1. Maging miyembro ka ng isang church.
2. Dumating ka nang maaga sa mga pagtitipon sa church at huwag magmadaling umuwi.
3. Gawing bukas ang iyong tahanan sa mga members ng inyong church.
4. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng mga kaibigan na madi-disciple.
5. Kung posible, maglagay ka ng line-item sa inyong family o pastoral budget para sa iyong weekly time kasama ng mga kapwa Kristiyano. Pag-usapan ninyo itong mag-asawa. Kung maaari, mag-provide ka rin ng ganitong budget para sa iyong asawa.
6. Mag-schedule ka ng mga regular na breakfast o lunch, o iba pang pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na maaaring turuan (yung kapwa lalaki o kapwa babae). Depende sa tao, maaari kayong mag-meet nang minsanan, o kung kailan puwede, o kaya ay magtakda kayo kung ilang beses (halimbawa ay limang beses). Kung pareho kayo ng hobby o pastime, humanap ng mga paraan na magkasamang gugulin ang oras na iyon.
7. Tanungin mo sila ng tungkol sa kanilang buhay. Itanong mo ang tungkol sa kanilang mga magulang, asawa, mga anak, testimony, trabaho, paglakad kasama si Cristo, at iba pa. Pero kapag nagtanong ka, gawin mo itong naaakma sa inyong kultural na konteksto (huwag mo silang takutin!).
8. Magbahagi ka tungkol sa iyong sarili.
9. Humanap ka ng mga paraan na magkaroon ng mga espirituwal na pag-uusap. Puwedeng magkasamang basahin ang Bibliya o iba pang Christian books.
10. Isipin mo ang kanilang mga pisikal o materyal na pangangailangan. Makikinabang ba sila sa iyong pagtulong?
11. Manalangin ka kasama nila.
12. Depende sa sitwasyon sa inyong tahanan, imbitahan mo siya na dumaan sa inyong bahay o maglaan ng oras kasama ng iyong pamilya. Hayaan mo sila na panoorin kung paano ka namumuhay.
Salin ni Marie Manahan mula sa 9Marks article na In practice, how can I disciple other Christians?.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

