Humble Yourselves, Do Not Boast 2

May 29, 2011  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Matthew 23:11-12

Downloads: audio  |  video

Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa ng Dios, at ang nagpapakababa ay itataas ng Dios. (ASD)

Last week, napag-aralan nating may iba’t ibang anyo ang pride. Kaya dapat nating siyasating mabuti ang puso natin baka ilan sa mga ito ay makikita sa puso natin. Base sa negatibong halimbawa ng mga Pariseong hindi dapat tularan, nakita natin, una, may pride kapag puro salita, kulang sa gawa. Ikalawa, pride kapag inaakalang may ‘K’ na magmalaki. Ikatlo, pride din kapag mas iniintindi ang sarili at walang ‘paki’ sa ibang tao. Pang-apat, nagmamalaki ang isang taong pasikat lang sa paggawa ng mabuti. Panghuling nakita na anyo ng pride ay yung pangarap ang parangal ng tao. When things are becoming “it’s all about me” or “it’s mainly about me” sa halip na “it’s about God and others” may pride sa puso natin. Dahil sa ganitong ugali, may danger ito na nakapaloob sa warning ng Panginoon sa verse 12, “Ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa ng Dios…” God, in his justice, will make sure that proud or boastful people will experience suffering, shame, humiliation – if not in this life, in the life to come.

Pero may karugtong pa iyon na siyang titingnan natin ngayon, “…at ang nagpapakababa ay itataas ng Dios.” Ang salitang ginamit dito sa pagpapakababa ay mostly negative ang gamit sa culture nila. Hindi magandang pakinggan. Parang nakakahiya kasi mababang uri, mababang status. Hindi pinapangarap ng tao. Ganun din naman sa panahon ngayon. Laging kumpetisyon kung sino ang number 1, sino ang champion. Walang nag-aasam o magmamalaki na number 2 sila. Na second place lang sila. Mga magulang pangarap may “sabit” (honors) ang anak nila, hindi kasi maipagmamalaki kapag sumabit sa exam. Ganoon din sa mga promotion sa trabaho, mga pampaganda, pampapayat, at kung anu-ano pa. The world values glory, power, beauty, wealth, prestige, but humility? I don’t think so. Natural sa atin ganoon din tayo, lalo pa siguro kung overexposed tayo sa media at mga commercial sa TV.

Pero hindi ito ang gusto ng Panginoong Jesus. Hindi para tayo maging susunod na Idol, o Manny Pacquiao o Bill Gates o Lady Gaga o Justin Bieber o Marian Rivera o Dingdong Dantes. Kundi magsikap na magpakababa (1) tulad ng isang bata; (2) tulad ng isang karaniwang tao; (3) tulad ng isang umaaming makasalanan; (4) tulad ng isang alipin; at higit sa lahat, (5) tulad ng Panginoong Jesus. Isa-isahin natin ‘yan.

TULAD NG ISANG BATA (MAT. 18:1-4)

Tanong ng mga disciples ni Jesus, “Sino po ba ang pinakadakila sa lahat ng kabilang sa kaharian ng Dios” (Mat. 18:1)? Hmmm. Bakit kaya nila itatanong ito? Kasi gusto nilang maging pinakadakila. They were aspiring for greatness in the kingdom. Tapos kung sabihin ni Jesus iyon ang gagawin siguro nila para ma-attain yung pinapangarap nila. Bago nga nila itanong ito kay Jesus, sila mismo nagtatalu-talo tungkol dito (Mark 9:33-34). Tapos tumawag si Jesus ng isang maliit na bata at ginawa niyang ilustrasyon kung ano ang dapat sa isang tagasunod ni Cristo. Maging tulad ng maliliit na bata. Ang isyu nang binabanggit dito ni Jesus ay hindi muna kung sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit, kundi paano makakapasok sa kaharian ng langit. Maging tulad ng isang bata! Repentance ang tinutukoy dito, “unless you turn…” Bilang mga matatanda, naroon ang pride natin. Ayaw magpasakop sa Diyos. Gusto sarili ang nasusunod.

Hindi likas sa atin ‘to. Noong bata nga tayo at nasa ilalim ng puder ng mga magulang, may mga pagkakataong gusto na nating tumanda kasi ayaw nating may nagsasabi sa atin kung ano ang gagawin natin. Gusto natin independent. Pero sabi ni Cristo, hindi puwedeng ganoon. Dapat magbago ng pagtingin sa sarili. Tumulad sa isang bata. Hindi maging childish kundi childlike in humble faith.  Ang bata nakadepende sa magulang, totally dependent. Yun din ang nais ng Diyos sa atin. Ang bata walang ipinagmamalaki sa sarili, walang inaambisyong mataas na posisyon. Ang mahalaga ay ang relasyon sa magulang. Yan ang totoong humility. Kung pag-uusapan kung sino ang pinakadakila, iyong nagpapakababa tulad ng isang bata. Parang contradiction pero hindi. Life is not about pursuing greatness, but demonstrating true child-like humility. That’s what the kingdom of God is about, not power or prestige. But childlikeness.

Mga bata/kabataang ayaw sumunod sa magulang, gusto independent. Pride ‘yan di ba? Mga matatandang  sa relasyon sa Dios ay independent din, bakit hindi ka tumulad sa isang bata?

TULAD NG ISANG KARANIWANG TAO (LUC. 14:7-11)

Payo ng Panginoong Jesus nang mapansin n’yang ang mga tao’y nag-uunahan sa pag-upo sa sa mga upuang pang-guest of honor  (Luc. 14:7),“Ang dapat mong gawin kapag naimbitahan ka ay piliin ang upuan para sa mga karaniwang tao, para pagdating ng nag-imbita sa iyo, sasabihin niya, ‘Kaibigan, doon ka maupo sa upuang pandangal.’ Sa ganoon ay mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng panauhin” (v. 10). Ang upuan para sa mga karaniwang tao sa literal ay “panghuling upuan” (Gk. eschaton topos). Ayon kay Bock sa kanyang komentaryo, ayaw ng ibang commentators ng itinuturo ni Jesus dito. Na para bang ang pag-upo sa hulihan ay dahil din sa paghahangad na makaupo sa unahan, para lang hindi mapahiya. Desire for honor pa rin, at dislike against shame. Sabi niya, “The main point is that it is better for others to recognize who you are than to suggest to them your ‘proper’ (or improper!) place. Humility is the best course in all affairs. Station should be suggested by others, not seized by oneself” (Luke Volume 2: 9:51-24:53, p. 1264).

Malinaw ito sa general principle na makikita sa v. 11, “Sapagkat ang nagtataas ng sarili niya ay ibababa, at ang nagpapakababa ng sarili niya ay itataas.” Binanggit din ito sa Mat. 23:12. Ang point dito ay hindi naman sa masama ang maghangad ng karangalan. Ang masama ay kuhanin ito para ibigay sa sarili. Tama ngang maghangad ng karangalan, pero dapat irecognize natin na ang Diyos ang magbibigay nun. Ang gagawin natin habang hinihintay iyon ay magpakababa sa harapan ng Diyos at sa harapan ng tao. We desire honor not because we deserve it but because we trust in God to do what is best in his sight.

Ang totoong pagpapakababa ay iyong hindi natin ituring ang sarili natin na mas mahalaga kaysa sa iba. Kung sa tingin mo ay mas mahalaga ka at mas mataas ang katayuan mo kaysa ibang tao, parang ikaw yung kasamang dapat sermunan sa mga “napansin ni Jesus sa handaan na ang mga bisita ay nag-uunahan sa mga upuang pandangal” (v. 7). Ang mga upuang pandangal na ito ay iyong mga upuang nakareserba sa mga matataas ang ranggo sa lipunan. Ang mga upuang ito ay katabi ng host ng handaan. Huwag akalaing ikaw ang pinakamahalaga, baka mapahiya ka lang kasi ang puwesto na pinakaaasam mo puwedeng ibigay sa iba na sa tingin ng may-ari ay siyang mas mahalaga sa iyo (v. 8). Isipin natin palagi na hindi tayo mas mahalaga sa iba. Pantay-pantay lang tayo. Pero sa pagpapakababa, iisipin din natin na mas mahalaga ang iba sa atin. “Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isa’t isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo” (Fil. 2:3-4 ASD).

Kung feeling mo mahirap ka ngayon, sawa ka na ba sa kalagayan mo at nag-aambisyon ka na rin na maging isang importanteng tao. Ayaw mo na na ordinaryo at simple ang lifestyle? Mag-aabroad ka para makapagpundar at makapagmalaki? Mga mayayaman, feeling n’yo ba importante kayo kasi mayaman kayo at maabilidad at mataas ang posisyon sa lipunan? Mga “ordinary” members, pinapangarap niyo din ba ang posisyon ng mga leaders ng church para sikat at tinitingala ng mga tao? Mga leaders, feeling n’yo ba sobrang importante kayo at hindi kayo pwedeng palitan ng Dios?

TULAD NG ISANG UMAAMING MAKASALANAN (LUC. 18:9-14)

Pareho ang last half ng Luc. 18:14 sa Mat. 23:12 at Luc. 14:11, “Sapagkat ang nagtataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.” May warning dito sa atin. You can be religious and proud of your religion and miss out heaven and God’s forgiveness entirely. Tulad ng Pariseo sa kwento ni Jesus. Kumakatawan ang karakter na ito sa mga tao roon na matuwid ang tingin sa sarili at humahamak sa iba (v. 9). Sa paningin nila matuwid sila, ang tiwala nila sa sarili nilang katuwiran o mabuting gawa o relihiyon. Dahil doon, ang tingin nila sa mga taong “makasalanan” tulad ng maniningil ng buwis ay mga mababang-uri at hindi katanggap-tanggap sa Dios. Ang mga tax collectors ay silang mga Judiong kumakatawan sa pamahalaang Romano, kaya tingin sa kanila ng ibang kapwa Judio lalo na ng mga relihiyosong Pariseo ay mga kaaway. These Pharisees were looking at status and position, pero nagkakamali sila. Kailanman ay hindi katanggap-tanggap sa Dios ang pagmamalaki kahit pa may kinalaman sa mga espirituwal na bagay. Ang tanggap sa Dios ay pusong nagpapakababa.

Makikita ito sa ilustrasyong pinakita ni Jesus tungkol sa malaking kaibahan ng isang Pariseo at tax collector na pumasok sa templo para manalangin. Ang Pariseo, pusturang nakatayo at sinabi sa Dios: “O Dios nagpapasalamat ako sa inyo…” (v. 11) Medyo maganda ang simula, na para bang nagpapakumbabang binibigyang karangalan ang Dios sa mga ginawa ng Dios para sa kanya. Pero ang mga sumunod tungkol na sa sarili niya at sa ginawa niya at paghahambing pa sa mga taong tulad ng maniningil ng buwis. “Dahil hindi ako katulad ng iba na magnanakaw, mandaraya at mangangalunya o katulad ng maniningil ng buwis na iyon. Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo, at nagbibigay ako ng ikapu ng lahat ng kinikita ko” (vv. 11-12). Sinasabi niyang righteous siya at sumusunod sa kautusan. Sinasabi din niyang religious siya at ginagawa ang mga ritwal o tradisyong pangrelihiyon.

Maaaring totoo ngang ginagawa niya pero ang Dios nakatingin sa puso. Maliwanag na hindi ito nakalugod sa Dios dahil sa comment ni Cristo sa verse 14, “Tinitiyak ko sa inyo na umuwi ang maniningil ng buwis na iyon na itinuring ng Dios na matuwid, ngunit ang Pariseo ay hindi.” Ang “itinuring na matuwid” o justified ay lenggwahe ng pagliligtas ng Dios, ito ang iginagawad ng Dios sa mga taong nagtitiwala hindi sa sarili kundi sa Dios na magliligtas at magpapatawad. Hindi niya natanggap iyon kasi ang tiwala niya sa sarili niyang gawa. Nagmamataas siya.

Ibang-iba ang pusong ipinakita ng maniningil ng buwis. Oo ngang sa paningin ng tao mababa siya o makasalanan. Pero umuwi siyang kinalugdan ng Dios. Bakit kaya? Verse 13, “Ang maniningil ng buwis naman ay nakatayo sa malayo, at hindi man lang makatingala sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O, Dios mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’ We saw here two contrasting postures: one a posture of pride and self-righteousness, the other a posture of humility and repentance. Ang lalaking ito inamin na siya ay makasalanan. Wala siyang mukhang maihaharap sa Dios. Wala siyang makitang dahilan sa sarili niya na puwede niyang sabihin sa Dios, “I deserve to be in your kingdom.” Wala. Kaya sinabi niya, “Have mercy on me.” Umiiyak. Nakayuko. Nagsisisi. Ito ang taong nagpapakumbaba at siya namang kinalulugdan ng Dios. Sabi ng Dios, “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para sila’y palakasin ko” (Isa. 57:15).

Paano halimbawa kung may pumasok sa church natin na homosexual at naka-crossdress pa. O kaya smoker at amuy na amoy. O nakainom ng alak, parang lasing pa. Ano iisipin mo? You are better? You are more righteous than them? O, “I was once like them, without God in my heart. Pero dahil sa grace ng Panginoon nandito ako. Only by his grace. Sana matagpuan din nila ang grace na yun through me.”

TULAD NG ISANG ALIPIN (MAT. 20:20-28)

“Lumuhod siya kay Jesus…” (Mat. 20:20). Para bang nagpapakumbaba, pero may gusto palang hilingin. Oo, alam nilang maghahari si Jesus, pero gusto niya na yung dalawa niyang anak (James and John) ay maupo sa kanan at kaliwa ni Jesus (v. 21). Ibig sabihin, pagdating sa kaharian ng Dios sa langit, ang hiling niya ay magkaroon ng mas mataas na posisyon o higher authority or rule ang kanyang mga anak. Base sa pag-uusap ni Jesus at ng dalawa sa vv. 22-23, makikitang ginawa pala nilang spokesperson ang nanay nila. Hindi lang ito gusto ng nanay nila, sila mismo ang may gusto. Ang sagot ni Jesus sa v. 23 ay nagpapakita na it is God’s prerogative to bestow honor. Hindi ito inaambisyon. Hinahayaan nating ang Dios ang magbigay nito sa atin.

Dahil sa request nung dalawa, medyo nagkakagalit na ngayon ang mga disciples (v. 24). Bakit kaya? Siyempre naiinggit! “Sino ba itong dalawa na ‘to para hilingin iyon? Ako siguro mas qualified pa.” Radikal ang sinagot ni Jesus sa kanila simula v. 25, na ibang-iba sa mundo na ang idea ng greatness ay yung pagkakaroon ng position of authority na mapasunod ang maraming tao, na magawa ang gusto nilang gawin. May awtoridad, may pera, may talino, may karisma sa tao. Pero sabi ni Jesus that’s not true greatness. Sabi niya sa v. 26, “Ngunit hindi dapat ganyan sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila (Gk. megas) ay dapat maging lingkod (Gk. diakonos) ninyo.” Ganun din ang sabi niya sa 23:11, “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo.”

Pero dito sa chap. 20, mas mababa ang binanggit ni Jesus, noong una lingkod lang na nagsisilbi, sa v. 27 ay “alipin” (Gk. doulos), “At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno (o, “una sa lahat”) ay dapat maging alipin ninyo.” Ang isang alipin ay siya na yatang pinakamababa sa kanilang social ladder, wala na halos status, walang karapatan, walang “say” sa mga bagay-bagay, walang karapatang tumanggi, walang kalayaang gawin ang sariling kagustuhan. It is a very negative image, pero ginamit ng Panginoon para ipakita na ganito ka-radikal ang gusto niya sa kanyang mga disciples.

Feeling bossing? Isang tukso ito ng kaaway sa akin. Parang sinasabi, may karapatan akong magmalaki kasi pastor ako, mas mataas ako sa iba, mas spiritually mature ako sa iba, ako ang leader, ako ang may authority. Pero hindi. Sa office ko sa pinto nakalagay ang salitang doulos paalala na ako ay isang alipin, sunud-sunuran kung ano pinapagawa ng Boss natin. Hindi ako ang boss, hindi rin kayo ang boss ko. Si Cristo lang ang boss natin. Nagpapakumbaba tayo kung palagi tayong nakapailalim sa kanya.

TULAD NG PANGINOONG JESUS

Si Jesus ang guro natin. And he is teaching us by example. Kaya nga sabi niya sa verse 28, “Maging ako na Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran (Gk. diakoneo) kundi upang maglingkod (Gk. diakoneo) at magbigay ng aking buhay para maligtas ang maraming tao.” Kahit hindi doulos ang salitang ginamit dito, walang kaso. Ang force ng statement na ito ni Jesus ay nagpapakita pa rin ng isang pinakamainam na halimbawa ng pagpapakababa. Dahil ang posisyon ni Cristo bago siya maging tao ay iyong marangyang posisyon ng pagiging Anak ng Diyos. Pero kusa niyang iniwan ang karapatang iyon alang-alang sa atin. Iyon ang pagpapakababa. Iyon ang dapat na pagpapakababang dapat nating tularan. Like father, like son? Like Jesus, like his disciples.

Kahit na nasa kanya ang katangian ng Dios, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Dios bilang isang bagay na dapat panghawakan. Sa halip, ibinababa niya nang lubusan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin. At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging kamatayan sa krus. Kaya naman itinaas siyang lubos ng Dios at binigyan ng titulong higit sa lahat ng titulo, upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya. At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama (Fil. 2:6-11 ASD).

“Magpakababa kayo sa isa’t isa…Dapat maging katulad ng kay Cristo Jesus ang pananaw n’yo.” (Fil. 2:3, 5 ASD). Parang isang bata, nakadepende sa kanyang Ama at sumusunod sa kalooban niya. Parang isang ordinaryong tao, bagamat Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, hindi ginamit ang karangyaan ng langit para ipagmalaki. Parang isang makasalanan, bagamat walang kasalanan, dinala ang kasalanan natin sa krus. Parang isang alipin, tinanggap ang pag-alipusta ng mga tao, alang-alang sa kanilang kaligtasan. Si Cristo, naging parang isang bata, isang ordinaryong tao, isang makasalanan, at isang alipin, para sa atin. Gusto niya ganoon din ang gawin natin para sa kanya at sa mga taong hanggang ngayon ay malayo sa Dios.

“ITATAAS NG DIOS”

At tulad din ni Cristo, itataas tayo ng Dios sa takdang panahon. Kung magpapakababa tayo na tulad ng isang bata, na may buong pagtitiwala at pagdepende sa Dios, at hindi tulad ng mga independent-minded adults, titiyakin niyang mararanasan natin ang kagalakan ng tawaging mga anak ng Dios. “Lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios” (Juan 1:12).

Kung magpapakababa tayo at ituturing ang sarili natin bilang karaniwang tao, at hindi mga VIP, titiyakin ng Dios pagdating na araw na magkakaroon tayo ng karangalang higit pa sa mga hari, mga presidente, Miss Universe, at Bill Gates. “Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya” (2 Tim. 2:12).

Kung magpapakumbaba tayo at hindi kakalimutang tayo’y mga makasalanang hindi karapat-dapat tumanggap ng anumang karangalan mula sa Dios, titiyakin ng Dios na mararanasan natin ang kapayapaan ng isang taong pinatawad na at tinanggap na ng Dios. “Mapalad ang mga taong inaaming nagkulang sila sa Dios (poor in spirit), dahil kabilang sila sa kaharian ng Dios” (Mat. 5:3).

Kung magpapakumbaba tayo at uunahin ang ibang tao at ipapalagay ang sarili natin bilang mga aliping ang layunin sa buhay ay walang iba kundi magsilbi, titiyakin ng Dios na mararanasan natin ang tunay na kalayaang nanggagaling sa kanya. Ang kalayaang maglingkod para sa Panginoon at sa iba pang tao para sila rin ay maging mga tagasunod ni Cristo.

Magpakumbaba tayo – sa harap ng Dios. Sa harap ng mga tao. Ito ang tunay na tagasunod ni Cristo.

4 Comments

  1. Thank you so much. I have read this all. I would share this to my family and friends. Thank you. God be lifted up. To God be all the glory, honor, and praise ! Godbless us all. 02/26/2016

    Liked by 1 person

  2. I’ve learned what the true humility is. Praise God for this message.
    More blessings to you my fellow doulos in Christ the Lord. Amen.

    Liked by 1 person

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.