Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians
By Derick Parfan | April 18, 2010
Galatians 5:13-15 (ESV)
For you were called to freedom, brothers. Only do not use your freedom as an opportunity for the flesh, but through love serve one another. For the whole law is fulfilled in one word: “You shall love your neighbor as yourself.” But if you bite and devour one another, watch out that you are not consumed by one another.
Introduction
Ang isang driver bago siya makapagmaneho kailangan niya ng lisensiya. Nag-apply ako noon ng student permit, dalawang beses na, pero hindi ko na inapply ‘yung lisensiya dahil wala naman din akong kotse. Halimbawa, daddy ko na ang nag-ayos ng driver’s license at isang araw ay ibinigay sa akin. Ang problema, wala naman akong kotse. Tapos, may inabota din siyang susi…susi ng kotse at nakaabang sa labas ang regalo niya sa akin. Pero teka, hindi pa naman ako gaanong sanay mag-drive. Pero sabi ng daddy ko, “Tuturuan kita.” May kotse na, sanay nang magdrive, may lisensiya na. Ngayon malaya na akong makapagmaneho na hindi mahuhuli ng pulis na “driving without license.”
Malaya na tayong mga Cristiano. Ang ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi dahil sa ginawa natin kundi dahil sa pag-ibig niya. Wala na ang bigat na kailangan nating sundin ang lahat ng sinasabi ng kautusan upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Pinalaya na tayo dahil sa ginawa ni Cristo sa krus. “For freeedom Christ has set us free” (5:1). May lisensiya ka na. Pero hindi ibig sabihin puwede ka nang magmaneho nang napakabilis o walang ingat, o pumunta kung saan, o ayon sa sarili mong diskarte. Ang isang driver ay dapat sumunod sa mga batas trapiko. Malaya nang mag-drive, ngunit kapag lumabag ay maaaring makulong. Sa buhay Cristiano, mayroon tayong daan na dapat tahakin. May mga “batas” ang Diyos na dapat nating sundin. Huwag na huwag nating iisipin na dahil ang pagsunod ay hindi nakapagliligtas sa atin ay hindi na tayo magiging maingat sa pagsunod. Ang tunay na kalayaan ay nakikita sa kagalakan at pagnanais na sumunod sa mga utos ng Diyos. We obey and do good works not to be free but because we are already free, not to be saved but because we are already saved (see Ephesians 2:8-10).
Our God-given freedom is not a license to do whatever we want but whatever is according to God’s will and for the good of others. Ang kalayaang bigay sa atin ng Diyos ay hindi lisensiyang gawin lahat ng gusto nating gawin, kundi lisensiyang gawin ang anumang para sa ikabubuti ng iba at naaayon sa kalooban ng Diyos. Nakapaloob dito ang sagot sa tatlong katanungan:
The Gift of Freedom
Unang tanong, Saan galing ang kalayaang ito na ipamumuhay natin? Sagot: Galing ito sa Diyos na tumawag sa atin. Ang kalayaang bigay sa atin ng Diyos…Sabi ni Pablo, “For you were called to freedom, brothers” (5:13). Ang salitang “for” o “sapagkat” ay nagpapahiwatig na ito ay dahilan o batayan ng mga nauna nang sinabi ni Pablo. Ang kalayaang ibinigay na sa kanila at dapat nilang ipamuhay araw-araw ay ang dahilan kung bakit dapat silang magpakatatag sa anumang tangka ninuman na agawin ito. Gaya ng sabi din niya sa verse 1, “For freedom Christ has set us free.” Sang-ayon din ito sa sinabi mismo ni Cristo, “So if the Son sets you free, you will be free indeed” (John 8:36). Ang “you” o “kayo” ay binigyang diin ni Pablo (emphatic position in Greek) upang ipakita ang kumpiyansa ni Pablo na ang mga kausap niya ay nasa panig pa rin niya (Boice, Galatians, 492). Kahit na pinagalitan sila ni Pablo at nagbitaw ng mga mabibigat na salita, tinawag pa rin niya silang “mga kapatid.”
Silang mga nagtitiwala kay Cristo at hindi nananangan sa kanilang mga magagawa sa pagsunod sa kautusan o anumang gawang relihiyon ay malaya na. “You were called to freedom.” Ito ang pagkakatawag sa kanila ng Diyos. Ang “tawag” ng Diyos ay nagpapakita na ang kalayaang ito ay hindi dahil sa ginawa ng tao. Initiative ito ng Diyos. He called us even before we call upon him. Ang Diyos ang may kapangyarihang magkaloob nito. Ito ay regalo ng Diyos sa atin. Pardon is a gift from God. Nais ng Diyos na tayong mga malaya na ay patuloy na maranasan ang kalayaang ito sa araw-araw. Iyan ang burden ng buong Galatians. Nagsasalita ang Diyos at ipinapahayag na, “Malaya ka na, anak. Hindi ka na nakakulong sa sarili mong kasalanan. Pinalaya na kita dahil kay Cristo. Ipamuhay mo ang kalayaang ito.”
Tinanggap na natin itong regalo mula sa Diyos. Ang tanong, “Paano natin ito gagamitin?” Paano tayo mamumuhay nang naaayon sa tunay na kalayaan? Halimbawa, binigyan ka ng asawa mo ng cellphone at araw-araw ay may load pa. Paano mo gagamitin ito? Araw-araw mo bang tatawagan ang asawa mo, kukumustahin at sasabihing, “I miss you. I love you.”? O makikipagtext sa isang babae na isang araw ay nagtext sa iyo at nakikipagkilala? Di ba’t ganyan ang pang-aabusong ginagawa natin sa kaligtasang tinanggap natin? Nagdadahilan pang niligtas na dahil sa biyaya kaya malaya nang gawin kung ano ang gusto kahit pa labag sa kalooban ng Diyos. Kasinungalingan iyang galing sa kaaway. Dapat maunawaan natin kung ano talaga ang tunay na kalayaan.
What Freedom is not
Bago iyon, tingnan muna natin ang ikalawang tanong, Ano ang hindi tunay na kalayaan? Sagot: Kalayaang gawin lahat ng gusto nating gawin na nagdudulot ng kasalanan (at muling pagkaalipin). Ang kalayaang bigay sa atin ng Diyos ay hindi lisensiyang gawin lahat ng gusto nating gawin…Makikita natin iyan sa utos ni Pablo (The Command), sa ilang mga bagay na binanggit niya na hindi sang-ayon sa kalayaang ito (The Expression), at sa hindi magandang resulta ng hindi tunay na kalayaan (The Results).
The Command
Malinaw ang utos ni Pablo bilang tugon sa kalayaang ito, “Only do not use your freedom as an opportunity for the flesh” (5:13b). Ang salitang “only” (“kaya lang…”) dito ay parang isang malaking exception na parang isang batang binigyan ng kalayaan ng magulang na makapaglaro na pagkatapos ma-grounded “kaya lang” ay dapat huwag lalayo at huwag lalampas sa oras. Mayroong hangganan ang kalayaan natin. Kung baga sa isang basketball game, malaya lamang ang mga players na makapaglaro sa loob ng court. Kapag lagpas na sa guhit ay “out of bounds.” Iyan ang “flesh” o “laman” na ginagamit sa Bibliya upang tukuyin ang bahagi ng pagkatao natin na makasalanan, na ang nais ay gawin ang mga bagay na gusto natin kahit na labag sa gusto ng Diyos. Paul called our sinful tendency as gratifying the “desires of the flesh” (5:16-17).
Ang salitang “opportunity” ay galing sa salitang Griyego na ginagamit upang tumukoy sa isang “starting point, a point of attack” (EDNT, 1:184); “a base of operations in war” (Vine’s, 2:127). Huwag hayaang ang kalayaang mayroon tayo ang maging lugar na gagamitin upang magsimulang makipaglaban ang kasalanan sa atin. At kapag nangyari iyon, maaari pa itong maging “launching pad” sa mga susunod na atake sa atin. Para itong mga Abu Sayyaf na nagtayo ng kanilang kampo sa Luneta. Kung ikaw ang presidente hindi mo naman sila bibigyan ng permit kahit sandali lang. They are enemies to be destroyed. Pero paano tayo nagdadahilan kapag may gusto tayong gawin na alam naman nating labag sa kalooban ng Diyos? “Sandali lang naman, minsan lang naman, ngayon lang naman, babawi naman ako sa susunod.” True freedom does not let the enemy invade and attack.
The Expression
Nakikita ito (ang hindi tunay na kalayaan) sa tinatawag ni Pablo na “works of the flesh” (5:19-21). Kasama dito ang klase ng relasyon natin sa isa’t isa na hindi nakalulugod sa Diyos: “enmity, strife, jealousy, fits of anger, rivalries, dissensions, divisions.” Pati rin ang pagiging “…conceited, provoking one another, envying one another” (5:26). Dito sa verse 15, may babala si Pablo, “But if you bite and devour one another” (5:15a). Ang salitang “bite” dito lang ginamit sa Bagong Tipan. Katulad ito ng isang tuklaw ng ahas na may kamandag (e.g., Num. 21:18). Mas malala ang salitang “devour,” kinain na talaga at nilamon hindi lang tinuklaw. Ang imaheng ginagamit ni Pablo dito ay tulad ng isang ahas na nanunuklaw at lalo pa ng isang sawang nilalamon ang isa pang hayop para sa kanyang kabusugan. Hindi sinabi ni Pablo kung ano ang specific situation dito sa Galatia ngunit maaaring ang nangyayaring pagkakabaha-bahagi (tulad ng sa Corinto) ay may kinalaman sa gawa ng mga Judaizers. May mga taong gumagawa ng mga bagay para lamang sa sarili nilang kapakanan na nakasasama naman sa iba. Hindi ito ang tunay na kalayaan. Ang tunay na kalayaan ay hindi kalayaang agawin ang pagkain ng iba para lamang mabusog siya.
The Result
Ano’ng mangyayari kung ganito ang magiging relasyon nila sa isa’t isa? “…watch out that you are not consumed by one another” (5:15b). Babala ito ni Pablo. Ang ginagawa na ng ilan sa kanila ay maaaring makaimpluwensiya sa iba at tuluyan silang masira. Ang “consume” ay ginamit din sa Luke 9:54 kung saan tinanong ni James at John si Jesus kung gusto niyang tumawag ng apoy sa langit upang tupukin sila. Total destruction ang resulta nito. Maliit na hidwaan sa iglesia ay maaaring isang maliit na apoy na sisira nito. Hindi ito kalayaan dahil pagkasira ang dulot nito.
Nakita ito ng marami sa atin nang muntik nang masira ang ating pamilya dahil sa pagsisimula sa maliit na usapan, sa kaunting tsismis, sa paninira sa kapwa. One small fire almost destroyed the whole forest. Pero hindi ito ang tunay na kalayaan. We are not free to hate our brothers, to speak against them. This will lead to slavery and to destruction. Huwag natin itong hayaang mangyari. Pero sasabihin ng iba, “hindi ko naman ginagawa iyan.” Pero ano ba ang ginagawa mo?
What Freedom is
Ikatlong tanong, Ano ang tunay na kalayaan? Ang kalayaang bigay sa atin ng Diyos ay hindi lisensiyang gawin lahat ng gusto nating gawin, kundi lisensiyang gawin ang anumang para sa ikabubuti ng iba at naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang tunay na malaya ay naglilingkod sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng pag-ibig. This is “faith working through love” (5:6).
The Command
Malinaw ito sa utos ni Pablo, “…but through love serve one another” (5:13c). “Serve” (douleon) is the verb for “slave” (doulos). This is the paradox (two truths that are seemingly contradictory) of Christian freedom. Malaya ka na upang maging alipin ni Cristo at sumunod sa kanya na may isang bagong puso – may pagnanais at kakayahang gawin ito dahil sa Espiritu Santo. At ang pagiging alipin ni Cristo ay nakikita sa pamamagitan ng pagiging alipin natin sa ibang tao. Ito ang kaibahan ng mga Cristiano, ginagawa nila ito hindi dahil napipilitan lang o dahil obligasyon lang kundi dahil sa pag-ibig. Malaya ka na upang maging alipin ng mga kapatid mo kay Cristo. Iniisip mo na kung ano ang makabubuti sa ibang tao, kahit pa ito ay hindi kumportable sa inyo. Ginagawa mo ito hindi upang may makuha ka sa ibang tao, kundi dahil umiibig ka. Hindi tulad ng isang asawa na masipag na masipag na gumagawa para sa kanyang asawa tapos ay mayroon pa lang hihilingin. We serve through love, not because of selfish desires. God is calling us to selfless love.
Malaya ka na upang maging alipin ng mga taong wala pang kalayaan kay Cristo. Verse 14, “You shall love your neighbor as yourself.” Kaya nga mayroon tayong “The Harvest,” upang ipakita natin ang pag-ibig natin sa iba. Tulad ni Pablo, “For though I am free from all, I have made myself a servant to all, that I might win more of them” (1 Cor. 9:19). True freedom is being a slave to others so that they may also experience true freedom in Christ.
The Expression
Paano nakikita ang pag-ibig na ito? Paano mo masasabi na ang isang tunay na malaya na nagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ng pag-ibig sa kapwa? Love must be visible. Nakikita ito sa pagtutuwid sa kapatid nating nalilihis ng landas. “Mga kapatid, kung may nakagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya” (6:1 MBB). Ang tunay na pag-ibig ay nakikipagtulungan sa pagdala ng pasanin ng kapatid kahit pa may sari-sarili tayong mga dinadala. “Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa” (6:2 MBB). Kahit may bitbit na na malaking bag, kukuhanin pa rin ang bag ng kasama dahil nabibigatan siya. Kahit na walang nakikitang “immediate reward” nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti sa kapwa lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya. “Sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya” (6:10 MBB). That’s “faith working through love.” That’s how we live our freedom, “through love serve one another.”
Nakikita ang pag-ibig sa paglilingkod kahit sa sa simpleng pangungumusta at pananalangin sa iba. Madalas ay nagtetext ako sa ilan sa inyo at nagtatanong ng prayer request. May nagreply sa akin, “I praise God for thoughtful kaagapays like you.” Nakikita ang pag-ibig, hindi lang naririnig sa pagsasabi ng, “I love you.” Nakikita ba ito ng inyong asawa? Nakikita ba ito ng ibang tao at masasabi nilang, “Tingnan mo sila kung paano umibig, gusto ko ring ganyan ang mangyari sa ‘kin”?
The Result
Ano ang resulta ng pag-ibig natin sa kapwa bilang pagsasabuhay ng kalayaan natin? “For the whole law is fulfilled in one word: ‘You shall love your neighbor as yourself’” (5:14). “Owe no one anything, except to love each other, for the one who loves another has fulfilled the law. The commandments…are summed up in this word: ‘You shall love your neighbor as yourself.’ Love does no wrong to a neighbor; therefore love is the fulfilling of the law” (Rom. 13:8-10). Hindi nakapagliligtas ang pagsunod sa kautusan. Hindi ibig sabihin ay hindi na tayo susunod. Sa katunayan ang pagsunod ay katibayan ng kaligtasang nasa atin na. Ito ang bunga at kung wala ang bunga ibig sabihin ay wala ang tunay na kaligtasan sa atin. Kung umiibig tayo, natutupad ang kalooban ng Diyos. Nakikita sa atin na tayo’y tunay na mga tagasunod ni Cristo (John 13:34-35).
Pero bakit sinabi ni Pablo na “the whole law is fulfilled”? Paano nangyari iyon? Ito ang second greatest commandment pagkatapos ng “Love God” at sa dalawang ito nakasalalay ang buong kautusan (Matt. 22:37-40). Pero bakit hindi binanggit ni Pablo ang greatest commandment?
Why did Paul call the selfless love of neighbor the fulfilling of the whole law? Not because it is superior to the worship and adoration of God, but rather because it is the proof of it. As Calvin correctly noted, “God is invisible; but he represents himself to us in the brethren and in their persons demands what is due to himself. Love to men springs only from the fear and love of God.” (Timothy George, Galatians, 381)
Kung umiibig ka sa iyong kapwa pinatutunayan nito na iniibig mo ang Diyos. At kapag iniibig mo ang Diyos, pinatutunayan mo na totoo ang pananampalataya mo. At kung ikaw ay sumasampalataya, pinatutunayan nitong ikaw ay malaya na. Ito ang kalooban ng Diyos sa buhay natin mga kapatid, na sa araw-araw ay ipakita natin ang pag-ibig na ito hindi lang kapag Linggo kundi kahit Lunes, hindi lang dito sa mga pagtitipon natin kundi maging sa inyong opisina.
Conclusion
Makapamumuhay tayo bilang tunay na malaya kung mauunawaan natin ang tunay na kalayaan. Ang kalayaang bigay sa atin ng Diyos ay hindi lisensiyang gawin lahat ng gusto nating gawin, kundi lisensiyang gawin ang anumang para sa ikabubuti ng iba at naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang tanong sa atin ngayon, “May lisensiya ka na upang sumunod sa Diyos at tahakin ang daang nais niya para sa iyo, paano mo ngayon ginagamit ang lisensiyang ito?”
Malaking encouragement para sa akin kapag naririnig ko ang mga nangyayaring nakikita ang sa buhay nila ang pag-ibig sa kanilang kapwa bilang pagsasagawa ng pananampalataya nila at ng kalayaang tinanggap nila. Narinig ko noong isang araw mula sa mga kasamahan sa trabaho ng isang kapatid natin kung paano nila nakikita ang concern mula sa kanya. Naririnig ko kung paanong ang marami sa inyo ay naging “kaagapay” nina Marvin at Jona sa napakalaking pagsubok na ngayon ay hinaharap nila.
[Interview with Jona.]
- Ano’ng nangyari?
- Paano mo naranasan ang tunay na kalayaan kahit sa ganitong malaking pagsubok sa inyo?
- Paano naipakita ang inyong pagtitiwala o pananampalataya sa Diyos?
- Paano mo nakita ang pag-ibig ng Diyos na kumikilos sa pamamagitan ng pag-ibig ng mga kapatid natin kay Cristo?
- Paano mo naipakita ang pag-ibig mo sa mga taong nagsampa ng kaso kay Marvin at tumetestigo laban sa kanya?
- Pinapayagan mo ba kaming ibahagi ito sa iba upang maging encouragement?
Nakikita natin ang “true freedom and faith in action.” Ipagpatuloy natin ito, mga kapatid kay Cristo.