Ito ay isang mahirap na tanong dahil maraming naglalaban na mga prinsipyo tungkol dito.

1. Masusukat ba natin ang mga supernatural na bunga?

Ang mga supernatural na bunga ay hindi laging nasusukat.

2. Magkatumbas ang success at faithfulness.

Isa dapat sa pinakaimportanteng pamantayan natin ng success ay ito: kung ang isang lingkod ng Diyos ay tapat o hindi tapat na ipinapahayag ang Salita ng Diyos at namumuhay ayon dito.

3. Higit pa sa bilang ng attendance.

Hindi sapat na batayan ang bilang ng mga taong dumadalo sa church. Higit sa lahat, dapat isaalang-alang kung ang mga miyembro ba ay lumalago sa kabanalan, kung nadaragdagan ba ang mga leaders ng church, kung gaano karaming mga miyembro ang umaalis para magmisyon, at iba pa. Ang mga aspetong ito ay mas maganda at mas malawak, at kadalasan ay mas mainam pa na mga indikasyon ng faithfulness at success sa ministry ng isang tunay na mananamplataya.

4. Ang success sa ministry ay hindi laging nakikita.

Ang isang tapat at matagumpay na ministry ay hindi laging nagpapakita ng halata at agarang bunga. Sa karanasan ni Adoniram Judson, sa loob ng pitong taon, wala siyang nakitang conversion. Bukod dito, kadalasan, ang unang tugon para manampalataya ay maaaring mapatunayan na lubhang mapanlinlang sa paglipas ng panahon (Mateo 13:1-23). Gaano ba karaming “bunga” ang nakita ni Jeremias? 

5. Ngunit ang mga nakikitang bunga ay dapat bigyang-pansin.

Nagbibigay ang Diyos ng iba’t ibang mga kaloob sa iba’t ibang mga tao. Ang isang tao ay posibleng magtrabaho nang tapat sa isang tungkulin kahit wala siyang kaloob o kakayahan para gawin ito. Sa ganitong sitwasyon, mayroong makikitang maliit na bunga, na kailangang isaalang-alang sa evaluation ng kanyang pangmatagalang plano at suporta. Hindi lahat ng mananampalataya ay dapat humiling sa church ng pinansyal na suporta sa kanilang full-time ministry. Ang nakikitang bunga ay bahagi ng pagsasaalang-alang na iyon.

6. Ano ang pinakapunto?

Higit sa lahat, ang ibig sabihin ng success sa ministry ay faithfulness, ngunit ang pagsusumikap na suriin nang may pagpapakumbaba at may pag-iingat ang bunga ng ministry ng isang tao ay dapat may ginagampanang papel sa pagtimbang ng success sa ministry.


Translated by Adriel Manansala from the original 9Marks article, “What is success in ministry? How can it be measured?”

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply