You have truly said that he is one, and there is no other besides him. And to love him with all the heart and with all the understanding and with all the strength, and to love one’s neighbor as oneself, is much more than all whole burnt offerings and sacrifices.” And when Jesus saw that he answered wisely, he said to him, “You are not far from the kingdom of God.” And after that no one dared to ask him any more questions.[1]

Adulterous Generation!

February 2003, dalawang buwan bago ang graduation ko sa college, nang ipangaral ko ang aking unang sermon dito sa church. Hindi pa ako Pastor noon, hindi pa rin isa sa mga Elders. Ngunit salamat sa Panginoon dahil ginamit iyon nang Panginoon para ipakita sa akin kung ano ang layunin niya sa buhay ko at sa anong ministeryo niya ako nais dalhin. Kung ang ilan sa inyo ay natatandaan iyon, ang teksto ginamit ko ay ang pinaghanguan ng sagot ng Panginoong Jesus sa eskribang nagtanong sa kanya kung ano ang pinakamahalaga sa lahat ng mga utos ng Diyos. Galing ito sa Deuteronomy 6:4-5, “Hear, O Israel: The Lord our God, the Lord is one. You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your might.”

That text was not assigned to me by Pastor Ariel. Ako ang pumili noon. Hindi rin naman dahil malapit ang araw na iyon sa Valentines Day. Ang dahilan: ito ang inilagay ng Panginoon sa puso ko, na sa pamamagitan ng pangangaral nito ay mailapit ko ang bawat isang makikinig isang hakbang palapit sa Diyos. Mahigit pitong taon na ang nakakaraan hindi pa rin nagbabago ang layuning ito. Ito pa rin ang panalangin ko. Hindi para patawanin kayo o paiyakin o dumami ang kaalaman ninyo sa Bibliya o masabing magaling ang pastor ninyo, kundi para habang tumatagal na papalapit tayo sa araw na makakapiling na natin ang Diyos ay patuloy ang paglalim ng pag-ibig natin sa kanya.

Pagkatapos ng pitong taon natutuwa ako dahil nakikita kong ang ilan sa inyo ay talagang lumalim ang pag-ibig sa Diyos. Pero hangga’t nananatiling may mga taong walang pag-ibig sa Diyos, nahahati ang puso sa pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa sanlibutan, at may pilit na umaagaw sa pag-ibig na nararapat na sa Diyos lamang ilaan, magpapatuloy ako sa pangangaral ng Salita ng Diyos, magpapatuloy ako sa pagpapastor. This is my life’s goal. At gagawin ko ‘yan hangga’t malagutan ako nang hininga. There is no retirement in Christian ministry. Dahil bawat isa sa atin ay may problema sa pag-ibig sa Diyos.

Mula nang ibigin nina Adan at Eba ang pagkain sa prutas na ipinagbawal ng Diyos sa halip na magtiwala sa salita niya, ito na ang problema ng tao. Pero hindi niya pinabayaan ang mga taong hindi umiibig sa kanya. Sa pamamagitan ni Abraham, pinili niya ang bansang Israel, sinagip sa pagkaalipin sa Ehipto, ibinigay ang kaniyang utos na magiging gabay sa buhay nila bilang isang bansa, ibinigay ang lupang pangako, pinakain, ipinagtanggol sa mga kaaway na bansa, sa pamamagitan ng mga propeta narinig ang kanyang mga salita at paalala. Sa kanila sinabi niya, “You shall be my people and I shall be your God.” Sa kabila noon, ano? Mga taksil. Pinili nila sumuway sa kanya at sumamba sa ibang mga diyos na hindi naman Diyos. Si propeta Hosea pinag-asawa ng Diyos ng isang prostitute na iniwan siya para sumama sa ibang lalaki. Sinabi ng Diyos sa Israel, “Ganyan kayo. Mga mangangalunya!”

Hanggang sa panahon ni Jesus ganito pa rin. Kaya nga siya naparito! Dahil sa bigat ng kalagayan ng mga tao. Ang mga Pharisees at mga Sadducees, bagamat itinuturing na mga relihiyoso, bihasa sa Kasulatan, at mga influential na tao, ay sinabi ni Jesus sa kanila na kahabag-habag dahil nagbibigay nga ng ikapu at sinusunod ang maliliit na detalye ng Kautusan, ngunit kinaligtaan naman ang pag-ibig ng Diyos (Luke 11:42). At dito sa Mark 12:28-34 mapapansin ninyong pangatlong tanong na ito ng mga taong ito na ginagawa nila upang subukin si Jesus. Wala silang pakialam sa salita ng Diyos, walang pakialam sa relasyon kay Jesus, ang nais lang ay para sa kanilang sariling reputasyon. Mula noon hanggang ngayon, sinasabi ni Cristo na problema ng tao ang relasyon sa Diyos. “Dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig” (Matt. 24:12). Ang kasaysayan ng Israel at kasaysayan nating mga tao ay kasaysayan ng spiritual adultery. As long as you love other things more than you love God, as long as God has other competitions in your heart, we have a problem of adultery. We don’t love God with all our hearts. That’s the problem we must deal with everyday.

The Greatest Commandment

Mahalaga ba yun? Oo, sabi ng Panginoong Jesu-Cristo. Hindi nga mahalaga, kundi pinakamahalaga sa lahat! Dalawang beses nang pinataob ni Jesus ang mga Pharisees at mga Sadducees sa mga tanong nila. May hirit pa itong isang “eskriba” (o “tagapagturo ng Kautusan” sa MBB) sa verse 28, “Alin ang pangunahing utos sa lahat?” Ang mga eskribang ito ang kilala sa pagpapaliwanag ng Kautusan. Ayon sa tradisyon nila 613 ang bilang ng mga utos sa Torah o kautusan ni Moises – 365 na mga ipinagbabawal at 248 na utos na ipinagagawa. May kategorya ito kung ano ang mabigat at magaan na utos. Kaya naman tinitiyak nila na alam nila kung ano ang mahahalagang utos dahil kung ito ang nilabag nila mas mabigat din ang parusa. Ito ang tumatakbo sa isip ng mga taong ito. Kaya’t sa tanong ng eskriba ang sagot ni Jesus ay ang nakasulat sa Deuteronomy 6:4-5, “Pakinggan mo Israel: Ang Panginoon nating Diyos, ang Panginoon ay iisa. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong pag-iisip mo, at nang buong lakas mo” (vv. 29-30). Ayon sa kanya, dito nakasalalay ang lahat ng natitirang 612 na utos. If you don’t love God, all other things will not make sense. If you don’t love God, anumang pagsunod mo sa ibang utos ay walang kabuluhan sa paningin ng Diyos.

May mga nagtatanong sa akin, “Kailangan bang mag-tithes? Gross ba o net? Paano ba dapat manligaw o maghandle ng relationship ang isang Cristiano? Ano ba ang dapat gawin sa isang pasaway na Cristiano? Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paninigarilyo o pag-inom? Okay lang bang magtrabaho kapag Linggo?” Pero dapat nating isaisip na pinakamahalaga sa lahat ang pag-ibig sa Diyos. Hindi dahil hindi na natin gagawin ang iba pa kundi dahil dito nakasalalay ang iba pa nating pagsunod. E ano kung 25% ang ibigay mo sa offering, kung hindi mo naman ginawa ito nang umiibig sa Diyos anong silbi noon? E di wala!

Near the Kingdom but Still Outside!

Pagkatapos sabihin iyon ng Panginoong Jesus, maganda ang naging tugon ng eskriba, “Tama po, Guro. Totoo ang sinabi ninyo” (v. 32 MBB). Hindi niya kinontra si Jesus. Alam niyang ito ang tama. Hindi siya nagtanong pa ulit. Tapos sabi sa kanya ni Jesus, “Hindi ka na nalalayo sa kaharian ng Diyos” (v. 34 MBB). Malapit siya sa kaharian ng Diyos dahil nauunawaan niya kung ano ang pinakamahalaga sa lahat. Great! That’s good! Kailangan talagang malaman iyan ng mga tao. Pero ano ang sinasabi ni Cristo dito? Malapit ka nga, pero wala ka pa sa loob ng kaharian ng Diyos. Nasa labas ka pa. Malapit man o malayo kung wala naman sa loob, wala pa rin!

What’s the problem here? Hindi sapat na maunawaan lang ang mga bagay na mahalaga. Marami sa kanila noon kabisado pa nga ang marami sa Kasulatan. Palagi nilang naririnig itong Shema (Hebrew for “hear”) sa kanilang mga pagtitipon sa sinagoga. Kabisado ito ng lahat ng mga Judio. Pero wala iyon kung hindi talaga nila iniibig ang Diyos. Dapat marealize ng eskribang ito kung gaano siya nagkulang sa pagsunod sa utos na ito. Dapat niyang marealize na kailangang may magbago sa kanyang puso. A change of heart is necessary. Para iyan sa lahat sa atin. We are naturally God-haters! Understanding that we must love God is not enough. We must really love God.

Babala ito sa marami sa ating palaging naririnig ang salita ng Diyos. Alam ninyong may Diyos. Alam ninyong si Cristo ay Diyos. Alam ninyo ang mga utos niya. Pero hindi sapat ang kaalaman lang. May kailangang magbago sa atin – ang ating puso. Dapat nating amining may problema tayo at magtiwala sa gagawin ng Diyos. May pangako ang Diyos,  “And the Lord your God will circumcise your heart and the heart of your offspring, so that you will love the Lord your God with all your heart and with all your soul, that you may live” (Deut. 30:6). Pangako iyan ng Diyos. Nagkaroon ito ng ganap na katuparan sa pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo.

Loving God and Loving Jesus – the Connection

Kaya nga, kung magtataka kayo’t tatanungin ninyo ako, “Kung ang ibigin ang Diyos ang pinakamahalagang utos bakit pangsiyam ito sa tinalakay mo, Pastor?” Kung mapapansin ninyo ang naunang walong utos, lahat ito ay may kinalaman sa relasyon kay Cristo (tulad ng “Believe in me,” “Come to me,” “Love me”). Ito ang sagot ko: Hindi tayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig sa Diyos maliban kung may relasyon tayo kay Cristo. There is a necessary connection between loving God and loving Jesus. We cannot love God if we don’t love Jesus. Ito ang pagkakamali ng mga Judiong hindi tumanggap sa kanya. Luke 10:16, “The one who rejects me rejects him who sent me.”John 15:23, “Whoever hates me hates my Father also.” 5:23, “Whoever does not honor the Son does not honor the Father who sent him.” 8:42, “If God were your Father, you would love me.”

We cannot love God without Jesus! The reason Jesus came here on earth and died on the cross is not to bring us to heaven, not to give us wealth, not to make sure that we have good health, not to give us promotions, not to make our life more comfortable and easier than others. The reason Jesus came and died is to bring us to God. God is the goal of the death of Jesus. God is the goal of our life. Without Jesus we cannot love God as we ought to. That is why we spent the last few weeks developing our relationship with Jesus. A Muslim cannot really love God. A Hindu cannot really love God. A “Christian” relying on works for salvation cannot really love God. Only those who put their trust in Christ.

What Loving God Really Is

What does loving God mean? Hindi ibig sabihin nito na kapag sinasabi mong “I love you, Lord” ay mahal mo talaga ang Diyos. Alam ninyong mga kabataan iyan, kapag sinabi ninyo sa isang babae na “I love you” maaaring you feel good kapag sinasabi iyon pero you don’t really love her. Paulit-ulit mo mang sabihing “I love you, Lord” hindi nangangahulugang you really love the Lord. Loving God does not also mean doing things for God. Loving God is not the same as obedience. Maaaring ang isang asawang lalaki ay maglaba ng marami hindi dahil sa pag-ibig sa kanyang asawa, kundi dahil trip lang niyang maglaba. Hindi rin ibig sabihin na kapag tumutulong tayo sa kapwa o nagbibigay sa iglesia ay iniibig na natin ang Diyos. Totoong ang mga bagay na ito ay maaaring at dapat na expression ng pag-ibig natin sa Diyos. Pero hindi ito ang pag-ibig sa Diyos. ‘Wag nating paghaluin. Si Jesus nga ibinukod ang pag-ibig sa kapwa sa pag-ibig sa Diyos. May koneksiyon pero hindi pareho.

Bakit ko sinasabi ito? Dahil gusto kong maunawaan ninyo na ang pag-ibig sa Diyos ay isang “heart issue.” Hindi ito sa sinasabi natin o ginagawa natin, ito ay kung ano ang nasa puso natin. Iyan naman ang ibig sabihin ng “love” (sa Greek ay agapao). Sa Tagalog “pag-ibig” at kapag sinabi nating “ibig” ang kahulugan ay “desire” – kung ano ang ninanasa natin, inaasam, hinahangad, nagbibigay kasiyahan sa atin, pinakamimithi, ikinagagalak – lahat iyan may kinalaman sa damdamin natin. Love is a matter of the affections. “Love the Lord your God with all your heart.” Kaya nga “heart” ang inuna dito. Dahil dito nanggagaling ang tunay na pag-ibig sa Diyos. Ito ang pusong nagsasabi sa Diyos, “Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw? At liban sa iyo’y wala akong anumang ninanasa (desire) sa lupa” (Psa. 73:25). Ang pag-ibig sa Diyos ay ang damdaming mula sa puso na nagsasabing, “Ikaw ang nais ko, ang ibig ko, ang kasiyahan ko, ang tanging kailangan ko, ang ikinagagalak ko, ang pinakamimithi ko, ang pinakaaasam ko.” That’s loving God. Delighting in God, desiring God, being satisfied with God.

Paano natin iibigin ang Diyos? Ito ang sinabi ni Cristo, “Love the Lord your God with all your heart.” Sabi ni John Piper tungkol dito, “Love God with all that you are for all that he is.” Ibigin natin ang Diyos sa kanyang buong pagiging Diyos nang ating buong sarili. Nang magpakasal kaming mag-asawa nagkaroon kami nang sumpaan na mamahalin namin ang isa’t isa. I will love 100% of Jodi with 100% of me. Kapag 50% of Jodi lang, pipiliin ko lang ang gusto ko sa kanya, at ang iba ay kakamuhian ko. That’s not true love. Kapag naman 50% of me, kalahati ng puso ko sa kanya, ang kalahati ay sa ibang babae naman. That’s not true love. Adultery ang tawag doon. Loving God means loving 100% of God with 100% of us.

Loving God for All that He is

We must love God for all that he is. We must love 100% of God. It is impossible to love someone you do not know. The more you know him. The more you love him. The more you see his beauty the more you love him. Nakatingin ka sa bukid na maganda ang tanawin at napangiti ka dahil nasiyahan ka sa nakita mo at nasabi mong “I love this.” Sabi naman ng katabi mo, “I don’t.” Ang dahilan bulag siya, hindi niya nakikita ang nakikita mo. Not because the scenery is not lovely, but because he cannot see its beauty. Iba din naman kung pupunta ka sa Bohol at makita mo ang Chocolate Hills. Kung naroon ka lang sa baba, mamamangha ka sa dalawa o tatlong “chocolate hills” at masasabi mong “I love it.” Pero kung pumunta ka sa tuktok at makita mo ang napakaraming “chocolate hills” masasabi mong “I love this more.”

The more we see the beauty, the supremacy, the excellencies of God, the more we will love him. “Hear, O Israel. The Lord our God, the Lord is one.” He is our supreme creator, powerful, king, sovereign, ruler, lawgiver, judge. He is our loving redeemer, merciful, gracious, compassionate, patient, forgiving, personal, near, healing, caring, speaking. He is above us. He is near us. He is beyond us. He is in us. This is our God. And Jesus said, “Love this God, this one and only God.” 100% of him.

Loving God with All that We are

We must love God with all that we are. Nabanggit ko na kaninang sa puso nanggagaling ang pag-ibig na ito, “with all your heart.” At iyong sumunod na tatlo ay malamang na nagpapakita kung anu-ano ang gagamitin natin upang ibigin ang Diyos. Ang “kaluluwa” ay tumutukoy sa buhay na mayroon tayo. Iaalay natin ito sa pag-ibig sa Diyos. Ang “isip” ay tumutukoy sa intellectual o mental aspect ng buhay natin. Gamitin natin ang ating isip sa paraang pupukaw ng damdamin natin para sa Diyos. Ang “lakas” ay tumutukoy sa lahat ng dapat nating gawin para sa Diyos. We will do anything and everything for God’s sake.

Ang emphasis dito ay sa salitang “all” – “with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength.” Lahat ng mayroon tayo, lahat ng magagawa natin, lahat ng kaya natin, lahat ng nasa atin ay para sa Diyos. Hindi dapat nakikipagkumpetensiya ang pera sa puso mo para sa Diyos, ang malalaswang pag-iisip sa mga babae sa pag-iisip ng mga bagay na malinis at makalangit, ang “secular” sa “spiritual” sa iyong buhay, at ang trabaho sa pagbubuhos mo ng lakas sa paglilingkod sa Diyos.

What About Others?

Pero tatanungin ng iba, hindi ba’t dapat din nating ibigin ang ibang tao, ang pamilya, ang church, ang trabaho, ang anumang ipinagkaloob ng Diyos sa akin? Hindi ba’t dapat din namang may panahon ako sa ibang bagay? Ang sagot ko: Yes and no. No, kapag ginagawa mo ang isang bagay o minamahal mo ang isang tao nang bukod sa pagmamahal mo sa Diyos. The became “idols” na papalit sa Diyos kahit ilang saglit lang. Yes, sabi din ng Panginoon na ibigin natin ang ating kapwa at ito nga ang second greatest commandment. Yes, kapag ang isang bagay ay ginagawa mo o ang pag-ibig mo sa iba ay dahil sa pag-apaw ng iyong pag-ibig sa Diyos.

“What happens in the heart is essential. The external behaviors will be pleasing to God when they flow from a heart that freely admires and delights in God—that is, when they flow from love for God” (John Piper, What Jesus Demands from the World, p. 80). Augustine, “He loves thee too little who loves anything together with Thee, which he loves not for thy sake” (Confessions, Book 10, Chapter XXIX). “Napakaliit ng pag-ibig sa Iyo ng isang taong umiibig ng ibang bagay kasama ang pag-ibig sa Iyo, kung iniibig niya ang ibang bagay na ito nang hindi dahil o alang-alang sa Iyo.” Our love for our family must flow from our love for God. Ang ginagawa natin sa trabaho ay dapat na dahil sa pag-ibig natin sa Diyos. Kung may isang bagay o isang tao na nagiging dahilan upang lumamig ang pag-ibig sa Diyos, dahilan na hindi umuusad ang relasyon natin sa Diyos, dapat nating iwanan at itakwil.

A Heart Check-Up

We all need a heart check-up today. Ang iba takot magpacheck-up kasi baka malamang may sakit sa puso. Pero paano kung iyon talaga ang kailangan mo para gumaling. Ang dalangin natin ay dapat, “Search me, O God, and know my heart” (Psa. 139:23)! Some of you needs a heart transplant now. Hindi tumitibok ang puso mo. Walang pag-ibig sa Diyos. Panghawakan mo ang pangako ng Diyos,“Bibigyan ko kayo ng bagong puso… Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman, at aking bibigyan kayo ng pusong laman” (Eze. 36:26). Magtiwala kay Cristo na babago sa puso mo.

Some needs a heart surgery. Maaaring may maliit na butas o malaking butas sa puso mo ngayon. Ang ginagawa mo pilit mong sinasaksakan ng ibang bagay para maayos. Sinasaksakan mo ng Internet pornography o pakikipagkaibigan sa isang babaeng hindi mo naman asawa ang mga “desires” mo na ang Diyos lamang ang tunay na makapupunan. He is our only satisfaction. May butas ang puso natin na ang Diyos lamang ang makapupuno. “I could search for all eternity long and find there is none like you.” Because only God really satisfies.

Ang iba naman ang kailangan lang ay kaunting gamot sa puso kasama na ang mga healthy habits – tulad ng pagkain nang tama at regular na ehersisyo. Hindi naman masamang kumain ng baboy mamayang tanghalian. Pero dapat nating malaman na habang dumarami ang nakakain natin at tumatagal may namumuong mga cholesterol sa mga ugat natin na nagiging dahilan upang pigilan ang pagdaloy ng dugo mula sa puso natin. Ang epekto – heart attack! Sa espirituwal na buhay, huwag na nating hayaang ganito ang mangyari. May mga bagay na hindi naman masama kung tutuusin, tulad ng panonood ng TV o Internet. Pero kapag tumatagal na nababad ang utak natin sa mga basura, basura din ang ilalabas nito. Tiyakin nating ang mga nakikita natin, ang mga pumapasok sa isip natin, ang paggamit ng katawan natin ay magiging dahilan upang uminit ang pag-ibig natin sa Diyos. Wala pa kong Cristiano na narinig na nagsabing “I love God more because I spent 5 hours in front of the TV everyday.” Ang puso natin dapat buhusan ng gaas para magliyab, hindi tubig para mamatay.

Ano man ang lagay ng puso natin ngayon, ang Diyos lamang ang nakakaalam. Ngunit palagi nating mithiin na ibigin ang Diyos nang buong puso. Sa sarili natin hindi natin magagawa. Kaya kailangan nating magtiwala kay Cristo at sa pagkilos ng Espiritu na nasa atin.


[1] Unless otherwise indicated, Scripture quotations are from the English Standard Version (Wheaton, IL: Crossway, 2001) and Ang Biblia (Philippine Bible Society, 2001). Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (Philippine Bible Society, 2005).

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.