Ang biblical theology ay isang paraan ng pagbabasa ng Bibliya. Ito ay isang hermeneutic. Ipinapalagay nito na ang maraming mga authors at maraming mga libro sa Bibliya ay nagsasalaysay ng isang kuwento ng isang divine author—tungkol kay Cristo.

Parang medyo academic ang dating? Ganoon nga, ngunit…

Ang disiplina ng biblical theology ay mahalaga sa pagbabantay at paggabay sa inyong church. Binabantayan nito ang mga churches laban sa maling kuwento at maling landas o tunguhin. Ginagabayan nito ang church tungo sa mas mahusay na pangangaral, mas mahusay na mga kasanayan, mas mahusay na landas o tunguhin.

ANG BIBLICAL THEOLOGY BILANG BANTAY NG CHURCH

Isipin mo, halimbawa, ang theological liberalism. Binabago nito ang salaysay ng kaligtasan bilang gawain ng Diyos na pagtagumpayan, halimbawa, ang kawalang katarungan sa ekonomiya o ang makasariling pulitikal na paniniwala. Ang gayong mga redemptive storylines ay maaaring hindi lahat mali, ngunit ipinaaalala nito sa akin kung paano isasalaysay ng isa sa mga anak kong babae ang kanyang pakikipag-away sa kanyang kapatid. Magsasalita siya ng totoo, ngunit hindi rin niya ipapaalam ang lahat ng detalye, iibahin niya kung ano ang dapat na bigyang-diin, at gagawa siya ng hindi nakakakumbinsing mga paliwanag. Ganoon din ang nangyayari sa mga salaysay ng liberalism at sa gospel storyline ng Bibliya.

At ganoon din sa Roman Catholicism, kung saan ang mga pari at sakramento ay gumaganap ng isang mediatorial role o tungkuling tagapamagitan na may mabigat na paghilig sa lumang tipan.

O sa prosperity gospel, na kumukuha rin ng mga elemento mula sa lumang tipan patungo sa bagong tipan, ngunit iyon lamang tungkol sa mga pagpapala.

Hindi dinadala ng ibang grupo ang nangyari nang pagliligtas patungo sa kasalukuyan, sa halip ay dinadala nila ang mangyayaring pagliligtas sa hinaharap patungo sa ngayon. Nagkaroon ng panahon na naisip ng mga perfectionist Anabaptists na maaari nilang dalhin ang langit sa lupa nang ganoon kabilis. Sinubukan ito ng mga progresibong liberal isang siglo na ang nakalilipas. Ngayon ay iyon namang mga gustong-gusto na mabago ang kultura ang nag-aalok ng mga di-gaanong malinaw na muling pagsasalaysay.

Mahaba ang listahan, kung ang iniisip man natin ay ang mga kultong “Kristiyano” tulad ng Mormonismo at mga Saksi ni Jehovah, o ang mga kilusan sa loob ng mga churches tulad ng social gospel, liberation theology, American messianism, o ilang anyo ng fundamentalist separatism. Ang ilan ay mas mainam, ang ilan ay mas malala.

Ito ang punto rito: ang mga imbalanced (o false) gospels at imbalanced (o false) churches ay itinayo sa hindi pinag-isipang “proof texts” o sa buong kuwento na tuluyan nang nabaluktot. Maaaring mali ang ginawa nilang pagkonekta sa mga pangunahing tipan ng Bibliya; o lumabis sila sa continuity o sa discontinuity; o bigo silang kilalanin ang type mula sa antitype; o kulang sila sa realisasyon o sobra sa realisasyon ng kanilang eschatology. Siguro ay nangangako sila ng langit sa lupa ngayon; siguro ay binabalewala nila ang buhay espirituwal ngayon.

Sa alinman dito, ang hindi tama o hindi balanseng biblical theologies ay nagpapahayag ng isang masama o hindi balanseng gospel, at ang gayong mga gospels ay nagtatayo ng masama o hindi balanseng mga churches.

Samantala, ang mabuti o tamang biblical theology ay nagbabantay sa gospel at sa church. “Ang isang matatag na biblical theology ay nagnanais na pangalagaan ang mga Kristiyano laban sa mga pinakamalalang reductionisms,” sabi ni D. A. Carson.

Ibig sabihin, trabaho ng mga pastor (i) na alamin ang mabuti o tamang biblical theology at (ii) magkaroon ng pagkaunawa sa hindi tamang mga biblical theologies na nakakaapekto sa mga taong pumapasok sa kanyang church. Ngayon, marami sa mga taong iyon ang naimpluwensyahan na ng ilang version ng prosperity gospel. Pwede mo bang ipaliwanag kung bakit masama ang gatas na ‘yan? (Para sa tulong, tingnan dito at lalo na dito.)

ANG BIBLICAL THEOLOGY BILANG GABAY NG CHURCH

Ngunit ang biblical theology ay hindi lamang isang bantay, ito ay isang gabay—isang gabay sa mabuting pangangaral, mahusay na pag-abot at pakikipag-ugnayan sa iba, mahusay na pagsamba bilang isang church, mahusay na mga church structures, at sa matatag na buhay Kristiyano.

Isang Gabay sa Mabuting Pangangaral

Kapag umupo ka upang pag-aralan ang isang teksto at maghanda ng isang sermon, ang biblical theology ang pumipigil o nag-iiwas sa iyo mula sa proof texting o sa pagsasabi ng isang hindi balanseng story of redemption.

Inilalagay nito ang bawat teksto sa tamang canonical context, at tinutulungan kang makita kung ano ang kinalaman ng iyong teksto sa persona at gawa ni Cristo. Iniiwasan nito ang moralismo upang ang ipangaral ng isang tao ay Christian sermons. Tama ang pag-uugnay nito sa indicative (mga statements na nagsasabi ng mga katotohanan) at imperative (mga statements na nagsasabi ng mga dapat nating gawin), at sa pananampalataya at mga gawa. Nagtuturo ito ng evangelistic exposition. Tinitiyak nito na ang bawat sermon ay bahagi ng malaking kuwento.

In short, pastor, kailangan mo ng biblical theology para gawin ang pinakamahalagang bagay sa trabaho mo: mangaral at magturo ng Salita ng Diyos. Para sa iba pa tungkol dito, tingnan ang “Biblical Theology and Gospel Proclamation” ni Jeramie Rinne.

Isang Gabay sa Mabuting Pag-abot at Pakikipag-ugnayan sa Iba

Sa ating pag-iisip tungkol sa outreach at pakikipag-ugnayan ng isang church sa mundo sa labas, binabalanse nang tama ng biblical theology ang mga expectations natin sa pagitan ng pagiging labis nito (over-realized eschatology) o kaya naman ay kakulangan o pagkakaroon ng napakaliit na expectation (cheap grace, easy-believism, belonging-before-believing, hindi pangangaral ng imperative).

Ang mabuting biblical theology ay hindi mangangako ng ating pinakamahusay na buhay ngayon (kung nangangahulugan man ito ng kalusugan at kayamanan, pagbabago ng siyudad, pagkakamit ng pabor ng mga taong mataas sa lipunan, o pagbawi sa America). Ngunit hindi rin ito nag-aalangan na makisali sa kultura at hanapin ang kabutihan ng siyudad sa ministeryo ng paggawa ng mabuti alang-alang sa pagmamahal at katarungan.

Ginagawa nitong pangunahin ang word outreach (evangelism at missions), ngunit hindi nito pinaghihiwalay ang salita at gawa. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay para sa patotoo at misyon ng church, tulad ng malinaw na sinasabi ng kuwento mula kay Adan hanggang kay Abraham hanggang sa Israel hanggang kay David hanggang kay Cristo hanggang sa church.

Isang Gabay sa Mabuting Pagsamba Bilang Isang Iglesya

Normal o karaniwan ba para sa mga pagtitipon sa church ang ginawa ni David na ark-of-the-covenant dance na halos nakahubad na? Hindi? Paano naman ang tungkol sa insenso na ginagamit ng mga pari sa Lumang Tipan, o ang paggamit ng mga instrumento at mga choirs, o “paggawa ng mga sakripisyo” para sa iba’t ibang mga pista, o ang pagbabasa at pagpapaliwanag ng teksto sa Bibliya? Ang tamang biblical theology ay tumutulong upang masagot kung ano ang dadalhin sa panahon ng bagong tipan at kung ano ang iiwan sa lumang tipan.

Marami ang nakasalalay, muli, sa kung paano inuunawa ng isang tao ang mga tipan o covenants at ang kaugnayan ng mga ito, ang pagtingin o paggamit ng isang tao sa continuity (kung ano ang nagpapatuloy) at discontinuity (kung ano ang hindi nagpapatuloy), at ang pag-unawa ng isang tao sa katuparan ng gawain ni Cristo. Depende rin ito sa pagkaunawa ng isang tao sa kung ano ang pinahihintulutang gawin ng nagkatipong iglesya ni Cristo.

Pastor, ang lahat ng ito ay maaaring academic ang dating, ngunit ang iyong mga gawi ay nakasalalay sa ilang biblical theology. Ang tanong, napag-isipan mo na ba kung anong biblical theology ito?

Para sa higit pa tungkol dito, tingnan ang artikulo ni Bobby Jamieson na “Biblical Theology and Corporate Worship.”

Isang Gabay sa Mabuting Kaanyuan o Kaayusan sa Church

Ganoon din naman, nire-require tayo ng storyline ng Scripture na bigyang-pansin ang mga bagay tungkol sa continuity at discontinuity sa kung paano natin io-organize ang ating mga churches. Kung tungkol sa continuity, ang bayan ng Diyos ay palaging may konsepto ng loob at labas, na nangangahulugang kailangan nating i-practice ang membership at discipline. Patungkol naman sa discontinuity, ang mga pinuno ng bayan ng Diyos ay nagkaroon ng malaking pagbabago mula sa lumang tipan patungo sa bago. Una, ang lahat ng kabilang sa bayan ng Diyos ay nagiging pari. Ikalawa, ang mga elders ay undershepherds na siyang nagpapakain sa kawan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.

Walang duda, ang tanong kung sino ang maaaring maging miyembro ng church ay nakasalalay sa biblical theology. Ang pagiging miyembro ba ay para lamang sa mga mananampalataya, o sa mga mananampalataya at kanilang mga anak? Depende ito sa kung anu-ano ang kasali sa nakikita mong continuity at discontinuity sa pagitan ng pagtutuli at bautismo.

Isang Gabay sa Matatag na Buhay Kristiyano

Bilang panghuli, nararapat isaalang alang ang kahalagahan ng biblical theology para sa matatag na buhay Kristiyano, at kung paanong ang buhay na iyon ay nakakonekta sa local church.

Sa kuwento ng exodus, ang pagliligtas ay bilang isang grupo (corporate). Pero sa Bagong Tipan, indibidwal ang pagliligtas, tama?

Well, depende ito sa kung paano nauunawaan ng isang tao ang kaugnayan sa pagitan ng luma at bagong tipan, at kung ano ang naisakatuparan ni Cristo sa bagong tipan. Maaari bang hindi ipaglaban o pangatwiranan ng isang tao na ang pagkakaroon ng isang pinuno ng tipan (covenantal head) ay nangangailangan ng mga mamamayan o bayan ng tipan (covenantal people) (tingnan sa Jer. 31:33; 1 Ped. 2:10)? Bukod pa rito, tila sinasabi ni Pablo na ang naghihiwalay na pader ng pagkakahati sa pagitan ng Judio at Gentil ay nagiba at na ang “isang bagong tao” ay nilikha sa sandaling iyon din na ang mga makasalanan ay nakipagkasundo sa Diyos (Efe. 2:11–22; para sa iba pa tungkol sa mga corporate aspects ng conversion, tingnan dito).

Kung totoo na ang kaligtasan sa Bagong Tipan ay nakatuon sa mga tao (a people) sa bawat bahagi tulad ng sa Luma, kahit na ang karanasan ng bawat indibidwal sa kaligtasang iyon ay nangyayari sa iba’t ibang panahon at hindi magkasama tulad ng sa exodus, kung gayon ay makikita na tila ang buhay ng Kristiyano ay fundamentally corporate. At ang paglago ay corporate. At ang buhay sa pananampalataya ay corporate. Si tatay ang umampon sa akin, pero inampon niya ako sa isang pamilya, kaya ang pagiging anak niya ay nangangahulugang maging kapatid nila.

Well, ang corporate reality na ito ay may hindi mabilang na implikasyon para sa lahat ng bagay sa pagtuturo, fellowship, at kultura ng isang church. Ang pangunahing mithiin para sa pagkakaroon ng local church—kung tama ang talaang ito ng biblical theology—ay ang maging isang church. Ito ay ang maging bagong pamilya, bagong bayan, bagong bansa, bagong kultura, bagong katawan. Ang malaking espirituwal na paglago ay hindi tungkol sa ginagawa ko sa aking quiet time; ito ay kung paano ko kinukuha at isinasabuhay ang aking bagong pagkakakilanlan bilang bahagi o kabilang sa isang pamilya.

Sa kabilang banda, madaling isipin ang isang biblical theology na labis na binibigyang-diin ang indibidwal kahit na mabalewala ang katawan (tulad ng maaaring gawin ng ilang mga conservative theologies) o labis na binibigyang-diin ang mga kaanyuan o kaayusan na pang-corporate at panlipunan na hindi na nabibigyang-pansin ang indibidwal na responsibilidad (tulad ng ginagawa ng ilang mga liberal theologies).

Bukod dito, ang iyong pag-unawa sa kuwentong iyon ay tumutulong sa iyo na malaman kung ano ang aasahan sa iyong kapwa miyembro: kung gaanong kabutihan, kung gaanong tagumpay laban sa kasalanan, kung gaanong espirituwal na pagpapagaling para sa biktima ng injustice, kung gaanong pagpapanumbalik sa mga nasirang relasyon. Ang hugis ng kuwento sa Bibliya—ayon sa pagkaunawa mo—ay huhubog sa iyong pagtingin sa trahedya at kasamaan at katuwiran kapag naranasan mo ito sa iyong buhay at sa iba.

Sa madaling salita, ang isang tamang biblical theology ay humahantong sa isang narito na/hinihintay pa (already/not yet) na pagtingin sa buhay Kristiyano. Madaling magkamali kung labis na magfo-focus sa “narito na” o kaya ay sa “hinihintay pa.”

Ito ang bottom line: ang isang tamang biblical theology ay nag-aalok ng isang mapagkakatiwalaang gabay sa buhay Kristiyano, partikular na kung paanong ang buhay na iyon ay nauugnay sa local church. At binabantayan nito ang church laban sa mga maling pagbibigay-diin, mga maling expectations, at isang maling ebanghelyo.


Salin sa Filipino/Taglish ng “How Biblical Theology Guards and Guides Churches” na isinulat ni Jonathan Leeman.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply