1. Manalangin. Sinabi ni Jesus, “Walang makakalapit sa akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin” (Juan 6:44). Ang pagliligtas ay gawa ng Diyos, kaya dapat nating hingin sa kanya na gawin ito.  
  1. Magtanong at mag-udyok ng personal na pagninilay. Magtanong ng mahuhusay na mga katanungan na mag-uudyok sa mga tao na pagnilayan ang kanilang mga buhay, ang kanilang mga paniniwala, at ang iyong mga ipinapahayag. At pakinggan mo ang mga sagot nila! Tutulungan ka nito na mas maunawaan sila at ang kanilang mga iniisip. 
  1. Gamitin ang Bibliya. Kapag ginamit natin ang ating mga Bibliya para i-evangelize ang mga kaibigan natin, dapat nating ipakita sa kanila na hindi lamang mga personal na ideya ang ipinapahayag natin sa kanila—sinasabi natin sa kanila kung ano ang inihayag ng Diyos tungkol sa kanyang sarili, sa ating kasalanan, at sa kanyang Anak. 
  1. Maging malinaw. Kapag ginamit natin ang mga salita tulad ng “Diyos” o “kasalanan,” maaaring may magkakaibang ideya ang mga tao tungkol sa kahulugan ng mga iyon.  Kaya i-define mo ang mga mahahalagang termino tulad ng “kasalanan” at “pananampalataya.” Siguraduhing nauunawaan ng iyong mga tagapakinig kung ano ang eksaktong sinasabi mo sa kanila. 
  1. Gamitin ang church. Dapat talaga na imbitahin mo ang isang tao na ini-evangelize mo na dumalo sa iyong church para marinig niya ang gospel. Pero higit pa ang maibibigay ng church sa ating evangelism. “Kung kayo’y may pagmamahal sa isa’t isa, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko” (Juan 13:35). At sa Efeso 3:10, sinabi ni Pablo na ang church ay ang pagpapakita ng karunungan ng Diyos kahit sa mga makalangit na mga nilalang! Ang church ang dapat na real-life picture ng mensahe na iyong ipinapangaral, kaya imbitahan mo ang iyong mga non-Christian friends para makita iyon nang mabuti.  

(Ito ay mula sa aklat na The Gospel and Personal Evangelism ni Mark Dever, 60–68) 

Salin sa Filipino/Taglish ng What are some practical guidelines for evangelizing well? ni Marie Manahan.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply