February 6, 2011 | By Derick Parfan | Scripture: Matthew 22:34-40
Downloads: audio | video | sermon notes | discussion guide
But when the Pharisees heard that he had silenced the Sadducees, they gathered together. 35And one of them, a lawyer, asked him a question to test him. 36“Teacher, which is the great commandment in the Law?” 37And he said to him, “You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. 38This is the great and first commandment. 39And a second is like it: You shall love your neighbor as yourself. 40On these two commandments depend all the Law and the Prophets.” (ESV)
Two Fundamental Human Problems
Isang araw may pumasok sa opisina ko na noon ko lang nakita at gusto raw akong makausap. Sabi niya, “Pastor, kailangan ko po ng tulong n’yo. Kakalaya ko pa lang sa kulungan. 18 taon din akong bilanggo.” “Ano pong kaso niyo?” “Murder po. Nasaksak po kasi ako noon ng kainuman ko [sabay taas ng t-shirt para ipakita ang peklat sa tiyan]. Paggaling ng sugat ko, hinanap ko siya at gumanti.” Sabi pa niya na sa loob ng kulungan ay nakakilala siya sa Diyos. Kaya lumapit siya sa church natin dahil alam niyang makakatulong sa kanya. Gusto daw niyang makasama ang kanyang pamilya na nasa probinsiya.
Makikita natin dito at maging sa mga sitwasyon natin sa buhay na lahat tayo may dalawang pangunahing problema. At ang dalawang ito ay may kinalaman pareho sa relationships. Ang una ay ang sirang relasyon natin sa Diyos. Itong lalaking nakulong nakita niya na ang kasalanan niya una ay sa Diyos hindi sa napatay niya. Kaya ginawan niya ng paraan iyon habang siya’y nakakulong. Mula nang sumuway si Adan at Eba sa utos ng Diyos at hindi nagtiwala sa kanya, hanggang ngayon sa pagbalewala natin sa kahit mga simpleng tagubilin ng Diyos, may problema tayo sa relasyon natin sa Diyos.
Dahil mayroon tayong nasirang relasyon sa Diyos, kaya ang pangunahing utos ayon sa Panginoong Jesus ay: “Love the Lord your God.” Ito rin ang dahilan kung bakit sa mga naunang mga sermon sa series natin sa Following Jesus the Lord of All ay tinalakay muna natin ang mga utos ni Jesus tungkol sa relasyon natin sa kanya at sa Diyos. Maging ang mga pag-aaral natin sa pakikipaglaban natin sa ating mga kasalanan ay may kinalaman unang-una sa relasyon sa Diyos, at pangalawa, sa relasyon sa tao.
Kaya ang pangalawang pangunahing problema natin ay ang sirang relasyon sa kapwa tao. Itong lalaking nakulong ay sira ang relasyon sa taong pinatay niya at nagnanais na humingi ng tawad sa pamilya ng namatay. Nahiwalay din siya sa kanyang asawa at mga anak at gusto silang makita ulit. Sa akin naman, nagtatanong din ako sa sarili ko noon na paano kaya ako makikitungo at makakatulong sa kanya. There is always a struggle sa mga ganyang desisyong gagawin natin para sa ibang tao. Mula nang manahimik si Adan habang tinutukso ng ahas si Eba, hanggang patayin ni Cain ang kapatid niyang si Abel, hanggang ngayong ‘di nagkakasundo ang mga mag-asawa, nagkakainggitan ang mga magkapatid, at nagbabangayan ang mga magkapitbahay, may problema tayo sa relasyon natin sa ibang tao. Kaya ngayon ay pag-aaralan natin ang second greatest commandment: “Love your neighbor.”At sa mga susunod ay titingnan natin kung paano ito ilalapat sa relasyon natin dito sa church, sa ating mga kaaway, sa ating pamilya, sa ating lipunan, at sa mga ‘di mananampalataya.
God’s Design for Human Relationships
Kung titingnan natin ang ating series, may layunin itong maging maayos ang relasyon natin sa Diyos at sa ibang tao. Dahil sa pamamagitan nito mararanasan natin ang buhay na dinisenyo ng Diyos sa atin. Sa isang okasyon na may nagtanong sa Panginoong Jesus kung paano magkakaroon ng buhay na walang hanggan, binanggit din niya ang dalawang utos na ito at sinabing, “Gawin mo ito at mabubuhay ka” (Luke 10:28). Kung gusto talaga nating maranasan ang buhay na nais ng Diyos para sa atin, tiyakin nating totoo sa puso natin ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa tao. Kung ibubuod natin ang buong kalooban ng Diyos na nakasulat sa Bibliya, itong dalawa iyon. Dito natin makikita kung ano ang disenyo ng Diyos. “Sa dalawang utos na ito nakasalig ang buong kautusan at ang mga propeta [tumutukoy sa buong Salita ng Diyos]” (Matt. 22:40).
God’s design for our life is like a beautiful and expensive vase. But we broke it. And now God is in the business of restoring the beauty of relationships in our lives. Lahat tayo may problema sa relasyon sa ibang tao. Hindi natin puwedeng sabihin na wala naman tayong nakakagalit o umaaway sa atin o 800 na ang friends mo sa Facebook. Dapat din nating tanungin ang sarili natin kung talaga nga bang iniibig natin ang ibang tao ayon sa nais ng Diyos para sa kanila, o ang mundo natin ay parang napakaliit at umiikot lang sa sarili natin at sa mga taong gusto nating nakakasalamuha. Kaya kailangan nating pag-aralan ang salita ng Diyos at tiyaking totoo sa buhay natin ang ikalawang pinakamahalagang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa.”
How Important It is to Love My Neighbor?
Isang problema natin sa utos na ito ay hindi natin masyadong pinahahalagahan. Mahalaga ba talagang mahalin din natin ang ating kapwa tao? At kung mahalaga iyon, gaano naman kahalaga? Siyempre alam nating mahalaga iyan dahil ang Diyos ang nag-utos. Kung hindi natin pinahahalagahan ang mga utos ng Panginoon, hindi tayo tunay na disciples of Christ. Utos ito na dapat sundin, “You shall love…” Hindi ito suggestion. Bukod doon. Pansinin ninyo ang verse 40, “On these two commandments (love God and love others) depend all the law and the prophets.”May saysay lang ang iba pang mga utos ng Diyos kung nanggagaling ito sa pagsunod sa dalawang pangunahing utos. Hindi lang sinabi na sa pag-ibig sa Diyos nakasalalay ang lahat, kundi sa pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Kung magtatayo ka ng building hindi puwedeng nasa kanan lang ang pundasyon, dapat nasa kanan at kaliwa. Ang buhay natin hindi balanse, gegewang-gewang at guguho rin kung hindi natin pahahalagahan ang utos na ibigin ang ating kapwa. “Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito” (Mark 12:31 MBB).
Pansinin rin ninyo na ang tinatanong lang kay Jesus ay kung ano ang pinakamahalaga sa mga utos. Nasagot na ni Jesus iyon, pero bakit binanggit pa niya itong pangalawa. Ayaw ng Panginoong Jesu-Cristo ang ideya ng mga taong ito tungkol sa relihiyong hiwalay sa relasyon sa ibang tao. Ang pag-ibig sa Diyos parang hindi naman nakikita kasi hindi nakikita ang Diyos, nasa puso natin ito. Madaling sabihing mahal mo ang Diyos, kahit sa loob-loob ay hindi pala. Pero ang katunayan nito ay iyong nakikita sa labas, kung paano tayo makitungo sa ibang tao na siyang nilikha rin ayon sa larawan ng Diyos. If anyone says, “I love God,” and hates his brother, he is a liar; for he who does not love his brother whom he has seen cannot love God whom he has not seen. And this commandment we have from him: whoever loves God must also love his brother (1 John 4:20-21).
Ipinapakita rito ng Panginoon na kapag sinabi niyang “pangalawa” hindi ibig sabihin na second-class na hindi puwede lang basta balewalain. Parang kapag sinabi sa iyo ng boss mo na may dalawa siyang ipagagawa sa iyo pero mas priority ang isang project, pagkatapos noon sasabihin mo bang hindi mo na gagawin ang isa? Kasi para sa iyo wala namang kinalaman doon sa una. Ayos na iyong nagawa mo iyong priority. Huwag ninyong sasabihing na ayos lang na sira ang relasyon ninyo sa ibang tao o wala kayong pakialam sa iba basta nag-aapoy naman ang pag-ibig ninyo sa Diyos!
Tingnan ninyo ang verse 39, “At ang pangalawa ay katulad nito [ng dakila at unang utos].” (Hindi ito makikita sa MBB, “Ito naman ang pangalawa…”). Tulad ng aking anak na si Daniel. Si Daniel ay katulad ng kanyang daddy (kahit pa sabihin ng ibang hindi ako ang kamukha!). Siya ay katulad dahil siya ay nanggaling sa akin. Walang Daniel kung walang Derick. Ang kahalagahan ng ikalawang utos ay ang koneksiyon nito sa una. Love for neighbor is like (not the same as) love for God. Because genuine and sincere love for others flows from genuine and sincere love for God. To love God and not love others is plain hypocrisy. That’s not Christianity.
Who is My Neighbor?
Isa pang problema natin sa utos na ito ay nililimitahan natin ang definition ng “neighbor.” Sino ba ang aking “kapwa” na dapat kong ibigin? Ito lang ba ay aking pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga taong malalapit sa akin, at mga taong gusto kong mahalin? Ito rin ang challenge ng isang Judio na nagtanong kay Jesus kung sino ang kanyang kapwa na iibigin (Luke 10:29), na para sa kanila ay limitado lang sa mga kababayan nila, kapamilya, at mga taong may tulad din nilang katayuan sa buhay. Alam niya kung saan galing ang sinabi ni Jesus na kailangan niyang ibigin ang kanyang kapwa, “Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh” (Lev. 19:18 MBB). Pero parang hindi niya alam ang isa pang pinanggalingan nito, “Ang dayuhang kasama ninyo ay magiging kagaya ng isang katutubong kasama ninyo. Iibigin mo siya na gaya ng sa iyong sarili” (Lev. 19:34). Tinanong pa niya, “Sino ang aking kapwa?”
Sa tanong na ito kay Jesus ang sagot niya ay ang kilala nating “Parable of the Good Samaritan” (Luke 10:30-37). May isang lalaki na naglalakad mula Baliwag hanggang San Rafael. Nabundol ng isang kotse na dali-dali namang tumakas. Nakahilata sa kalsada. Madilim. Walang tao. Dumaan ang pastor ng BBCC, pero nagmamadali, hindi na pinansin at inisip na may iba namang puwedeng tumulong. Pagkatapos may dumaan na member ng BBCC, nagmamadali din at baka ma-late sa Bible study. Nagpray na lang siya na may dumating na tulong doon sa lalaki. Pagkatapos may dumaan na kasapi ng mga Mormons. Naawa sa lalaki. Binuhat. Isinakay sa tricycle. Dinala sa hospital at ibinilin doon. Saka umalis at sinubukang kontakin din ang mga kamag-anak ng biktima. Tanong ni Jesus, “Sino sa kanila ang tunay na naging kapwa sa taong nasagasaan?” Iyong nagpakita ng awa sa kanya.
Ang punto dito ay ipakitang ang “kapwa” ay hindi lang iyong natural sa iyo na mahalin, o kakilala o type mo, o kung kanino ka kumportable at may maaasahang kapalit. Ang lalaking tinulungan dito ay walang pangalan, walang kakayahang magbayad. Basta kailangan niya ang tulong. At ang lalaking dumaan na siyang umiibig sa kanyang kapwa ay nakita siya at may oras, lakas, at kakayahang tumulong. Sinumang dinala ng Diyos sa buhay natin na nangangailangan ng tulong natin at maibibigay natin ang anumang tulong sa kanya ayon sa kakayahang mayroon tayo. Siya ang kapwa nating dapat nating mahalin.
What Does “As Yourself” Mean?
Isa pang problema natin sa utos na ito ay nililimitahan natin ang definition ng “love” o kaya’y ginagawa nating ayon sa gusto natin. Pero hindi lang sinabi ni Jesus na “Love your neighbor.” Sabi niya “Love your neighbor as yourself.” Diyan na ngayon tayo magkakaroon ng malaking problema. If our way of showing love ang masusunod, may madali pa siguro. Pero God’s way ang pinag-uusapan dito. Tingnan natin kung ano ang ibig sabihin nito. Pero bago iyon, tingnan muna natin kung ano ang hindi kahulugan nito.
Obvious namang hindi ito nangangahulugang mamahalin ko ang lahat nang pantay-pantay. Ang pag-ibig ko sa asawa ko iba sa pag-ibig ko sa aking kapwa na babae. Kapag pareho, trouble iyan, kasi hindi ko naman sila asawa. We love others in the context of the relationships we have with them. Mamahalin ko ang wife ko bilang husband niya, ang aking anak bilang daddy niya, ang church bilang pastor ninyo, ang mga kapatid ko bilang kuya. Kapag pinagpalit-palit ko, gulu-gulo na.
Hindi rin ito nangangahulugang pipilitin nating ibigay kung ano ang wala naman tayo. Ibibigay lang natin ang isang bagay (tulad ng pera, pagkain, oras, lakas, talino, encouragement, etc.) sa isang tao kung mayroon tayo nito at hindi naman makakasama sa ibang relasyon natin. Hindi ko ibibigay ang oras ko sa ibang tao kung sa oras na iyon ay kailangang-kailangan ako ng asawa ko. Hindi ko ibibigay ang tanghalian namin sa kapitbahay kung dahil doon ay walang kakainin ang mag-ina ko. Love must be according to the resources God has given us. Kaya maingat tayo dapat na alamin kung ano ang kailangan ng iba na kaya naman nating ibigay dahil ang ibinibigay sa atin ng Diyos ay sobra sa kailangan natin.
Mag-ingat rin tayo sa ibang mga mangangaral na ginagamit ang talatang ito para sabihing iniutos din ng Panginoon ng mahalin natin ang ating sarili. Hindi iyon iniutos ng Diyos. Ibigin natin ang iba gaya ng ating sarili dahil ipinalalagay ng Panginoon dito na mahal natin ang ating sarili. Our problem is self-love na ang focus ay ang sarili na natin. The first and second greatest commandments take that focus away from us. Hindi ba’t natural naman sa ating kapag nagugutom tayo, gagawa tayo ng paraan para makakain? Kapag nauuhaw, iinom. Hindi mo iyan titiisin nang ilang araw na hindi ka kumakain o umiinom. Kapag kailangan mo ng kausap, maghahanap ka. Masigasig tayong hanapin o gawin lahat ng magagawa natin para makuha kung anong kailangan o gusto natin.
Sinasabi ng Panginoon dito na kung anong sigasig natin para sa sarili nating kabutihan o kasiyahan ay gayundin dapat tayo kasigasig na tumulong sa iba na matugunan ang kailangan nila sa buhay at makapagbibigay sa kanila ng tunay na kasiyahan. Sinabi din ng Panginoon, “Kaya, anumang bagay na ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon ang gawin ninyo sa kanila; sapagkat ito ang kautusan at ang mga propeta” (Matt. 7:12). If you want to be respected, respect others. If you want to be forgiven, why deny forgiveness to others? If you want salvation and eternal life, why not share this to your loved ones if you truly love them? The command to love others as ourselves means to have the same commitment to give the highest good to others as we want for ourselves. The focus “is not on whether the receiver of love is an enemy or a friend, but on whether the one who loves desires the neighbor’s good as he desires his own” (John Piper, What Jesus Demands from the World, p. 249). Dagdag pa ni John Piper:
If you are energetic in pursing your own happiness, be energetic in pursuing the happiness of your neighbor. If you are creative in pursuing your own happiness, be creative in pursuing the happiness of your neighbor. If you are persevering in pursuing your own happiness, then persevere in pursuing the happiness of your neighbor. (p. 259)
How Can I Do That? It’s Too Difficult!
Kung naiintindihan talaga natin ang ibig sabihin ng pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili, at seseryosohin natin ang utos na ito ng Panginoon, mararamdaman natin ang hirap at bigat, Sobrang hirap yata niyan! Tatanungin natin, Kaya ko bang mahalin ang aking kapwa gaya ng aking sarili? Oo mahirap nga. Lalo na kapag iisipin natin ang isang tao na hindi naman kayang suklian ang ibinibigay nating kabutihan, o ang isang tao na mabuti na nga ang ginagawa mo masama pa rin ang ipinapalit. Minsan magdadahilan pa tayo na nasa kanila kasi ang problema kaya hindi natin maipakita sa kanila ang pagmamahal. Pero hindi ba pumapasok sa isip natin na kaya nahihirapan tayong mahalin ang isang tao ay hindi dahil siya ang may problema (bagamat meron din), kundi dahil puso natin ang may problema. Nahihirapan tayo na ibigay sa iba ang kailangan nila kahit na mayroon tayo dahil masyado tayong nakafocus na makuha kung ano ang gusto natin. This is a heart issue that everyone of us must deal with. Because we are naturally self-centered beings, self-lovers and not other-lovers.
Kahit mga Cristiano na tayo, may mga pagkakataong wala tayong ginagawa para sa ibang tao para maipakita ang pag-ibig sa kanila kasi nakakalimutan natin ang mensahe ng krus ni Cristo. Meditate on the Cross. Kung iisipin natin ang ginawa ni Cristo, makikita natin kung ano talaga ang pag-ibig. Ang iba sa atin, hihintayin munang maging “nice” sa atin ang ibang tao o maging “beneficial” sa atin bago magpakita ng “love.” If that’s true love, Jesus won’t ever die for us to save us. So meditate on the love of God. We love because he first loved us. If you really know and experience God’s love, it will affect how you love others.
Ang solusyon sa problema natin wala sa atin. Nasa Diyos. Kaya nga we need to be filled with the Spirit (Eph. 5:18). Before talking about relationship with one another in submission, relationship between husbands and wives, parents and children, masters and slaves, ito muna ang binanggit ni Paul, “Be filled with the Spirit.” Hayaan nating kumilos, kumontrol, at gumabay sa atin ang Espiritu. “Love” is a fruit of the Spirit (Gal. 5:22). Hindi tayo umiibig dahil hindi tayo puspos ng Espiritu.
Let your love for God fuel your love for others. The first commandment is the key to obeying the second. If your heart is so satisfied in God (love God with all your heart), it overflows into love for others. If your heart for God is dry, you cannot draw any water to quench others’ thirst for God. Isipin mo na para kang Angat Dam Reservoir. Dito iniipon ang tubig para magsupply ng tubig at kuryente sa maraming bayan sa Bulacan. Kung hindi umuulan at natutuyo ang ibang bahagi ng reservoir, apektado ang supply sa mga bayan. Magkakaroon ng crisis. Ganyan ang puso marahil ng iba sa atin. Tuyot sa pag-ibig ng Diyos kaya’t hindi rin kayang ibigin ang iba. Ang level ng love natin para sa Diyos ay mababa sa critical level, parang noong nakaraang taon na nabalitaan nating bumaba sa critical level ang tubig sa Angat. Kapag gayon, inaasahan ang ulan, tuloy-tuloy na pag-ulan. So Pray to God, “Let it rain. Let your love be poured out in our hearts. Let our hearts be so satisfied in you that your love overflows in our love for others.”
Realize that what others need is not in us, but in God through us. Nahihirapan ka sigurong i-share ang bahagi ng kinita mo para sa nangangailangan, o ang oras mo para sa isang member ng church na matagal nang hindi umaaattend, o ang salita mo para sa isang kaibigang nangangailangang marinig ang ebanghelyo. Isipin mong ang kailangan nila ay hindi ang pera mo kundi maranasan ang generosity ng Diyos. Ganyan ang inisip ko noong ipagpray ko at inabutan ng konting pera ang isang batang maysakit na sa loob lang ng ilang araw ay naging parang buto’t balat na nakasakay ko sa jeep. Nang may mabalitaan akong isang misyonerong kulang ang support at napagkasunduan naming mag-asawang magbigay. Ganoon din sa relasyon ko sa aking asawa, hindi lang iyong maglaan ako ng oras para sa kanya kundi para maranasan niya kung paano umibig si Cristo sa kanyang iglesia. Sa relasyon ko sa aking anak, hindi lang ang pagdisiplina ko sa kanya, kundi maranasan niya ang pag-ibig ng Diyos sa pagdisiplina sa kanyang mga anak bilang ating Ama.
Tandaan nating wala sa atin ang kailangan nila. Nasa Diyos. Hindi tayo ang kailangan nila, kundi ang Diyos. So when we love, we labor with all our energy to give God to them. That’s what they really need. That’s what will make them really happy. This is what Jesus meant when he commands us, “You shall love your neighbor as yourself.” By his grace and for his glory, pagsikapan nating ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili.
1 Comment