Narito ang ilang mga basic resources na pwede mong basahin o pakinggan para magpatuloy na makilala ang Diyos at lumago sa relasyon mo sa Diyos at sa ibang tao. Makakatulong din ang mga ito kung gusto mong samahan ang iba sa panimula ng kanilang paglalakbay sa pananampalatayang Kristiyano.
Bakit Maaasahan ang Bible?

Dahil nasa Bible ang mga kailangan nating malaman tungkol sa pananampalatayang Kristiyano, dapat nating tanungin: Bakit natin dapat pagkatiwalaan ang Bible? Ang librong ito ay isinulat para matulungan ang mga non-Christians at maging ang mga matagal nang Kristiyano para maunawaan kung bakit maaasahan ang Bible bilang Salita ng Diyos.
Sino si Jesus?

Anuman ang iniisip mo tungkol kay Jesus, hindi maitatanggi ang kahalagahan at epekto ni Jesus sa kasaysayan ng mundo. Maraming nagsasabi na kilala nila si Jesus, pero tama nga ba ang pagkakilala nila kay Jesus? Ang librong ito ay isinulat bilang maikling panimula tungkol sa kung sino si Jesus, ano ang mensahe niya, ano ang ginawa niya, at ano ang kahalagahan niya sa buhay natin.
Ano ang Gospel?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga Kristiyano kapag binabanggit nila ang gospel? Tinatalakay sa librong ito ang pangunahing balangkas ng mabuting balita ni Cristo—kung sino ang Diyos, ano ang problema ng tao, paanong si Cristo ang solusyon, at paano tayo makakasama sa solusyong iyon. Tinatalakay rin dito ang kapangyarihan ng gospel na bumago sa buhay natin, sa church natin, at sa buong mundo.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

