Looking Up When Feeling Down (Psalm 42)

Umasa ka sa Diyos, sabi ng Awit. Isa sa pinakamahirap gawin yung umasa, kasi may kasamang paghihintay at pag-aalinlangan. Aligaga pa naman tayo. Ayaw nating naghihintay. Kahit ang Diyos na ang nangako kadalasan naiinip pa rin tayo at nagdududa. So, anong gagawin natin? Mula sa Awit 42 ay bibigyan ko kayo ng six ways to wait for the Lord.

Be Still and Know that I am God (Psalm 46)

Maaaring dumaranas ka ngayon ng pagsubok o bagyo ng buhay, maaaring marami kang pinoproblema, maaaring dumaranas ka ng pagluha at kabigatan, maaaring nahihirapan ka sa pakikipaglaban against sa kasalanan, para bang kahit paanong gawin mong pagbalanse sa iyong bangka ng buhay ay parang tataob pa rin sa hirap ng iyong pinagdadaanan. Be still kapatid, sapagkat sinabi ni Yahweh "Be still and know that I am God."