Malinaw naman na ang pagsagot sa mga tanong na kagaya nito ay nakadepende sa sitwasyon, ngunit narito ang pitong pangkaraniwang bagay na dapat ipaglaban ng mga pastor sa kanilang tungkulin:
1. Ang gospel. Kung ang isang isyu o usapin ay may malapit na kaugnayan sa gospel, dapat mas maging handa ang isang pastor na manindigan. Siyempre, kabilang na rito ang paninindigan laban sa mga nagtuturo ng false gospel, o ibang mga doktrina na humahantong sa false gospel. Pero kabilang din dito ang paninindigan laban sa mga pananaw sa ministeryo na humahamak sa gospel, gaya ng desisyon na ihinto o isantabi ang gawain ng evangelism, at sa halip ay mag-focus na lamang sa gawaing panlipunan o social action.
2. Pagkakaisa. Ang isang pastor ay dapat buong pusong manindigan laban sa sinumang tao o anumang bagay na nagiging sanhi ng pagkakabaha-bahagi ng iglesya.
3. Doktrina ng Banal na Kasulatan. Ang isang pastor ay dapat manindigan laban sa anumang bagay na humahamak sa awtoridad ng Bibliya (gaya ng pag-atake sa inerrancy ng Scripture), yamang ang Bibliya ang siyang bukal ng buhay at kalusugan ng iglesya.
4. Personal na Integridad. Ang isang pastor ay hindi dapat gumawa ng anumang bagay na makakasira sa kanyang integridad o maglalagay sa kanyang budhi laban sa Salita ng Diyos.
5. Ang kabanalan ng iglesya. Ang isang pastor ay dapat manindigan laban sa mga bagay na humahamak sa kabanalan ng iglesya o ng mga miyembro nito.
6. Ang kapakanan ng mga tupa. Kung ang isang pastor ay hindi handang manindigan sa kanyang tungkulin para sa kapakanan ng kanyang mga tupa, hindi siya tunay na pastor.
7. Pangangaral. Ang pinakamahalagang tungkulin ng isang pastor ay ang pangangaral ng Salita ng Diyos. Kaya naman, dapat siyang maging handa na lisanin ang isang iglesyang hindi nagpapahintulot sa kanya na ipangaral ang Salita ng Diyos nang hayagan at malinaw. Hindi ito nangangahulugang hindi na niya pag-iisipang mabuti kung kailan at paano niya dapat ipangaral ang ilang mga doktrina mula sa Kasulatan.
Sa anumang sitwasyon, hindi laging madaling sabihin kung alin sa mga prinsipyong ito ang nasa alanganin. Pero itinuturo ng mga ito ang uri ng mga tanong na dapat itanong ng pastor sa kanyang sarili kapag magdedesisyon siya kung dapat ba siyang manindigan o hindi: “Kung hindi ako kikilos sa sitwasyong ito, mapapahamak ba ang aking mga tupa?”
Salin ni Mark Daniell S. Perico mula sa 9Marks article na “How do pastors know what hills are worth dying on?“
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

