Noong 2016, isinulat ni Greg Gilbert ang libro na may pamagat na Bakit Maaasahan ang Bible? upang kumbinsihin ang mga tao na ang pagtitiwala sa Bible ay hindi lamang para sa mga hangal na ginagawa kung anong ipagawa sa kanila. Hindi rin ito pagiging walang muwang o walang malay. Sa katunayan, ito nga ay ang kabaligtaran. Ang mga tunay na matatalino ay nagtataglay ng lahat ng ebidensya na kailangan nila. Sinulat namin ang study guide na ito sa isang simpleng dahilan: para tulungan ka sa pag-aaral ng librong Bakit Maaasahan ang Bible? Simple lang ang structure at goals. Isa lamang itong simpleng pagtingin sa bawat chapter ng libro, para mapilitan kang magdahan-dahan at pag-isipang mabuti ang iyong binasa.
Para kanino ito? Ang sinumang Kristiyano ay makikinabang mula sa libro ni Greg Gilbert at sa study guide na ito. Tutulungan ka nitong ipaliwanag ang pag-asa na mayroon ang mga Kristiyano. Nagtitiwala ako na tutulungan din nito ang mga hindi Kristiyano na gustong i-consider ang pinapahayag ng Bible at, higit sa lahat, ang kapahayagan ng muling nabuhay na Jesu-Cristo.
So paano mo gagamitin ang study guide na ito? Para lang ba sa personal na pag-aaral? Pwede. One-on-one ba? Pwede. Sa small groups? Oo naman! Sa madaling salita, hindi na mahalaga kung paano. Umaasa kami na gamitin ito ng mga nakatatandang miyembro ng church para i-disciple ang mga bagong Kristiyano, at ang mga Kristiyano ay gamitin ito para ibahagi ang ebanghelyo sa mga hindi Kristiyano. Bukod pa roon, sinong nakakaalam? Ang Diyos ay napaparangalan habang inaani ng kanyang mga anak ang binhing itinanim ng gospel. Hindi babalik sa kanya ng walang laman ang kanyang mapagkakatiwalaang salita.
Nawa’y ipagkaloob ng Diyos sa marami ang mga mata na makakakita, mga tainga na makakarinig, at mga puso na mananampalataya. – Alex Duke
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

