Dahil sa word na “catholic” sa Apostles’ Creed kaya hindi ginagamit ito ng ibang mga churches as part of their confession of faith. O kaya gagamitin nga, pero papalitan ng “Christian church.” Ano nga ba ang ibig sabihin ng “catholic” dito? Hindi ‘yan tumutukoy sa Roman Catholic Church specifically. Ibig sabihin, universal o pangkalahatan. Kaya sa Tagalog, “…sa banal na iglesiang pangkalahatan; sa kapulungan ng mga banal.” We will miss the essence of that word “catholic” kung tatanggalin o papalitan natin.