Maging Mabuting Katiwala ng Kayamanan

Home / Sermons / Following Jesus the Lord of All / Sermons 31-41 / Maging Mabuting Katiwala ng Kayamanan 

July 31, 2011  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Luke 16:1-13

Stewardship: Ang Isyu sa Paggamit ng Pera

Pangatlong linggo na ito ng pag-aaral natin tungkol sa gusto ng Panginoong Jesus na gawin natin tungkol sa pera. Gusto niyang mag-ipon tayo ng kayamanan sa langit, hindi dito sa lupa (Matt. 6:19-24). Isang kailangan nating gawin ay magbigay sa ministeryo ng Panginoon, sa pag-abot sa mga di pa nakakakilala kay Cristo at pagtulong sa mga mahihirap. Hindi barya-barya lang, kundi saganang pagbibigay (Luke 12:1-13). Ngayon naman titingnan natin ang isang mahalagang isyu tungkol dito sa pera – the issue of stewardship. Lahat tayo ay katiwala ng kayamanan (at lahat-lahat ng meron tayo!). The question is, mabuti ka bang katiwala o hindi?

The issue is not lack of opportunity. Hindi natin sasabihin na walang opportunity kasi hindi nakapagbibigay. Puwede tayong magsupport sa missions sa Thailand. Puwede ring magdonate ng 30 pesos lang, maipapamigay na mga NT Bibles sa mga kaibigan nating nag-aaral ng Following Jesus. O kaya sa pagstart natin ng Doulos School of Ministry, puwede kayong magsponsor ng ESV Study Bible para sa training ng leaders. May binagyo sa Bicol, puwedeng magpadala ng relief goods. Katatapos lang ng surgery ng isang kapatid natin, kailangan din ng financial na tulong. As long as there are still 2.83 billion people (41.5% of 6.82B) who are unreached and billions still in poverty, (compared to them we are rich), hindi mauubos ang opportunity. Mauubos lang pagdating ng Panginoong Jesus.

The issue is not lack of money. Si Zaccheus mayaman. Nakilala ang Panginoong Jesus, at ipinamigay 50% ng kayamanan niya sa mahihirap (Luke 18). Pero ang babaeng balo mahirap lang, barya lang ang naibigay, pero ang binigay niya lahat-lahat ng kayamanan niya (21:1-4). May oportunidad palagi, mahirap ka man o mayaman.

Kaya nga nandito ang church natin, hindi para magparami tayo ng koleksiyon. That’s not the end goal. Isipin niyo ang mission ng church – to build local and global grace-communities of committed followers of Christ for the glory of God. That’s our goal, kaya nga we highly encourage members to give at least ten percent sa church fund, tapos ang lagpas doon ay sa iba pang giving opportunities. Ang intensiyon ko ay hindi para ilayo ang pera sa inyo, kundi para ilapit ang Dios sa inyo; hindi para maging miserable ang buhay ninyo kundi makita ninyo na mas masaya ang pagbibigay (it is better to give than to receive); hindi para higpitan kayo kundi para matuklasan ninyo ang tunay na kalayaan; hindi para maghirap kayo kundi para mas yumaman kayo sa kaharian ng Dios.

The issue about money is stewardship. Ito ang isyu sa Luke 16:1-13. At sa isyung ito pwedeng dalawa ang reaksiyon mo. Maaaring mga tagasunod ni Jesus na seseryosohin ang sinasabi niya (v. 1), o makikinig ka lang tulad ng mga Pariseong nakikinig kay Jesus (v. 14). At dahil mahal nila ang pera, ayaw nilang sumunod kay Jesus. You can still sing “I love you Jesus.” Pero kung hindi mo susundin ang sinasabi ni Jesus tungkol sa pera, para mo na ring sinasabi, “I hate what you are teaching about money. I don’t like it. I hate you.” Jesus loves us. Kaya nga nagturo siya tungkol sa pera.

Ang Talinghaga ng Tusong Katiwala

Nagbigay siya ng isang kuwento at ipinaliwanag niya ito. Tingnan muna natin ang kuwento. Simple lang ang kuwento. “May isang mayaman na may katiwala (v. 1).” Ang mayaman dito ay siyang may-ari ng maraming lupain at may isang malaking negosyo, kaya nga sa bandang huli ng kuwento makikita nating marami siyang pautang na malaki, na ang mga transaksiyon niya ay sa iba ring mayayaman. Meron siyang katiwala. Siya ang pinagkakatiwalaan ng may-ari na mangasiwa ng lahat ng kanyang ari-arian, mamahagi ng pagkain, at kumatawan sa may-ari sa mga business transactions. Obviously, meron siyang authority. Magandang pribilehiyo yun para sa kanya.

Pero heto ang naging problema niya. “At nakarating sa [may-ari] na nilustay ng katiwalang ito ang mga ari-arian niya” (v. 1b). Ang paratang na ito ay totoo kasi hindi man lang din nagprotesta ang katiwala. Ang awtoridad at posisyon na bigay sa kanya inabuso niya ito, hindi ginamit ng tama, ginamit sa pansariling interes. “Kaya ipinatawag niya ang katiwalang ito at tinanong, ‘Ano ba ang naririnig kong ito tungkol sa iyo? Kuwentahin nga natin ang lahat ng ipinagkatiwala ko sa iyo aalisin na kita bilang katiwala’” (v. 2). Wala namang isinagot ang katiwala. Silence here means ‘yes.’ Guilty siya. Wala man lang protesta. Dapat lang na tanggalin na siya bilang katiwala dahil hindi naman talaga naging mabuting katiwala. Bilang na ang araw niya bilang katiwala. Dapat maghanda-handa na siyang magbalot sa kanyang pag-alis. Malaking problema ito para sa kanya. Masakit sabihan ka ng “You’re fired.” Tapos binigyan ka ng one week notice para iturnover ang mga files at documents mo. Buti nga may palugit pa.

Dahil may mabigat siyang problema, pinag-iisipan niyang mabuti ang plano niya. “Naisip ng katiwala, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Aalisin na ako bilang katiwala. Hindi ko kakayanin ang mabibigat na trabaho tulad ng paghuhukay, at nahihiya naman akong mamalimos. Alam ko na. Gagawa ako ng paraan para tanggapin ako ng mga tao sa tahanan nila kapag inalis na ako sa trabaho ko’” (vv. 3-4). Pinag-isipang mabuti ng katiwala ang problema niya. Alam niyang matatanggal na siya sa serbisyo. Hindi lang iyon. Alam din niyang iyon lang ang trabahong nakasanayan niya at mahihirapan na ulit siyang makahanap ng iba, lalo na kung mababalitaan ng papasukan niya kung bakit siya pinaalis sa trabaho. Parang black-listed na. Hindi siya makakakuha ng rekomendasyon sa amo niya para sa susunod niyang papasukan. Kung humanap man siya ng mga menial jobs, hindi rin niya kaya. Hindi siya sanay sa mabibigat na trabaho. Kung wala nang iba at kailangan nang mamalimos, hindi niya rin kayang iharap ang mukha niya sa kahihiyan. Manager dati, tapos magiging janitor, hindi niya yun matatanggap.

Alam niya ang haharapin niyang problema kaya pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang pinakamainam na solusyon. Desidido siyang gumawa ng paraan para masolusyunan ang dilemma niya. Ang solusyon na naisip niya ang layunin ay ito: “para tanggapin ako ng mga tao sa tahanan nila kapag inalis na ako sa trabaho ko.” Ang solusyon niya ay may kinalaman sa pagpaparami niya ng kaibigan, o mga taong maaaring tumanaw sa kanya ng utang na loob. Palayasin man siya sa kanyang pinagtatrabahuhan ngayon, may tatanggap naman sa kanya sa ibang “tahanan.” Wais siya. Ano ang naisip niyang solusyon?

Isa-isa niyang ipinatawag ang mga may utang sa amo niya. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa amo ko?’ Sumagot siya, ‘100 banga ng langis ng olibo.’ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Maupo ka at isulat mong 50 na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa pa, ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘100 sako ng trigo.’ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Isulat mong 80 na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala (vv. 5-7).

Dahil may awtoridad pa ang katiwalang ito na magdesisyon sa negosyo ng kanyang amo, “ipinatawag” niya ang mga may utang sa amo niya. Dalawa ang ipinakitang halimbawa sa kuwentong ito pero malamang ay mas marami pa (“isa-isa”). Ang isa ay binawasan ng 50% ang utang. Ang isa ay 20%. Ang pinagsamang bawas sa utang ng dalawang ito ay tinatawang katumbas ng 20 buwang suweldo ng karaniwang manggagawa (ESV Study Bible). Pero kung hindi lang ito ang binawasan ang utang, ibig sabihin ay napakalaking favor ang naibigay niya sa mga taong iyon, at malamang ay umaasa siya na susuklian nila ang kabutihan niya pag dumating ang panahong wala na siyang trabaho.

Kung ganito kadaya ang ginawa niya at inisahan pa niya ang kanyang amo sa kanyang nahuhuling sandali sa trabaho, ano ang inaasahan nating gagawin ng amo niya? Papagalitan siyempre, baka ipabubugbog pa at ipakukulong. Pero nakakagulat na marinig na sa dulo ng kuwento ni Jesus maririnig pa natin ang papuri sa kanya. Nang malaman ng amo ang ginawa ng madayang katiwala, pinuri niya ito “dahil kumilos siya nang may karunungan” (v. 8a). Ang ginawa niya ay pandaraya. Pero ang nakapagtataka dito, sa halip na magalit ang amo niya, pinuri pa siya. Bakit ganoon? Hindi dahil nandaya siya. Tandaan nating noong simula pa ay tatanggalin na niya sa trabaho itong katiwala. Hindi rin dahil tulad ng sinasabi ng ibang interpreter na mas makakabuti sa amo niya ang mas bawas na utang dahil at least mas may chance na makabayad. Wala namang indication dito na ganoon. Sa parable na ito, we need to look at the main point. Not concerned sa maraming details. Hindi naman intensiyon ni Jesus na magkaroon tayo ng one-to-one correspondence sa amo at sa Panginoong Jesus, at ang katiwala dito sa ating mga tagasunod niya. Tingnan lang natin kung ano ang gusto niyang i-highlight.

Kaya ngayon anong dahilan bakit siya pinuri ng amo? “Dahil kumilos siya nang may karunungan.” Sa ESV, “for his shrewdness.” Totoong mali ang ginawa niya, at nais ng Panginoong Jesus na ‘wag nating tularan ang katiwala sa kanyang paglulustay ng pagmamay-ari ng amo niya. Hindi kasi siya naging mabuting katiwala ng kayamanan. Pero dito sa verse 8, may isang magandang halimbawa dito ang gusto ni Jesus na matutunanan natin. Shrewdness. Inisip kasi ng lalaking ito ang future niya. Gumawa siya ng paraan para masigurado niyang maganda ang magiging future niya. Dapat hindi tayo tumulad sa kanyang dishonesty at unfaithfulness bilang katiwala, pero dapat nating tularan ang kanyang karunungan sa pag-iisip kung paano gagamitin ang kanyang authority para makinabang ang ibang tao at matiyak na maganda ang kanyang magiging kinabukasan. Hindi lang tayo dapat tumulad sa kanya, dapat higitan pa natin siya. Ito ang point ng mga susunod na turo ni Jesus tungkol sa pagiging mabuting katiwala ng kayamanan.

Ang Turo ni Jesus tungkol sa Pagiging Mabuting Katiwala

So ano ang itinuturo sa atin ni Jesus dito tungkol sa stewardship? Una, maging mas marunong sa paggamit ng pera, lalo na sa pagbibigay. “Sapagkat mas marunong ang mga taong makamundo kaysa sa mga taong naliwanagan na tungkol sa Dios. Kaya sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ninyo sa mundong ito para kapag naubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa walang hanggang tahanan” (vv. 8b-9). “Mas marunong” daw sila, bakit ganoon? The effect is that it poses a challenge to all followers of Jesus, na ang tawag dito ay “mga taong naliwanagan na tungkol sa Dios” o “sons of light” (ESV). Hindi na tayo tagarito, kundi taga-langit na. Hindi na tayo bulag tungkol sa katotohanan ng Dios, naliwanagan na tayo kung ano ang layunin ng buhay natin. Pero ang challenge sa atin ay ito, kung iyon ngang mga hindi Cristiano ay masigasig at marunong sa paggamit nila ng kanilang kayamanan para dito sa mundo, bakit tayong mga Cristiano na ay hindi marunong sa paggamit nito para sa kaharian ng Dios?

Paano tayo mas magiging marunong? Sa pamamagitan ng pagbibigay at paggamit ng kayamanan para mapakinabangan ng mga tao na mailapit sila sa Dios at sa kanyang kaharian. Ito ang ibig sabihin ng pakikipagkaibigan. Hangga’t mas maraming matutulungan tulad ng tusong katiwala, gawin natin. Binigyan tayo ng kapangyarihan ng Dios na gamitin ang yamang pinahiram niya sa atin para makinabang ang ibang taong mas higit na nangangailangan kaysa sa atin. Anumang nasa atin ngayon ay may malaking potensiyal na makatulong sa ibang tao.

Pero sa atin din malaki ang pakinabang kung gagamitin natin ng tama. May naghihintay sa atin na “walang hanggang tahanan.” Ito ang pakinabang. Tulad ng tusong katiwala, inaasahan niyang iyong mga may utang na binawasan niya ay tatanggapin siya nang masaya sa mga tahanan nila. Ganoon din kung magiging mabuti tayong katiwala ng kayamanan. Ang walang hanggang tahanang ito ay ang bahay na inilaan ng Dios para sa ating lahat na tagasunod ni Jesus. Pagdating sa langit, may “welcoming committee” na sasalubong sa atin at patutuluyin tayo sa mga mansyong pag-aari nila sa langit. Kasama sa welcoming committee na ito ang mga taong nabago ang buhay dahil sa perang ginamit natin at naitulong para sa kanila. Ang iba doon lang natin makikilala. Imagine the look of joy in their faces kapag nakita ka dahil natulungan mo sila. Aawitin nila siguro, “Thank you for giving to the Lord, I am a life that was changed. Thank you for giving to the Lord, I am so glad you gave.”

Pangalawa, maging tapat sa ipinagkatiwalang kayamanan – maliit man o malaki. Makikita ito sa verses 10-12. “maliliit na bagay….malalaking bagay.” Hindi isyu dito kung mahirap ka o mayaman, kung konti lang ang pera mo o marami. Kaya sinabi ni Jesus na dapat “faithful” tayo kahit sa “maliliit na bagay,” na sa literal na salin ay “napakaliliit na bagay.” Kahit ang piso natin pag-aari ng Dios at dapat maging tapat tayo sa paggamit nito. Sabi ni Jesus, kung tapat tayo sa piso, magiging tapat din tayo sa limang libo. Hindi dami ng pera ang pinag-uusapan dito kundi ang puso ng taong mapagbigay. Kung sa piso dinadaya natin ang Panginoon, kahit sa sampung libo ganoon din ang gagawin natin. ‘Wag nating isiping, “Kung mayaman lang ako at maraming pera, magbibigay ako at tutulong sa iba.” Beware of “if only” thinking. Kung sa 5,000 mong kita sa isang buwan sinasabi mo sa Panginoon, “Lord, di muna ako magbibigay ngayon kasi konti lang kinikita ko,” ganoon din ang sasabihin mo kung naging 20,000 na ang suweldo mo. Kasi nga “faithfulness” ang pinag-uusapan. Hindi sinasabi ng Dios na magbigay ka kung marami ka nang pera. Ang gusto niyang ibigay natin ay anumang nasa atin na, hindi yung wala pa.

At kung magiging tapat tayo, nangako siyang ipagkakatiwala niya sa atin yung mga tunay na kayamanan sa langit. Ang mga bagay dito lilipas din, hindi natin madadala sa langit. Kung magiging mabuti tayong katiwala sa kayamanang pahiram niya sa atin, ibibigay niya ang “kayamanan na talagang para sa inyo” (v. 12). Ang naghihintay na kayamanan doon ay iyon talagang para sa atin. Ang kayamanan natin ngayon ay ipinagagamit lang sa atin ng Dios. May naghihintay pa sa atin dun sa langit. Kaya wag tayong madali at wag isiping ito lang ang kayamanan natin sa mundo. Kung magmadali ka, baka hindi na sa iyo ibigay ng Dios yun.

Pangatlo, maging tapat sa paglilingkod sa Dios, na ginagamit ang kayamanan para sa kanya. Ito yung point sa verse 13, parehas din ng nakita na natin sa Matt. 6:24. “No one can serve two masters. Either he will hate the one and love the other, be devoted to the one and despise the other. You cannot serve God and money.” Sa paggamit ng pera mamimili tayo kung kanino tayo paaalipin. Pera ba o Dios ang pipiliin natin? Hindi lang sa paglilingkod, kundi yung pagkukuhanan natin ng lahat-lahat sa buhay natin. Ang “serve” dito ay galing sa salitang paaalipin (douleou), na siyang walang sariling pag-aari. Nakadepende sa kanyang amo. Ang security natin, ang kaligayahan natin, ang pag-asa natin, saan natin makukuha? Saan natin gustong makuha? Sa Dios o sa pera.

Stewardship Principles to Remember

Dito sa itinuro ng Panginoong Jesus at sa iba pang napag-aralan natin, tandaan natin ang ilang prinsipyong may kinalaman sa stewardship. Ang isang “katiwala” (tayo yun) ay siyang pinagkatiwalaan ng kayamanan o ari-arian ng iba (ng Diyos) at inatasang gawin ang responsibilidad na gamitin ito para sa interes ng may-ari (Ben Patterson, The Grand Essentials, 17; cited in Randy Alcorn, Money, Possessions, and Eternity, 140).

1. Ownership. God is the owner of our money (and everything else!), we are the manager. Question to ask: Gagamitin ko ba ang perang ito na iniisip na hindi ko ito pag-aari kundi pahiram lang ng Dios?

2. Authority. God gave us authority over the use of money, use it wisely. Nagiging marunong ba ako sa paggamit ng perang ibinigay sa akin ng Dios, o inaabuso ko ang kalayaang meron ako?

3. Trust. God entrusted us with wealth (little or many), we must be trustworthy. Faithful, not dishonest. Sa maliit na meron ako ngayon, naging tapat ba ako upang ipagkatiwala sa akin ng Dios ang mas malaki pang kayamanan?

4. Responsibility. God gave us the responsibility to manage money for his best interests (kingdom!), we must be diligent in carrying out that responsibility. Ginagawa ko ba lahat ng magagawa ko para gamitin ang aking kayamanan para mapalaganap ang paghahari ng Dios sa buong mundo?

Bago natin tingnan ang huling dalawang principles sa stewardship, tingnan muna natin ngayon ang ilan sa mga praktikal na bagay na puwede nating gawin upang magawa nating mabuti ang responsibilidad na ibinigay sa atin ng Dios. Dapat may sistema tayo para hindi tayo nahihirapan. Puwede nating gamitin ang principle ni John Wesley sa paghawak ng pera.

  • Gain all you can. Magtrabahong mabuti, ‘wag tatamad-tamad at puro nood lang ng TV. Hangga’t kayang kumita ng mas malaki, gawin mo. Gamitin mo ang napag-aralan mo, ang talento mo, ang lakas mo para magtrabaho. Pero siyempre dapat balanse. Sa pagtatrabaho, hindi dapat ikumpromiso ang relasyon sa Dios. Pari sa asawa din, hindi ibig sabihin ay magtatrabaho na kayo pareho ng mister mo, o kaya ay mag-abroad para mas malaki kita. Mas malaki nga kita, kung mapabayaan ang relasyon sa Dios at sa pamilya, para saan pa yun?
  • Save all you can. Kumikita ka nga. Blessing ‘yan. Pero matutong mag-ipon. Dapat simple lang ang lifestyle. Hindi kapag maraming pera, gastos nang gastos. Kahit mag-sale sa SM, hindi matutuksong mamili.
  • Give all you can. You gain all you can and save all you can, so that you can give all you can. Dapat nating isiping channel of blessings tayo ng Panginoon. The more your income increases, hindi sumusunod ang lifestyle, ang tumataas ay ang standard of giving. We must learn to give sacrificially. Hindi yung kung ano lang yung tira-tira.

Paano naman tayo makakaipon o makapagbibigay nang malaki? Siyempre dapat sanay tayong magbudget. Dito naman puwede nating gamitin ang 10-10-80 principle.

  • 10% – tithes to the Lord. Pagkilala ito ng pagmamay-ari ng Dios sa lahat-lahat sa atin. Biblical principle ito at maraming nasusubok dito. Kung dito pa nga lang hirap na tayong maging faithful, paano pa dun sa natitirang 90%. So dapat unahin ito, itabi agad. ‘Wag ikompromiso. Lumiit man ang sweldo, may utang man na kailangang bayaran, bumaba man ang kita sa negosyo. Hindi yung kapag may sumobra lang.
  • 10% savings – dapat regular na nag-iipon. Ang iba walang mapanggastos kapag may emergency o future needs kasi hindi natutong mag-ipon. Pero mag-ingat na baka sobra-sobra ang inipon na hindi naman magagamit tulad ng nakita natin last week sa Parable of the Rich Fool. Ang security natin sa Panginoon pa rin.
  • 80% gamitin sa iba pang pangangailangan. Sa sarili, sa pamilya, sa pagtulong sa ibang nangangailangan, lalo na sa mahihirap at mga di pa nakakakilala kay Cristo.

Ito ang mga sistemang puwede niyong gamitin. Pero maaaring iba ang maging diskarte o sistema niyo pero ang mahalaga naipapakita natin sa paggamit natin ng pera na ang Dios ang may-ari nito at ginagamit natin sa paraang makapagbibigay karangalan sa kanya. Kung sa unang tingin parang mabigat ang sinasabi ni Jesus, parang ang laking sakripisyo. Pero isipin mo rin naman kung anong laki ang mawawala sa iyo kapag pinilit mong kumapit sa kayamanan at hindi sa Dios. Isipin mo naman kung anong laki ang mapapasaiyo kung pinakawalan mo ang kayamanan at ginamit para sa Dios. Ito ang huling dalawang prinsipyo sa stewardship:

5. Accountability. God will hold us accountable in the use of our money, we must be ready to face the consequences of our money-related decisions. Nakahanda ba ako na balang araw ay haharap ako sa Dios at tatanungin niya kung paano ko ginamit ang kayamanang ipinagkatiwala niya sa akin?

6. Reward. God promises gracious temporal and eternal rewards for faithful stewards, we must look forward to them. Sa paggamit ko ng pera at sa pagbibigay nito sa ibang nangangailangan, umaasa ba ako at nasasabik sa ipinangako ng Dios na gantimpalang naghihintay sa akin?

“Consecration of Money Power to God”

Napakahalaga ng nakalipas na ilang linggo na nakafocus tayo kung ano ang tinuturo ng Panginoong Jesus tungkol sa pera. Maraming nagcomment sa akin na maganda daw na ito pinag-uusapan natin. Pero paano kung hindi lang natin pag-uusapan? Paano kung papaniwalaan talaga natin at magkakaroon tayo ng mga radical adjustments sa lifestyle natin at sa standard of giving natin? Hindi exaggerated ang sinabi ni Horace Bushnell, “One more revival – only one more – is needed, the revival of Christian stewardship, the consecration of the money power to God. When that revival comes, the kingdom of God will come in a day.”

Bakit nga hindi? Kung natutunan natin ang pagiging mabuting katiwala ng kayamanan, magiging mabuting katiwala din tayo sa lahat ng aspeto ng buhay natin, mas magiging malalim ang relasyon natin sa Dios, makikita ng maraming tao kung gaano kalaki ang nangyaring pagbabago sa atin, madarama nila ang pag-ibig ng Dios sa pamamagitan natin, maraming mahihirap ang lalapit kay Jesus, maraming unreached people groups ang maaabot ng mabuting balita ng kaligtasan, at maaaring sa henerasyon natin, bumalik ang Panginoong Jesus.

4 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.