Pastor Derick Parfan
Talaga namang this season is a difficult time for our church. And for many churches. Kaya nga tinapos natin yung book of Habakkuk last April, at yung Romans 8 from June to first week of September. Pero meron tayong natigil na sermon series bago magka-pandemic. Hopefully naalala n’yo pa. Yung anak kong si Stephen, lagi akong tinatanong bakit hindi na daw ako nagpreach sa 1 Corinthians. Kaya hayan, ituloy na natin. Natapos na natin hanggang chapter 11. Pinag-usapan natin sa section na yun about the Lord’s Supper ang kahalagahan ng pagtitipon na ginagawa natin as a church family every Sunday morning. Kaya ngayon itutuloy natin ang pag-aaral at sisimulan natin ang bagong section sa sulat ni Pablo sa mga taga-Corinto.
Mula chapter 12 hanggang chapter 14, pag-aaralan natin ang kahalagahan nang may kaayusan ang mga pagtitipon natin at lahat ng mga members ng church ay nakikibahagi sa mga pagtitipong ito. So pag-uusapan natin sa new section na ‘to ang tungkol sa roles natin sa ministry sa church, sa work ng Holy Spirit, sa mga spiritual gifts na bigay niya. Yes, hindi pa tayo nakakapag-gather physically at maraming limistasyon sa mga ginagawa natin sa ministry, pero meron pa rin tayong magagawa at dapat gawin sa panahon ngayon.
“Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo, nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman” (v. 1 MBB). Dito sa 1 Corinthians, ina-address ni Paul ang mga issues sa church nila. Kaya meron siyang pastoral concern bilang apostol na siyang nagsimula ng church doon. Kaya ginagamit niya yung affectionate address na “mga kapatid.” Family issue ‘to, kailangang pag-usapan ng mga miyembro ng pamilya, hindi dapat iwasan. Tayo pa namang mga Pilipino, kung medyo maselan at kontrobersyal na mga issues iniiwasan natin. Pero iba si Pablo.
Tinalakay na niya sa first four chapters yung tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa mga pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampihan. Sa chapters 5 to 6 naman ay yung mga isyu na may kinalaman sa pagdidisiplina sa mga nagkakasala sa church. Sa chapter 7 naman ay tungkol sa mga usapin ng pagsasama at paghihiwalay ng mag-asawa, at pananatiling walang asawa. Sa chapters 8-11 naman ay may kinalaman sa mga kaayusan sa sama-samang pagsamba sa Diyos.
Dito sa chapters 12-14, ano ang isyu na tatalakayin niya? “…ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu…” (v. 1). Literally, ito yung mga espirituwal na bagay, o mga bagay na may kinalaman sa Espiritu at gawa ng Espiritu. Pero implied na ito ay tungkol sa “spiritual gifts” kasi yun naman ang konteksto nito (vv. 4, 31). Bakit niya tatalakayin ito? Bakit mahalaga na maglaan siya ng tatlong chapters about this? “…nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman” (v. 1). Ibig sabihin ang ilan sa kanila ay ignorante tungkol sa usaping ito. O kung may alam man, ay hindi sapat at hindi tama ang pagkakaunawa tungkol dito. At kung tama naman ang pagkakaunawa, hindi pa rin lubos na natututunan kung hindi naman nailalapat nang tama sa application sa ministry sa church.
Tungkol sa spiritual gifts, sinabi na ni Paul sa opening ng sulat niya na nagpapasalamat siya sa Diyos na dahil sa biyaya niya ay “you were enriched in him in all speech and all knowledge” (1:5), “you are not lacking any gift” (1:7). Gifted sila, biniyayaan sila ng Diyos nang sagana. Pero nandun pa rin yung pride. Feeling ng iba mas importante sila kesa sa iba. Feeling ng iba mas spiritual sila kesa sa iba. So nagkakaroon ng kampihan na nagiging dahilan ng pagkakabaha-bahagi, pagmamataasan, kawalan ng pagkakaisa, kaguluhan sa pagsamba, sobrang emphasis sa ibang spiritual gifts na mas spectacular tingnan kesa sa iba tulad ng speaking in tongues, na para bang mas superior yun kesa sa iba pang mas “ordinaryo” na mga spiritual gifts.
So tayo rin ngayon, hangga’t hindi natin nakikitang mabuti ang layunin ng Diyos sa bigay niya sa ating spiritual gifts, hangga’t meron pang lack of unity sa church in terms of doing works of ministry, hangga’t nandun pa rin yung pride or maybe inferiority complex naman sa iba, hangga’t neglected pa rin ang ibang members at hindi napapahalagahan, hangga’t meron pa ring passive ang approach sa ministry, o kaya naman ay divisive, kailangan nating pag-aralan ang itinuturo ni Pablo tungkol dito. Hahatiin natin itong pag-aaral sa three chapters na ‘to sa limang bahagi (using yung outline galing sa The Expositor’s Bible Commentary: 1 & 2 Corinthians, 89):
So ngayon, subukan nating magfocus hindi sa mga spiritual gifts mismo, although ididiscuss naman din natin ‘yan, kundi sa source ng mga gifts, walang iba kundi ang Holy Spirit, the third person of the Trinity, at karaniwang most neglected among the three persons para sa maraming Evangelicals. Although marami na ngayon ang mga kabilang sa mga Pentecostals at talaga namang nakafocus sila sa person and works of the Spirit. We can learn a lot from them for sure. Pero dapat maging maingat din tayo sa over-emphasis nito, sa mga abuses at distortions ng mga biblical teachings about the work of the Holy Spirit sa buhay nating mga Cristiano. So when we focus our attention sa Holy Spirit, dapat nakafocus tayo sa itinuturo ng Salita ng Diyos tungkol sa Spirit.
Sa vv. 2-3, matututunan natin na ang gawa ng Espiritu ay itanghal si Cristo sa buhay nating mga Cristiano, to exalt Christ in us. Dati naman kasi, before we become Christians, hindi si Cristo ang itinatanghal natin. Pinaalala yan ni Paul sa kanila, yung dati nilang buhay, “Alam ninyo na noong hindi pa kayo sumasampalataya, kayo’y nailigaw sa mga diyus-diyosan na hindi naman nakakapagsalita” (v. 2). Ito yung buhay nila dati, nung hiwalay pa sila kay Cristo and outside of God’s family. Iba ang diyos nila, iba ang sinasamba nila. Pero hindi naman talaga tunay na diyos, ni wala ngang kapangyarihan, ni wala ngang buhay, ni hindi nga makapagsalita. Naligaw tayo, niloko tayo, nagpaloko naman tayo sa kasinungalingan ng mga diyos-diyosan. Yan ang dati nating buhay.
Extensive ang treatment ni Paul about idolatry sa chapters 8 and 10. Pero dito sa chapter 12, bibigyang diin ni Paul na hindi lang basta tumalikod na sila sa mga idols, at sumasamba na sa tunay na Diyos. Higit pa dun, ang Diyos mismo na yan, through the Holy Spirit, ay nasa kanila. We are God’s temple, ang Espiritu nananahan sa atin (6:19). Kung ang mga idols di makapagsalita, at talagang useless at destructive din ang mga salita natin noon, ngayon naman ang Espiritu na nagbigay buhay sa atin ang nagbibigay din sa atin ng mga salita para i-express yung bago nating allegiance.
“Kaya’t nais kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabing, ‘Sumpain si Jesus!’ At hindi rin masasabi ninuman, ‘Si Jesus ay Panginoon,’ kung siya’y hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo” (v. 3). Siyempre pwede rin namang kahit non-Christians sabihin na “Jesus is Lord” na wala naman sa puso niya. Pero ang point dito ni Paul ay para bigyang-diin na kaya tayo ngayon sumasampalataya kay Cristo, and we can confess with our mouth that Jesus is Lord (Rom. 10:9), at sumasamba tayo kay Cristo, at nagpapasakop tayo kay Cristo, at sumusunod tayo sa kanya, ay hindi dahil sa sarili nating lakas o kakayahan, kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan at patnubay ng Espiritu.
If you are a Christian, you have the Holy Spirit in you. Present siya, powerful siya, kumikilos sa buhay mo. At pangunahin niyang gawa ay itanghal si Cristo sa buhay mo, ipakilala kung sino si Cristo sa ‘yo, at isentro ang buhay mo sa kanya. Sabi ni Jesus tungkol sa Espiritu, “…papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap. Pararangalan niya ako sapagkat tatanggapin ng Espiritu mula sa akin ang ipahahayag niya sa inyo” (John 16:13-14).
Sa usapin about spiritual gifts, hindi appropriate na nakatuon lang ang pansin natin sa Espiritu sapagkat ang ministry nga ng Holy Spirit ay ilagay ang spotlight kay Cristo. To be Spirit-empowered is to be Christ-centered. Kung spiritual gifts ang pag-uusapan, hindi yung gifts natin o yung ministries natin o yung abilities natin ang focus, ang Diyos dapat – the Father, the Son and the Holy Spirit.
Yan naman ang point ng vv. 4-6, na ang Holy Spirit ang nag-eempower sa ating mga Christians to do the work of the ministry. And not just the Spirit, but together with the Father and with the Lord Jesus Christ. Tatlong iba’t ibang salita din ang ginamit niya dito to refer to spiritual gifts at ang paggamit nito – gifts (charisma, dyan galing ang term na “charismatics” na closely related sa pentecostal movement), service (diakonia, dyan galing ang term na deacon), activities (energema).
Sabi niya sa verse 4, “Iba’t iba ang mga espirituwal na kaloob (charisma), ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.” Yun naman ibig sabihin ng charisma, ang root word ay charis, grace. Undeserved gift na binigay sa atin ng Espiritu, kaya spiritual gift ang tawag. Iba’t iba, maraming klase. “God’s varied (or multi-colored) grace” ang tawag dyan ni apostol Pedro (1 Pet. 4:10). At anuman ang meron tayo, magkakaiba man tayo, pare-pareho ang pinagmulan.
Heto ang definition ng theologian na si Wayne Grudem: “A spiritual gift is any ability that is empowered by the Holy Spirit and used in any ministry of the church” (Bible Doctrine). Kakayahan o abilidad na ginagamit sa ministry o paglilingkod sa church. So, iba’t iba din ang ministries natin, iba-iba ang roles sa ministry.
Yun naman ang point ni Paul sa verse 5, “Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran.” Si Cristo ang Panginoon na pinaglilingkuran natin. At kung aalalahanin natin ang halimbawa ni Cristo, yung ginawa niya para sa atin, it will empower us to serve kahit na mahirap, kahit na marami tayong kailangang isakripisyo. “For even the Son of Man came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many” (Mark 10:45).
Ganun din ang point niya sa verse 6 ng text natin, “Iba’t iba ang mga gawain, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon.” Anuman ang ginagawa natin sa ministry, anuman ang natanggap natin na spiritual gift, lahat galing sa Diyos. Yung lakas, kakayahan, abilidad natin galing sa kanya. So ano ang ipagmamalaki mo? Bakit ka rin maiinggit sa iba? Bakit hindi tayo magkaisa at magtulungan sa mga ministeryo ng iglesya? Marami tayong pagkakaiba-iba, and we rejoice sa diversity na meron tayo sa church.
Pero when we focus too much sa pagkakaiba-iba natin, we will miss the incredible unity we have in God. Isang Diyos tatlong Persona – Ama, Anak, Espiritu – nagkakaisa sa isang layunin. Kaya bago banggitin ang iba’t ibang kaloob na tinanggap ng mga Christians sa Ephesus, sinabi rin niya:
May iisang katawan at iisang Espiritu, kung paanong may iisang pag-asa na para doon kayo’y tinawag ng Diyos. May iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.
Eph. 4:5-6
So ang purpose ng spiritual gifts na bigay sa atin ay para mas tumibay ang unity ng church, and also for the building up of the local church. So ang Holy Spirit ang nagbigay sa atin ng mga spiritual gifts para gamitin, para maipakita ang pagkilos ng Espiritu para sa ikabubuti ng mga members ng church. Verse 7, “Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa’y binibigyan ng patunay na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu.” Hindi kailangang miraculous o spectacular o extraordinary para maipakita ang power ng Holy Spirit. Maging sa mga ordinary acts of service maipapakita natin na nasa atin ang Holy Spirit.
Para ano? Para sa ikabubuti ng lahat, “for the common good” (ESV). Hindi para sa sarili mo lang na kapakinabangan, hindi para sa sarili mong agenda, hindi para maitanghal ka, o ma-boost ang ego mo, o masabi mo na may silbi ka pala at may significance sa ministry. Ang spiritual gifts na meron ka ay hindi lang para sa ‘yo, kundi para gamitin para sa ikabubuti ng iba. Ito ay for the “total good or profit of his church” (Expositor’s). To accomplish that…
Anu-ano yung spiritual gifts na yun? Pero bago banggitin ni Pablo yung ilan sa mga spiritual gifts na yun, dapat aware tayo na ngayon ay ang daming diskusyon at pagtatalo sa mga gifts tulad ng prophecy, healing, miracles at speaking in tongues. Yung ibang mas “normal” ay wala namang masyadong isyu. Itong lang mas supernatural kesa sa iba, as if mas spiritual yung ibang gifts sa iba. E spiritual gifts naman lahat! Supernatural naman talaga lahat kasi empowered by the Spirit!
Yung mga Pentecostals at charismatics naniniwala na meron pa ring mga ganyang “supernatural” gifts, at dapat lang na i-practice at i-encourage pa rin sa mga Christians ngayon. Although meron ding iba-ibang pananaw within Pentecostals about that. Yun namang mga “cessationists” (from the word “cease” or “stop”) sinasabing yung mga ganung gifts ay wala na, tapos na, natigil na nung matapos na ang apostolic age at mabuo na ang canon of Scripture.
Yung iba naman ay “open, but cautious” sa usaping ganito. At medyo may leaning ako sa ganitong position. Na meron pa ring mga miraculous gifts, pero hindi siya normative. Meaning, bihira nang mangyari, at sa karaniwang ministries ng church ay hindi na gaanong nangyayari. Pero kung may mga ganitong gifts pa rin yung ilan sa mga church members natin, we encourage them to use it for the building up of the church siyempre.
Yan yung tatlong major positions ngayon sa usapin ng spiritual gifts. Meron pang ibang mga variations yan. At ayoko naman na paniwalaan n’yo lang kung ano ang position ko. Kasi hindi ko pa naman ito napag-aralang mabuti. Lalo na itong chapters 12-14, at sa pag-aaral natin ay makita natin kung ano talaga ang itinuturo dito ng Salita ng Diyos.
Isa-isahin natin yung mga spiritual gifts na binanggit ni Paul. Mahirap i-define yung iba, kaya kung titingnan n’yo ang mga commentaries meron ding iba’t ibang definitions. Hindi naman kasi clearly defined sa sulat ni Pablo. Sa panahon nila alam na nila kung ano yun. Pero di man natin ma-define fully bawat isang spiritual gift, hindi naman yun ang pinakamahalaga. Hindi naman kasi exhaustive yung listahan na ‘to. Tulad din nung mga binanggit na gifts sa Rom. 12:6-8; 1 Cor. 7:7; 12:8-10, 28; at Eph 4:11.
So the point is not to make an inventory of gifts, at i-evaluate o i-assess mo kung ano ang gifts na meron ka. Although makakatulong din yun. Pero tingnan natin kung ano ang point ni Paul sa listahan na yun. What’s the point? Amidst differences, may paulit-ulit si Paul na sinasabi na namimiss natin sa vv. 8-11, bawat spiritual gift na tinutukoy niya lagi niyang sinasabi, paulit-ulit, “…given through the Spirit…according to the same Spirit…by the one Spirit…all these are empowered by one and the same Spirit…” So dito, tinuturuan tayo ni Pablo na magfocus hindi sa kung ano ang magagawa natin, sa abilidad natin, sa kakayahan natin, gaano man karami yan, o ka-spectacular. Ang focus ay dapat nasa Espiritu na siyang nagbigay ng kakayahang yun! Meron din siyang listahang binanggit sa 1 Cor. 12:28, pero dito muna tayo sa vv. 8-10:
Again, hindi exhaustive yung listahan na ‘to. Kasi posible na meron kang specific gifts na hindi nakasulat diyan. Don’t worry, hindi naman yun ang point ni Paul. Ang point niya ay bigyang diin na anumang meron ka ngayon na kakayahan na magagamit sa ministry sa church, lahat yun ay galing sa Espiritu. Kaya nga “kaloob” ang tawag. Regalo. Biyaya. Not because you are qualified, o mas magaling sa iba, o mas deserving. Tinanggap mo yan because of the grace of God. And he is sovereign in dispensing his gifts. Siya ang nagpapasya kung anong specific gifts ang tatanggapin mo. Hindi sarili mong pasya, hindi desisyon ng pastor, o ng nagdidisciple sa ‘yo.
“Ngunit isang Espiritu lamang ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba’t ibang kaloob sa bawat isa, ayon sa kanyang ipinasya” (v. 11). Kung paanong ang Holy Spirit ay sovereign sa pagpapasya sa para sa kaligtasan natin in regeneration or new birth (John 3:8), ganun din sa pagbibigay ng spiritual gifts. Hindi tayo nag-apply with our resume, o pumila para makatanggap sa programa ng “dispensing spiritual gifts to the church.”
Pwede tayong magrequest at hilingin sa kanya na pagkalooban tayo ng kakayahan sa paggawa ng ministry. Pero siya ang magpapasya. Siya ang magkakaloob. Baka naman kasi yung hinihiling natin ay hindi yung kalooban niya para sa atin. Baka hinihiling mo na bigyan ka ng gift sa preaching, ang gusto pala niya ay tumulong ka sa administration sa church. Pagdating sa mga ministries ng church at involvement natin, hindi tayo ang nasusunod.
Anumang pagpapasya at mga hakbang na gagawin natin para sa ministries ng church dapat lahat ay nakapailalim sa kalooban ng Espiritu. Wag mo lang tanungin ang sarili mo o ang iba sa church kung ano ang specific spiritual gifts mo. Tanungin mo rin ang sarili mo kung ang ginagawa mo ba ngayon–in the way you exercise your God-given gifts at sa level ng involvement mo sa mga ministries ng church–ay sarili mong kagustuhan o nakaayon sa kalooban ng Diyos para sa ‘yo?
Marami pa tayong pag-aaralan tungkol sa spiritual gifts sa mga susunod. At yung ilan sa mga application points na nabanggit ko na ay bibigyang-diin pa natin sa mga susunod. Pero ngayon, tandaan natin na kung ang Espiritu ang nagkakaloob sa atin ng iba’t ibang kakayahan at abilidad para magamit sa ministry ng local church para sa ikalalago ng bawat miyembro:
Natutuwa ako at nagpapasalamat sa Diyos kung paanong nakikita natin yan nitong mga nakakaraang araw. As we pray for one another. As we encourage one another. Pati yung mga tumulong para matugunan ang mga kailangan sa pagkamatay ni ate Malou–yung mga nagbigay ng pera, yung mga tumulong sa mga dapat asikasuhin, yung mga nagreachout sa family niya. At prayer natin na patuloy nating makita ang ganitong pagtutulungan sa mga susunod pang mga araw. Sa pagtutulung-tulong natin sa online ministries ng church. Sa pag-reachout sa mga members natin na offline. Sa pag-iimbita at pag-aasikaso para sa church anniversary natin next Sunday.
Always ask, “Paano kaya ako makakatulong?” Wag mo na masyadong isipin kung meron ka bang ganitong spiritual gift o kung wala. Gawin mo kung ano ang magagawa mo. Kahit yung mga mahirap para sa ‘yo, magtiwala ka sa Espiritu na siyang tutulong sa ‘yo na na gawin ang dapat gawin para makatulong in serving our church.