March 6, 2011 | By Derick Parfan | Scripture: Matthew 19:7-9
[audio http://cdn.sermonplayer.com/k/pastorderick/audio/2628536_19480.mp3]
Downloads: audio | video | discussion guide
They said to him, “Why then did Moses command one to give a certificate of divorce and to send her away?” He said to them, “Because of your hardness of heart Moses allowed you to divorce your wives, but from the beginning it was not so. And I say to you: whoever divorces his wife, except for sexual immorality, and marries another, commits adultery.”
Marriage for God’s Glory and Our Joy
Nakita natin last week ang magandang design ng Diyos sa pag-aasawa. Bilang sagot ni Jesus sa tanong ng mga Pharisees kung OK lang na hiwalayan ang asawa sa anumang dahilan, sinabi niya ang dahilan kung bakit ang pinag-isa ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao. Binanggit niya ang Genesis 2:24 at nakita nating ang disenyo ng Diyos sa mag-asawa ay leave (“iniiwan ang ama’t ina”), cleave (“sila’y nagsasama”), at weave (“sila’y nagiging isa”). Kung ang mag-asawa ay nagsisikap na maging ganito ang klase ng pagsasama, ito ay sumasalamin sa relasyon ni Cristo sa church, at sa pamamagitan nito mararanasan ng mag-asawa at ng buong pamilya ang kagalakang dulot ng magandang disenyo ng Diyos. Kaya nga seryoso at mabigat ang sabi ni Cristo, “What God has joined together, let not man separate” (Matt. 19:6).
Last week nakita kong ang iba sa inyo ay naluluha. Bakit? Kasi lahat naman tayo affected kapag hindi ganito ang nangyayari sa buhay ng mag-asawa. Kahit mga hindi Cristiano nararamdaman ito kasi Diyos ang naglagay sa puso natin na ganito dapat ang buhay mag-asawa. May kasabihan nga tayo, “Ang pag-aasawa hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.” Marami kasing napapaso. Marami ding nagluluwa. Pero ginawa ng Diyos ang “kanin” (pag-aasawa) para mabusog tayo. Hindi rin iyan nagiging kanin basta-basta. Magsisimula iyan sa bigas. Parang isang sakong bigas, mahirap buhatin mag-isa, dapat pagtulungan. Ganyan ang gagawin natin sa church. Pagtutulung-tulungan nating buhatin ang isang sakong bigas para maisaing, makain at mabusog. Kaya may seminar tayo para sa mga mag-asawa na magsisimula mamaya, “Seven Building Block of Lasting Marriages.”
Viewing Marriage Distortions Rightly
Nang sabihin ng Panginoong Jesus ang disenyo ng Diyos sa pag-aasawa, itong mga Fariseo humirit pa at hindi nakuntento. They asked, “Why then did Moses command one to give a certificate of divorce and to send her away” (v. 7)? Ang tao nga naman hahanap at hahanap ng dahilan para makuha ang gusto nila at ma-justify ang kanilang nakagawian. Ang tinutukoy nilang “utos” ni Moses ay makikita sa Deuteronomy 24:1-4:
Kung mag-asawa ang isang lalaki ngunit dumating ang panahon na ayaw na niya sa babae dahil may natuklasan siya ritong hindi kaaya-aya, at gumawa siya ng kasulatan ng paghihiwalay, ibinigay ito sa babae, at pinalayas ito sa kanyang pamamahay; kung ang babaing hiniwalayan ay mag-asawa sa iba at hiniwalayang muli matapos bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay (o kaya’y namatay ang ikalawang asawa), at paalisin rin ito sa kanyang pamamahay, ang babae ay hindi na maaaring pakasalan pa ng kanyang unang asawa; ang babae ay ituturing nang marumi. Magiging kasuklam-suklam kay Yahweh kung papakisamahan pa nito ang babae. Hindi ninyo dapat dungisan ang lupaing ibibigay niya sa inyo (MBB rev.).
They missed the point. Malinaw na nga ang disenyo ng Diyos, gusto pa nilang panindigan ang kanilang baluktot na pananaw. Hindi naman iniutos dito na “hiwalayan,” sinabi dito ang gagawin “kung hiniwalayan.” Itong babaeng hiniwalayan at nag-asawa na ng iba, hindi na maaaring bumalik doon sa una kasi naging marumi na siya. Paliwanag ng Panginoong Jesus, “Because of your hardness of heart Moses allowed you to divorce your wives, but from the beginning it was not so” (Matt. 19:8). Hindi utos na maghiwalay ang mag-asawa (kung anupamang dahilan). Ang utos ay huwag maghihiwalay. Hindi ito iniutos, kundi pinahintulutan lang at nagbigay ng mga patakaran para hindi pa lumala ang sitwasyong hindi na maganda sa paningin ng Diyos. Ayaw ng Diyos na ang nasira nang disenyo ay marumihan pa lalo.
Sa simula pa’y disenyo na ng Diyos ang habambuhay na pagsasama ng mag-asawa. Pero matigas ang puso ng tao kaya nagkaroon ng divorce, remarriage at adultery. Dapat nating tingnan ang mga ito na ebidensiya ng katigasan ng puso ng tao na nais magrebelde sa kalooban ng Diyos at gustong sarili nila ang masusunod tungkol sa pag-aasawa. Is marriage a human invention? Isn’t it God’s idea? Mas alam niya kung ano ang mas maganda para rito. “What God has joined together, let not man separate.” Sobrang seryoso ng bagay na ito kaya sinabi ni Jesus kung ano ang sa tingin niya rito: “And I say to you: whoever divorces his wife, except for sexual immorality, and marries another, commits adultery.” What matters is what the Lord says about these issues, not what your heart says, not what your parents say, not what the Family Code states. In marriage issues, we follow Jesus the Lord of our marriage.
Adultery
In marriage, we desire what God desires. We hate what God hates. He hates adultery; he hates divorce; he hates remarriage after divorce. Sa pakikiapid, “Iniiwan muna ang asawa, nakikisama sa iba, at nagiging isa (pagkikipagtalik) sa iba, at babalik ulit sa asawa.” Hindi ito ayon sa disenyo ng Diyos. Dalawa sa 10 utos may kinalaman sa pag-aasawa: “Huwag kang mangangalunya” (Exod. 20:14, 7th); “Huwag mong pagnanasahang maangkin ang asawa ng iyong kapwa” (20:17, 10th). Sa Lumang Tipan, kamatayan ang parusa sa adultery. Kung ipapatupad dito iyon, ubos ang mga lalaki (at ilang babae rin) sa Pilipinas! Lalo na siguro kung ang susunding definition ng adultery ay sa dictionary ng Panginoong Jesus: “Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso” (Matt. 5:28, MBB rev.).
Adultery is unfaithfulness to the marriage covenant. Kasama sa sumpaang iyon ang pangakong sa asawa mo lang ang puso mo at katawan mo at hindi sa ibang babae o lalaki. Kung paanong nagalit ang Diyos sa Israel dahil sa kanilang spiritual adultery dahil sa kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan, gayong nagagalit din ang Diyos sa isang babaeng may-asawa ngunit nagmamahal sa ibang lalaki na para bang asawa rin. Marriage is a commitment to be faithful. “‘Til death do us part.” Kung hindi ka pa handang panindigan ang ganyang sumpa, ‘wag ka munang mag-aasawa. Bakit ka naman din magboyfriend o girlfriend kung hindi mo pa naman iniisip ang ganyang bagay?
Kung papasukin mo ang pag-aasawa, kahit na Cristiano (at dapat!) ang mapapangasawa mo, handa ka dapat kung sakali mang magkasala sa iyo ang asawa mo. Dahil sa commitment mo, hindi man ikaw ang nagkasala, naroon ang kahandaang magpatawad para mapanumbalik ang pagsasama. Siyempre hindi madali kaya kailangan natin ang biyaya ng Diyos. Kung ikaw naman ang nagkasala, huwag mo nang pagtakpan ang kasalanan mo; humingi ka ng tawad sa asawa mo at sikaping mapanumbalik ang tiwala sa iyo. Habang single pa ang iba sa inyo, practice faithfulness kung may girlfiend na kayo. Kung may asawa na, tandaan mong maaaring magsimula ang adulterous affairs sa pamamagitan ng patingin-tingin. Kaya dapat doble-ingat.
Divorce
Sa divorce naman, “Iniwan na ang asawa…” Ano ang masasabi ng Diyos tungkol dito? “‘I hate divorce,’ says the LORD God of Israel” (Mal. 2:16 NIV). “Nasusuklam ako sa naghihiwalay” (MBB). God hates what’s happening to half of the marriages in the US which end up in divorce. Sa Pilipinas din, kahit hindi legal ang divorce, walang pakialam ang marami. Maghihiwalay pa rin at mag-aasawa ng iba. Legal man o ilegal ang diborsyo, hindi iyon ang pinag-uusapan natin. Kundi kung ano ang kalooban ng Diyos. Pakinggan ninyo si Pablo, “To the married I give this charge (not I, but the Lord): the wife should not separate from her husband…and the husband should not divorce his wife” (1 Cor. 7:10-11).
Hindi nga legal ang divorce dito, ganoon din naman dahil maraming naghihiwalay na mag-asawa. Wala ngang divorce, may annulment naman. Mas malala pa kasi sa annulment binubura mo ang sumpaang nangyari sa kasal na para bang walang nangyaring kasal. E meron ngang kasal, tapos sasabihing “void” o “annuled”! Kahibangan din. At least ang divorce, pinutol nga ang pagsasama ng mag-asawa, pero kinikilala pa ring naging mag-asawa sila. Paghihiwalay man o legal divorce o annulment pare-pareho ring pagbaluktot sa disenyo ng Diyos.
Tayong mga Cristiano siyempre hindi natin iiwan ang asawa natin. Tama ba? Pero mag-ingat tayo baka sa tagal ninyong mag-asawa ay parang mayroon nang emotional o psychological divorce. Magkasama nga kayo sa bahay wala namang koneksiyon, hindi nag-uusap, hindi nagtutulungan sa pagpapalaki sa mga anak, pinabayaan na ang sex life (napakahalaga nito!), o kaya ay dahil sa tagal nang hiwalay dahil nasa ibang bansa ang isa parang hindi na rin mag-asawa. Imbes na maging “husband” sa kanyang “wife” nagiging “provider” na lang.
Remarriage
Ang pangangalunya at paghihiwalay ng mag-asawa ay kinasusuklaman ng Panginoon. Paano naman ang pag-aasawa ulit? “Iniwan na ang asawa (o iniwan na ng asawa), nakikisama sa iba, at nagiging isa sa iba.” Puwede namang mag-asawa ulit…Kung patay na ang asawa mo. “A wife is bound to her husband as long as he lives. If the husband dies, she is free to be married to whom she wishes, only in the Lord” (1 Cor. 7:39). Puwedeng mag-asawa basta Cristiano ang mapapangasawa kung namatay na ang asawa mo. (Huwag mo lang papatayin!)
Ganoon rin sa Romans 7:2, “A married woman is bound by law to her husband as long as he lives; but if her husband dies she is discharged from the law concerning her husband.” Pero kung buhay pa ang asawa, kahit hiniwalayan o iniwanan na, “she will be called an adulteress if she lives with another man while her husband is alive. But if her husband dies she is free from that law, if she marries another man she is not an adulteress” (v. 3). Kung buhay pa ang asawa, kahit na humiwalay na, ganito ang sabi ng Panginoon, “To the married I give this charge (not I, but the Lord): the wife should not separate from her husband (but if she does, she should remain unmarried or else be reconciled to her husband), and the husband should not divorce his wife.” (1 Cor. 7:10-11).
Sa paningin ng Diyos, kasal pa rin kayo hangga’t nabubuhay ang asawa mo. Kahit sa mga bansa na legal ang divorce o annulment sa atin ganoon din. Labag sa disenyo ng Diyos ang pag-aasawang muli kapag buhay pa ang asawa. May mga panahong hindi maiiwasan ang paghihiwalay, lalo na kung ikaw naman ang iniwanan o kaya ay dahil sa sobrang sexual immorality o brutality ng asawa. Mayroon din tayong legal separation. Pero kung mangyari man iyon, sinasabi ni Pablo na huwag nang mag-aasawa ulit. “And I say to you: whoever divorces his wife, except for sexual immorality, and marries another, commits adultery” (Matt. 19:9).
Tingnan natin mamaya kung bakit may “except” dito at ano ibig sabihin nito. Pero pansinin ninyong wala ito sa Luke at Mark, “Everyone who divorces his wife and marries another commits adultery, and he who marries a woman divorced from her husband commits adultery” (Luke 16:18); “Whoever divorces his wife and marries another commits adultery against her, and if she divorces her husband and marries another, she commits adultery” (Mark 10:11-12). Ikaw man ang humiwalay o nagpalayas sa asawa mo, at ikaw man ang iniwanan o pinalayas, parehong adultery kung mag-aasawa ulit. Divorced man o annuled ang kasal. “But I say to you that everyone who divorces his wife, except on the ground of sexual immorality, makes her commit adultery, and whoever marries a divorced woman commits adultery” (Matt. 5:32).
Sabi ni John Piper tungkol dito, “Jesus assumes that in most situations in that culture a wife who has been put away by a husband will be drawn into a second marriage. Nevertheless, in spite of these pressures, he calls this second marriage adultery” (“Divorce and Remarriage: A Position Paper,” http://www.desiringgod.org/ resource-library/articles/divorce-remarriage-a-position-paper). Sabi pa niya:
This would mean that remarriage is wrong not merely when a person is guilty in the process of divorce, but also when a person is innocent. In other words, Jesus’ opposition to remarriage seems to be based on the unbreakableness of the marriage bond, not on the conditions of the divorce (What Jesus Demands from the World, p. 311).
Mahalaga itong pag-usapan sa church natin kasi magkakaroon tayo ng mga kaso (at mayroon nga) kung saan ang mag-asawa nang makakilala sila sa Panginoon ay hindi legal ang kanilang pagsasama kasi ang isa o pareho sa kanila ay nakasal muna sa iba. Mahirap na usapin ito kaya hinilingan ko ang Council of Elders na maglaan ng panahon para pag-usapan ang ganitong issue at sabihin sa inyo kung ano ang position ng church ukol dito.
Pero bilang pastor, base na rin sa hindi pagpahintulot na bumalik pa ang asawa sa unang asawa kung nagkaroon na ng second marriage (Deut 24:4) at sa sinabi ni Pablo sa 1 Corinto 7 na manatili sa kalagayan nila nang sila ay tawagin ng Panginoon, posibleng nais ng Diyos na hindi na maghiwalay pa ang mag-asawa kahit kasal sila sa iba. Oo nga’t nagkasala sila ng adultery at hindi kalooban ng Diyos ang kanilang pangalawang pag-aasawa, kaya kailangan nila itong ihingi ng tawad sa Diyos at hilinging kumilos siya para maging banal (sanctify) ang pagsasama. Tulad halimbawa ng pag-aayos ng annulment; hindi man ideal, pero para maging legal naman ang pagsasama. Tough issue, so pray for your pastors that God will give us wisdom in dealing with this.
Any Exception?
Baka may exception naman na puwedeng mag-asawa ulit na hindi matatawag na adultery? “And I say to you: whoever divorces his wife, except for sexual immorality, and marries another, commits adultery” (Matt. 19:9). “But I say to you that everyone who divorces his wife, except on the ground of sexual immorality, makes her commit adultery, and whoever marries a divorced woman commits adultery” (5:32). Sa Tagalog version, makikita ninyong ang translation sa “exception clause” na ito ay pakikiapid o pangangalunya. Na para bang isa sa dahilan na puwedeng maghiwalay ang mag-asawa at makapag-asawa ulit na hindi nagkakasala ng “adultery” ay kapag ang dahilan ay “adultery.”
Posible na ang salitang ginamit dito (porneia) ay tumukoy sa “adultery” dahil malawak ang kahulugan nito, na tumutukoy sa anumang pakikipagtalik na hindi dapat. Karamihan ng mga commentaries na tiningnan ko ay ganoon ang interpretation. Pero may nakita ako, tulad nila John Piper, James Boice, at D.A. Carson, na nagpaliwanag kung bakit maaari ring hindi “adultery” ang tinutukoy ng Panginoon sa exception na ito. Nagbigay sila ng ilang mga dahilan at ang mga ito ay ang akin ding basehan kung bakit naniniwala akong hindi sapat na dahilan ang “adultery” para makipaghiwalay sa asawa at mag-asawa ng iba. Ang salitang ginamit sa exception clause ay porneia at hindi moicheia na tiyak na tumutukoy sa adultery. Puwedeng gamitin ito ni Matthew pero hindi niya ginamit.
Sa pagkakagamit niya, may kaibahan ang dalawang ito. Tulad ng sa Matthew 15:19 na sa listahan ng mga kasalanan ay pinaghiwalay niya ang dalawang ito (suggesting a difference in meaning) bagamat may overlap din. Naisip ko rin na kung “adultery” ang tinutukoy na exception dito, at si Jesus naman ay may malalim na pananaw ukol sa adultery (Matt. 5:28), mas magiging madaling gawing excuse ito sa paghihiwalay ng mag-asawa. Para kay Jesus, ang pagsasama ng mag-asawa ay nakadepende hindi sa kung magkakasala sila ng adultery o hindi, kundi nakadepende sa disenyo ng Diyos, sa pagdeklara niyang pinag-isa niya ang mag-asawa at maging ang “adultery” ay hindi dapat gamiting dahilan para maghiwalay.
Pansinin din ninyong sa Matthew lang makikita ang exception clause na ito (19:9; 5:32). Sa Mark at Luke walang nakalagay na ganito. Bakit kaya? Isang posibleng explanation ay dahil maaaring akusahan si Jesus na ang kanyang nanay ay nagkasala ng “sexual immorality” (porneia) nang ipagbuntis niya si Jesus (John 8:41, John Piper). Si Matthew lang din ang naglagay ng account ng plano ni Joseph na i-divorce si Mary nang malaman nitong buntis. Hindi pa nga sila kasal ngunit ang engagement sa kanila ay may bisa rin ng kasal kaya kailangang i-divorce para hindi malagay sa alanganin si Mary. Maaaring nakalagay ang exception clause sa Matthew para depensahan ang tangkang gawing divorce ni Joseph na tama lang at hindi kasalanan (James Boice, The Gospel of Matthew, p. 403). At kung ganito, puwede pa silang makapag-asawa ng iba. At hindi ito adultery. Paliwanag pa ni James Boice:
If the exception clause does not refer to adultery, the only thing it can reasonably refer to is impurity in the woman discovered on the first night of the marriage, in which case there would have been deceit in the marriage contract. Jesus would then be saying (in full accord with the accepted views of the day) that although a man may divorce a woman immediately after marriage if he finds her not to be a virgin (in which case he was allowed by the law to remarry and was not to be called an adulterer), he is not permitted to divorce her for any other reason (The Gospel of Matthew, p. 402).
Sa tingin ko ay pareho ito ng isa sa basehan ng annulment sa atin: “Concealment by the wife of the fact that at the time of the marriage, she was pregnant by a man other than her husband” (Article 46.2 of the Family Code). Sa tingin ko ay ito lang ang maaaring basehan ng paghihiwalay, wala nang iba. Infidelity or adultery is not a basis for divorce or annulment. Kahit pa sa tingin ninyo ay basis ang “adultery” dahil sa sinasabi ni Cristo, dapat pa rin nating tingnan ang taas ng standard niya sa pag-aasawa at magsikap na masunod ito. Ito ang point ng Panginoon, hindi iyong makakita tayo ng excuse o way of escape.
The marriage covenant is breakable only by death, not by unfaithfulness of your partner. Tulad ng mga Pharisees, at ng maraming tao ngayon, mas gusto natin sana na mas marami pa ang puwedeng dahilan na maaaring maghiwalay ang mag-asawa para makapag-asawa pa ulit ng iba. But God has a very high standard for marriage, because he has a very beautiful design for marriage. Hindi natin puwedeng hanapan ng butas para sirain. “What God has joined together, let not man separate.”
Grace for the Hard-Hearted
Kung ganito pala kataas ang standard ng Diyos sa pag-aasawa, maganda pa siguro hindi na lang mag-asawa para hindi na pagdaanan ang mga ganitong bagay. Ganito rin ang comment ng mga disciples sa verse 10, “It is better not to marry.” (Next week titingnan natin kung ano ang perspective ng Panginoong Jesus sa hindi pag-aasawa o hindi na muling pag-aasawa kung iwanan ka ng iyong asawa.) Pag single ka, sasabihin mo, “Gustung-gusto kong mag-asawa!” Pag 10 years na kayong kasal at nandyan na ang patung-patong na problema, sasabihin mo naman, “Haay, bakit ba ako nakapag-asawa pa!”
Hindi ang pag-aasawa ang problema. Sabi ni Pablo sa 1 Corinto 7, hindi kasalanan ang mag-asawa; hindi rin kasalanan ang hindi mag-asawa. Ang problema ay nasa puso ng mga nag-aasawa. Matigas ang puso natin. Kahit nga nasa atin na ang Espiritu Santo, nakikipaglaban pa rin tayo sa kasalanan. Lalo naman siyempre ang mga hindi Cristiano. Ang kasalanan ang pumapatay sa buhay ng mag-asawa. Kung mag-aasawa ka, tandaan mong makasalanan ang mapapangasawa mo. Makasalanan rin ang mapapangasawa ng mapapangasawa mo!
Sa Genesis 2, nakita natin ang magandang disenyo ng Diyos sa paglikha sa lalaki at babae at sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Pero sa Genesis 3 makikita natin kung paano nasira agad ang disenyong iyon nang pumasok ang kasalanan. Pero hindi lang basta hinayaan ng Diyos na masira iyon at magtagumpay ang kasalanan. Dumating si Cristo, ang Anak ng Diyos, para mamuhay na kasama natin at mamatay para sa ating mga kasalanan. Nagkasala ka ng pangangalunya sa asawa mo, naghiwalay kayo, o nag-asawa ka na ng iba – para kayong dalawang papel na pinagdikit ng glue para maging isa pero nang humiwalay ang isa, napunit pareho.
May pag-asa pa bang mabuo ulit? Oo, pero hindi sa sarili lang nating sikap. If heart is the problem, then it is beyond everyone of us to repair it. Pero tandaan mong walang kasalanang hindi patatawarin ng Diyos kung taos sa puso mong hihingi ka ng tawad at ilalagak ang pagtitiwala mo kay Cristo. God will forgive you. God will heal your heart. God can make your broken heart whole again because of Jesus Christ. Hindi ito nakadepende sa gagawin mo o gagawin ng asawa mo; nakadepende ito sa gagawin ng Diyos. God can restore a broken marriage. God can heal a broken heart, even if your spouse chose not to go back again (More about that next week).
Wala mang case ng adultery o paghihiwalay sa inyong buhay mag-asawa, pero kung nakikita ninyo ang napakagandang disenyo ng Diyos sa pag-aasawa, makikita rin ninyo kung gaano kayo kalayo sa disenyong iyon ‘Wag mong sabihing, “Imposible namang maging ganyan kadikit ang aming pagsasama!” Oo, sa iyo imposible; pero sa Diyos walang imposible! Tulad ng dalawang pinagdikit na papel, may mga panahong gusto mo ring humiwalay o wala kang ginagawa para mas maging madikit kayo, nais ng Diyos na sa araw-araw nakadepende tayo sa kanya. My wife’s confidence is in God to preserve our marriage; not in me but in God. Ipanalangin natin sa Diyos ang pagsasama nating mga mag-asawa; ipanalangin din natin ang ibang may asawa na nasa bingit ng paghihiwalay o nagkahiwalay na. Walang imposible sa Diyos.
May malapit po kasi akong kaibigan na gusto ko pong tulungan about sa family problem niya:
Dati po, isa silang masayang pamilya. Isa lang po siyang anak (babae 18yrs.old) tapos ngayon, lagi na lang siyang malungkot at umiiyak kakaisip dahil yung masaya niyang pamilya ay masisisra na. Dahil ang nanay niya ay nais ng makipaghiwalay sa tatay niya. Ang katwiran ng nanay niya, hindi na niya na daw mahal ang tatay nito kaya nais niyang makipagbalikan sa ex boyfriend niya (noong dalaga pa siya)
Ano pong magandang ipapayo ko sa kaibigan ko. Dahil naawa na din po ako sa kanya? At ano din po ang magndang solusyo? Ano rin po ang magiging pwedeng maging hatol sa nanay niya? Maraming salamat po!
LikeLike
I sent an email reply to you.
LikeLike
Gusto ko lang po malaman kung talaga bang mali ang pag aasawang muli? base sa legal at moral na pamamaraan?. may friend po ako na babae na nag asawa ng isang diborsyado. sabi niya po, at sasang ayunan ko din po na, “everybody deserves a second chance”, regardless, kung ano man dahilan ng paghihiwalay sa dating asawa. at para sa akin din po, di naman lahat ng diborsyado ay masamang tao. we are all living under grace kaya po hindi po ata tama na ijjudge ang isang diborsyado. is it really wrong at nagccommit ng adultery yung new wife?,
May nabasa din po ako sa isang website.
“So, can you or should you get remarried? We cannot answer that question. Ultimately, that is between you, your potential spouse, and, most importantly, God. The only advice we can give is for you to pray to God for wisdom regarding what He would have you do (James 1:5). Pray with an open mind and genuinely ask the Lord to place His desires on your heart (Psalm 37:4). Seek the Lord’s will (Proverbs 3:5-6) and follow His leading.”
Ang masasabi ko po ay ito: It will always be you and God and it would depend on your conviction. Ask the Holy Spirit to enlighten you. Marami talaga interpretation about remarriage, depende sa gusto nila paniwalaan. Maraming pwedeng sabihin ang ibang tao pero ang importante ay kung ano ang kasagutan ng Lord!
LikeLike
Hello po pastor, meron po sana ako itatanong sa inyo.. ako po ay isang christian at ngayon po ay may kinakasama po at may dalawang anak. Ang akin pong kinakasama ay may dating asawa at kasal po sila at may isang anak. Anu po ang dapat kong gawin? Kasi po until now ay naguguluhan po ako. Masaya naman po ang aming pagsasama at ngayon po christian n din po ang akin kinakasama.kami po ba ay dapat po maghiwalay pa dahil sa kami po ay nagkakasala sa aming pagsasama? Salamat po kun masasagot po nyo ang aking tanong.
LikeLike
I would love to talk to you about that. Mahirap lang dito sa website. You can email me, treasuringchristph@gmail.com. Have you tried talking to your pastor?
LikeLike