mp3 not yet available | Download pdf
Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians
By Derick Parfan | February 28, 2010
Galatians 4:8-20 (ESV)
Formerly, when you did not know God, you were enslaved to those that by nature are not gods. But now that you have come to know God, or rather to be known by God, how can you turn back again to the weak and worthless elementary principles of the world, whose slaves you want to be once more? You observe days and months and seasons and years! I am afraid I may have labored over you in vain. Brothers, I entreat you, become as I am, for I also have become as you are. You did me no wrong. You know it was because of a bodily ailment that I preached the gospel to you at first, and though my condition was a trial to you, you did not scorn or despise me, but received me as an angel of God, as Christ Jesus. What then has become of the blessing you felt? For I testify to you that, if possible, you would have gouged out your eyes and given them to me. Have I then become your enemy by telling you the truth? They make much of you, but for no good purpose. They want to shut you out, that you may make much of them. It is always good to be made much of for a good purpose, and not only when I am present with you, my little children, for whom I am again in the anguish of childbirth until Christ is formed in you! I wish I could be present with you now and change my tone, for I am perplexed about you.
A Different Kind of Love Letter
Noong isang linggo ay tinanong ako ni Ptr. Larry, ninong namin sa kasal, kung natanggap namin ang Christmas card galing sa kanila na ipinabigay nila. Hindi ako nagreply. Kahapon ay may nag-abot sa amin ng card na iyon at may lamang “cash.” Iyong hindi ko pinansin noong una, ibang-iba na ang reaksiyon ko. Our reaction or response to a letter depends on the nature of the letter, the purpose of the one who wrote and whether what is inside is beneficial to us or not.
Ang Galacia ay sulat ni Pablo sa mga Cristiano sa mga taga-Galacia. Ito ay isang demand letter. Ito ay isang babala ni Pablo sa mga taga-Galacia na nagsisimulang tumalikod sa ebanghelyong una nilang narinig at unti-unting naniniwala sa mga Jewish Christian missionaries. Paul was “astonished that you are so quickly deserting him who called you in the grace of Christ and are turning to a different gospel” (1:6). Bilang isang demand letter, mabibigat ang mga salita ni Pablo, “O foolish Galatians! Who has bewitched you?” (3:1). Pero ayaw nating nakakatanggap ng isang demand letter, halimbawa dahil tayo ay may utang at dapat nating bayaran at may warning kung hindi tayo makakabayad.
Ito rin ay isang defense letter. Dahil gusto ni Pablong pakinggan siya at hindi ang mga “Judaizers” na nagtatangkang alipinin sila sa ilalim ng kautusan (2:4), ipinagtanggol niya ang kanyang sarili at ang kanyang pagiging tunay na apostol. “For I would have you know, brothers, that the gospel that was preached by me is not man’s gospel. For I did not receive it from any man, nor was I taught it, but I received it through a revelation of Jesus Christ” (1:11-12). Hanggang chapter 2 ay pinatunayan niya ito. Ngunit kung defense letter lang ang tingin natin dito, baka isipin na kulang lang sa pansin si Pablo at nagseselos lang siya dahil iba na ang pinakikinggan ng mga taga-Galacia.
Ito rin ay isang doctrinal letter. Mula 3:6 hanggang 4:7 ay ipinapaliwanag niya mula sa ebidensiya ng Kasulatan (Old Testament) na ang kaligtasan o ang kalayaang espirituwal ay matatagpuan lamang sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi sa mga “gawa ng kautusan.” “Now it is evident that no one is justified before God by the law, for ‘The righteous shall live by faith’” (3:11). Pero huwag na huwag nating iisipin na concern lang si Pablo dito sa mga evidences, logical reasonings, proofs, intellectual debates, o biblical interpretation. Oo, concern siya diyan pero it is not just a matter of the head. He wants them to know that he is writing from the heart.
Sa totoo lang, kailangan nating tingnan ang Galatians as a love letter. Nasabi ni Pablo ang mga nasabi niya dahil sa pag-ibig sa kanila. Kaya naman sinulat niya ang 4:8-20. Hindi lamang ito tungkol sa popularidad ni Pablo o sa relasyon niya sa kanila, kundi sa relasyon nila sa Diyos. “I love you. I don’t want you to leave me. I want you to come back to me. Because when you do, you are coming back to the gospel of the grace of God. You are coming back to Christ, the one who loved you and gave himself for you.” Ang tunay na pag-ibig ay naghahangad ng pinakamabuting bagay para sa isang taong iniibig, kahit pa ito ay sa pamamagitan ng mabibigat at masasakit na pananalita.
Tingnan natin kung paano ipinakita dito ni Pablo ang kanyang pag-ibig bilang isang pastor. bagamat siya na ay nagmimisyon sa ibang lugar at malayo na sa kanila ay naghahangad siya na muli silang makita at makausap nang personal para mas masinsining pag-usapan ang problemang kinakaharap nila. “I wish I could be present with you now and change my tone, for I am perplexed about you” (4:20). At habang tinitingnan natin ang mga ito, isipin natin ang dalawang applications dito. Una, kung ito ay isang love letter sa atin ng Diyos, paano natin dapat papakinggan ang panawagan na tayo’y magtiwala lamang kay Cristo at wala nang iba? Pangalawa, paano tayo magkakaroon ng katulad na “pastoral love” sa mga kapatid nating kailangan nating paalalahanan dahil maaaring nalalayo o nagsisimulang lumayo sa ebanghelyo?
A Pastor’s Pain
First, let us look at a pastor’s pain. Masakit para sa isang pastor na nagmamahal sa kanyang kawan na makitang sila ay tumatalikod sa pananalig sa Diyos. Ipinahayag ito ni Pablo sa verse 11, “I am afraid I have labored over you in vain.” Masakit para sa kanya na makitang parang nawawalan ng kabuluhan ang kanyang pagpapagal. Sinabi rin niya na ito ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa Jerusalem, “in order to make sure I was not running or had not run in vain.” Hindi ito dahil takot si Pablo para sa kanyang sarili, ang dami na ngang hirap at panganib ang hinarap niya! Ito ay dahil sa takot ni Pablo para sa kanila. Ayaw niyang makita na sila ay bumabalik sa dati nilang kalagayan. Pastoral love wants the best and what is good for the flock.
Kaya naman ipinaalala niya sa kanila kung ano ang dati nilang kalagayan at kung ano na ngayon. Sa mga naunang talata ganito na ang ginagawa ni Pablo. Ipinapaalala niya na dahil kay Cristo sila na dating nasa ilalim ng sumpa ay nasa ilalim na ng pagpapala, dating nakabilanggo at mga alipin ay malaya na, dating nananangangan sa sarili at sa pagsunod sa kautusan ay nakay Cristo na at nasa ilalim ng pangako ng Diyos. Ganito rin ang paalala niya sa verses 8-9, “Formerly, when you did not know God, you were enslaved to those that by nature are not gods. But now that you have come to know God, or rather to be known by God…” (vv. 8-9a). Ang salitang “kilala” dito ay hindi lamang nangangahulugan ng “intellectual knowledge” kundi ng intimate relationship. Hindi ito tulad ng pagkakakilala sa isang kandidato para presidente, kundi ng pagkakakilala ng isang asawa sa kanyang kabiyak. Dati wala silang relasyon sa Diyos dahil sumasamba sila sa mga diyus-diyosan. Alipin sila ng kanilang dating relihiyon. Bihag sila ni Satanas na nais ang mga tao na sumamba sa iba liban sa tunay na Diyos.
Ngunit naranasan nila ang biyaya ng Diyos. Nakilala nila ang Diyos. At dahil ayaw ni Pablo na isipin nila na ito ay dahil sa ginawa niya sinabi niyang may tumpak na sabihing sila ay nakilala ng Diyos. That’s grace. Ginawa ng Diyos ang lahat para sa atin bago pa man tayo gumawa para sa kanya. Katulad ng sabi ni Cristo, “You did not choose me, but I chose you…” Ganito din ang paalala ni Juan, “We love because he first loved us.”
Sa kabila nito, ano ang ginagawa ng mga taga-Galacia? “You observe days and months and seasons and years!” Nagsisimula na silang sundin ang mga religious festivals ng mga Judio sa mga takdang araw na banal sa mga Judio. Sinasabi ba dito ni Pablo na masamang sumunod sa mga religious days? Hindi! Sabi nga ni Pablo, “The one who observes the day, observes it in honor of the Lord” (Rom. 14:6). Ngunit ang ginagawa nila ay hindi nakalulugod sa Diyos. Bakit? Dahil ginagawa nila ito na nag-aakalang mas magiging “spiritual” Christians sila, mas mapapalapit sila sa Diyos sa pamamagitan ng gawa nila sa halip na magtiwala sa ginawa na ni Cristo.Maaaring ganito din ang pagkakamali natin sa tuwing iniisip natin na ang katapatan natin sa mga gawaing espirituwal ang dahilan kung bakit tayo pagpapalain ng Diyos, sa halip sa natapos nang ginawa ni Cristo sa krus.
Sila ngayon ay nasa ilalim na ng biyaya ng Diyos. At kung ganito na ang kalagayan nila ngayon, ang hirap isiping nanaisin pa nilang bumalik sa dati. “…how can you turn back again to the weak and worthless elementary principles of the world, whose slaves you want to be once more” (v. 9b)? Hindi maintindihan ni Pablo bakit ang isang taong lumaki sa dagat ng basura na ngayon ay mayaman na ay hahanap-hanapin ang amoy ng basura. Ang mga “elementary principles” dito ay binanggit na niya sa verse 3 at maaaring tumukoy sa anumang sistema ng tao o ng diyablo na nagnanais na ihiwalay tayo sa pagtitiwala kay Cristo. Para kay Pablo, ang mga ito ay “weak and worthless”! Sa mas literal na salin ang “worthless” ay “beggarly” o “bankrupt.” “…they are weak because they are unable to set men free, as Christ has done by redeeming them. They are bankrupt because they have no wealth by which they can provide an inheritance” (Boice, 476).
Bakit sinasabi ni Pablong bumabalik sila sa hindi pagkakakilala sa Diyos at patungo sa diyus-diyosan, samantalang hindi naman nila itinatakwil ang pagiging Cristiano? Hindi sila bumabalik sa dati nilang relihiyon pero sabi ni Pablo na parang ganito ang ginagawa nila kung susubukan nilang maging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng sarili nilang gawa. It is like being enslaved again by idolatry. The God of works-based religion is not the God of grace. “For Paul…whatever leads one away from sole reliance on Christ, whether based on good intentions or depraved desires, is sub-Christian and therefore to be condemned” (Longenecker, 181).
Nakikita ba natin kung bakit masyadong “affected” si Paul sa mga nangyayari? Paul loves them so much. Habang pinag-aaralan ko ang sulat na ito ni Pablo, hindi ko maiwasan na hindi maiyak dahil nakaka-identify ako bilang isang pastor sa mga experiences niya. Halos linggo-linggo ay nangangaral ako sa inyo. Maiintindihan ko pa kung bakit ang isang tao na hindi Cristiano ay gumawa ng mga bagay na makasarili at hindi nakalulugod sa Diyos. Ngunit masakit para sa isang pastor ang makita na ang isang kapatid kay Cristo, na halos linggo-linggo ay nakakapakinig ng mga salita ng Diyos, nakakasama natin sa pananalangin, at nagsasabing sila ay mga tagasunod ni Cristo ay unti-unting tumatalikod sa biyaya ng Diyos. Kayo ba, ganoon din ba ang nararamdaman ninyo kapag ang isang kapatid ay namumuhay na nagtitiwala sa kanilang sarili, na nakikita ninyong ginagawa nila ang isang bagay para sa kanilang sarili at hindi para sa karangalan ng Diyos? Ano’ng gagawin natin? Dapat ay katulad din ng tugon ni Pablo.
A Pastor’s Plea
Second, let us look at a pastor’s plea. Kung alam ng isang pastor na ang kanyang kawan ay nalilihis ng landas, hindi maaaring wala siyang gawin. “Brothers, I entreat you…” (v. 12). Kung noong una ay naging diretsahan at pranka siyang magsalita, ngayon ay may term of endearment na, “Brothers and sisters…” Nakikiusap siya sa kanila at kung dapat siyang lumuhod at magmakaawa ay gagawin niya dahil sa kanyang pag-ibig sa kanila.
At ano ang panawagan ni Pablo? “…become as I am…” Ito ang kauna-unahang utos ni Pablo sa kanila, bago siya maglahad pa ng maraming implikasyon ng mga sinasabi niya sa chapters 5 at 6. Become like him in what way? Dati siya ay nananangan din sa sarili niyang kakayahan upang maligtas. “I myself have reason for confidence in the flesh also. If anyone else thinks he has reason for confidence in the flesh, I have more: circumcised on the eighth day, of the people of Israel, of the tribe of Benjamin, a Hebrew of Hebrews; as to the law, a Pharisee; as to zeal, a persecutor of the church; as to righteousness, under the law blameless” (Phil. 3:4-6). Dati iyon, pero hindi na ngayon. “For through the law I died to the law, so that I might live to God. I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me” (2:19-20).
Nais niyang sila rin ay patuloy at araw-araw na nagtitiwala kay Cristo. Sa panawagang iyon binalikan niya ang nakaraan tulad ng isang love letter ng isang lalaking nakikipagbalikan sa kanyang dating kasintahan, “Naaalala mo ba noong tayo pa…” Una, binanggit ni Pablo ang kanyang ginawa para sa kanila. “…for I also have become as you are…” (v. 12). Sa pag-abot niya sa kanila noong sila ay hindi pa mga Cristiano, he identified with them. “To those outside the law I became as one outside the law (not being outside the law of God but under the law of Christ) that I might win those outside the law. To the weak I became weak, that I might win the weak. I have become all things to all people, that by all means I might save some” (1 Cor. 9:21-22). Noong una pa lang nakita na nila ang pag-ibig ni Pablo sa kanila. Hindi nila maitatanggi ito.
Pangalawa, binanggit din ni Pablo ang ginawa nila para sa kanya. It is a mutual love relationship. Paul loves them. They love Paul. Kung ngayon ay talagang naoffend nila si Pablo dahil sa kanilang ginagawa sinabi niyang dati naman ay maganda ang ginawa nila, “…You did me no wrong” (v. 12). Ano’ng magandang bagay ang ginawa nila para sa kanya? “You know it was because of a bodily ailment that I preached the gospel to you at first, and though my condition was a trial to you, you did not scorn or despise me, but received me as an angel of God, as Christ Jesus.” (vv. 13-14). Sa kabila ng sakit ni Pablo (sabi ng ilan ay malaria, o epilepsy, o sakit sa mata, pero hindi natin tiyak) na naging malaking kabigatan sa kanila, hindi nila inalintana iyon at ipinakita nila ang kanilang pag-ibig sa kanya. Alam nilang siya ay tinawag ni Cristo kaya ang pagtanggap sa kaniya ay bilang isang mensahero tulad ng isang anghel at parang si Cristo mismo dahil ang mensaheng tinanggap nila ay alam nilang galing kay Cristo. Napakagandang halimbawa nito sa pagtanggap natin sa mga lingkod ng Diyos anuman ang kalagayan nila o pisikal na anyo nila. Kaya nagpapasalamat ako dahil ito nakikita ninyo ang pagkakatawag sa akin ng Diyos, at hindi ito dahil sa aking sariling kakayahan.
“What then has become of the blessing you felt? For I testify to you that, if possible, you would have gouged out your eyes and given them to me” (v. 15). Sobra-sobra ang pag-ibig nila pero ano ang nangyari, nagtataka si Pablo. “Have I then become your enemy by telling you the truth?” (v. 16). Napanaginipan ko noong isang araw na ako ay pinag-reresign na bilang pastor. Nabigla ako kasi hindi ko alam kung bakit. As far as I know, I have been faithful to teaching you the truths of God’s words so that you may grow in your faith. Bakit ganoon? Marahil ay ganito din ang nararamdaman ni Pablo at nagtataka siya kung ano ang nangyari sa mga masasayang araw na pinagsamahan nila bilang magkakapatid kay Cristo.
Sinasabi ni Pablo na ang kanyang pagsasabi ng katotohanan ay bunsod ng pag-ibig hindi tulad ng mga kaaway nila na nagpapanggap lang. Kahit masakit pa ang katotohanan sasabihin niya dahil alam niyang ito ang para sa ikabubuti nila. It is a case of telling hard and painful truths in love. The hardest words and the most painful words come from a friend. The enemies may flatter them with words but it will lead to their destruction. If we are sick, we need to be told the truth so that we may be healed. May maririnig kayo na masasakit na salita na galing sa akin, pero iyon ay dahil gusto kong malaman ninyo na mahal ko kayo. Sana ganoon din tayo sa mga kapatid natin na dapat nating ituwid.
A Pastor’s Patience
Third, let us look at a pastor’s patience. Ang isang pastor na nagmamahal sa kanyang kawan ay magtitiis ng hirap “hanggang si Cristo ay mabuo” sa kanila. Handa siyang maghintay hanggang maunawaan nila ang kahulugan ng living by faith in Crist alone. Alam niyang hindi madali ang gawain ng isang pastor. Kailangan ng patience dahil may mga tao na gagawa para mailayo ang mga tao sa Diyos.
Ito ang sabi ni Pablo tungkol sa mga Judaizers, “They make much of you, but for no good purpose. They want to shut you out, that you may make much of them” (v. 17). Ang “make much of you” (sa ibang salin ay “seek,” “zealous to win you over”) ay tatlong beses binanggit dito sa v. 17 at v. 18 at galing sa salitang zeloo kung saan hango ang salitang “jealous” at “zealous.” Para itong isang lalaki na nanunuyo sa isang babae at nanliligaw at hindi titigil hanggat hindi naririnig ang matamis na “oo.” It “carries the idea of taking a serious interest in someone and was often used of a man courting a woman. ‘The Judaizers talk like they really care for you,’ Paul was saying, ‘but they are false suitors who have no genuine love for or interest in you or your welfare’” (MacArthur, 119). Ganito ang ginagawa ng mga Judaizers na nanliligaw sa kanila upang pagdating naman ng araw ay sila ang maghahangad lalo sa mga Judaizers. Inilalayo nila sa kanila si Pablo at para silang mga nakakulong na hindi hahayaang makalapit o makadalaw man lamang si Pablo.
In contrast to the Judaizers, Paul feels a divine jealousy for them. At kita ito sa kanyang pagtitiyag para sa ikabubuti ng mga Cristiano sa Galacia. Hindi ito dahil sa sarili niyang interes o para mas maramdaman niyang mas mahalaga siya kaysa sa ibang tao. “It is always good to be made much of for a good purpose, and not only when I am present with you, my little children, for whom I am again in the anguish of childbirth until Christ is formed in you!” (vv. 18-19). Dalawang imahe ang ginamit dito ni Pablo. Ang una ay ang “anguish of childbirth” na inihahalintulad niya ang kanyang sarili sa isang nanay na handang tiisin ang hirap ng panganganak upang makita ang bunga ng kanyang pagpapagal. Ang ikalawa ay “until Christ is formed in you” na imahe ng nabubuong embryo hanggang maging ganap na sanggol, tumutukoy naman sa kanyang pagtitiyaga na makita na si Cristo ay tunay at ganap nang naninirahan sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya (“Christ who lives in me,” 2:20). Ang salitang “again” ay ebidensiya ng kanyang pagtitiyaga at hindi siya magsasawa hangga’t hindi nangyayari ang nais ng Diyos para sa kanila na maranasan nila ang tunay na biyaya ni Cristo.
A few weeks ago, akala ko ay magkakaroon na kami ng baby. Nalungkot ako kasi hindi pa pala. We want it so much that we will wait for God’s time and be patient. Hindi ibig sabihin na nabigo noong una ay titigil na. Nakita din namin ang tiyagang ito nang pumunta kami sa 65th anniversary celebration at farewell service ng SEND Int’l dito sa Pilipinas. Ang buhay ng mga misyonerong ito ay patotoo ng kanilang katiyagaan na maglingkod sa iglesia hanggang matupad ang layunin ng Diyos para dito. Tulad ng panalangin ni Timothy George (p. 332) sa kanyang komentaryo sa talatang ito, nawa’y maging tulad tayo ng mga misyonero at ni apostol Pablo sa pagtitiyaga sa pangangalaga sa mga anak ng Diyos,
May God grant to the church today ministers of the gospel possessed of the constancy of Paul, ministers of God who will not turn and run at the first sound of opposition but who will lovingly stand their ground, weeping, pleading, praying until Christ be completely formed in the precious souls that have been given to their charge.”
R.S.V.P. (“Please Reply”)
Hindi maikakaila ang ilang taong pinagsamahan ni Pablo at ng mga taga-Galacia. This is a love relationship of a pastor to his flock, a love so deep that it can be compared to a husband and a wife. Sa Fireproof, may nabasa si Caleb na isang card galing sa isang doktor na kasamahan sa trabaho ng kanyang asawang si Catherine. Mahal niya ang asawa niya kaya nasaktan siya nang malaman niyang unti-unting lumalayo sa kanya ang kanyang asawa, isang dahilan ay ang doktor. Mayroon siyang ginawa para bumalik ang kanyang asawa sa kanya. Niligawan niya uli. Kinausap din niya ang doktor. Naging matiyaga siya hanggang makita ulit ng kanyang asawa na totoo ang pag-ibig niya sa kanya. Kailangan ng nanay ni Catherine ng isang wheelchair at bed para sa sakit nito na nagkakahalaga ng 20,000 dollars. Laking tuwa niya nang malaman niyang may nagbigay na. Noong una akala niya galing sa doktor, ngunit noong huli ay nalaman niyang asawa niya ang nagdonate nung perang iniipon niya para bilin ang pangarap niyang boat. Iyak siya nang iyak kasi nakita niya ang sacrificial love ng kanyang asawa.
Ikaw, how would you respond to Paul’s love letter in Galatians? Tulad ng isang invitation na may nakalagay na R.S.V.P. (“please reply”) ay nais ng Diyos na tumugon tayo sa sulat na ito at tingnan natin kung paanong nagiging katulad din tayo o ang ibang taong malapit sa atin na lumalayo sa Diyos at sa pagtitiwala lamang sa kanyan tulad ng mga taga-Galacia. Nais ng Diyos na bumalik tayo sa kanya, patuloy na magtiwala kay Cristo, at paalalahanan ang mga kapatid nating unti-unting lumalayo, at ipahayag ang mabuting balita sa mga taong wala pang pananampalataya kay Cristo. We can’t just do nothing. Too much is at stake – the destiny of men and the glory of Christ.