By Derick Parfan | May 16, 2010
Galatians 5:16-26 (ESV)
But I say, walk by the Spirit, and you will not gratify the desires of the flesh. For the desires of the flesh are against the Spirit, and the desires of the Spirit are against the flesh, for these are opposed to each other, to keep you from doing the things you want to do. But if you are led by the Spirit, you are not under the law. Now the works of the flesh are evident: sexual immorality, impurity, sensuality, idolatry, sorcery, enmity, strife, jealousy, fits of anger, rivalries, dissensions, divisions, envy, drunkenness, orgies, and things like these. I warn you, as I warned you before, that those who do such things will not inherit the kingdom of God. But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self-control; against such things there is no law. And those who belong to Christ Jesus have crucified the flesh with its passions and desires. If we live by the Spirit, let us also walk by the Spirit. Let us not become conceited, provoking one another, envying one another.
How Shall We then Live?
Halimbawa, nasa isang grupo ka ng Kaagapay at katatapos lang ng Bible study tungkol sa “forgiveness.” Alam mong nais ng Diyos ang magpatawad at isang kasalanan ang pagkakaroon ng “unforgiving spirit.” Pero hirap kang patawarin ang tatay mo dahil sa ginawa niyang kasalanan sa iyo. Mayroong nagsasabi sa iyo na ganito ang gawin mo, basahin mo ito, makipag-usap ka sa kanya, ipag-pray mo siya. Pero hindi mo pa rin siya kayang patawarin. You still struggle. Araw-araw mong gagawin iyan, ano’ng gagawin mo? Lahat tayo may pakikipaglaban sa kasalanan araw-araw. Alam natin kung ano ang gusto ng Diyos. But we still struggle. Paano ngayon ‘yan? Hindi naman dahil Cristiano at ligtas na ay wala na tayong gagawin.
Isang problemang nais tugunan ni Pablo sa Galacia ay ang kanilang mga pag-aayaw na maaaring dulot ng mga maling katuruan tungkol sa kaligtasan na dala ng mga Judaizers. Kaya nga sinabi niya, “through love serve one another…if you bite and devour one another, watch out…” (5:13, 15). At sa verse 26, “Let us not become conceited, provoking one another, envying one another.” Alam nila na dapat silang mag-ibigan sa isa’t isa ngunit maaaring isagot nila kay Pablo, “Alam mo namang mahirap iyan dahil sa kalagayan namin.” Kaya naman sinabi ni Pablo sa verse 16, “But I say, walk by the Spirit…”
Mayroong kasalanan na nananatili pa rin sa iyo hanggang ngayon. Maaaring mawalan ka ng pag-asa dahil kahit ano’ng gawin mo walang nangyayaring pagbabago. O kaya naman, maaaring tanggapin mo na lang na hindi mo talaga kayang labanan ang kasalanan at isiping ayos lang kasi ligtas ka na. Ngunit sinasabi dito ni Pablo na sa ating pakikipaglaban sa natitirang kasalanan sa ating buhay, dapat tayong mamuhay araw-araw ayon sa gabay at kapangyarihan ng Espiritu Santong nasa atin. Ganito ang buhay na nais ng Diyos para sa atin. Ito ang tunay na buhay ng isang malaya. Tingnan natin kung paano makapamuhay nang ganito.
The Command[1]: “Walk by the Spirit”
Paul gave this command, “But I say, walk by the Spirit, and you will not gratify the desires of the flesh (v. 16). What does it mean to “walk by the Spirit”? It is “to be led by the Spirit” (v. 18). It results in “the fruit of the Spirit” (v. 22). It is to live with a life and power coming from the Spirit (v. 25, “we live by the Spirit”). Hinahayaan mong ang Espiritu ang may kontrol sa buhay mo. Pero hindi ibig sabihing wala kang gagawin. Kaya nga “paglakad” ang ginamit na salita dito. You walk, you let the Spirit guide and direct and empower you. Hindi tulad ng escalator na aapak ka lang at makakarating ka na sa taas. Tulad ito ng pagsasagwan sakay sa isang bangka, pagsasagwang patungo sa direksiyon ng hangin at ng alon.
Ano’ng resulta? “…and you will not gratify the desires of the flesh.” Ang “laman” ay kumakatawan sa mga makasarili nating hangarin na nagdudulot ng kasalanan, na bunga na rin ng maling pagtitiwala natin sa sarili natin. To “gratify the desires of the flesh” is to satisfy it. Kung uhaw na uhaw ka na ay iinom ka ng malamig na tubig. You will feel satisfied. Kung nagnanasa kang gumawa ng kasalanan ay mapipigilan ito kung lalakad tayo sa patnubay ng Espiritu. Hindi ito panibagong utos kundi resulta ng paglakad natin ayon sa Espiritu. Mas pagtuunan natin ng pansin ang sagot sa tanong na, “Paano mamuhay nang nasa direksiyon ng Espiritu?” kaysa sa, “Paano labanan ang bisyong ito?” dahil ang paggapi sa kasalanan ay kasunod ng paglakad ayon sa Espiritu.
Anim na oras ang biyahe papuntang Baguio. Kung magdrive ka at huminto ko pagdating sa Tarlac dahil nagutom, nauhaw, napagod, namasyal, at nanood pa ng sine, ‘wag kang magtaka at magreklamo kung madilim na ay wala ka pa sa Baguio. Kung gusto nating magapi ang mga kasalanan sa buhay natin, araw-araw tayong magpasakop sa nais at paggabay ng Espiritu. Araw-araw. Hindi lang kapag Linggo. Walang hinto. Walang liko. Walang atras. Walking by the Spirit must be a way of life. We will not reach God’s destination if we will stop walking by the Spirit. Walk by the Spirit moment-by-moment. Huwag kang hihintong makinig at sumunod sa udyok ng Espiritu.
The Conflict: “Spirit vs Flesh”
Ang dahilan (“Sapagkat…”) kung bakit magagapi ang kasalanan sa buhay natin kung mamumuhay tayo ayon sa gabay ng Espiritu ay dahil ang Espiritu at ang laman (makasariling pagnanasa natin) ay magkatunggali at kailanma’y hindi maaaring magkasundo. Malinaw ito sa verse 17, “For the desires of the flesh are against the Spirit, and the desires of the Spirit are against the flesh, for these are opposed to each other, to keep you from doing the things you want to do.” Sa ating mga Cristiano, dalawa ang magkatunggali: ang Espiritu na nasa atin na at ang kasalanang bagamat natanggal na ang kamandag ay nagnanais pa ring sakmalin tayo. Kailanman ay hindi magkakasundo ang dalawang ito. Tulad ng dalawang bansang nasa isang digmaan na hindi maaaring magkasundo ang prinsipyo at paninindigan. There will never be a peace treaty between the Holy Spirit and sin (which is unholiness). Sa loob natin ay nais nating sumunod sa kalooban at mga utos ng Diyos, ngunit may mga pagnanasa tayong makasarili na pumipigil sa atin. This is a common experience of all Christians, even Paul the apostle:
I do not understand my own actions. For I do not do what I want, but I do the very thing I hate. 16Now if I do what I do not want, I agree with the law, that it is good…18I have the desire to do what is right, but not the ability to carry it out. 19For I do not do the good I want, but the evil I do not want is what I keep on doing…21So I find it to be a law that when I want to do right, evil lies close at hand. 22For I delight in the law of God, in my inner being, 23but I see in my members another law waging war against the law of my mind and making me captive to the law of sin that dwells in my members (Rom. 7:15-16, 18-19, 21-23).
Bagamat laging nakikipagtunggali ang kasalanan, hindi ito ang dapat magkaroon ng kontrol sa buhay natin. “But if you are led by the Spirit, you are not under the law” (v. 18). Kung nasa ilalim tayo ng kautusan, dahil hindi natin ito kayang sundin dahil sa kasalanan, nasa ilalim tayo ng kasalanan. Ngunit kung tayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala tayo sa ilalim ng kontrol ng kontrol ng kasalanan.
Itinuturo sa atin ng mga talatang ito na dapat tayong mamuhay na parang isang sundalong nasa gitna ng giyera at wala sa bakasyunan sa Boracay. Walk by the Spirit with a wartime mentality. Huwag mong ibababa ang armas mo. Huwag kang matutulog sa pagbabantay sa kasalanang maaaring magbagsak sa iyo. Fight, fight, fight. Don’t surrender to your enemy.
The Contrast: “Fruit of the Spirit vs Works of the Flesh”
Upang patunayan pa na magkatunggali ang Espiritu at ang kasalanan kaya’t dapat tayong lumakad ayon sa patnubay ng Espiritu, ipinakita niya ang napakalaking pagkakaiba ng magkasalungat na daan nito.
Now the works of the flesh are evident: sexual immorality, impurity, sensuality, idolatry, sorcery, enmity, strife, jealousy, fits of anger, rivalries, dissensions, divisions, envy, drunkenness, orgies, and things like these. I warn you, as I warned you before, that those who do such things will not inherit the kingdom of God. But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self-control; against such things there is no law (5:19-23).
Magkaiba ang makasariling buhay sa buhay na nasa Espiritu dahil sa magkaibang ugat nito. Sa verses 19-21 ay binanggit ni Pablo ang “mga gawa ng laman” na maaaring hatiin sa apat na kategorya: (1) sexual sins: “sexual immorality, impurity, sensuality”; (2) idol-worship: “idolatry, sorceries”; (3) relational sins: “enmity, strife, jealousy, fits of anger, rivalries, dissensions, divisions, envy”; and (4) lack of self-control: “drunkenness, orgies.” Hindi lamang ang mga ito ang mga “gawa ng laman,” may mga “katulad [pa] nito.” Ang mga ito ay dulot ng pagsunod natin sa kasalanang nananatili pa sa atin at hinahayaan nating mahayag sa iba’t ibang paraan.
Sa verses 22-23 naman ay binanggit niya ang “bunga ng Espiritu.” Kaiba sa naunang maraming “mga gawa ng laman,” ito ay “bunga” at hindi “mga bunga.” Nagpapakita ito na ang isang taong gumagawa ng kasalanan ay hindi nangangahulugang gumagawa ng lahat ng uri ng kasalanan. Ngunit ang isang Cristiano, na pinananahanan ng Espiritu, hindi maaaaring mawala ang bawat bahagi ng bungang ito. Hindi ito iba’t ibang bunga ngunit isang bunga na titingnan sa iba’t ibang bahagi nito. Malinaw na ito ay gawa “ng Espiritu.” True love is impossible, joy is impossible, peace is impossible, patience is impossible, kindness is impossible, apart from the work of the Holy Spirit in our lives. This is not something we can manufacture by ourselves. It must come from the Spirit, or it will not come at all.
Itinuturo sa atin nito na ang paglakad sa Espiritu ay ang patuloy na pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na siya lang ang makagagawa. Aminin nating hindi natin kaya at hilingin ang lakas na nagmumula sa Espiritu upang magawa natin. Walk by the Spirit by trusting God for things only he can do. Huwag magtiwala sa sariling lakas na ang dulot ay kasalanan.
Magkaiba rin ang makasariling buhay sa buhay na nasa Espiritu dahil sa magkaibang resulta o kahihinatnan nito. Kaya nga babala ni Pablo sa v. 21, “I warn you, as I warned you before, that those who do such things will not inherit the kingdom of God” (tingnan din ang 1 Cor. 6:9-10; Eph. 5:5-6; Rev. 21:8). Ang binabanggit dito ay ang mga patuloy na gumagawa ng mga kasalanang nabanggit ni Pablo, hindi iyong mga nakagawa. Kung ang isang kasalanan ay naging lifestyle o way of life na (halimbawa ay pakikisama sa isang babae na hindi mo naman asawa) at hindi na natin pinanlalabanan, maaaring magpatunay ito na sa simula’t simula pa ay hindi ka pa pinaghaharian ng Diyos, hindi ka pa Cristiano, nasa ilalim ka pa ng hatol ng Diyos, at sa pagdating ni Cristo ay itatapon sa lawa ng apoy dahil sa galit ng Diyos. Isa itong babala sa atin na huwag mamaliitin kahit isang maliit o minsanang kasalanan lang dahil maaaring itong maging bisyo at ikapapahamak natin.
Ang buhay namang pinapatnubayan ng Espiritu ay nagdudulot ng paghahari ng Diyos sa atin. Kung nakikita sa atin ang bunga ng Espiritu, may katiyakan tayong kabilang tayo sa kaharian ng Diyos. Pagkatapos ilista ang “bunga ng Espiritu,” binanggit ni Pablo, “against such things there is no law” (v. 23). Maaaring ibig niyang sabihin dito ay nagkakaroon ng katuparan ang kautusan ng Diyos at sa gayo’y lumalakad tayo sa kanyang kalooban kung nakikita sa atin ang mga bagay na ito. Mas malinaw ito sa sulat niya sa Roma:
For God has done what the law, weakened by the flesh, could not do. By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin, he condemned sin in the flesh, in order that the righteous requirement of the law might be fulfilled in us, who walk not according to the flesh but according to the Spirit (Rom. 8:3-4).
Ano’ng itinuturo sa atin ng pagkukumpara natin ng magkasalungat na resulta ng dalawang daang ito? Walk by the Spirit with the end results in mind. “For the one who sows to his own flesh will from the flesh reap corruption, but the one who sows to the Spirit will from the Spirit reap eternal life” (Gal. 6:8; cf. Rom. 8:6). Huwag kang maging near-sighted na kapag gagawa ka ng isang kasalanan ay panandaliang sarap lang ang iniisip mo. Isipin mo ang magiging resulta nito sa iyong relasyon sa Diyos, at sa iyong sariling kaluluwa.
The Conquest: “Life in the Spirit vs Death to Self”
In verse 25, Paul repeated his main exhortation for this passage, “Let us also walk by the Spirit” (NIV, “let us keep in step with the Spirit”). Naroon pa rin ang ideya nang pagsunod sa direksiyong ibinibigay ng Espiritu na siyang nangungusap sa pamamagitan ng Salita ng Diyos sa Bibliya. Dito sa verses 24-25, may ibinigay siyang motivation. Ang utos na ito ay nakabatay sa katotohanan ng nangyari na. Ang gagawin mo ay naaayon sa nangyari na. “And those who belong to Christ Jesus have crucified the flesh with its passions and desires. If we live by the Spirit, let us also walk by the Spirit.”
Lumalakad tayo sa patnubay ng Espiritu dahil kabilang o kaisa na tayo ni Cristo. Nang ipahayag nating siya’y Anak ng Diyos na namatay at nabuhay na muli para tubusin tayo sa kasalanan, namatay at nabuhay din tayong kasama niya. Sa pakikipaglaban natin sa kasalanan, magtatagumpay tayo dahil napagtagumpayan na ito ni Cristo sa krus. Dati tayo’y mga pilay, ngayo’y nakakalakad na tungo sa destinasyong nais ng Diyos para sa atin. Dati tayo’y mga bulag sa katotohanan, ngayo’y nakikita na nating ang liwanag ni Cristong pumapatnubay sa daan natin. Dati tayo’y mga patay dahil sa kasalanan, ngayo’y humihinga na dahil sa Espiritu Santong nagbibigay-buhay sa atin.
Ang lahat ng ito ay dahil sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin. Kaya naman sa buhay natin huwag na huwag nating kalilimutan kahit sandali ang laki ng pag-ibig at biyaya ng Diyos na nakita sa krus sa Kalbaryo. Walk by the Spirit with the cross of Christ. Fight sin with the truths of the gospel. Huwag makinig sa kasinungalingan ng kaaway o sa kung anu-ano lang. Sa tuwing nagagapi ka ng kasalanan, tingnan mo ang ginawa na ng Diyos para sa iyo. “Wretched man that I am! Who will deliver me from this body of death? Thanks be to God through Jesus Christ our Lord” (Rom. 7:24-25)!
This is Life in the Spirit
In Galatians 5:16-26, we saw several applications on how we can walk by the Spirit and defeat remaining sins in our lives. Balikan natin ito isa-isa at tingnan kung paano mailalapat sa paggapi sa isang kasalanan at patuloy na pamumuhay sa Espiritu. Isipin nating ang paglakad ayon sa Espiritu ay parang isang bata na nakakapit sa kanyang tatay at sumusunod dito habang tumatawid sa isang malapad na highway.
Walk by the Spirit moment-by-moment. Ang bata ay hindi titigil sa pagkapit sa kamay ng tatay niya. Hindi rin siya titigil sa paglakad hangga’t hindi tumitigil ang tatay niya. Kaya kung nahihirapan kang patawarin ang tatay mo, pagtuunan mo muna araw-araw ang relasyon mo sa iyong Ama sa langit. Makinig sa sinabi sa kanyang Salita, bulayin ito araw at gabi, at idalanging puspusin ka ng Espiritu Santo sa maya’t maya.
Walk by the Spirit with a wartime mentality. Ang batang tumatawid ay hindi parelax-relax lang. Dapat laging alisto at hindi lalamya-lamya dahil mabibilis ang mga sasakyang maaari siyang mabundol. Ang kaaway natin ay tinitira ang kahinaan natin upang mas mahirapan tayong magpatawad. Dapat alam mo kung ano ang kasinungalingan ng Kaaway at ang katotohanan ng Salita ng Diyos. The enemy will always say, “Your father doesn’t deserve your forgiveness.” God will say, “You don’t deserve it either. But I forgave you.” Kanino ka makikinig?
Walk by the Spirit trusting God for what only he can do. Ang isang batang tumatawid hindi ‘yan bibitaw sa tatay at sasabihing, “Kaya ko na ‘to!” Hindi natin kayang magpatawad. Ang Diyos lang ang makapagbibigay sa atin ng pusong handang magpatawad at ibigin maging ang ating kaaway. Bakit hindi mo ipanalangin, “Ama, hindi ko kayang magpatawad. Nagtitiwala akong kaya ninyong baguhin ang puso ko na maging katulad ng sa inyo, puno ng pag-ibig, kabaitan, at katiyagaan”?
Walk by the Spirit with the end results in mind. Ang isang batang tumatawid alam ang panganib na maaari siyang mabundol kung hindi kakapit sa tatay. At kung makatawid naman ay makakakain sa Jollibee pagkatapos. Isipin mo kung ano’ng dulot sa iyo ng hindi pagpapatawad – galit, kawalan ng kagalakan at kapayapaan. Isipin mo rin kung ano’ng dulot sa iyo ng pagpapatawad – kagalakan at kapayapaan sa sarili at sa pamilya.
Walk by the Spirit with the cross of Christ. Ang batang tumatawid hindi bibitaw sa tatay dahil alam niya na mahal na mahal siya ng tatay niya. Kaya kung nahihirapan kang magpatawad, isipin mo kung paano ka pinatawad ng Diyos at ibinigay ang kanyang pinakamamahal na Anak upang maibigay ang kapatawaran at bagong buhay para sa iyo.
Binanggit ko ang kasalanan ng hindi pagpapatawad ngunit ang mga hakbang na ito ay makakatulong upang sa bawat bahagi ng ating buhay, bawat pakikibaka natin sa kasalanan, ay matiyak nating lumalakad tayo sa patnubay ng Espiritu.
[1] The four headings (The Command; The Conflict; The Contrast; The Conquest) are borrowed from John MacArthur, Galatians, MacArthur New Testament Commentaries (Chicago, IL: Moody, 1983), 151-172.