“Oh, taste and see that the LORD is good!”. Sa MBB ang sinabi ay, “Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh.” Pero ano nga ba ang ibig-sabihin para sa atin ng mga salitang ito? Paano ba natin magagawa na matingnan at malasap ang kabutihan ng Panginoon? Well for one, hindi natin magagawa ‘yun kung wala tayo sa Panginoon. At pangalawa, ang buong awit na ito ay tinuturuan tayo kung paano makakamit ang bagay na ‘yun.
Bless the Lord, O My Soul (Psalm 103)
Isa itong kakaibang uri ng panalangin habang kinakausap din niya ang sarili niyang kaluluwa. Kasi posible na sa pagkakataong ito, gusto mang magpuri ng kanyang katawan, pero hindi mahanap ng kanyang puso o kaluluwa ang mga dahilan para magpuri. dahil ang totoo ay walang silbi ang papuri ng ating mga labi, ng ating mga bibig, ‘yung ating mga awitin, kung ang mga puso natin ay malayo sa Panginoon.
