*Salin sa Filipino/Taglish ng original article ni Caleb David, “Why Do I Need a Pastor?”, na ipinost sa 9Marks.org noong May 14, 2025. Si Caleb Davis ay nagsisilbi bilang lead pastor ng True Life Church sa Arvada, Colorado. Maaari mo siyang i-follow sa X o sa kanyang Substack.


Karamihan sa mga tao ngayon ay hindi iniisip na kailangan nila ng isang pastor.

Meron tayong access sa isang walang katapusang library ng mga sermon mula sa mga greatest preachers sa kasaysayan, libreng theological education online, at worship music mula sa bawat tribo at wika. Pwede nating piliin ang mga conferences, influencers, at therapists na papakinggan at susundan natin. Napakadali para sa mga nagsisimba na ipalagay na ang mga pastor ay lipas na at hindi na kailangan, at least kung local pastors ang pag-uusapan natin.

Gayunpaman, ang realidad ay ito: sa kabila ng lahat ng ipinapalagay natin na spiritual independence, ang mga Kristiyano ay nag-iistruggle kung walang nagpapastor sa kanila. Sa katunayan, nangyayari ang ilan sa ating pinakamalaking pagkukulang dahil sinasayang natin ang isa sa pinakamalaking provisions ng Diyos para sa ating mga kaluluwa—ang mga pastor. Hindi ipinapakita ng Bibliya ang mga pastor bilang mga optional accessories lamang sa buhay Kristiyano. Sa halip, ang mga pastor ay may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay natin. Sila ang nag-eequip sa atin para maipamuhay ang isang buhay na sumusunod sa kalooban ng Diyos.

Isinulat ni Pablo sa 1 Corinto 9:7, “Mayroon bang sundalo na siya pa ang gumagastos para sa kanyang paglilingkod? Mayroon bang nagtatanim na hindi nakikinabang sa mga bunga nito? At mayroon bang nag-aalaga ng kambing na hindi nakikinabang sa gatas nito?” (ASD). Bagama’t ang agad na makikitang pinatutukuyan nito ay ang pagiging apostol ni Pablo, ang mga katanungang ito na siksik ng mga metaphors o paglalarawan ay tumuturo sa isang prinsipyong nakapailalim sa pastoral ministry—ang mga Kristiyano ay nangangailangan ng mga pastor!

Ang Buhay ay Isang Digmaan—Kailangan Mo ng Isang Sundalo

Inilarawan ni Pablo ang mga pastor bilang mga sundalo dahil ang buhay ay isang pakikipaglaban (Eph. 6:12; 2 Cor. 10:3–6). Ang mga mananampalataya ay nakikipaglaban sa mapanghikayat na impluwensya ng mundo, sa kanilang sariling makasalanang mga pagnanasa, at ang walang humpay na mga diskarte ng diyablo. Hindi kataka-taka na ang terminolohiya ng digmaan ay regular na lumilitaw sa mga pag-uusap natin: “Ito ay isa na namang pakikipaglaban para lang mairaos ang araw.”

Alam ng Diyos na tayo ay nakikipaglaban habang nasa mundong ito. ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi niya tayo hinahayaang lumaban nang mag-isa. Sa halip, binibigyan niya tayo ng mga pastor.

Ang pastor mo ay maaaring hindi mukhang isang mandirigma, ngunit ang kanyang job description ay ang makipaglaban para sa iyo sa pamamagitan ng kanyang ministeryo ng pagtuturo ng Salita ng Diyos at ng pananalangin. Alam niya na may responsibilidad siyang alagaan ka. Binabantayan ka niya dahil siya mismo ay mananagot sa Diyos (Heb. 13:17).

Ang Iyong Paglago ay Nangangailangan ng Mahabang Panahon—Kailangan Mo ng Isang Magsasaka

Ang buhay ay madalas na parang tuyot, tulad ng isang bukid na walang ibang tumutubo maliban sa mga damo. Ngunit kung saan nakikita natin ang emptiness o kawalang-bunga, nakikita ng Diyos ang isang pananim na malapit nang anihin.

Kung paanong ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa, ang mga pastor ay nagtuturo ng Salita ng Diyos para maging daan sa paglagong espirituwal. Ngunit hindi tulad ng paborito mong preacher sa YouTube, ang mga pastor mo ay may personal commitment sa iyong pamumuhay kasama ang Diyos nang pangmatagalan. Ang mabubuting pastor ay matiyagang nagtatrabaho linggo-linggo, at naniniwala na ang Diyos ay gumagawa ng kamangha-manghang gawain sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng kanilang tapat na pangangaral at pananalangin. Tulad ng mga magsasaka, pinangangasiwaan ng mga pastor ang mahaba at mabagal na proseso mula sa pagtatanim ng binhi hanggang sa pamumunga nito, habang naghihintay sa Diyos na magbibigay ng paglago (1 Cor. 3:7). Naaalala nila kung gaano na kalayo ang narating ng gawa ng Diyos sa atin, at may kumpiyansa sila na marami pang gagawin ang Diyos para sa atin at sa pamamagitan natin (Phil. 1:6).

Madali Kang Malihis ng Landas—Kailangan Mo ng Isang Pastol

Sasabihin sa iyo ng mga pastol na kahit na sa pinakamainam na kalagayan, ang mga tupa ay nalilihis pa ng landas. Maaari kang magkaroon ng isang spa para sa mga tupa, damong may world-class rating, king-size na mga kama ng tupa, at matutukso pa rin ang mga tupa na umalis at lumayo. Kaya naman kinakanta natin ‘to, “Prone to wander, Lord, I feel it. Prone to leave the God I love.”

Alam ng Diyos na hindi tayo makakarating sa lugar na nais niyang puntahan natin nang mag-isa—gaano man ito lumalaban sa ating self-sufficiency o yung pakiramdam na kaya natin ‘to nang mag-isa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala, ng payo, at ng pagtutuwid, pinipigilan tayo ng mga pastor mula sa mga panganib na inaakala nating mga magagandang bulaklak na makakabuti para sa atin. Higit pa rito, kapag hinihingi na talaga ng pagkakataon, tinawag ng Diyos ang mga pastor na ialay ang kanilang buhay para sa atin upang matiyak na ligtas tayo.

Kailangan Natin ang Ultimate Pastor

Ang bawat Kristiyano ay malakas na magsasabing, “Kailangan ko si Jesus.” At diyan ay may sagot ang ating self-sufficient King of kings, “Amen. Kailangan mo rin ng mga pastor” (Eph. 4:11). Kung tutuusin, ang mga pastor ay kanyang ideya. Kung si Jesus ang karunungan ng Diyos (1 Cor. 1:24), ang mga ito ay isang matalinong ideya. Nais ni Jesus na alagaan o pagpastoran ang kanyang mga tagasunod sa pamamagitan ng mga local church pastors. Ang bawat pastor ay naglilingkod sa ilalim niya, para sa kanya, at mula sa kanya.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply