The Law

Download mp3 | Download pdf

Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians

By Derick Parfan | February 7, 2010

Galatians 3:19-24 (ESV)

Why then the law? It was added because of transgressions, until the offspring should come to whom the promise had been made, and it was put in place through angels by an intermediary. Now an intermediary implies more than one, but God is one. Is the law then contrary to the promises of God? Certainly not! For if a law had been given that could give life, then righteousness would indeed be by the law. But the Scripture imprisoned everything under sin, so that the promise by faith in Jesus Christ might be given to those who believe. Now before faith came, we were held captive under the law, imprisoned until the coming faith would be revealed. So then, the law was our guardian until Christ came, in order that we might be justified by faith.

Turning Something Good into Something Bad

May mga bagay na mabuti na kapag iniangat mo sa posisyong higit sa dapat niyang paglagyan, hindi na ito nagiging mabuti. Good things can be bad things if placed in a position higher than where is was supposed to be. Halimbawa, binigyan mo ang iyong anak ng isang bisikleta, na mainam naman para sa kanya. Pero nang tumagal ay hindi ka na pinapansin ng anak mo at mas naging pinakamahalaga na sa kanya ang bisikleta. What is good became bad. I heard Mark Driscoll, pastor of Mars Hill Church in Seattle, say “When you turn a good thing into a god thing, then it becomes a bad thing.” This is the folly of the Galatian Christians influenced by Jewish teachings. They turned the law, which is a good thing, into a “god” thing. That’s why it became a bad thing. Bad for them. Bad for their church. We don’t want this to happen.

Ang kautusan ng Diyos ay mabuti dahil ito mismo ay galing sa Diyos at mayroon siyang magandang layunin para dito. Ngunit kung ang pag-uusapan natin ay ang paraan o batayan ng kaligtasan ng isang taong makasalanan, nakaaangat ng posisyon ang pangako ng Diyos. Kaya naman ipinapaliwanag ni Pablo sa mga taga-Galacia na huwag nilang ilagay ang kanilang tiwala sa sarili nila sa pagsunod sa kautusan ng Diyos kundi sa ginawa na ng Diyos sa pamamagitan ng pangako kay Cristo. Dito sa Galacia 3:19-24 makikita natin na bagamat higit ang pangako sa kautusan, nais ng Diyos na sa pamamagitan ng kautusan ay makita nating tayo ay bilanggo ng kasalanan na nangangailangan ng isang Tagapagligtas.

The Superiority of the Promise over the Law in Salvation

Malinaw na sa kaligtasan ng tao, higit ang pangako ng Diyos sa kanyang kautusan. Malinaw na itong nakita sa mga naunang talata. Sa verses 6-9, ipinakita ni Pablo na ang pananampalataya sa mga pangako ng Diyos ang nagbibigay ng pagpapala ng Espiritu Santo. Sa verses 10-14, ang kautusan naman ay nagdudulot ng sumpa ng Diyos sa sinumang dito nagtitiwala. Sa pangako ng Diyos nagmumula ang pagpapala; ang kautusan ay may dalang sumpa.

Kung ganito pala, natural na tanong ang “Bakit pa mayroong kautusan?” (v. 19) na inabangan talaga ni Pablo sa mga Judio na malaking bagay ang Kautusan ni Moises. Dahil baka paratangan nila si Pablo na isinasantabi na ang kautusang ilang daang taong nasa sentro ng relihiyong Judaismo, ipapaliwanag niya kung ano talaga ang layunin ng Diyos para dito. Totoo ngang higit ang pangako sa kautusan ngunit hindi ibig sabihin ay balewala na ang kautusan ng Diyos. Sa mga susunod na salita ni Pablo ay sasabihin niya kung ano ang layunin ng Diyos para sa kautusan na may kinalaman din sa kaligtasan ngunit hindi upang maging batayan ng kaligtasan. Ngunit bago natin tingnan ang mga layuning iyon ng Diyos tingnan muna natin kung anu-ano pa ang binanggit dito ni Pablo na dahilan kung bakit ang pangako ay higit (superior) sa kautusan o bakit ang kautusan ay nakapailalim (inferior) sa pangako.

Una, dahil ang kautusan ay pansamantala lang (temporal). Sa plano ng Diyos ito ay nagsisilbing transition at ang katuparan ng pangako kay Cristo ang conclusion. Malinaw itong makikita sa mga talatang ito: “…hanggang sa dumating ang binhi (walang iba kundi si Cristo) na siyang pinangakuan” (v. 19); “…hanggang sa ang pananampalataya (si Cristo ang sandigan) ay ipahayag” (v. 23); “…hanggang sa dumating si Cristo” (v. 24). Ang kautusan ay pansamantala lang; ang pangako ay permanente. Kung baga sa isang pelikula, nasa background lang ito ng istorya ngunit ang climax ay ang katuparan ng pangako nang dumating si Cristo.

Pangalawa, dahil ang kautusan, bagamat galing din sa Diyos ay hindi direktang ibinigay (indirect) ng Diyos, hindi tulad ng pangako. “…ito’y ibinigay sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan” (v. 19). Ang kautusan ay ibinigay kay Moises sa pamamagitan ng mga anghel. Bagamat hindi malinaw sa Lumang Tipan kung paano nangyari ito gayong ang Diyos ang kausap ni Moises, pinanghahawakan ito sa Bagong Tipan (Acts 7:38, 53; Heb. 2:2; cf. Deut. 33:2). Ang binabanggit na tagapamagitan dito ay si Moises, na siyang namagitan sa Diyos at sa tao dahil hindi sila makalapit sa Diyos nang harapan (Exo. 20:19-22; hindi ito si Cristo katulad ng paniwala ng iba bagamat siya ang ating tagapamagitan, 1 Tim. 2:5). Ipinapakita nito ang kahigitan ng pangako kaysa sa kautusan dahil ang pangako ay direktang ibinigay kay Abraham.

Pangatlo, dahil ang bisa ng kautusan ay nakasalalay sa ganap na pagsunod ng tao (conditional upon man’s obedience), hindi tulad ng bisa ng pangako na nakasalalay sa Diyos na hindi nagbabago at tapat sa kanyang salita. Malinaw natin itong nakita sa verses 15-18. Ngunit sa verse 20 ay ito pa rin ang tinukoy ni Pablo, “Ngayon, ang tagapamagitan ay nangangahulugan na may higit sa iisang panig; subalit ang Diyos ay iisa.” Ayon sa mga iskolar ng Bibliya isa ito sa pinakamahirap na intindihin (“obscure”) sa mga sulat ni Pablo. Ayon kay Lightfoot, mayroong 250 to 300 interpretations dito! Hindi man natin lubos na maunawaan ang sinasabi ni Pablo, malinaw na ang layunin niya ay ipakita na ang nais ng Diyos sa kaligtasan ay ipakitang siya ang nag-iisang Diyos (Deut. 6:4) at ang kanyang pangako ay hindi nakasalalay sa gawa ng tao kundi sa kanyang hindi nagbabagong salita. Ang kautusan ay parang isang kontrata na kapag nilabag ng isang partido ang kasunduan ay mawawalan na ng bisa. Ngunit ang pangako ay nakasalalay sa katapatan ng isa, ng nag-iisang Diyos.

Pang-apat, dahil ang kautusan, dahil sa paglabag natin dito, ay nagdudulot ng kamatayang espirituwal (brings spiritual death) hindi tulad ng pangakong nagbibigay ng buhay. “Kung gayon, ang kautusan ba ay salungat sa mga pangako ng Diyos? Huwag nawang mangyari. Sapagkat kung ibinigay ang isang kautusan na makapagbibigay-buhay, samakatuwid, ang katuwiran ay sa pamamagitan ng kautusan” (v. 21). Totoo ngang sinabi ni Pablo sa verse 12, “Ang tumutupad sa lahat ng hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito” (MBB). Ngunit wala sinuman sa atin ang tumupad sa lahat kaya kamatayan ang dulot nito. Kung ito man ay nagdudulot ng pagkahiwalay natin palayo sa Diyos, hindi ibig sabihin ay masama ang kautusan ng Diyos at salungat sa pangako ng Diyos. Ang problema ay ang paglabag ng tao. Paliwanag ni Pablo, “Kaya’t ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti. Kung gayon, ang mabuti ba ang nagdala ng kamatayan sa akin? Hindi, kailanman! Kundi ang kasalanan na gumagawa ng kamatayan sa akin sa pamamagitan ng mabuti, upang ang kasalanan ay maihayag na kasalanan, at sa pamamagitan ng utos ay maging lubos na makasalanan” (Rom. 7:12-13).

The Good Purpose of the Law in Salvation

Malinaw na ang kautusan ay nakapailalim (inferior) sa pangako ng Diyos at hindi maaaring maging batayan ng ating kaligtasan. Gayunpaman, ang kautusan ay mabuti dahil ito ay galing mismo sa Diyos at walang nanggagaling sa Diyos na masama. “Kaya’t ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti” (Rom. 7:12). Kung ito ay mabuti, nangangahulugan na maganda ang layunin ng Diyos para dito. Totoo ngang may mahalagang role pa rin ang kautusan ng Diyos (moral law in contrast to religious and civil laws) sa buhay Cristiano (na titingnan natin sa chapters 5 at 6), ngunit ang titingnan natin ngayon ay ang layunin ng Diyos para sa kautusan na may kinalaman sa kaligtasan o pagharap ng isang tao bilang matuwid sa Diyos.

Una, sa pamamagitan ng kautusan nagiging malinaw at dumarami ang kasalanan. “It was added to reveal and multiply transgressions” (Lightfoot, St. Paul’s Epistle to the Galatians, p. 144). “Bakit pa mayroong kautusan? Ito ay idinagdag dahil sa mga paglabag (“upang maipakita kung ano ang paglabag” sa MBB)” (v. 19). Ang kautusan ay ibinigay ng Diyos hindi upang tugunan ang kasalanan, tulad ng mga batas sa isang bansa na layunin ay mabawasan ang krimen. The Bible is clear that the law is given not primarily to contain sin. Buong kasaysayan ang ebidensiya na kahit pa alam ng mga tao ang kautusan ng Diyos, lalong dumarami ang mga kasalanan.

Ang katagang “dahil sa paglabag” ay maaaring mangahulugan tulad ng sa MBB, “upang maipakita kung ano ang paglabag.” Mula pa nang magkasala sina Adan at Eba, naroon na ang paglabag sa kalooban ng Diyos. Ngunit ibinigay ang utos upang mas makita ng tao na nilalabag nga nila ang utos ng Diyos. Para itong measuring stick para malaman kung ang isang bagay ay kulang o sobra sa haba. Para itong timbangan kung saan sinusukat ang timbang ng mga gawa natin kung naaayon sa panukat ng Diyos. Hindi ba’t kung alam natin ang Ten Commandments aaminin natin, maliban na lang kung magmamatigas tayo, na nilabag natin ang bawat utos ng Diyos. Walang matuwid sa atin, wala kahit isa. Kung ikukumpara natin ang ating gawa sa pamantayan ng Diyos, hindi sa gawa ng ibang tao. Malinaw ito sa iba pang sulat ni Pablo, “Kung saan walang kautusan ay wala ring paglabag” (Rom. 4:15); “Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay ‘walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya’ sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (3:20).

Ipinapakita ng kautusan kung ano talaga ang kasalanan, ito ay paglabag sa Diyos, pagrerebelde sa Diyos. Ngunit hindi lang iyon. Isa pang kahulugan ng “dahil sa paglabag” ay “upang paramihin ang paglabag.” Sabi ni Pablo, “Now the law came in to increase the trespass” (purpose, not just consequence) (Rom. 5:20). Hindi tulad ng salin sa Filipino, “na nagbunga ng pagdami ng pagsuway” kundi “upang magbunga ng maraming pagsuway.” The law is not just for revealing sin, but for multiplying sin!

Ha? Bakit naman magbibigay ang Diyos ng isang bagay na ikapaparami pa ng kasalanan? Hindi dahil nais ng Diyos na magkasala tayo, kundi nais niyang ipakita sa atin kung ano talaga ang nasa puso natin. Hindi ba’t likas sa atin na ayaw natin ng mga “rules”? Tingnan mo na lang ang isang bata na habang lumalaki mas pinipili ang gusto nila kaysa ang mga patakaran ng magulang. Ganoon ang tao, kahit alam pa nila ang gusto ng Diyos, pipiliin pa rin ang gusto nila. We hate rules. We naturally hate a kind of God that governs our life. Kaya habang may kautusan, mas dumarami ang pagsuway natin. Hindi dahil masama ang kautusan kundi dahil sa likas na puso ng isang tao. Ang kautusan ay parang isang salamin na nakita natin ang dumi sa mukha natin ngunit sa pagnanais nating linisin ito, kinuskos natin ng ating kamay na marumi rin kaya lalo tayong dumurumi.

Bakit hinayaang mangyari ito ng Diyos? Kumpletuhin natin ang Romans 5:20, “Now the law came in to increase the trespass, but where sin increased, grace abounded all the more.” The law multiplies sin, but grace super-abounds! Mas nakikilala natin kung ano ang ibig sabihin ng “grace” dahil alam natin kung gaano tayo karumi at hindi karapat-dapat sa harapan ng Diyos.

Ikalawa, sa pamamagitan ng kautusan nakikita natin ang ating kalagayang hindi natin kayang takasan. “Subalit ibinilanggo ng kasulatan (isa pang pagtukoy ni Pablo sa “kautusan”) ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang ipinangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo ay maibigay sa mga sumasampalataya” (v. 22). Ang salitang “ibinilanggo” (na ginamit din sa verse 23; Luke 5:6 at Rom. 11:32) ay nagpapakita ng ating kalagayang hindi natin matatakasan. Ibinigay ito ng Diyos upang maipakita sa atin ang kalagayang dulot ng ating mga paglabag. Para tayong mga isda na nahuli ng lambat na kahit anong pagpupumiglas natin ay hindi tayo makalabas. Para tayong mga taong naninirahan sa isang lunsod na napapaligiran ng matataas na pader na kung magtangka man tayong lumabas ay hindi tayo makakalabas dahil nakapaligid sa labas ang mga sundalong may mga armas.

Maraming tao ngayon ang kampanteng-kampante sa buhay, bagamat hiwalay sa Diyos at wala si Cristo sa kanilang buhay. Inaakala nilang ayos naman ang lahat dahil maganda ang kabuhayan nila, maayos ang pamilya nila, relihiyoso sila. Ngunit hindi nila alam ang kalagayan nila. Para silang mga drug addict na nagha-hallucinate at akalang “heaven” ang kinalalagyan nila. Kaya nga ibinigay ng Diyos ang kautusan upang ipakita sa ating tayo’y mga magnanakaw, mamamatay-tao, nangangalunya sa di natin asawa, mahahalay, mga suwail sa magulang, mga sinungaling, mga mapanira sa kapwa, mga makasarili, at mga materyoso. Dahil diyan ay nakakulong tayo sa ating mga kasalanan at walang magagawa sa sarili natin.

The “chief and proper use of the law,” Luther said, is its provocative function, actually to increase transgressions, to make a terrible situation even more desperate, and thus to reveal to human beings their “sin, blindness, misery, wickedness, ignorance, hate and contempt of God, death, hell, judgment, and the well-deserved wrath of God.” (Timothy George, Galatians, p. 254).

Kayo na mga hanggang ngayon ay nakikisama lang dito sa church dahil narito ang mga kaibigan ninyo o dahil sa tingin ninyo ay mas masaya dito kaysa sa bahay ninyo ngunit hanggang ngayon ay hiwalay kayo kay Cristo at nasa ilalim ng kasalanan, nakikita ninyo ba ang inyong sarili na mga bilanggo? O para kang drug addict na kailangang ipasok sa rehab para maibalik ang katinuan ng pag-iisip? Wake up! Wake up! Until it’s too late. Kayo na mga nakay Cristo na, binabalikan ba ninyo ang inyong nakaraan at nakikita ninyo ang inyong pinanggalingang kalunus-lunos na kalagayan? Nakikita ba ninyo ang putikang pinanggalingan ninyo at itinatak na sa isip ninyong hindi na muling babalikan upang maglublob at magpakarumi ulit?

Kung titingnan natin ang una at ikalawa, magtataka tayo kung bakit naging maganda ang layunin ng Diyos para sa kautusan. Kaya’t kailangan nating tingnan ang pangatlo: sa pamamagitan ng kautusan nakikita nating kailangan natin ng Tagapagligtas. “Ngunit bago dumating ang pananampalataya, nabibilanggo tayo at binabantayan sa ilalim ng kautusan, hanggang sa ang pananampalataya ay ipahayag. Kaya’t ang kautusan ay naging ating tagasupil (“tagapangalaga” sa MBB) hanggang sa dumating si Cristo, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya” (vv. 23-24).

Kung sa mga kulungan ay may nakakatakas, maliwanag na nais tukuyin ni Pablo na ibinigay ng Diyos ang kautusan upang ipakita sa ating ang kasalanan ay hindi natin matatakasan sa sarili nating lakas. “Nabibilanggo tayo at binabantayan sa ilalim ng kautusan.” Tangkain mo mong gawin ang lahat upang makaharap sa Diyos nang matuwid, mabibigo ka. Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat. Mabuti ang kautusan hindi lamang dahil ipinamumukha sa atin nito ang kaawa-awa nating kalagayan. Mabuti ito dahil sa kapag nakita natin ang kasalanan natin ang kalagayang hindi natin matakasan, wala na tayong ibang matatakbuhan kundi ang nag-iisang tagapagligtas na si Jesu-Cristo. God’s design for the law is very good because it leads us or drives us from desperation to hope in Jesus Christ. Para itong tulay na nagdudugtong sa pangako ng Diyos patungo sa katuparan nito kay Cristo.

Ang ginamit ni Pablo sa v. 24 ay paidagōgos, “Kaya’t ang kautusan ay naging ating paidagōgos hanggang sa dumating si Cristo.” Mahirap isalin ang salitang ito (“tutor” sa NASB, “schoolmaster” sa KJV, “guardian” sa ESV, “put in charge to lead us to Christ” sa NIV, “ ngunit ang idea nito ay makikita sa kung ano isang paidagōgos sa panahon ni Pablo. Paliwanag ni MacArthur:

A paidagōgos was not a teacher or schoolmaster proper (KJV) but rather a slave employed by Greek or Roman families, whose duty was to supervise young boys in behalf of their parents. They took their young charges to and from school, made sure they studied their lessons, and trained them in obedience. They were strict disciplinarians. scolding and whipping as they felt it necessary…

The role of the paidagōgos was never permanent, and it was a great day of deliverance when a boy finally gained freedom from his paidagōgos. His purpose was to take care of the child only until he grew into adulthood. At that time the relationship was changed. Though the two of them might remain close and friendly, the paidagogos, having completed his assignment, had no more authority or control over the child, now a young man, and the young man had no more responsibility to be directly under the paidagōgos. (John MacArthur, Jr., Galatians, p. 95).

Tulad ng isang paidagōgos ang kautusan ay dinisensyo ng Diyos upang sa pamamagitan nito ay makita natin na si Cristo lamang ang solusyon sa pinakamabigat na problema ng tao.

Nais ng Diyos na makita natin ang ating sarili bilang isang bilanggo. Ibinigay sa atin ng Diyos ang kanyang mga “batas” para sa ikabubuti natin. Ngunit sinuway natin ito at nahatulan tayo ng kamatayan. Nasa bilangguan tayo at naghihintay ng ating kamatayan. Kahit anong gawin nating pagsunod sa mga patakaran sa bilangguan hindi natin mabago ang hatol sa atin. Minsan sumulyap ka sa maliit na bintana at nakita mo ang magandang tanawin sa labas at kung gaano kasarap ang maging malaya. Pinilit mong makalabas. Sinubukan mong tibagin ang pader ng kulungan ngunit nasugatan lang ang iyong mga kamay. Wala kang magawa. Umiyak ka na lang sa isang sulok hanggang makita mo ang Presidente na nasa labas ng selda mo at hawak ang katibayan ng iyong pardon. Malaya ka na! Iyan ang nais na mangyari ng Diyos. Na sa pamamagitan ng kautusan ay makita natin kung ano ang pangakong tinupad ng Diyos kay Cristo para sa ating kalayaan mula sa kasalanan. Ngunit hindi diyan nagtatapos ang kuwento. May isa pang bagay na ginawa ang Presidente sa bilanggo na nakakagulat at hindi kapani-paniwala. Ito ang Part 2 ng kuwento na titingnan natin mula verse 25.

Ngayon sapat muna na malaman natin na bagamat higit ang pangako sa kautusan, nais ng Diyos na sa pamamagitan ng kautusan ay makita nating tayo ay bilanggo ng kasalanan na nangangailangan ng isang Tagapagligtas. Dalangin ko na makita ng bawat isa sa atin kung sino talaga tayo at ano ang kalagayan natin ayon sa panukat ng Diyos. Dalangin ko na makita ninyo na si Cristo lamang ang ating Tagapagligtas at wala nang iba. At sa pamamagitan nito, mas lumalim ang pagkakilala natin sa kabanalan, kadakilaan, at pag-ibig ng Diyos, mas lumalim ang pag-ibig natin sa kanya, mas maging mainit ang ating pagsamba, mas lumaki ang pag-ibig natin sa mga wala pa kay Cristo, mas magkaroon tayo ng pagnanais na sumunod sa Diyos, na mawala ang pagtitiwala natin sa sarili natin at tumibay ang pagtitiwala kay Cristo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.