Ang study guide na ito ay tinawag na Itinayo sa Bato (Built upon the Rock) dahil nangako si Jesus na itatayo ang kanyang iglesya sa “bato” na tumutukoy sa mga taong katulad ni Pedro kapag kanilang ipinahayag na si Jesus ang Messiah. Hindi lamang iyan, nangako rin si Jesus na ang church ay magtatagumpay laban sa kapangyarihan ng kamatayan (Mat. 16:16–18). Malinaw na mahalaga ang church para kay Jesus, at dapat din itong maging mahalaga para sa atin!

Kaya naman sa pag-aaral na ito ay titingnan natin ang pitong biblikal na aspeto ng church. Sa pamamagitan nito, madidiskubre natin ang isang malaking larawan ng pagtingin o pananaw sa church. Ano ang church? Bakit itinatayo ni Jesus ang church? Paano naaakma o tumutugma ang church sa plano ng Diyos na nakasulat sa Bibliya? Bakit mahalaga ang church? Importante ba kung ako ay isang miyembro? Ano dapat ang maging itsura o larawan ng buhay ng church?

Mga Nilalaman

Panimula
Ano ang Isang Church . . . at Ano ang Hindi, ni Mark Dever
WEEK 1: Ang Bayan ng Diyos
WEEK 2: Ang Katawan ni Cristo
WEEK 3: Ang Templo ng Espiritu
WEEK 4: Ang Church na Buháy
WEEK 5: Ang Church na Lumalago
WEEK 6: Ang Church na Naiiba
WEEK 7: Ang Church na Nagbibigay-Karangalan sa Diyos
Mga Notes ng Teacher


Salin sa Filipino/Taglish ng Built upon the Rock: The Church na isinulat ni Bobby Jamieson. Ito ay kasama sa Healthy Church Study Guides.


Now available on paperback:

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply