Maraming churches ang mayroong small-group ministry. Ang mga grupong may iba’t ibang laki (karaniwang may humigit-kumulang sampung mananampalataya) ay tila magandang avenue para sa pag-aaral ng Bibliya at pagbabahagi ng mga pangangailangan para sa suporta at panalangin. Sa pangunahing Sunday gathering, maaaring walang opportunity na makipag-connect sa ganoong level, kaya sa small groups nangyayari ang mga importanteng ministry sa “isa’t isa.” Dito inaasahan ang mga relationships, naibabahagi ang mga pananaw, at napag-uusapan at natutugunan ang mga problema at paghihirap sa buhay.

Dahil sa lahat ng ito, hindi maiiwasan na ang small group ay maging pangunahing focus ng spiritual life ng mga miyembro. Bilang resulta, ang small group na ang nagiging church para sa kanila. 

Bagaman ito’y naiintindihan natin, hindi ito kanais-nais mangyari. Hindi dapat maging pamalit ang small group sa pangunahing pagtitipon ng church. Kung ang small group mo ay nagiging church mo na, may mga bagay kang hindi nararanasan. Mahalaga ring banggitin na sa ilang konteksto kung saan kakaunti ang believers, ang mga churches ay sadyang maliit kaya halos katulad ng small group ang kanilang gawi. Hindi nagtakda ang Bibliya kung gaano kalaki dapat ang isang church. Ngunit ang pinag-uusapan natin dito ay hindi kung ang healthy churches ba ay maaaring maging maliliit na grupo ng mga tao—maaari naman—kundi kung ang small groups ba ay maaaring maging kapalit bilang church—hindi dapat. 

Bakit hindi? Una, dahil ang pagiging buong church family ay pagpapakita rin kung sino ang ipinagkasundo ng Diyos sa kanyang sarili. Hindi nire-reflect ng mga small groups natin ang iba’t ibang edad at pinagmulan ng mga tao na kasama sa buong church family. Ngunit nire-reflect ito ng lingguhang pagtitipon natin, at napakahalaga nito.

Pangalawa, ang maaaring gawin ng small group ay limitado dahil nga ito ay maliit lang na grupo. Ang church ay isang katawan na binubuo ng maraming bahagi, at ang bawat isa ay may partikular na gampanin sa buhay ng katawan. Sa loob ng small group, hindi matatagpuan ang lahat ng iba’t ibang mga kaloob at ministry na matatagpuan sa kabuuan ng church family.

Pangatlo, ang small group ay hindi pinamumunuan na tulad ng pamumuno sa isang church. Kaya hindi nito kayang magbigay ng “final call” sa isang usapin tungkol sa doktrina o pag-uugali na ang kinikilalang pamunuan ng church ang may pananagutan. Hindi rin nito maipagdiriwang ang Lord’s Supper sa paraang nagpapakita ng pagkakaisa ng buong church.

Ang mga small groups ay napakahalagang tulong sa pinagbuklod na buhay ng church, pero hindi ito dapat maging pamalit dito. Gusto natin mapabilang sa church na may small groups, hindi sa isang church ng small groups—kung saan ang grupo ang itinuturing na church. Ang sentro ng buhay ng church ay ang buong pagtitipon, hindi ang small groups.


Editor’s note: Ang article na ito ay mula sa libro ni Sam Alberry na Why Bother With the Church?

Salin ni Jheddilyn Rucio mula sa 9Marks article na Can I View My Small Group as My Church? na isinulat ni Sam Allberry. Si Sam Allberry ay associate pastor ng Immanuel Nashville church at Canon Theologian para sa Anglican Church sa North America. 

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply