Ano ang trabaho mo bilang isang Kristiyano? Kung bibigyan ka ng Diyos ng job description para sa Christian life, ano ang ilalagay mo rito?
Pangunahin sa trabaho ng isang Kristiyano ay ang pagdi-disciple. Malinaw natin itong mababasa sa mga salita ni Jesus bago siya umakyat sa langit:
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mat. 28:18–20)
Ano ba ang ibig sabihin na gawing disciples ang mga tao? Ang isang disciple ay isang learner at follower ni Jesus. Kapag nagdi-disciple tayo, gumagawa tayo para makita ang mga taong hindi sumusunod kay Jesus na sumunod sa kanya (conversion) at pagkatapos ay turuan sila na tapat na sumunod kay Jesus sa bawat bahagi ng kanilang buhay (maturity).
Maraming Kristiyano ang naririnig ito at pagkatapos ay ilalagay na lang sa cabinet ng idealism. “Oo naman, gusto kong mag-disciple pero hindi talaga puwede.” Pakiramdam nila na ang pagdi-disciple ay lagpas na sa nararapat nilang gawin. Totoo ba ito? Ang pagdi-disciple ba ay isang bagay na tanging ang mga pastor, mga elders, at iyong mga “mature” ang gumagawa? O ito ba ay para sa lahat?
Ito ang punto ko: ang disciple-making ay ordinary Christianity. Ito ay pangunahin dito. Katulad ng pagkatuto na magbilang at mag-recite ng alphabet sa natural realm, halos walang kahit anong bahagi ng Christian life ang hindi nasasaklaw ng pagdi-disciple. Kung paanong ang Christianity ay isang community faith, ito rin ay isang disciple-making faith.
Maaaring may isang dosenang magkakaibang pananaw kapag narinig mo ang tungkol sa discipling. May ilan na sinasabing ito ay pagbabasa ng libro, pagkikita para uminom ng kape, kumain, mag-work out, atbp. Ang lahat ng ito ay maaaring makatulong sa discipling pero hindi sila prerequisite o kinakailangang bahagi nito. Hindi tayo binigyan ng program ni Jesus para sundan pero binigyan niya tayo ng halimbawa at isang malawak na kautusan na gawin ito. Bilang resulta, mayroon tayong dakilang kalayaan at isang dakilang pasanin para sa pagdi-disciple.
Ano ba ang itsura nito sa praktikal na buhay? Noong tayo ay binigyan ng utos ng Diyos na mag-disciple, nais niyang mamuhay tayo nang may pagsunod sa kanya kasama ng iba pang tao (mananampalataya at hindi mananampalataya). Ang intentional na pamumuhay na ito ay nagnanais na ipakita sa iba ang kahalagahan at kapangyarihan ni Cristo. Samakatuwid, pinapapasok natin ang mga tao sa ating buhay para makita nila kung paano natin ipamuhay ang Christian faith.
Hayaan mong magbigay ako ng ilang halimbawa:
Ang pagdi-disciple ay nangyayari kapag ang isang lalaki ay nagnanais na magpakasal pero hindi niya alam kung ano ang kailangan niyang gawin. Humingi siya ng paggabay at tulong mula sa isang kapatid na lalaki. Inimbitahan siya nito na mananghalian at kinausap siya tungkol sa ilang biblical at practical principles. Nag-commit ito na ipanalangin siya, maging available kung may mga katanungan siya, at makipag-meet sa kanya paminsan-minsan para pag-usapan ang sitwasyon niya.
Ang pagdi-disciple ay nagaganap kapag ang isang nanay na may dalawang maliliit pang anak ay may dinala sa isang kapatid na babae sa church. Nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap at naibahagi ng nanay ang pakiramdam niya ng pagkapagod at kabiguan na maabot kung ano ang inaasahan sa kanya bilang isang nanay. Pinakinggan siya ng kapatid na babae, pinaalala sa kanya ang Salita ng Diyos, ipinanalangin siya, at patuloy na dinamayan para hikayatin at palakasin ang kanyang loob sa pamamagitan ng gospel.
Ang pagdi-disciple ay nagaganap kapag ang isang ama ay nakakita ng isang babae na hindi nararapat ang kasuotan at sinabi sa kanyang mga anak na binata na ang nakikita nila ay hindi kagandahan. Ipinaliwanag niya sa kanila ang kagandahan na nakaugnay sa karakter at kalooban ng Diyos. Nagpapatuloy siya na sabihin, ipakita, at bigyang-diin ang tunay na kagandahang kinalulugdan ng Diyos (1 Ped. 3:3–4).
Ang pagdi-disciple ay nangyayari kapag napansin ng isang kapatid na lalaki ang isa pang kapatid na lalaki na sobra-sobrang magtrabaho at napapabayaan na ang kanyang pamilya at ministeryo. Sinasamahan niya ang kapatid na ito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanya ng tunay at nananatiling kayamanan, at ang tamang perspektibo sa pagtatrabaho.
Ang pag-didisciple ay nagaganap kapag ang isang nanay ay nasa park kasama ng kanyang mga anak. Sa isang pagkakataon ay naging magulo ang kanyang mga anak at dinisiplina niya sila nang may pagpapasensya, kabutihan, at katapatan. Maraming nakatingin sa kanya. Parehong mga mananampalataya at hindi mananampalatayang babae ang nagtaka. Nagsimula silang mag-usap at di nagtagal ang bunga ng Espiritu ay nagturo sa walang kapantay na kahalagahan ni Cristo.
Ang pagdi-disciple ay nangyayari kapag ang isang home-school mom ay naglalaan ng kanyang libreng oras upang magkaroon ng mga bagong kaibigan at magbukas ng oportunidad para maibahagi ang gospel.
Ang pagdi-disciple ay nagaganap kapag nararamdaman ng isang babaeng single ang discontentment ng isa pang babaeng single sa kanyang pagiging single. Sinisigurado niya na samahan ito para i-encourage sa kabutihan ng gospel.
Ito ay mga pang-araw-araw at pangkaraniwang mga kaganapan. Sa katunayan, pinili ko sila mula sa mga ordinaryong buhay ng mga tao sa aming church family. Ang ordinaryong gawaing ito ang nagtutulak sa church patungo sa maturity habang pinoprotektahan siya mula sa pagkasirang espirituwal.
Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo’y maging matigas ang puso.Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo’y unang sumampalataya. (Heb. 3:13–14)
Ang discipleship ay dapat na maging ordinaryong gawain ng mga mananampalataya. Maaari mong sabihin na ang Christianity ay higit pa sa discipleship, pero hindi ito mas mababa rito. Tayo ang tagapangalaga ng ating kapatid. Kasama ito sa ating job description.
Salin sa Filipino/Taglish ng “Disciple-Making Is Ordinary Christianity” na isinulat ni Erik Raymond; isinalin ni Marie Manahan.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

