Bringing the Gospel Home

Hindi lang natin pag-uusapan dito ang mga bagay-bagay na tungkol sa pamilya kundi kung paanong ang relasyon natin sa pamilya ay sumasalamin sa mabuting balita ni Cristo at kung paanong ang gospel—na pinaniniwalaan natin, inaawit at pinapakinggan nang paulil-ulit—ay bumabago at dapat na bumago sa relasyon natin sa pamilya. Hindi natin pwedeng iwanan ang gospel sa loob lang ng simbahang ito; dapat na dalhin natin ito sa loob ng bahay. Let us bring the gospel home.

Ang Diyos ang lumikha sa tao bilang lalaki at babae. Siya rin ang may disenyo sa pag-aasawa. Kapag ang mag-asawa ay mamumuhay at makikipag-ugnayan sa isa’t isa ayon sa magandang disenyo ng Diyos, magbibigay ito ng karangalan sa Diyos at mararanasan nila ang kagalakang nanggagaling sa Diyos.

Ang pangangalunya, paghihiwalay, at pag-aasawang muli pagkatapos ng paghihiwalay ay pagbaluktot sa magandang disenyo ng Diyos sa pag-aasawa. Sa taas ng pamantayan ng Diyos sa pag-aasawa, hindi basta-basta ito dapat pasukin. At sa mga may-asawa na, dapat gawin ang lahat ng magagawa sa tulong ng Panginoon na mapanatili ang pagsasama habang nabubuhay.

Ang pananatiling tapat sa buhay may-asawa ay kailangan ng katiyagaan. Ang pananatiling walang asawa, na banal at masaya, ay kailangan din ng katiyagaan. Pero nangako ang Panginoon na mayroong lakas at pagpapala para sa sinumang itinalaga ang kanilang buhay (may asawa man o wala) na siya lang ang susundin at mamumuhay para sa kanyang layunin at karangalan.

Mahal na mahal ng Panginoong Jesus ang mga bata. Kaya naman nais niyang lahat ng mga magulang ay gawin ang lahat ng magagawa nila para akayin ang bata sa kanya at sa kaharian ng Diyos. Ito ang pinakamainam na bagay na maibibigay ng mga magulang sa kanilang anak. Ang church ay dapat ding nakasuporta sa bawat pamilya para matulungan sila sa pag-akay sa mga bata tungo sa pagsunod kay Jesus.

Group Study Guide

Pwedeng gamiting ang study guide na ito para sa personal na pag-aaral o sa isang small group Bible study.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply