Strive to Enter through the Narrow Door

You are Here: Home / Sermons / Following Jesus the Lord of All / Sermons 31-41 / Strive to Enter

September 18, 2011 | By Derick Parfan Scripture: Luke 13:22-30

Watch Now

Listen Now

Downloads

Ito na ang last sermon sa series natin na Following Jesus the Lord of All. Puwede na sana nating tapusin ang series sa huling utos ni Jesus bago siya umakyat sa langit na nakita natin last week, “Go and make disciples of all nations…” (Matt. 28:18-20). Pero meron akong dahilan bakit may kailangan pa tayong pag-usapan. Ang Great Commission ay pansamantala lang at matatapos sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Hindi ba’t mahalagang tanungin natin ang sarili natin, “Sa pagbabalik ba ng Panginoong Jesus o ‘pag namatay ako, alin man ang mauna sa dalawa, sigurado ba akong makakasama ko ang Dios sa kanyang kaharian sa langit? Paano kung hindi? Paano ako ngayon makasisigurado?”

The Big Question: “Will I Make It to the End?”

Preoccupied tayo sa mga small-time questions. Makakatapos kaya ako ng pag-aaral? Matatapos ko kaya ang project na ipinapagawa ng boss ko? Matatapos pa kaya ang problema naming mag-asawa? Matatapos pa kaya ang mga bayarin ng mga utang ko? Matatapos kaya ang ipinapagawa naming bahay? Mahahalagang tanong, pero hindi hindi kasing halaga ng mga tanong na may kinalaman sa kaligtasan o sa kaharian ng Dios, na bihira siguro nating naitatanong sa mga ordinaryong araw.

Minsan may nagtanong kay Jesus, Luke 13:23, “Lord, will those who are saved be few?” Karaniwan sa mga Judio ang paniniwala na ang kaharian ng Dios ay exclusive sa mga Judio, ang bayang pinili ng Dios. Iilan lang ang mga taong di-Judio na makakapasok sa langit. Nagtatanong siya tungkol sa plano ng Dios sa mga huling araw, nagtatanong siya kung kaunti ba o marami ang maliligtas.

Ang sagot ni Jesus ay isang utos na dapat niyang gawin, “Strive to enter through the narrow door” (v. 24). Hindi niya sinagot ng direkta ang nagtanong sa kanya. Sa isang banda sinasabi niyang kaunti kasi maraming tao ngayon ang sumusunod sa sarili nilang paraan, sa sarili nilang relihiyon, at makipot ang daan patungo sa kaharian ng Dios. Sa isang banda, sinasabi din niya na marami kasi hindi ito limitado sa mga Judio kung sa iba’t ibang dako ng mundo ay manggagaling ang mga magmamana ng kaharian ng Dios. Sa halip na sagutin ng diretsa ang tanong, nagbigay siya ng warning na parang sinasabi niya na, “Mas dapat na itanong mo, paano ka makatitiyak na ikaw ay ligtas, na ikaw ay nasa kaharian ng Dios, na sa pagdating ng huling araw ay hindi ka haharap sa hatol na parusa ng Dios?” That’s the big question, “Will I make it to the end? How will I make it to the end?”

Striving to Make It to the End

Sa halip na itanong kung kaunti ba ang maliligtas, dapat itanong niya, “Kasama ba ako sa mga maliligtas?” o “Paano ako makatitiyak na ligtas?” At kung iyon man ang itinanong niya, pansinin ninyo hindi sinabi ni Jesus, “Pray the sinner’s prayer, pumirma ka sa membership ng church, magpabaptize ka, lumapit ka sa altar, maging active ka sa church, maging relihiyoso ka.” Rather, Jesus tells us, “Strive to enter through the narrow door” (v. 24).

Ang pintuang tinutukoy niya dito ay ang pintuan ng kaharian ng Dios. Dapat nating pagsikapan na makapasok dun. Ang salitang “strive” o “magsumikap” ay galing sa salitang agonizomai. Dito galing ang word natin na agony na isa sa mga ibig sabihin ay “intense struggle” bago mamatay, violent struggle or contest (Merriam-Websters). Ang sense ng utos na ito ay iyong patuloy at hindi tumitigil na pakikipaglaban hanggang magtagumpay, pagtakbo hanggang makarating sa finish line, hindi hihinto kahit mahirap.

Walong beses lang itong ginamit sa NT at anim nito ay sulat ni Pablo. Nagpapakita ito ng katiyagaan hanggang makamtan ang isang bagay (tulad ng panalangin ni Epaphras sa mga taga-Colosas, Col. 4:12). Buong lakas na pagsisikap, hanggang sa abot ng makakaya (tulad ng pangangaral ni Pablo sa ebanghelyo, Col. 1:29; 1 Tim. 4:10). Pagtakbo ng isang atleta na hindi hahayaang ang mga bagay ay makahadlang para matapos ang takbuhin (1 Cor. 9:25; 2 Tim. 4:7). Parang isang digmaan na hindi hihinto sa laban hangga’t hindi tapos, hangga’t hindi nagtatagumpay (1 Tim. 6:12; 2 Tim. 4:7). Gagawin natin ang lahat ng dapat nating gawin, sa abot ng ating makakaya, para makarating sa kaharian ng Dios.

Hindi ba’t ganoon naman sa buhay? Kapag may gusto kang maabot, sinisikap mong maabot. Hihinto ka ba sa pag-aaral at hindi na magrereview pag may exam kung gusto mong makatapos? Kung gusto mong matapos ang ipinapagawa mong bahay, hindi ba’t magsisikap kang magtrabaho para may maipantapos nun? Ang buhay Cristiano ay isang takbuhin na dapat nating tapusin, dapat makarating sa finish line. Hindi pasyal-pasyal lang. Parang giyera na dapat gawin ang lahat para magtagumpay, hindi basta nakatayo lang at hinihintay na tamaan ng bala. Kundi lumalaban. Hindi sumusuko. Hindi ito isang basketball game na OK lang na manalo o matalo basta mag-enjoy. Hindi ito entertainment na kapag nagsawa na ay hahanap ng iba. This is a war we need to win, a race we need to finish.

The Necessity of Striving

Bakit ganito dapat ang buhay Cristiano? Bakit patuloy na pakikipaglaban, pagsisikap, pagtitiyaga hanggang matapos? Malinaw na ito sa ilustrasyong ginamit niya na ang pintuan ng kaharian ng Dios ay masikip o makipot. Dalawa ang ibig sabihin nito. Ang isa, puwede lang tayong makapasok doon sa paraan ng Dios, hindi sa paraan ng tao. Ang paraan ng Dios ay ang pagtanggap sa biyaya niya sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo. Ang paraan ng tao ay sa sariling mabuting gawa. Ang pangalawang sense naman nito ay ang darating na araw na isasara na ang pinto at wala nang pagkakataon sa sinumang makapasok dito. Kaya hangga’t may pagkakataon pa, kailangang tumugon sa paanyaya ni Cristo.

Ang dalawang dahilan na ito ay mas ipinaliwanag pa ni Jesus. “Strive to enter through the narrow door. For many, I tell you, will seek to enter and will not be able” (v. 24). Nagbibigay siya dito ng dahilan na may force of warning. Babala kapag hindi nakatapos sa finish line ng buhay Cristiano. Wanting to go to heaven is not enough. Halos lahat naman kapag tinanong mo kung gustong mapunta sa langit sasabihin, “Siyempre, ayoko nga sa impiyerno.” Pero marami sa kanila hindi rin makakapasok kasi akala nila basta nagpray lang sila ng “prayer’s sinner” iyon na yun, tapos parang wala namang nagbago sa buhay nila. Parang isang tao na napasok sa trabaho, suweldo lang ang gusto, ayaw ng trabaho, hindi nagsisikap sa trabaho.

Halimbawa, papasok ka sa isang five-star hotel, tapos madungis ka, nakatapak, mabaho, siyempre hindi ka papasukin ng guard. Tapos sasabihin mo, “Kilala ko ang manager n’yo.” Ipinatawag ang manager, sinabi, “Hindi ko iyan kilala!” Ganun din ang maaaring mangyari pagharap na natin sa Dios. Verse 25, “When once the master of the house has risen and shut the door, and you begin to stand outside and to knock at the door, saying, ‘Lord, open to us,’ then he will answer you, ‘I do not know where you come from.’” Tawagin mo pa siyang “Lord,” sabihin mo pang kilala mo siya, pero hindi yun ang mahalaga. Ang mahalaga, kilala ka niya. Ang mahalaga ang tunay na relasyon sa kanya. Tinatanong mo ba ang sarili mo, “Pagharap ko kaya kay Jesus sa araw na iyon, sasabihin niya kaya, ‘Kilala kita’”?

O baka magprotesta ka pa, umapela. Verse 26, “Then you will begin to say, ‘We ate and drank in your presence, and you taught in our streets.’” Warning ito sa mga Judio nang panahon ni Jesus, mga nagsasabing “follower” sila pero hindi naman sincere. Nakasama si Jesus na kumain, narinig ang kanyang mga turo. Warning din ito sa atin. Sabihin mong involved ka sa ministry, active ka sa church, lagi kang umaattend ng mga gawain, member ka ng isang K-Group. Kapag nakita mo ang pastor mo na nasa langit, o ang K-Group leader mo, o ang kaibigan mo dito sa church, tapos ituro mo, “Lord, kilala ko po iyon. Lagi nga kaming may Bible study niyan sa bahay.” Ang kumpiyansa mo dahil member ka ng church o part ka ng religious community, may warning sa iyo. Verse 27, “But he will say, ‘I tell you, I do not know where you come from. Depart from me, all you workers of evil!’” Akala mo relihiyoso ka at mapupunta sa langit pero ano ang mararamdaman mong sabihan ka ni Jesus, “Lumayo ka sa akin! Masamang tao ka!”?

Ano ang mararamdaman mo kapag sinabi sa iyo iyon? Kapag nakita mo ang iba na nasa langit pero ikaw pinalabas? Ang mga Judio akala dahil sa pagiging Judio nila, dahil sa koneksiyon nila kina Abraham, Isaac, at Jacob at mga propeta, ay ligtas na sila. Ganito ang mararamdaman nila sa huling araw kapag nakita nilang mali sila sa kanilang akala, ganito rin ang mararamdaman ng lahat sa inyong akala ay ligtas pero hindi pala, verse 28, “Iiyak kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyo sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta na napabilang sa paghahari ng Dios, habang kayo naman ay itinaboy sa labas.”

Tapos makikita natin mo pa iyong mga tao pa na akala mo ay imposibleng mapunta sa langit, tapos sila pa iyong nandoon. Yung mga pinagpepray mong mga Muslim sa Niger (97.14% Muslim) sa Africa nalaman mong nakarating sa langit tapos ikaw na nagpray para sa kanila hindi. Nakita mong maraming tao ang kasalo sa isang napakasayang handaan at kainan sa kaharian ng Dios. Ano ang mararamdaman mo kapag nakita mo, verse 29, “ang mga hindi Judio (o ang mga inaakala mong malayo sa kaharian ng Dios) mula sa iba’t ibang dako ng mundo na kasalo sa handaan ng paghahari ng Dios”? Next week maraming tao dito sa church natin dahil anniversary celebration. Masayang kainan, tawanan, kumustahan. But that’s not important compared to the celebration in heaven. E ano kung nakikisalo ka sa kainan next week tapos hindi ka naman pala kasama sa kainan sa kaharian ng Dios?

So ang mahalaga ay hindi ang katayuan mo sa buhay ngayon, ang mahalaga ang magiging katayuan mo pagdating sa kaharian ng langit. Sa araw ng pagdating ni Cristo, marami ang magugulat. Verse 30, “And behold, some are last who will be first, and some are first who will be last.” May mga hamak sa harap ng tao ngayon na magiging dakila sa kaharian ng langit. Tulad ng mga mahihirap, mga walang pinag-aralan, mga mamamatay-tao, mga kasambahay. Bakit? Kasi nagsikap silang makapasok doon sa pamamagitan ng pagtalikod sa kasalanan, pagtitiwala kay Cristo, at patuloy na pagsunod sa kanya hanggang kamatayan. May mga tao naman na dakila sa harap ng mga tao ngayon na magiging hamak sa araw na iyon. Tulad ng mga mayayaman, mga amo, mga politiko, mga relihiyosong tao, mga pastor. Bakit? Kasi sa pangalan lang sila Cristiano, baptized nga pero walang totoong relasyon kay Jesus. Sumunod sandali pero bumalik din sa dati nilang pamumuhay, mukha ngang relihiyoso, pero sa puso walang pinagkaiba sa mga taong hindi nakakakilala kay Cristo.

Ito ang warning ng Panginoong kaya sinabi niyang, “Strive to enter through the narrow door.” The point? Dapat tayong magsumikap na makapasok sa kaharian ng Dios sa paraan ng Dios (hindi ng tao) hangga’t may pagkakataon pa (hindi kapag huli na ang lahat).

Enduring to the End

Magsikap na makapasok sa langit. Gagawin ang lahat, iiwanan ang kailangang iwanan, tatalikuran ang kailangang talikuran, mahirap man patuloy na susunod, marami mang pag-uusig hindi hihinto sa pagsunod, hindi magsasawa, magpapatuloy kay Cristo. Bakit? “But the one who endures to the end will be saved” (Matt. 24:13; 10:22). Sa ASD, “Ngunit ang mananatiling tapat hanggang sa wakas ay maliligtas.” If you don’t endure to the end, you will not be saved! If you believe in Jesus now, but later reject him or neglect him, you will not be saved. We are not talking about salvation by works. Salvation is by faith. True saving faith is a faith that endures, faith that perseveres to the end. We believe and continue believing and stay believing until the end. We follow Jesus now and we won’t stop following him no matter what. If you believe now or claim to follow jesus now, but later reject him or say that Jesus is not your treasure anymore, then you really don’t have saving faith. Maniwala ka mang sa langit ka pupunta, sa impierno pa rin ang bagsak.

Minsan akala natin ang salvation ay isang one time transaction. Kapag nagpray ka ng “pagtanggap” iyon na iyon, ligtas ka na. Kung totoo sa puso mo, oo. Pero hindi naman dun natatapos ang paglalakbay natin. Magpapatuloy tayo sa pagsunod. Ang repentance hindi isang beses lang, kundi araw-araw. Ang pananampalataya kay Cristo hindi kapag nagkaroon lang ng emotional experience. Araw-araw, kahit sa mga ordinaryong araw man o mga araw na matindi ang pagsubok sa buhay. Hindi ito parang may withdrawal slip ka tapos ibibigay na sa iyo agad ang pera, o ATM machine na pinasok mo ang card lalabas agad ang i-withdraw mo, o vendo machine na pag hinulog mo ang ilang barya, lalabas na iyong gusto mong bilhin. The faith that saves is the faith that continues to follow Christ until the end.

Kaya nga tungkol sa pagdating ng Panginoong Jesus, may mga utos siya na “maging handa palagi” (Matt. 24:44), na maging mapagbantay at laging manalangin (Luke 21:36), na manatili ang focus kay Cristo at ‘wag magpapaloko sa iba (Luke 21:8), na manatiling nagagalak sa Dios kahit matindi ang pag-uusig, at “strive to enter through the narrow door.”

Jesus Our Great High Priest

Paano tayo makatitiyak na aabutin natin ang dulo ng ating paglalakbay bilang mga Cristiano? Oo, magsisikap tayo, pero sa sariling lakas ba natin ito nakadepende? Nakabatay ba ito sa gawa o effort natin? Hindi! Ito ay dahil kay Cristo na ating Tagapamagitan sa Dios, the Great High Priest. Kaya kapag sinasabi niyang magsikap, magtiyaga, makipaglaban, huwag sumuko, at magtiis ng hirap, hindi ito inconsistent sa mga utos niya na lumapit sa kanya, uminom, magpahinga, magtiwala tulad ng isang sanggol na karga-karga ng nanay.

Dahil inialay na ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin makatitiyak tayo na matatpos natin ang ating takbuhin, ang ating laban sa buhay Cristiano. Dahil nagtagumpay na siya sa kasalanan at kamatayan, makatitiyak tayong kung nasa atin siya ay magtatagumpay din tayo anumang pagsubok ang harapin natin. Saan makikita iyon? Pansinin ninyo ang verse 22, inilagay iyan ni Luke hindi para style lang. Meron siyang gustong ipoint-out. “Nagpatuloy si Jesus sa paglalakbay niya papuntang Jerusalem.” Sinabi na iyon ni Luke sa 9:51. Bakit niya uulitin? Gusto tayong paalalahanan kung ano ang mangyayari sa Jerusalem. Na huwag nating ihiwalay ang utos ni Jesus na magsumikap, magpatuloy, gawin ang lahat ng magagawa para makapasok sa kaharian ng Dios, sa ginawa nang sakripisyo ni Jesus para sa atin. Salvation depends not on what we do, but on what Jesus did for us. Nagpapatuloy tayo sa buhay Cristiano dahil sa ginawa na ni Jesus para sa atin.

Dahil nagpapatuloy ang panalangin ni Jesus para sa atin, makatitiyak din tayo. Bakit si Pedro matapos niyang tatlong beses na ikailang kilala niya si Jesus, ay nagbalik-loob din? Luke 22:31-32, “Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Dios na subukin niya kayong lahat tulad ng pagsasala ng trigo. Ngunit nanalangin ako para sa iyo, na huwag manghina (o huwag tuluyang bumagsak) ang inyong pananampalataya.” At hanggang ngayon, patuloy si Jesus sa panalangin niya para sa atin, “Ama, gusto ko sanang makasama sa pupuntahan ko ang mga taong ibinigay mo sa akin, para makita rin nila nag kapangyarihang ibinigay mo sa akin” (John 17:24). What do you think, how high is the probability that the Father will answer Jesus’ prayer? Dahil sa kumpiyansang iyan,

Talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. Ituon natin ang paningin natin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios. Isipin n’yo ang mga tiniis ni Jesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, para hindi kayo panghinaan ng loob (Heb. 12:1-3 ASD).

Finishing the Race

Meron akong isang kaibigan. Ang tatay niya dati babaero, maraming bisyo. May nagbahagi sa kanya ng ebanghelyo. Tumanggap at nabautismuhan. Naging active sa church. Ngayon? Iniwanan na ang asawa at sumama sa isang babae. Pero naniniwala pa rin siya na sa langit siya mapupunta kasi naalala niya noong isang araw na “tinanggap” niya si Jesus. What do you think? Hindi iyan ang ibig sabihin ni Jesus sa “strive to enter…”

Ito namang anak niya na kaibigan ko, nasabi niya sa sarili niya, “Hindi ko tutularan ang tatay ko.” Naging Cristiano din siya at nakapag-asawa din ng Cristiano. Nagkaroon sila ng ilang mga anak. Naging active sa church, tumutugtog sa pagsamba, nakatapos ng biblical training, nakakapagturo na at nagpipreach. May nabuntis siya na ibang babae. Sumama na dun sa babae at nasabi na hindi na niya babalikan ang asawa niya. Pero isang araw nakausap ko siya, nandun na ulit sa bahay nila, kasama ang asawa at mga anak. Nagbalik-loob sa Dios. Nahulog sa kasalanan at parang sa tingin ng iba, “Hindi totoong Cristiano iyan.” Pero ngayon, nakita ko na nagsisisi. Hindi pa ayos ang lahat, pero unti-unting bumabalik, at patuloy na sumusunod anuman ang nais ni Cristo. Ito ang ibig sabihin ng “strive to enter…”

Ang ilan sa inyo maaaring nadapa, natinik nang malalim, nasugatan, dumaranas sa matinding pagsubok, nahulog sa kasalanan. Pero hindi ibig sabihin mag-give up na. Dapat lalong umasa sa Panginoon. Lalong magsumikap na matapos ang takbuhing inilaan ng Dios sa atin kasi siya rin ang tatapos nito para sa atin, “And I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus Christ” (Phil. 1:6).

Sa ating lahat sinasabi ng Panginoong, “Fight the good fight of the faith. Take hold of the eternal life to which you were called” (1 Tim. 6:12). At dalangin ko na sa huling sandali bago tayo mamatay o kapag nakita nating bumababa ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap, masabi din natin tulad ni Pablo, “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith” (2 Tim. 4:7). At sa pagharap natin sa Panginoong Jesus, sasabihin niya sa atin, “Well done, good and faithful servant. You have been faithful over a little; I will set you over much. Enter into the joy of your master” (Matt. 25:21, 23).

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.