Together for the Gospel

By Derick Parfan | December 6, 2009

Series: Celebrating the Cross of Christ

Galatians 2:1-10 (ESV)

Then after fourteen years I went up again to Jerusalem with Barnabas, taking Titus along with me. I went up because of a revelation and set before them (though privately before those who seemed influential) the gospel that I proclaim among the Gentiles, in order to make sure I was not running or had not run in vain. But even Titus, who was with me, was not forced to be circumcised, though he was a Greek. Yet because of false brothers secretly brought in—who slipped in to spy out our freedom that we have in Christ Jesus, so that they might bring us into slavery— to them we did not yield in submission even for a moment, so that the truth of the gospel might be preserved for you. And from those who seemed to be influential (what they were makes no difference to me; God shows no partiality)—those, I say, who seemed influential added nothing to me. On the contrary, when they saw that I had been entrusted with the gospel to the uncircumcised, just as Peter had been entrusted with the gospel to the circumcised (for he who worked through Peter for his apostolic ministry to the circumcised worked also through me for mine to the Gentiles), and when James and Cephas and John, who seemed to be pillars, perceived the grace that was given to me, they gave the right hand of fellowship to Barnabas and me, that we should go to the Gentiles and they to the circumcised. Only, they asked us to remember the poor, the very thing I was eager to do.

The “Glue”

Nagpunta kaming mag-asawa sa isang kasalan kahapon. Minsan tinatanong ko kung ano kaya ang dahilan kung bakit nagdedesisyon ang isang babae at isang lalaki na magpakasal. What is the thing that binds them together? Sasabihin natin na “pag-ibig” ang dahilan pero “mysterious” pa rin. But we know that something binds them, hindi puwedeng wala. Naitanong na ba ninyo sa sarili ninyo, “Bakit ako pumupunta sa church na ito?” What is this “thing” that binds you with this church or at least, with some of the people here? I cannot answer for all of you. Alam ko may dahilan kayo.

Ngunit ang dalangin ko ngayon ay makita natin na the gospel is the glue that binds us together. Kung hindi pa iyan totoo sa inyo, the gospel must be the glue that binds us together. The church exists because of the gospel. Kung si Cristo ay hindi namatay para sa atin, upang ipagkaloob ang kalayaan sa atin mula sa pagkaalipin sa kasalanan, walang “iglesia.” There is no reason for the church to exist if there is no gospel of grace. This is the “church of God, which he obtained with his own blood” (Acts 20:28). We were “ransomed…with the precious blood of Christ” (1 Pet. 1:18-19). Ito ang “glue” na nagdidikit-dikit sa atin.

If this gospel is the glue that binds us together, therefore, we must stand together for the gospel. Kung may mga taong nagiging dahilan upang guluhin tayo upang tayo ay magkawatak-watak, maninindigan tayong sama-sama. Kung may mga tao o bagay na nakakaimpluwensiya sa ating lumayo sa biyaya ng Diyos, sama-sama nating panlalabanan ito. At dahil alam natin na maraming tao ang lito at hindi alam ang katotohanan, sama-sama din tayong ipapahayag ang mensahe ng kaligtasang ito.

Nakita na natin ang ilan dito sa mga isinulat ni Pablo sa Chapter 1 ng Galatians – kung paanong pinatutunayan niya ang kahalagahan ng ebanghelyo at ang kanyang awtoridad bilang apostol ni Cristo sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng pangyayari sa buhay niya na imposibleng gawa ng tao. Ang nangyari sa kanya (1:13-24) ay gawa ng Diyos – from Saul the persecutor to Paul the preacher. Ngunit hindi pa siya tapos. Dahil sobrang seryoso ng paratang ng mga bulaang guro na si Pablo ay hindi tunay na apostol at hindi dapat pakinggan ang tinuturo niya na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Diyos sa pananampalataya.

Sa Galacia 2:1-10, pinapatunayan ni Pablo, na bagamat ang kanyang awtoridad ay hiwalay sa iglesia sa Jerusalem dahil ito ay galing mismo kay Cristo (1:1, 11-12), siya ay kaisa ng mga apostol kung ang pag-uusapan ay ang ebanghelyo ni Cristo. Ipinapakita sa atin nito na dahil pangunahin ang ebanghelyo tayo ay dapat na magkaisa patungkol dito. Tayo ay dapat na tumayong magkakasama para sa ebanghelyo. We must stand together for the gospel.  Tulad ng tali ng walis-tingting, ang ebanghelyo ang dapat na nagtatali sa atin upang sa paglilingkod at pamumuhay ay magkakasama tayo. Kung wala itong nagtatali sa atin, sa tingin mo ba’y magagawa natin bilang isang iglesia ang layunin ng Diyos para sa atin?

Tingnan natin ang tatlong aspeto ng pakikisamang dapat nating gawin para sa ebanghelyo. Una, tayo ay dapat na magkakasama sa pagtataguyod ng pagkakaisa sa ebanghelyo (vv. 1-2). Ikalawa, tayo dapat ay magkakasama sa pagpapanatili ng katotohanan ng ebanghelyo (vv. 3-5). Ikatlo, tayo ay dapat na magkakasama sa pangangaral ng ebanghelyo para sa lahat (vv. 6-10).

Together in Pursuing Unity in the Gospel (2:1-2)

Una, tayo ay dapat na magkakasama sa pagtataguyod ng pagkakaisa sa ebanghelyo. Kung mayroon mang nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak o pagkakahati ng iglesia, hindi puwedeng wala tayong gagawin. Ganito ang ipinakita ni Pablo. Nagsisimula ng manggulo ang mga tinatawag na “Judaizers” – mga Judiong nagpapanggap na Cristiano at nagtuturo na ang pagtutuli at pagsunod sa kautusan ni Moises ay kailangan (hindi sapat ang pananampalataya kay Jesus) upang ang isang tao ay maligtas. Siyempre, hindi hahayaan ni Pablong magtagumpay sila. Kaya, sabi niya sa verse 1 na bumalik siya sa Jerusalem 14 na taon pagkatapos ang unang pakikipagkita niya sa mga apostol roon na tumagal lamang ng 15 araw. Isinama niya sina Bernabe at Tito, na isang Hentil. Bakit bumalik si Pablo? Bakit hindi na lang niya hayaan ang mga nanggugulo at magpatuloy sa pagtatayo ng mga iglesia?

Bumalik siya dahil alam niyang kalooban ng Diyos na siya ay gumawa ng paraan para hindi magpatuloy ang kaguluhan sa mga iglesia na magiging sanhi ng pagkasira nito. Verse 2, “I went up because of a revelation…” Nang magpakita sa kanya si Jesus sa daan patungong Damasco (Acts 9), hindi doon nagtapos ang pangungusap sa kanya. Ang Diyos ang nagpapatuloy na kumakausap sa kanya kung ano ang gagawin. Pumunta siya hindi dahil ipinatawag siya ng mga apostol para managot sa kanila. Pumunta siya kasi ito ang kalooban ng Diyos. Pursuing unity in the church is God’s will. “Let us pursue what makes for peace” (Rom. 14:19).

Bumalik siya dahil alam nilang wala siyang itinatago sa tao. Ang buhay niya ay lantad sa marami. Hindi siya nagkukunwari. Kung ano ang ipinapasabi ng Diyos iyon ang sasabihin niya. Kaya nang pumunta siya sa Jerusalem at nakipagkita muna siya sa mga apostol bago gawing pampubliko ang pag-uusap, ano’ng ginawa niya. “[I] set before them the gospel that I proclaim among the Gentiles” (v. 2). Ang salitang “isinaysay” (Gk. anatithemi; ginamit din sa Acts 25:14). “In both texts there is surely the accompanying thought of presenting something for examination or decision” (EDNT, 1:93). Nais niyang suriin ng mga ibang apostol ang kanyang mensahe at sabihing ito rin ang kanilang mensaheng ipinapangaral sa mga Judio. When we pursue unity, we must be honest and not try to hide something.

Ang isang taong hindi nagsasabi ng totoo ay nanloloko lang at sarili lang ang iniisip, hindi ang kapakanan ng iba. Ano’ng layunin ng kanyang pakikipag-usap sa mga apostol? Para ba ito ipangtanggol lang ang sarili niya? Hindi lang ‘yun. Sabi niya, “…in order to make sure that I was not running  or had not run in vain” (v. 2). Bakit niya nasabing masasayang ito kung hindi siya haharap at ipagtatanggol ang mensahe niya? Sinabi ni Timothy George (Galatians, p. 140) na ito ay “an expression of concern for the new believers he had led to Christ and the young churches he had founded.” Kung wala siyang gagawin, paano na itong mga kapatid na inilalayo sa katotohanan? Pursuing unity must not be done for one’s own interest but for the sake of the people.

Si Pablo ang gumawa ng hakbang upang hindi masira ang pagkakaisa ng iglesia. Sayang ang mga pagpapagal kung magkakawatak-watak ang tunay na iglesia. Gagawin ni Pablo ang lahat upang patibayin ang pananampalataya ng mga Cristiano. Hindi madaling humarap sa kontrobersiya ngunit kung ito ang nararapat para magkaroon ng pagkakaisa sa katotohanan sa ebanghelyo, dapat itong gawin. We must stand together in pursuing unity in the gospel.

What does this mean for us? If we know that the gospel is the glue that binds us, hindi ba’t alam natin na anumang pagtatangka na paghiwa-hiwalayin tayo ay makakasama at hindi makakabuti? Tulad ng isang papel na magkadikit na masisira kung pinaghiwalay mo. Ano’ng gagawin mo ngayon? Kung may anumang dahilan ng hindi pagkakaunawaan, gumawa ka ng paraan para maayos. Kung may alam kang kaguluhan sa iglesia, huwag mong sabihing wala kang pakialam at wala ka nang gagawin. Hindi madaling magconfront ngunit kung ito ang kailangan para sa pagkakaisa, ito ang dapat nating gawin. Ang karaniwan sa isyung pinagtatalunan natin ngayon wala naman sa kalingkingan ng hinaharap ni Pablo. Pero dapat nating ipaalala ang tungkol sa ebanghelyo. Ito lamang ang makapag-iisa sa atin. If we cannot find common ground in the gospel, then there is also reason to separate. Tulad ng ginawa ni Pablo sa verses 3-5.

Together in Preserving the Truth of the Gospel (2:3-5)

In pursuing unity, there are limits. We must not pursue unity at the cost of the truth of the gospel. We must preserve it. Kaya ikalawa, tayo dapat ay magkakasama sa pagpapanatili ng katotohanan ng ebanghelyo. We must live and act and speak in such a way that will point out to the reality of the gospel. Huwag nating bigyan ng dahilan ang ibang tao o ang ating Kaaway na magkaroon ng dahilan upang sabihing hindi totoo ang “gospel of grace” dahil hindi naman nakikita sa ating pinaninindigan ito. Hindi katulad ni Pablo na buong tapang na nanindigan sa totoo at ipinamuhay ito. Sa anong dahilan? “So that the truth of the gospel might be preserved” (v. 5). In what ways do we see Paul committing himself to preserve the truth of the gospel?

Hindi niya hinayaang masira ito at magtagumpay ang mga laban dito. Malinaw ito sa verse 3. Bakit niya isinama si Tito? Hindi lamang upang makatulong niya sa kanyang biyahe kundi upang ipakita ang isang buhay na patotoo na kahit ang isang Hentil na kagaya niya na bagamat hindi tuli ay taglay ang kalayaang matatagpuan lamang kay Cristo. Kaya kahit pa sabihin ng mga Judaizers na kailangang tuliin si Tito upang maging tunay na kabilang sa tipan ng Diyos (ayon sa tipan kay Abraham), hindi hahayaan ni Pablong mangyari ito. Ni hindi rin iniutos ng mga apostol na si Tito ay patuli. Nangangahulugan itong hindi ito kasama sa kundisyon ng Diyos upang ang isang tao ay maging tunay na Cristiano. Sa kanyang ginawa ipinakita niya na kahit isang saglit hindi niya itataya ang katotohanan ng ebanghelyo. Gusto ng mga taong ito na magpasakop si Pablo sa turo nila. Ngunit hindi sila sumuko upang magpasakop sa kanila (v. 5). Si Pablo ay kay Cristo lamang papasakop hindi sa sinumang tao na gumagawa ng paraan upang sila ay ibalik sa pagkakaalipin sa kasalanan at sa sariling gawa.

Alam niya ang tangka ng Kaaway. Ang mga Judaizers na ito, bagamat sinasabi nilang sila ay Cristiano, ay hindi tunay na Cristiano. Sila ay mga “huwad na kapatid,” mga nagpapanggap na kapatid kay Cristo, ngunit ang totoo sila ay mga instrumento ni Satanas upang wasakin ang iglesia. Hindi sila isinugo ng mga apostol. Sila ay mga “lihim na ipinasok.” Sino ang nagpasok sa kanila? Sino pa kundi ang kaaway na gumagawa upang guluhin ang mga Cristiano.  Ito ang babala ni Jesus na mangyayari (Matt. 24:11). Ito rin ang babala ni Pablo sa mga iglesia na tiyak na mangyayari, kaya’t kailangang maging mapagbantay tayo (Acts 20:29-31). Sila ay nagpapanggap, pumapasok sa iglesia nang palihim, nanggugulo, at sumisira. Pinipilit nila tayong ibalik sa pagkakaalipin sa kasalanan. Ayaw na ayaw ng Kaaway na taglayin natin ang tunay na kalayaan. Dahil diyan, we must be aware the the Enemy is at work in corrupting people’s minds.

Ginagawa niya ito alang-alang sa mga kapatid. Bakit ganoon na lang ang “conviction” ni Pablo sa bagay na ito? Hindi ba niya puwedeng pagbigyan na ang mga ito upang matahimik? Hindi! Sa anong dahilan? “So that the truth of the gospel might be preserved for you.” Ito pa rin ay may kinalaman sa pagmamalasakit niya sa mga Hentil. Sinasabi niyang masisira ang mensahe ng ebanghelyo, mawawalan ito ng saysay, dahil ang isyu dito ay hindi lang pagtutuli kundi ang kaligtasan. Kung pumayag siyang tuliin si Tito, nangangahulugan itong nakikiayon na si Pablo sa mga taong ito na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng kautusan ni Moises. We must be committed to preserving the truth for the sake of our brothers and sisters.

Magpasalamat tayo sa Diyos sa mga matatapang na Cristiano na nanindigan para sa katotohanan, to those who “contend for the faith that was once for all delivered to the saints” (Jude 3). Kung hindi nanindigan si Pablo, ano’ng iglesia ang mayroon tayo ngayon? We will not even trust his letters as God’s Word. Magpasalamat tayo dahil mayroon din sa paglipas ng panahon na nanindigan at hindi hinayaang masira ang ebanghelyo. Katulad ni Martin Luther noong 16th century na buong tapang na ipinaglaban ang “gospel of grace” kontra sa talamak na katuruan ng simbahang Romano Katoliko tungkol sa kaligtasang mabibili ng tao sa pamamagitan ng gawa.

Ano’ng gagawin mo kung mayroong mga tao na nagsasabi na hindi na epektibo ang “glue” ng gospel para sa atin, na puwede na ang “kanin” na pandikit? Hindi natin tatanggapin. Hindi tayo papayag. Hindi nga tayo tulad ni Pablo na haharap sa mga taong nagtuturo ng maling relihiyon o pilosopiya sa buhay, ngunit may magagawa tayo. Kung may mga nagtatangkang baguhin ang mensaheng ito at sirain ito, ano’ng gagawin natin? Mamumuhay tayo nang ayon sa “gospel.” Maninindigan at gagawin ang lahat para sa ikapapanatili nito alang-alang sa marami pang taong nangangailangan nito. Hindi natin hahayaang may makitang butas sa kilos at pananalita natin na kapag sinabi natin sa kanila ang mensahe ni Cristo ay sabihin naman nila, “Totoo ba ‘yang sinasabi mo? Bakit iba ang nakikita ko sa buhay mo?”

Together in Preaching the Whole Gospel to All (2:6-10)

Kapag sinabi nating we must stand together in preserving the truth of the gospel, ang pinag-uusapan po natin dito ay hindi lang maging malinaw sa atin ang mensahe ng ebanghelyo na pinaniniwalaan. Ang pinag-uusapan natin ay buhay, hindi lamang teorya. Kaya ikatlo, tayo ay dapat na magkakasama sa pangangaral ng buong ebanghelyo para sa lahat. Makikita ang ating paninindigan dito kung sama-sama tayo sa iisang misyon. Ito ang gustong patunayan ni Pablo sa verses 6-10. Bagamat ang awtoridad niya ay hindi niya kinuha sa Jerusalem, gayunpaman siya ay kaisa sa misyon na ibinigay ni Cristo – ang ipangaral ang iisang mensahe.

“And from those who seemed to be influential (what they were makes no difference to me; God shows no partiality)—those, I say, who seemed influential added nothing to me” (v. 6). Malinaw dito na binabalik-balikan niya ang sinabi na niya sa simula pa lamang ng kanyang sulat (1:1, 10-11). Na ang kanyang mensahe ay galing mismo kay Cristo. Hindi siya pumunta sa Jerusalem, sa mga kinikilala nilang pinuno upang “ayusin” ang kanyang mensahe na parang isang nagsubmit ng proposal for approval. Ito ay upang patunayan na “ang Diyos ay hindi nagtatangi.” Siya na kumikilos sa mga apostol ay siya ring kumikilos sa kanyang ministeryo. Hindi mahalaga sa kanya kung ano ang katatayuan nila. Ang mahalaga ay ang katapatan sa mensahe at sa tungkuling ibinigay ng Diyos. In preaching the gospel, we must be faithful to its message. Ginagawa natin ang paglilingkod, sinasabi natin ang ebanghelyo sa iba, hindi dahil sa pagsunod sa pastor o kaninuman, kundi bilang katapatan sa Diyos.

“On the contrary, when they saw that I had been entrusted with the gospel to the uncircumcised, just as Peter had been entrusted with the gospel to the circumcised (for he who worked through Peter for his apostolic ministry to the circumcised worked also through me for mine to the Gentiles), and when James and Cephas and John, who seemed to be pillars, perceived the grace that was given to me, they gave the right hand of fellowship to Barnabas and me, that we should go to the Gentiles and they to the circumcised” (2:7-9). Sa mahabang pangungusap na ito, patuloy niyang pinatunayan na ang mga Judaizers ay mali sa sinasabing salungat siya sa mga apostol sa Jerusalem. Katunayan, nakita mismo ng mga pinunong ito ang pagkilos ng Diyos sa kanyang ministeryo. Nang makita nila ang biyaya ng Diyos, “they gave the right hand of fellowship.” Hindi lamang ito nagpapakita ng kasunduan kundi ng pagkakaisa sa isang misyon. “Dito kami sa Jerusalem, ikaw sa mga Hentil.” That’s partnership in the gospel. Kahit magkalayo ang misyon natin, iisa ang puso natin dahil iisa ang Diyos na tumawag sa atin. In preaching the gospel, we must aim to reach all peoples according to God’s call.

Kung paparatangan pa nila si Pablo na wala siyang pakialam sa pagsunod sa kautusan at ang kanyang mensahe ay isang lisensiya na hindi gumawa ng mabuti, idinagdag niya ang verse 10. “Only, they asked us to remember the poor, the very thing I was eager to do.” Ang kanyang misyon ay hindi lamang salita nang salita, ito ay may kalakip na gawa. Helping the poor for Paul is not optional. It is his delight. It is the overflow of the love he has received from God. In preaching the gospel, we must live according to its message. Na makita ng mga tao na mahalaga ang paggawa ng mabuti hindi upang maligtas kundi upang makita kung anong klase ng  “kalayaan” ang tinanggap na natin. We are not saved by works, but we are God’s workmanship created to do good works (Eph. 2:8-10). “Let your light shine before men, that they may see your good works and give glory to your Father in heaven” (Matt. 5:16).

We stand together for the gospel when we stand together in preaching its whole message to all. Tulad ng isang papel na may glue hindi lamang sa isang bahagi kundi sa buong bahagi nito at sa magkabilaan, ang buhay natin ay magiging kaakit-akit sa iba sa ating salita at gawa. Kaya kapag lumapit sila sa atin, o kung lalapit tayo sa kanila, they will be attracted to this “glue” that binds us. Makikita nila kung ano ang mayroon tayo at ibang klase ang pagkakaisa natin.

Conclusion

As a church, our calling is to stand together for the gospel – together in pursuing unity in the gospel, together in preserving the truth of the gospel, and together in preaching the whole gospel to all. Malinaw kay Pablo ang misyon na ibinigay sa kanya ng Diyos. Malinaw kay Pablo na ang “ebanghelyo” ng biyaya ng Diyos ang dahilan ng kanilang pagkakaisa sa iglesia. The church will be a divided church without this “glue” kahit ano pang ganda ng samahan natin. Unity must not just be in a superficial level, it must penetrate our hearts. And only the gospel can do that.

Ang pagkatawag ng Diyos sa iglesia noong panahon ng mga apostol ay siya pa ring pagkakatawag sa atin. Iisang misyon – ang mamuhay ayon sa ebanghelyo at ipangaral ito. Kung loloobin ng Diyos, sa April ay sisimulan natin ang ating church-wide evangelism strategy na tinatawag na The Harvest. Lahat tayo ay magkakaroon ng bahagi dito. From prayer, to building relationships, to sharing the gospel in Bible studies. Lahat tayo ay sasanaying magkaroon ng bahagi.

Pero ngayon pa lang magsimula na tayo. Simulan nating ilagay sa isip natin kung ano ba ang ebanghelyo. Gumawa tayo ayon sa kakayahan natin ng paraan para mahawa ang marami sa pangitaing ito. Kung may pagkabaha-bahagi, kumilos tayo para magkaisa sa iisang layunin ng ebanghelyo. Sama-sama tayo sa paglilingkod. Kahit magkakahiwalay tayo sama-sama pa rin na ipinamumuhay ang isang buhay na makikita ng marami ang “katotohanan” ng ebanghelyo. At kung may magtanong sa atin, “Ano’ng religion mo?”, sabihin mo “evangelical” (imbes na “born-again Christian”). Ano’ng “evangelical”? Galing sa salitang “evangel” na ang ibig sabihin ay “good news” o “gospel.” Tell them the good news of Christ. This is the gospel that unites us. This is the gospel that will attract people to our fellowship. By this gospel and for this gospel, we stand together.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.