Makakatiyak ba tayo na yung Bible na binabasa natin sa sariling lenggwahe natin ay tumpak sa sinasabi ng orihinal na mga sumulat?

Mas madali ang pagtukoy kung ang Bible nga ay historically reliable kapag ang unang wika natin ay mga sinaunang Hebrew, Aramaic, o Greek. Ngunit hindi ito totoo para sa karamihan sa atin. Ibig sabihin nito, kailangan nating alamin kung ang mga tagasulat ba ng Bible ay mapagkakatiwalaan at ang mga tagakopya ay tumpak sa kanilang pagkopya. At kailangan din naman nating malaman kung tama ang pag-translate ng mga Bible na meron tayo sa English o sa Tagalog.

Ilang taon ang kinakailangan para mag-translate ng kahit anong proyekto. Una, kinakailangan na maintindihan ang mga salita at grammar ng wikang basehan ng pagsasalin at wikang sasalinan. Pagkatapos, kinakailangan na hanapin ang tamang salita na tutugma sa ibig sabihin ng orihinal na wikang isasalin. Sa madaling salita, ang pagsasalin ay ang pag-intindi ng salita o pangungusap sa orihinal na wika at pagsasabi nito gamit ang ibang mga salita na maiintindihan ng iba.

Mukhang mahirap na gawain ito.

Ang mga nagsasalin—Bible man ito o ibang mga literature o iba pang pagsasalin sa ating global society—ay mga bayani. Ang punto ko ay hindi kung madali ba o mahirap ang pagsasalin. Ang punto ko ay ito, na posibleng gawin ang pagsasalin. Posibleng magkaroon ng tunay, tumpak, at tamang komunikasyon kahit sa pamamagitan ng isang translation.

Ang mga nagsasalin—Bible man ito o ibang mga literature o iba pang pagsasalin sa ating global society—ay mga bayani.

Ibig sabihin nito, walang pwedeng tumutol sa pagkahistorical ng Bible dahil hindi Greek o Hebrew ang binabasa natin. Maraming mga experts ang nag-aaral ng Greek, Hebrew, Aramaic, at English (o Tagalog) sa mahabang panahon na. Sila ay mayroong kakayahan na mag-translate ng tumpak at tama galing sa mga sinaunang wika na ito.

Kung totoo na maaaring maging tumpak at tama ang pagsasalin ng Bible, bakit naman napakaraming iba’t ibang translations o versions ang Bible? Kapag pumunta ka sa kahit anong Christian bookstore, makikita mo ang iba’t ibang versions. Sa English, nandiyan ang King James Version (KJV), the New King James Version (NKJV), at ang Revised Standard Version (RSV). Makikita mo rin ang Christian Standard Bible (CSB), ang English Standard Version (ESV), ang New Living Translation (NLT), at ang New International Version (NIV).

Ito ba ay dahil iniisip nung mga nagsalin ng ESV na mali ang pagsasalin ng NIV? Dahil ba yung committee na gumawa ng KJV ay nagkamali kaya kinakailangang itama ito ng mga nagtranslate ng RSV?

Sa madaling salita, ang sagot sa mga tanong na ‘yan ay “hindi.”

Pero hindi ba’t sobrang magkakaiba ang pagsasalin nila to the point na hindi natin kayang malaman kung ano talaga ang original na mensahe ng mga nakasulat? Magandang tanong ito. Pero sa katotohanan, kahit magkaibang salita ang ginagamit sa magkaibang translations ng mga salitang Greek o Hebrew, hindi automatic na magkakaroon ka agad ng pagdududa kung ano ba talaga ang original na sinasabi ng Bible.

Ang punto ko ay ito: ang pagkakaiba ng mga translations ay hindi pumipigil sa ating pag-intindi ng orihinal na mensahe. Sa katunayan, ang pagbabasa ng dalawa o tatlong magkakatabing translations ay nakakatulong pa nga sa pagkumpleto ng larawan kung ano ang sinasabi sa bahaging iyon ng Bibliya.

Gayunpaman, malinaw na hindi lahat ng talata sa Bible ay ganoon kasimple. Mayroong ibang mga salita o phrases na talagang mahirap isalin. Sa ganitong mga sitwasyon, hindi talaga magkakasundo ang iba’t ibang mga translators. Ngunit kahit sa mga pagkakataong ganito, dapat nating panghawakan ang ilang kaisipan:

  1. Napakaliit lamang ng porsyento ng mga salita o phrases sa Bible ang hindi talaga napagkakasunduan ng mga experts o scholars ng Bible. Ang mga ganitong cases ay maliit na bahagi lamang ng isang book (o chapter) sa Bible.
  2. Kapag merong hindi pagkakasundo o pag-aalinlangan sa pag-translate, babanggitin ito ng pinakamahusay na mga translations ng Bible sa mga footnotes (sa ibabang margin ng pahina ng Bible), kung saan ipinapaalam ng mga nagsalin sa mga mambabasa na merong ibang posibleng translation. Halimbawa, sa ESV ay nakasulat na “ang kahulugan sa Hebrew (o Greek) ay hindi sigurado.” Ang punto ko ay ito: hindi nais ng mga tagasalin na manlinlang o manloko. Sa katunayan, hindi nila magagawang manloko kahit nais pa nilang gawin ito.
  3. Dahil sa dami ng mga pagsasalin na gawa ng mga scholars, matutulungan ang mga nagbabasa na makita at malaman—at iwasan—ang mga translations na sinasadyang manlinlang at baguhin ang mensahe sa kanilang pagsasalin. Halimbawa, sa pag-translate ng New World Translation (NWT) ng Jehovah’s Witnesses sa John 1:1 na “And the Word was a god,” nakakatulong na malaman na lahat ng ibang mga versions ay isinalin ito na “and the Word was God.” Malinaw na merong ginagawa ang NWT dito na hindi ginagawa ng ibang mga tagasalin. Kapag matagal ka nang nakapag-aral ng Greek para matutunan ang tamang paggamit ng mga articles (a, an, at the sa English, o isang at ang sa Tagalog), mapupunta ka sa kaparehas na conclusion na sinadya nga talagang ibahin ng NWT ang kanilang pagsasalin para tumugma ito sa kanilang doktrina.
  4. Kapag nakita natin at tinanggihan ang mga sinadyang maling pagsalin kagaya ng nabanggit sa taas, maaari nating masabi with confidence na walang primary doctrine sa Christianity na nakadepende sa pinagtatalunan o hindi tiyak na pag-translate ng mga orihinal na wika ng Bible. Alam natin kung ano ang talagang sinasabi ng Bible, at ano ang kahulugan nito.

Maaari nating masabi with confidence na walang primary doctrine sa Christianity na nakadepende sa pinagtatalunan o hindi tiyak na pag-translate ng mga orihinal na wika ng Bible.

Pero mayroon pang isang tanong na kailangang sagutin. Bakit nga ba mayroong iba’t ibang translations ang Bible? Kung (1) ang importanteng mga bahagi ng teksto na hindi napagkakasunduan ay bihira lamang at (2) walang importanteng doktrina ang naaapektuhan, bakit pinagkakagastusan at pinagkakaabalahan ng marami na gumawa ng iba’t ibang mga translations? Ito ay isang magandang tanong. At ang sagot ay may kinalaman sa paraan kung paano ginagamit ng iba’t ibang mga tao ang kanilang Bible.

Pag-isipan mong mabuti. Ang Bible ay ginagamit ng maraming tao para sa kanilang personal na pagsamba, para sa preaching, at para sa mga Bible studies. Ang iba naman ay ginagamit ang Bible para sa mataas na antas ng pag-aaral. Pag-aaralan nila ito para sa mga discussions tungkol sa doktrina, at para sa pagtatanggol ng pananampalataya. Sa katunayan, karamihan sa mga gawain na ito ay hindi nangangailangan ng mahigpit na word-for-word translation galing sa original na Greek o Hebrew. Sa totoo lang, ang word-for-word translation ay nakakadismaya.

Oo naman, maaari mo itong maintindihan at marahil ang ganitong klaseng literal na word-for-word translation ay kapakipakinabang kung ikaw ay gumagawa ng scholarly o academic na pag-aaral ng Bible. Pero bakit ka magtitiis magbasa ng ganito kung ang gusto mo lang naman ay basahin ang Bible habang umiinom ng kape sa umaga?

‘Yan ang dahilan kung bakit merong iba’t ibang klase ng pagsasalin—para sa iba’t ibang paggamit ng Bible. Minsan ang isang literal na word-for-word translation sa orihinal na wika ang eksaktong kinakailangan mo. Pero minsan, ang gusto mo ay
ang salin na mas madaling basahin at madaling maintindihan. Kaya ang ibang mga translation ay phrase-for-phrase ang pag-translate o thought-for-thought (sa halip na word-for-word). Sinusundan nito ang grammar o pagsasaayos ng salita sa English (o Tagalog) kaysa sa pagsasaayos ng salita sa Greek o Hebrew.

Sa pangkalahatan, ito ay pagsasalin ng kaisipan mula sa orihinal na wika na madaling maunawaan ng mambabasa sa English (o Tagalog). Sa ibang salita, ang layunin ng bawat isang translation ng Bible ay pagbabalanse ng accuracy at readability. Ang ibang committee ng pagsasalin ay nakatuon sa accuracy ngunit nasakripisyo naman nito ang readability. Yung iba naman, layunin nila na madaling mabasa ang kanilang translation ngunit kinakailangan nilang i-adjust nang kaunti ang pagsasaayos ng mga salita mula sa orihinal na wika para ito ay maunawaan sa English (o Tagalog).

Ang layunin ng bawat isang translation ng Bible ay pagbabalanse ng accuracy at readability.

Sana ay makita mo ang punto ko sa lahat ng ito. Walang bagay sa pag-translate ng Bible ang maaaring magbigay ng pagdududa sa sinasabi nito sa orihinal na lenggwahe. Sa katunayan, alam natin kung ano ang sinasabi nito, at kakaunti lamang ang mga parte kung saan hindi nagkakasundo ang mga scholars. Ang pagsasalin ng Bible ay maaaring magawa nang tama, at ito ay dati nang paulit-ulit na naisalin nang tama.


Hango sa librong isinulat ni Greg Gilbert, Bakit Maaasahan ang Bible (Baliwag City, Philippines: Treasuring Christ PH, 2023), pp. 32-44. Salin sa Filipino/Taglish ng Why Trust the Bible? (Wheaton, IL: Crossway, 2015), isinalin ni Lee Jared Garcia. Featured image by Elite Inception Co on Unsplash.

Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng nababasa mo. Alam natin ‘yan. So, bakit maaasahan ang Bible? Para sagutin ‘yan, kailangang masagot ang ilan pang mga katanungan. Historically reliable ba ito? Accurate ba ang mga Bible translations? Accurate ba ang pagkakopya sa mga orihinal? Itong mga orihinal nga ba ang dapat na nasa Bible? Kapani-paniwala ba ang mga orihinal na sumulat? Nagkamali ba ang mga orihinal na sumulat? Ano ang dahilan mo para maniwala?

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply