You are Here: Home / Sermons / Following Jesus the Lord of All / Sermons 31-41 / Make Disciples
September 11, 2011 | By Derick Parfan | Scripture: Matthew 28:18-20
Watch Now
Listen Now
Downloads
Remembering 9/11
Ngayon ay 10th anniversary ng 9/11. Buong mundo alam ang nangyari noong araw na iyon. 19 terrorists ang nang-hijack ng apat na passenger jets para sa isang suicide mission. Ang target ay New York at Washington D.C. Ilang oras pagsalpok ng eroplano sa dalawang towers ng World Trade Center sa New York, gumuho ang isa sa pinakamataas na buildings at halos 3,000 ang patay kasama ang 19 na terrorists. These terrorists laid down their lives for one mission – para pagbayarin ang America sa pakikialam nila sa ilang mga bansang Arabo. Nakuha nila ang atensiyon ng buong mundo. Sa isang utos ni Osama bin Laden, sunud-sunuran sila kahit na karumaldumal ang kanilang gagawin. Sabi niya, “I’m fighting so I can die a martyr and go to heaven to meet God.”
Oo nga’t masama ang ginawa nila, pero hindi ba kayo nagtatanong, “Ano ang pumapasok sa isip ng mga taong ito bakit committed sila sa kanilang cause? Bakit mas mahalaga sa kanila ang matupad ang misyong ibinigay sa kanila kaysa sa kanilang sariling buhay?” Sa klase ng commitment sa misyong ibinigay sa atin ng Dios, daig pa tayo ng al-Qaeda. Hirap na nga tayong pakawalan ang pinag-ipunan nating pera, hirap na nga tayong ibigay ang oras natin para sa ibang tao, hirap na nga tayong disiplinahin ang ating sarili sa mga espirituwal na bagay, paano pa kaya kung sariling buhay na natin ang kailangang ibigay?
Like the terrorists, every Christian must have a sense of mission. Not to kill but to save lives, to help people not waste their lives. Not to kill but to let ourselves be killed if necessary so that others may live. The church must be like al-Qaeda, it must have a clear sense of mission. Why are we here? What does God want us to do here? The church and every member of the church must have a clear sense of mission and a commitment to carry out that mission. Dapat nating alamin at unawain na ang Great Commission ay para sa lahat ng Cristiano at magkaroon tayo ng commitment na ibigay ang ating buhay, lakas, at oras para doon.
Sa ikatlong araw pagkatapos na ipako ang Panginoong Jesus sa krus, muli siyang nabuhay. Bago siya bumalik sa langit, nag-iwan siya sa kanyang mga disciples ng huling utos, na kilala natin sa tawag na The Great Commission.
And Jesus came and said to them, “All authority in heaven and on earth has been given to me. Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”
Our Life’s Mission: Making Followers of Jesus
Last words are lasting words. Kaya dapat nating alamin ano ang nais ni Jesus na gawin natin. Ang pangunahing utos sa atin dito ay hindi go, hindi baptize, hindi rin teach, kundi make disciples. Mahalaga ang go-baptize-teach, at nakapaloob iyon sa making disciples. Pero dapat na higit na maunawaan natin kung ano ang ibig sabihin ng discipleship. Kasi ito ang misyon natin. Ang isang disciple ay isang “mag-aaral” at ang guro ay ang Panginoong Jesus. Ang isang disciple ay isang alipin, at ang Panginoon ay si Jesus. Ang isang disciple ay siyang kumikilala, lumalapit, sumusunod, nagtitiwala, nagpapasakop sa Panginoong Jesus. A disciple’s identity is defined by his or her relationship with Jesus. Ito ang ibig sabihin ng pagiging Cristiano. Para maunawaan natin ang disciple-making, dapat muna nating malaman kung ano ang discipleship. Our life’s mission is to follow Jesus and to lead others to follow him. Malinaw ito sa tatlo pang salitang ginamit ni Jesus para ipakita ang marka ng pagiging disciple at disciple-maker. You don’t have to choose between the two, you are both a disciple and a disciple-maker.
Go. Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang napuntahan. Ibig sabihin, may nagpunta sa kanya para sabihin ang gospel – ang mabuting balita ni Cristo. Na siya ang Anak ng Dios, na siya ay namatay sa krus para sa ating mga makasalanan, na siya’y muling nabuhay. Na ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng mabuting gawa kundi sa biyaya lamang ng Dios. Na ito’y tatanggapin sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya kay Cristo. Na ang sinumang tatalikod sa mensaheng ito ay naghihintay ng parusa ng Dios at sinumang susunod kay Cristo ay may naghihintay na bagong buhay at buhay na walang hanggan. Kung ikaw ay Cristiano, narinig mo na ito at tinanggap. Kaya naman sasabihin mo din ito sa ibang tao. Pupuntahan mo sila na dala-dala ang mensaheng ito.
Baptize. Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang nabautismuhan sa tubig sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Hindi lang seremonya o formula ang pinag-uusapan dito. Ang iba sa inyo baptized na, ang iba naghahanda na. Nagpapakita ito na ipinapahayag niya na siya ngayon ay may koneksiyon na sa Dios at bahagi na ng kanyang pamilya. Hiwalay na siya sa kasalanan at may bagong buhay. Siya na ngayon ay anak ng Dios hindi na ng diablo, tagasunod na ni Cristo hindi ng mundong ito, pinananahanan (indwelt) na ng Espiritu Santo hindi ng alak, bisyo, galit, o kalaswaan. Kaya naman, kung ikaw ay disciple-maker, tinutulungan mo ang iba na manatiling konektado sa Dios at sa church, tinutulungan mo silang mapagtagumpayan ang kasalanan at patuloy na lumalim ang relasyon sa Dios.
Teach. Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang tinuturuan at nakikinig sa itinuturo ng Salita ng Dios. Sinisikap niya, sa tulong ng Espiritung nasa kanya, na sumunod sa lahat ng iniuutos ni Cristo. Lumalapit siya kay Cristo upang makinig, mag-aral, makasama, at patuloy na makilala ang kanyang Panginoon (11:28-30). Kaya kung tayo ay disciple-maker, ginagawa natin ang lahat upang matulungan ang mga kapatid natin kay Cristo na matutunan ang kanyang mga salita at maipamuhay ito. To be committed followers of Jesus and to help others to be committed followers of him is our life’s mission.
The Goal of Our Mission
Sabi ni Jesus na ang ituturo natin ay ang pagsunod sa lahat ng kanyang mga utos, “teaching them to observe all that I have commanded you” (v. 20). Hindi lang matutunan, kundi sundin. Hindi lang ilan sa kanyang mga salita, kundi lahat. Kaya isang proseso ito na lalakbayin natin hanggang mahubog tayo at maging katulad ni Jesus. “A disciple is not above his teacher, but everyone when he is fully trained will be like his teacher” (Luke 6:40). Discipleship is the process of being like Jesus. Disciple-making is helping others in the process of being like Jesus.
Kaya kailangang itama ang mga maling konsepto natin ng discipleship at disciple-making. Kung ganito pala, ibig sabihin nito na…
- Ang pagiging disciple ay hindi lang pagpunta sa church o anumang Christian gathering or events; ang disciple-making ay hindi lang pag-invite ng mga tao sa church o anumang events. Mahalaga iyon, pero hindi iyon ang goal.
- Ang pagiging disciple ay hindi lang makatapos ng pag-aaral ng series of discipleship lessons. Ang disciple-making ay hindi lang matapos ang pagtuturo ng mga discipleship lessons. Mahalaga iyon, pero hindi iyon ang goal.
- Ang pagiging disciple ay hindi yung pagkakaroon ng maraming checks sa iyong checklist ng “to-do” at “not-to-do.” Discipleship is not about rules, it is about a growing relationship with Jesus.
- Ang paglago bilang isang disciple ay hindi nangangahulugang pagkakaroon ng leadership position. Ang disciple-making, hindi ibig sabihin nito na ang goal natin para sa disciple ay maging elder ng church o maging small group leader.
- Ang pagiging disciple ay hindi lang basta pagtanggap sa ebanghelyo at pagkakaroon ng katiyakan ng kaligtasan. Kung disciple-maker ka, hindi mo basta hahayaang ang isang tao ay “basta ligtas na” kundi tutulungan sa proseso ng bagong buhay kay Cristo.
- Ang pagiging disciple ay hindi ngangahulugang pagiging busy o active sa ministry. Kung ikaw ay disciple-maker hindi ka basta-basta matutuwa kung ang tinutulungan mong disciple ay active na sa ministry.
Discipleship is a life-long journey with Jesus and toward Jesus. Ang pagiging disciple ay siyang naglalakbay, sumusunod kay Jesus at patuloy na sumusunod sa kanya hanggang tuluyan tayong maging kalarawan niya. Sa ating pagsunod, may misyong iniwan sa atin si Jesus. Ang misyong ito ay anyayahan ang mga taong wala pa sa ganitong paglalakbay, sabihin sa kanila ang mensahe ni Cristo upang magsimula silang sumunod sa kanya. Sa kanilang paglalakbay, sasamahan natin sila, gagabayan, at magkakasama tayong maglalakbay patungo kay Cristo – ang lubos makilala siya at maging katulad niya. That’s true discipleship.
Ang ilan sa inyo maaaring nagtatanong, “Bakit naman ako susunod sa kanya? Ok naman ako ngayon sa buhay ko.” Ang iba naman na nagsasabing tagasunod na sila ni Cristo, puwedeng itanong, “Bakit ko naman gagawing misyon sa buhay ang anyayahan ang iba at gabayan sila sa pagsunod kay Cristo, e samantalang ang dami ko nang iniintindi sa buhay, sa bahay, sa trabaho? Bukod dun, may iba akong pangarap sa buhay.” Let Jesus answer your question.
The Basis of Our Mission
Ang verse 19 nagsimula sa “therefore” (“kaya”), ibig sabihin, the command to make disciples is based on what he said in verse 18, “All authority in heaven and on earth has been given to me.” The authority of Jesus is the basis of our mission. Kung alam mo at kinikilala kung sino siya at ano ang ginawa niya para sa iyo na makasalanang nasa bingit na ng parusa ng Dios sa impierno, obeying the command to follow Jesus and make others followers of Jesus will not just be a duty or responsibility, it will be a joy!
Meron nang awtoridad si Jesus sa lahat ng mga tao at sa buong nilikha ng Dios dahil siya ang Anak ng Dios. He has divine authority. Ang pagsuway sa kanya ay pagsuway sa Dios. Kapag ang mga tao ay hindi naniwala sa mensaheng dala-dala natin, ang itinatakwil nila ay hindi tayo, kundi ang Dios na lumikha sa kanila. Si Jesus ang Panginoon, ang hindi pagsunod sa kanya ay nangangahulugang kapahamakan sa mga tao. Kaya seseryosohin natin ang discipelship dahil dito.
Pero hindi lang ito basta duty or responsibility or task. It is a joy. Bakit? Pansinin ninyo na sinabi ito ni Jesus pagkatapos na siya ay mamatay at mabuhay na muli. Meron siyang awtoridad, na hindi lang pasunurin ang mga tao, meron din siyang awtoridad na magbigay ng buhay sa mga tao. Siya ang Tagapagligtas. Siya ang nagbibigay-saysay sa buhay. Siya ang inumin na papawi sa uhaw ng mga tao. Siya ang tinapay na papawi sa gutom ng ating kaluluwa. Kung tinanggap natin siya, niyakap natin ang mensahe ng kanyang pagliligtas. Kaya ang mensaheng ito masaya natin ibabalita sa mga tao. At hindi lang ibabalita, tutulungan din silang maiayon ang kanilang buhay sa balitang tinanggap nila. Tungkulin lang bang tulungan ang mga taong mabago ang buhay? Tungkulin lang bang hanguin ang mga tao sa apoy ng impierno? Hindi ba’t kasiyahan iyon?
The Extent of Our Mission
Dahil si Jesus ay may kapangyarihan sa buong mundo, ganoon din kalawak ang misyon natin, “Go and make disciples of all nations” (panta ta ethne) (v. 19). Ang “bansa” na binabanggit dito ay hindi political countries tulad ng India, Indonesia, Cambodia, o Afghanistan. Malinaw ito sa Revelation 5:9; 7:9 na sa pagdating ni Jesus ang haharap sa kanya at sasamba ay mula sa iba’t ibang bansa, lahi, wika, at tribo. Ang tinutukoy sa all nations ay all people groups o ethnic groups tulad ng Lodha sa India, Banjar sa Indonesia, Khmer sa Cambodia, at Hazara sa Afghanistan.
Ayon sa website na http://joshuaproject.net, merong 236 countries pero hindi iyon ang pinag-uusapan sa Great Commission kundi ang 16,704 na “nations” o “people groups.” Meron ngayong 6.82 billion people. 6, 913 people groups (41%) na binubuo ng 2.83 billion na tao ang maituturing na unreached, kung saan wala pa o sobrang kakaunti ang bilang ng mga tagasunod ni Jesus. Sa India pinakamarami (2,233). Ibig sabihin, they were going to hell without a chance to ever hear the good news. Kaya nga may global focus ang misyon natin dito sa church. Dapat malawak ang pananaw natin kapag misyon ang pinag-uusapan. Pero hindi ibig sabihing pupunta agad tayo sa mga unreached people groups.
Let’s start making disciples where we are. Sa version ni Luke ng Great Commission may diin dito. Ang mensahe ni Cristo ay “dapat ipangaral sa buong mundo mula sa Jerusalem” (24:47). Magsimula tayo kung nasaan tayo. Ang laban hindi lang sa Afghanistan o Iraq. May laban dito na dapat committed tayo lahat. We are confronting nominal Christianity with the true gospel. Baka sa sarili mo ikaw dapat magsimula, baka hindi ka pa tunay na tagasunod ni Jesus. Kung seryoso ka sa misyon ni Cristo, dapat magsimula ka nang magpabautismo at magpamiyembro sa church at mainvolved sa mga ministries. Sa bahay, hindi ba’t sinasabi ng Dios na seryosohin mo ang discipleship sa iyong mga anak? Sa iyong mga kasambahay? Are you a disciple-maker at home? Sa mga kamag-anak? Sa opisina? Magsimula ka kung nasaan ka. Hindi aksidente na inilagay ka diyan ng Dios.
Naalala n’yo ang istorya ni Arnie Suyu? Hindi ba’t nagsimula siya bilang kasambahay ng isang misyonero? Inobserbahan ang buhay nila, naging tagasunod ni Jesus, nagsimula ng disciple-making sa Pampanga, at ngayon ay dadalhin ng Panginoon sa isang unreached people group sa Thailand. Oo, magsisimula tayo kung nasaan tayo. But we will also make disciples where God wants us to go. Pakikinggan natin kung saan gustong dalhin ng Dios ang oras natin para madisipulo ang ibang tao, kung saan gustong dalhin ng Dios ang pera natin para makatulong sa Great Commission, at higit sa lahat, kung saan gusto ng Dios na pumunta tayo at iwanan ang lugar natin ngayon para ang mga taong hindi pa nakakarinig ay makarinig at maging tagasunod ni Jesus.
The Driving-Power of Our Mission
Alam ko marami sa atin kumbinsido na ito talaga ang misyon natin. Pero may pumipigil sa inyo. Nasasabi n’yo siguro, “Parang ang hirap naman niyan. Hindi ko kaya ‘yan.” Pero may encouragement ang Panginoon, na siyang magbibigay lakas sa atin para dito. Tingnan ninyo ang mga huling salita niya, hindi na utos, kundi pangako. “And behold, I am with you always (every hour, every day) to the end of the age” (v. 20). Ang pangako ni Jesus dito ay ang kanyang presensiya, “Kasama n’yo ako.” Hindi niya tayo iniwan at hinayaan na lang.
Dalawang bagay ang nakapaloob dito. Una, the ongoing presence of Jesus through the Holy Spirit. Sabi niya sa mga disciples niya bago siya bumalik sa langit, “You will receive power when the Holy Spirit has come upon you, and you will be my witnesses” (Acts 1:8). Kung tayo ay mga tagasunod ni Jesus, nasa atin ang Espiritu. Hindi sa atin nakasalalay ang success ng misyong ito, kundi kay Cristo na nagpapalakas sa atin. Kung aanyayahan natin ang mga taong sumunod sa kanya, si Jesus mismo ang magsasalita sa mga puso nila na sumunod sa kanya. Kung tutulungan natin ang mga kapatid natin kay Cristo na lumago sa pananampalataya, si Jesus mismo ang kikilos upang baguhin ang kanilang mga puso.
Pero hindi lang iyon, kasama din sa pangako niya ito – the coming presence of Jesus, the promised return of Jesus when our mission is done. “And this gospel of the kingdom will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations (panta ta ethne), and then the end will come” (24:14). Kung alam nating mayroong pang mga “bansa” o ethnic groups na hanggang ngayon ay hindi pa naaabot ng ebanghelyo, kung alam nating ang Panginoong Jesus ay hindi pa magbabalik kung hindi pa mission accomplished ang kanyang iglesia, makukuntento ba tayong paupu-upo lang, at ubusin ang maraming oras sa mga bagay na walang kinalaman sa discipleship at disciple-making? Hindi, kung nasasabik kang makita si Jesus. Oo, kung balewala sa iyo kung magbalik man si Jesus o hindi.
A Call for Commitment
Kung si Jesus na sinusunod natin ngayon ay kasama natin, kung si Jesus na ating Panginoon ay babalik para isama tayo sa kanya, ano pa yung pumipigil o humahadlang sa atin ibigay ang buhay natin sa misyong ibinigay niya – to make disciples of all nations? Bakit kaya ang al-Qaeda at mga terorista ay mas committed kaysa sa ating mga Cristiano? Heto ang isang testimony ng isang communist, pakinggan mo, at tanungin ang sarili mo kung masasabi mo ito tungkol kay Jesus, sa pagsunod mo sa kanya, at sa pag-akay mo sa iba na sumunod din.
We are fanatics. Our lives are absorbed by one tremendous all-important factor: the battle for world-communism. We communists would not spend any money on concerts or other pleasures. We have set a clear aim before our eyes. We have an ideal to fight for. We dedicate ourselves and our personal lives and possessions in the service of a great movement. What does it matter that our personal lives, our own egos have to suffer for the sake of the [Communist] party? We are fully rewarded at the thought that every one of us is co-operating a little in the creation of something new, something better for mankind. There is only one thing for which I will die: communism. That is my life. That is my faith, my hobby, my love, my beloved; that is my master, my food and my drink.
During the day I work for it and during the night I dream about it. As time goes on, its influence on me get stronger and stronger. That’s why I cannot make friends, why I cannot love, or even hold a conversation without touching on all this, and this is the force that stimulates and leads me. I have been in prison for the sake of my ideas, my ideals, and I am willing, if need be, to stand in front of the firing squad.[1]
Madalas na sinasabi ni David Platt, pastor ng The Church at Brook Hills sa Birmingham, Alabama, “Stop playing games with the church.” Hindi tayo naglalaro. Hindi ito basta katuwaan lang. Buhay ng tao ang nakasalalay sa misyon natin. It’s time to get serious, church. The Great Commission calls for great commitment.
[1] Corrie ten Boom, Marching Orders for the End Battle (London: Christian Literature Crusade, 1969), pp. 9-10.
God bless you Pastor Derick!!! You’re a blessing to the church of Christ!
LikeLike
Thanks. Glory to God.
LikeLike