https://pastorderick.files.wordpress.com/2018/09/20100613-grace-driven-giving-2-2-cor-9_6-15.mp3
The point is this: whoever sows sparingly will also reap sparingly, and whoever sows bountifully will also reap bountifully. Each one must give as he has made up his mind, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver. And God is able to make all grace abound to you, so that having all sufficiency in all things at all times, you may abound in every good work. As it is written, “He has distributed freely, he has given to the poor; his righteousness endures forever.” He who supplies seed to the sower and bread for food will supply and multiply your seed for sowing and increase the harvest of your righteousness. You will be enriched in every way for all your generosity, which through us will produce thanksgiving to God. For the ministry of this service is not only supplying the needs of the saints, but is also overflowing in many thanksgivings to God. By their approval of this service, they will glorify God because of your submission flowing from your confession of the gospel of Christ, and the generosity of your contribution for them and for all others, while they long for you and pray for you, because of the surpassing grace of God upon you. Thanks be to God for his inexpressible gift!”
Giving and Your Joy
Noong nakaraang linggo ay hinikayat ko ang bawat isa sa inyo na makibahagi sa pagtupad ng vision na ibinigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay. Ngunit maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Pastor, maganda talaga ang vision ng church at gusto naming maging bahagi niyan sa iba’t ibang paraan. Pero kung sa pagbibigay, puwede bang excuse muna kami diyan kasi mahirap talaga ang buhay.” Gusto ko pong malaman ninyo na hindi kami nanghihingi sa inyo at binabawasan ang maaaring maging panggastos pa ninyo sa mga pangangailangan. Lagi pong mahirap ang buhay Cristiano, at ang nais ko ay hindi ang pera na manggagaling sa inyo. Ang nais ko ay ang maranasan ninyo ang kagalakang nanggagaling sa isang pusong laging nakahandang magbigay. “Hindi sa nais naming pangunahan kayo sapagkat alam naming sinisikap ninyong maging matatag sa pananampalataya. Nais lamang naming tumulong upang maging maligaya kayo” (2 Cor. 1:24). I want you to have joy. God wants you to have joy.
Naniniwala ako na mayroong malaking kagalakang nanggagaling sa pagbibigay na higit pa sa pagtanggap. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “It is more blessed to give than to receive” (Acts 20:35). At mayroong klaseng kagalakang hindi ninyo lubos na mararanasan kung hihigpitan ninyo ang hawak sa inyong mga kinikita. Nakita natin sa 8:1-2 na dahil sa kagalakang nag-uumapaw sa puso ng mga taga-Macedonia kaya buhos ang kanilang pagbibigay sa kabila ng kahirapan. Gayundin naman, sa pagbibigay ay lalo nilang mararanasan ang biyayang nanggagaling sa Diyos. Kaya naman, ibayong kagalakan pa rin ang dulot nito.
Kaya nga sinabi ko noong nakaraang linggo na the expected result in giving is more of the grace of God. We become grace-driven givers if we look forward, by faith, in the future grace of God. Nauna na nating nakita na ang nakaraang biyaya ng Diyos lalo na sa ginawa ni Cristo sa krus ang isang malaking motivation natin sa pagbibigay. Nakita din nating ang kapangyarihang nanggagaling din sa Diyos ang magbibigay sa atin ng lakas o abilidad upang makapagbigay na tulad ng mga taga-Macedonia, na kung sa tao ay talaga namang imposible. Now I will encourage you to be generous givers by teaching you how to look forward to what God will do in the future through our giving. Ang ating pagbibigay ay pagpapakita ng pagtitiwala natin sa marami pang ibibigay na biyaya ng Diyos sa atin.
Two Kinds of Giving
Bago iyon, nais ko munang bigyang diin ang dalawang klase ng pagbibigay ayon sa verses 5-7.
Kaya’t inisip ko na kailangang himukin ang mga kapatid na maunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong kaloob na ipinangako nang una, upang ito’y maihanda bilang isang kusang-loob na handog at hindi sapilitan. At ito ang ibig kong sabihin: Ang naghahasik nang bahagya ay mag-aani rin nang bahagya, at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani rin nang sagana. Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.
There is a wrong way to give and there is a right way to give. The wrong way: “reluctantly” o “mabigat sa kalooban.” Ito ‘yung pagkatapos magbigay ay medyo masakit sa bulsa at may pagsisisi. Sa pagbibigay ay nag-aalinlangan o nagdadalawang isip. The right way: “As he has made up his mind” o “ayon sa ipinasiya ng kanyang puso” o ayon sa verse 5, “kusang loob.” Walang kabigatan sa loob. Napag-isipang mabuti. Ayon sa sariling pasya. Magaan sa loob.
The wrong way: “under compulsion” o “dala ng pangangailangan” o ayon sa verse 5, “sapilitan.” Ito ang pagbibigay na dahil lamang sa obligasyon o dahil kailangan. Kapag hindi kasi nagbigay ay feeling guilty o iresponsable. The right way: “God loves a cheerful giver” o “nagbibigay na masaya.” Hindi na ito tulak ng pangangailangan kundi ng kagalakan. Ang salitang cheerful ay galing sa hilaros kung saan galing din ang salitang hilarious. Hindi lang magaan sa kalooban, naroon din ang ibayong kagalakan dahil sa nakapagkaloob.
Ayaw ng Diyos ng mga taong nagbibigay nang mabigat sa loob at dahil sa responsibilidad lang. Minamahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang ayon sa sariling pasya at may kasiyahan. Tulad din sa mag-asawa, mas gustong marinig ng asawa ko na sabihin ko pagkatapos ko siyang ibili ng galunggong dahil naglilihi, “It’s my pleasure,” kaysa naman, “It’s my duty as your husband.”
Huwag ninyong iisipin na dahil sinabing kung ano ang magaan sa kalooban ay ibibigay lang natin ang magaan sa bulsa. The wrong way to give: “sows sparingly” o “naghahasik nang bahagya” (“kaunti,” MBB). Inihalintulad dito ang pagbibigay sa pagtatanim o paghahasik ng binhi bilang paggawa ng mabuti (tingnan ang Galacia 6:7-10). Ang maling pagbibigay dito ay ang maramot o kuripot na pagbibigay. Maliit na porsyento lang kung ikukumpara sa kinikita. The right way: “sows bountifully” o “naghahasik nang sagana” (“marami,” MBB). Ito ang pagbibigay na parang nagsasaboy ng maraming binhi. Nag-uumapaw ang kagalakan sa pagbibigay tulad ng mga taga-Macedonia (8:1-2). Hindi halaga ng ibinibigay ang pinag-uusapan dito, kundi ang halaga ng naiiwan sa atin.
Umupo [si Jesus] sa tapat ng kabang-yaman at minasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi sa kabang-yaman. Maraming mayayaman ang naghuhulog ng malalaking halaga. Dumating ang isang babaing balo at siya’y naghulog ng dalawang kusing na ang halaga’y halos isang pera. Pinalapit niya sa kanya ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang dukhang balong ito ay naghulog ng higit kaysa lahat nang naghuhulog sa kabang-yaman. Sapagkat silang lahat ay naghulog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit siya sa kanyang kasalatan ay inihulog ang lahat ng nasa kanya, ang kanyang buong kabuhayan” (Mark 12:41-44).
Mas kinalugdan ng Diyos ang babaeng nagbigay nang ayon sa sarili niyang pasya, may kasiyahan at sagana kaysa sa mga mayayamang nagbigay nang maliit na porsyento lang ng kanilang kayamanan at baka napipilitan pa o naoobliga. Bakit ganito ang nais ng Diyos? Nais ni Pablong maunawaan natin ang principle of sowing and reaping sa agrikultura. Sa verse 6 ay sinabi niya ang isang obvious na katotohanan. Kung kakaunting binhi lang ang inihasik mo, huwag kang mag-expect na marami kang aanihin. Kung kakaunti lang ang ibinibigay mo, huwag kang magtaka kung bakit kahit anong kayod at pawis mo sa pagtatrabaho ay parang kulang pa rin. Kung sagana ka naman sa paghahasik sa pagbibigay, asahan mong kahit hindi ka kasing yaman ng iba ay mararanasan mong hindi tumitigil ang kasapatan ng Diyos sa iyo araw-araw, at lumalabis pa. What you sow is what you reap.
The Abounding Future Grace of God
Ano ngayon ang aanihin natin kung ang pagbibigay natin ay sagana, kusang-loob, at may kasiyahan? Sa mga susunod na talata ay makikita natin ang napakagandang pangako ng Diyos na mararanasan natin ang kanyang susunod pa na mga biyaya, kaya nga sa dulo ay hindi mapigilan ni Pablong isigaw, “Thanks be to God for his indescribable gift!” (9:15).
The Generosity of God
Kung sagana ang inyong pagbibigay, mararanasan ninyo ang kasaganaan ng pagpapala ng Diyos. “At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa” (v. 8). Hindi maramot ang Diyos. Bago mo pa man sabihing sagana kang magbigay, alam na nating ang Diyos ang siyang unang nagbibigay sa atin. Sa pagbibigay natin, huwag mong iisipin na God is the taker and you are the giver. Gustong patunayan dito ng Diyos na he is the generous giver and you are the receiver of his generous gifts. Hindi ka magkukulang sa anumang bagay. Anumang kailangan mo ay ipagkakaloob ng Diyos. Hindi anumang gusto mo, kundi anumang gustuhin ng Diyos na ibigay sa iyo.
Hindi lang mga spiritual blessings ang binabanggit dito, kasama rin dito ang mga materyal na bagay. Kaya nga sinabi niya na sila ay palaging “sumagana sa bawat mabuting gawa.” At sa verse 10, “Siyang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay bilang pagkain ay siyang magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magpaparami ng mga bunga ng inyong pagiging matuwid.” Gusto ng Diyos ang tapat na pagbibigay kaya naman hangga’t nagbibigay ka ay pararamihin ng Diyos ang iyong kayamanan upang lalo ka pang makapagbigay. Pinayayaman tayo ng Diyos dahil nakikita niya sa atin na sa ating pagbibigay ay tinutularan natin siya na sagana ring magbigay. In giving we become like God. “…kayo ay pinayayaman sa bawat bagay dahil sa inyong kagandahang-loob…” (v. 11). Kung ikaw ay nagbibigay, hindi ka pababayaan ng Diyos, pagyayamanin ka pa ng Diyos. Napakabuti ng pangako ng Diyos!
The Glory of God
Kung sagana ang inyong pagbibigay, mag-uumapay ang pasasalamat ng maraming tao sa Diyos. Kung ikaw ay tunay na anak ng Diyos, ang pangunahing hangarin mo ay mabigyang karangalan ang Diyos. Kung ikaw ay saganang magbigay, ang mga taong napagpala dahil sa iyong pagbibigay ay magpapasalamat sa Diyos. Bakit sila magpapasalamat? Una, ito ay pasasalamat dahil sa tinanggap nilang biyaya mula sa Diyos.
Kayo ay pinayayaman sa bawat bagay dahil sa inyong kagandahang-loob, na sa pamamagitan namin ay nagbubunga ng pasasalamat sa Diyos. Sapagkat ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang pumupuno sa pangangailangan ng mga banal, kundi umaapaw rin sa pamamagitan ng maraming pasasalamat sa Diyos (9:11-12).
Mayroong pangangailangan ang mga kapatid sa Jerusalem. Natugunan ito dahil sa pagbibigay ng mga taga-Corinto. Kaya naman magpapasalamat sila unang-una sa Diyos. Tayong nagbibigay ay tulad ng isang anak na ipinaabot ang regalo sa isang nangangailangan. Ang pasasalamat ay unang-una sa magulang na nagbigay hindi sa anak. Iyon ang nais natin, mapasalamatan ang Diyos sa ating pagbibigay dahil tayo ay ginamit niya upang ihatid ang tulong sa iba. Isipin ninyo kung gaano karaming tao ang magpapasalamat sa Diyos dahil nakakilala sila kay Cristo dahil sa inyong pakikibahagi sa pagbibigay. Isipin ninyo kung gaano karaming misyonero ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong katapatan sa pagbibigay na tumutugon sa kanilang malaking pangangailangan araw-araw para sa kanilang pamilya at ministeryo.
Naroon din ang pasasalamat sa Diyos, ikalawa, dahil nakikita nilang ang mga nagbibigay ay mga tunay na kapatid kay Cristo. “Sa pamamagitan ng pagpapatunay ng ministeryong ito, niluluwalhati ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa inyong pagpapahayag sa ebanghelyo ni Cristo, at dahil sa pagiging bukas-palad ng inyong pag-aambag para sa kanila at sa lahat ng tao” (v. 13). Ang pagbibigay ay isang patunay na ikaw ay anak ng Diyos, na siyang unang nagbigay. Magpapasalamat ang iglesia sa Jerusalem dahil hindi lamang sa tinanggap nilang pera, ngunit higit doon ay makikita nilang marami nang mga taga-sunod ni Cristo sa ibang bansa. Kung may mababalitaan ako na sobra-sobra kung magbigay, natutuwa ako hindi dahil sa malaking naitulong nito kundi dahil sa nakikita ko ang pagkilos ng Diyos sa buhay niya.
Naroon din ang pasasalamat, ikatlo, dahil sa nakikita nilang pagpapalang tinatanggap ng kanilang mga kapatid kay Cristo. “Habang sila ay nananabik sa inyo at nananalangin para sa inyo, dahil sa nag-uumapaw na biyaya ng Diyos sa inyo. Salamat sa Diyos dahil sa kanyang di-mailarawang kaloob” (vv. 14-15). Kung ang isang kapatid ay saganang nagkakaloob, nagpapatunay ito ng kasaganaan ng pagpapalang tinanggap niya sa Diyos. Kung ang isang kapatid ay pinagpapala ng Diyos, hindi dapat tayo maiinggit kundi magpasalamat sa Diyos.
Practical Principles to Remember
Dalangin ko sa Diyos na sa pamamagitan nito ay nagkaroon kayo ng dagdag na motivations na maging tapat sa pagbibigay. Kung alam lang natin kung ano ang laki ng biyaya o pagpapalang tinanggap natin at tatanggapin pa natin, hindi na tayo mag-aalinlangan pa sa pagbibigay. Mag-iiwan ako ng dalawang praktikal na bagay na maaari nating tandaan patungkol sa pagbibigay, ayon din sa tagubilin ni Pablo sa kanyang unang sulat.
Ngayon, tungkol sa ambagan para sa mga banal, ay gawin din ninyo gaya ng aking itinagubilin sa mga iglesya sa Galacia. Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ayon sa kanyang makakaya, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan pagdating ko (1 Cor. 16:1-2, Ang Biblia).
Una, dapat nakahanda tayo sa pagbibigay tuwing Linggo. “Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan…” Inilagay natin sa ating pagsamba ang pagkakaloob dahil ito ay pagpapahayag ng ating pasasalamat sa mga biyayang tinanggap natin sa Diyos. Kaya ugaliin nating bawat linggo ay may nakalaan para dito. Anumang tinanggap nating suweldo, kinita sa negosyo, bonuses, at cash gifts ay ugaliin nating ibukod na agad ang ibibigay natin sa pondo ng iglesia o suporta sa mga missionaries o manggagawa. Nakahanda dapat tayo at hindi kung ano lang ang madukot sa bulsa. “Ihanda agad ang inyong kaloob na ipinangako nang una, upang ito’y maihanda bilang isang kusang-loob na handog at hindi sapilitan” (2 Cor. 9:5). Magkano ba ang dapat ibigay?
Ikalawang prinsipyong makikita dito, dapat magbigay tayo hangga’t makakaya natin at ayon sa ibinigay sa atin ng Diyos. “Ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaaan ayon sa kanyang makakaya…” Sa MBB, “ng bahagi ng kanyang kinikita.” Sa ESV, “as he may prosper.” We must give in proportion to what we receive. Bilang isang gabay sa ating pagbibigay, magbigay tayo ng at least 10% ng ating kinikita sa church, at ang labis sa 10% ay ibigay natin sa iba pang pagkakawang-gawa o sa pagsuporta sa mga missionaries. Hayaan nating ang leadership ng church ang magdesisyon kung paano gagamitin ang ating mga ikapu. At kung pinagpapala ka pa ng Panginoon, taasan mo ang antas o porsyento ng pagbibigay at panatilihin ang simple lifestyle. Tandaan, pinagpapala tayo hindi upang gastusin sa mga luho natin kundi upang mas maging malaya tayo sa pagbibigay at paggawa ng mabuti.
Maganda ang halimbawa dito ni John Wesley. Siya ang nagsabi na: “Work as hard as you can. Save as much as you can. Give as much as you can.” Hindi masama ang yumaman. Maraming yumayaman dahil sa pagtatrabaho nang mabuti. Isa na dito si John Wesley, na isa ring evangelist at pastor. Sa panahon niya naging isa siya sa mayayamang tao sa England. Ngunit habang lumalago ang kanyang kinikita, pansinin ninyo kung paano niya ito ginagamit:[1]
Income | Living expenses | Giving | |
First year | 30 pounds | 28 pounds (93%) | 2 pounds (7%) |
Second year | 60 pounds | 28 pounds (47%) | 32 pounds (53%) |
Third year | 90 pounds | 28 pounds (31%) | 62 pounds (69%) |
Fourth year | 120 pounds | 28 pounds (23%) | 92 pounds (77%) |
Later | Over 1,400 pounds | 30 pounds (2%) | Over 1,400 pounds (98%) |
May isang 16-anyos na ang pangalan ay William na iniwanan ang kanyang bahay upang makipagsapalaran. Ang dala-dala lang niya ay kaunting pera. May nakita siyang kapitan ng isang barko at sinabing ang kanyang ama ay mahirap lang at ang alam lang niyang gawin ay gumawa ng sabon at kandila. Lumuhod ang matandang lalaki at nanalangin para sa bata at pinayuhan siya, “May isang taong magiging tanyag na gumagawa ng sabon sa New York. Maaaring ikaw o maaaring iba. Maging mabuti ka at ibigay mo ang iyong puso kay Cristo, ibigay mo sa Diyos ang lahat ng nararapat lamang sa kanya, gumawa ka nang sabon nang may katapatan, magbigay nang sagana, at tiyak akong magiging mayaman ka.”
Pagpunta niya sa New York naalala niya ang sinabi ng kapitan. Kahit na mahirap at nag-iisa, sumama siya sa isang church. Ang unang dolyar na kinita niya, 10% ang ibinigay niya sa Diyos. Bawat 10 sentimo ng isang dolyar ay nakalaang banal para sa Diyos. Dahil sa kanyang regular na trabaho, naging partner na rin siya at lumaan ay nag-iisang may-ari ng negosyo. Patuloy na gumawa ng sabon at 10% ang ibinibigay. Nang lumalago na ang negosyo naging 20% na, tapos 30%, tapos 40%, tapos 50% hanggang isang taon ay ibigay niya ang lahat ng kanyang kinita. Ito ang istorya ni William Colgate.[2]
The Widow’s Faith
Maaaring wala ni isa man sa atin ang nasa katayuang tulad ni William Colgate o John Wesley. Pero huwag ninyong kalimutang sila rin ay nagsimula sa iilang salapi at sa kakaunti ay naging tapat kaya ipinagkatiwala sa kanila ang marami. Ang isyu dito ay hindi kung gaano karami ang ibibigay ninyo. Ang isyu dito ay kung nagtitiwala ka sa salita at pangako ng Diyos. Kung hindi ka saganang magbigay, hindi ka rin nagtitiwala sa pangako ng Diyos na masaganang biyaya.
Ito ang nasumpungang klase ng pananampalataya ng isang biyuda sa panahon ni propeta Elias sa 1 Hari 17:8-16. Panahon noon ng tagtuyot dahil pinatigil ng Diyos ang ulan bilang hatol sa Israel at maging sa mga katabi nitong bayan. Dahil tagtuyot ay mahirap ang buhay.
Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh, 9“Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang biyuda na magpapakain sa iyo roon.” 10Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang biyuda na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae, “Maaari po bang makiinom?” 11Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin, “Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kapirasong tinapay.” 12Sumagot ang babae, “Saksi si Yahweh, ang inyong buhay na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.” 13Sinabi sa kanya ni Elias, “Huwag kang mag-alala. Pumunta ka na at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: ‘Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan.’ 15Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw. 16Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
Hindi ko alam kung mayroon sa ating mas malala pa ang sitwasyon sa buhay kaysa doon sa biyuda. Ngunit naniwala siya sa sinabi ng Diyos. At dahil naniwala siya, naging bukas ang kanyang loob sa pagbibigay. At dahil sa kanyang pagbibigay, naranasan niya ang walang katapusang biyaya ng Diyos sa kanilang buhay. Ito rin ang nais ng Diyos na maranasan natin. Magtiwala tayo sa kanya at magbigay nang sagana ayon sa kaloob ng Diyos sa atin.
[1] Galaxie Software, 10,000 Sermon Illustrations (Biblical Studies Press, 2002).
[2] Paul Lee Tan, Encyclopedia of 7,700 Illustrations: A Treasury of Illustrations, Anecdotes, Facts and Quotations for Pastors, Teachers and Christian Workers (Garland, TX: Bible Communications, 1996, c1979).