Pastor Derick Parfan
Sinimulan natin ang Family Night (Sunday Evening Service) natin last week, at gagawin natin ‘to every month. One primary goal nito ay para mas maramdaman natin kung ano ang essence ng pagiging member ng church bilang isang malaking pamilya. To be with you last week – and to hear your stories, and to eat with you, and worship God with you – that was very encouraging for me. Next Sunday din, we will have a members meeting, na gagawin naman natin quarterly. Pag-uusapan natin kung sinu-sino ba ang mga members ng church, at sama-sama tayong magdedesisyon tungkol sa membership, church elders, church deacons, church budget at mga ministries ng church. Ginagawa natin ito para masanay tayong mas seryosohin ang church membership, para mas seryosohin ang church, para mas seryosohin ang buhay Cristiano, para mas seryosohin ang relasyon natin kay Cristo.
Kasi maraming Christians di sineseryoso ang pagiging miyembro. At kung miyembro man, di naman nagpapahalaga sa mga regular gatherings ng church, especially Sunday morning service. Mahalaga sa isang Christian na member siya ng isang church. Mahalaga sa mga members na nagtitipon. Mahalaga rin sa mga members na active sa gatherings ng church at naiintindihan din ang mga ginagawa natin sa gatherings natin. Kaya nag-series tayo tungkol sa congregational singing. Kaya pinag-usapan natin ang pagkakaiba, but complementary roles (pagkakatugma) ng mga lalaki at babae sa church in leadership and submission especially sa mga gatherings natin.
Ito naman kasi ang burden ni Paul mula chap. 11 hanggang chap. 14, para turuan silang maisaayos ang mga di maayos na nangyayari sa mga pagtitipon nila. Sa text natin ngayon sa vv. 17-34, paulit-ulit niyang binabanggit ang tungkol sa pagtitipon nila, “when you come together,” – vv. 17, 18, 20, 33, 34. Ang isang Christian ay member ng church (vv. 18, 22). At kasama dito ang regular na pagtitipon.
And part of what we do sa gathering natin na sinabi ng Panginoon na gawin natin ay Lord’s Supper, once a month, sa iba once a week. Basta regular, yun ang mahalaga. Basta naiintindihan natin kung bakit, at kung paano natin dapat gawin.
At ito ang problema ng church sa Corinth, at problema din ng maraming mga Christians ngayon – di natin naiintindihang mabuti kung gaano kahalaga ang Lord’s Supper at ang implication nito sa relasyon natin sa isa’t isa sa bilang magkakapatid kay Cristo.
Kaya sabi ni Paul sa kanila sa v. 17, “Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti” (ASD). Ibang iba ‘yan sa v. 2, “Pinupuri ko kayo…” sabi ni Pablo. Nauna nang sabihan sila tungkol sa head coverings sa worship para sa mga babae. Ngayon pagsasabihan ulit sila sa practice naman nila sa Lord’s Supper. Na nagiging “not for the better but for the worse.” Sa halip na maging maayos, lumalala pa. Paano nasabi ni Paul? Paano ba natin dapat i-evaluate ang mga gatherings natin sa church? Not by asking people, “Nagustuhan mo ba?” But asking two primary questions: 1) Does it glorify God?; and 2) Does it edify the church? Nakapagbigay ba ng karangalan sa Diyos? Nakapagpapatibay ba ng church?
At yung nangyayari sa Corinth, “No” ang sagot sa first question, “No” din sa second question. Verse 18, “Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon-tipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at medyo naniniwala ako na iyan nga ang nangyayari.” Pagkakapangkat-pangkat, divisions, lack of unity. Dito kami, dyan kayo. Eto ang grupo namin, yan ang grupo ninyo.
Hindi naman ito dito lang sa Lord’s Supper problema, simula pa sa 1:10, sinabi na ni Paul na ‘yan na ang nakakarating na balita sa kanila. Pero ngayon, he’s dealing with a more specific situation. Nabalitaan lang naman ni Pablo, pero naniniwala siya. Hindi muna siya nag-imbestiga na para klaro na ang ebidensya. Kahit suspicion pa lang, maganda na ma-deal na kesa naman lumala pa.
Maganda ang response niya sa mga ganitong problema. Pwedeng mainis, magalit, o madiscouraged na. Pero alam niya God is sovereign, merong divine purpose bakit nangyayari ang nga ganito. Dugtong niya sa v. 19, “Kinakailangan sigurong mangyari iyan para malaman kung sino sa inyo ang mga tunay na mananampalataya” (ASD). Sa MBB, “Kailangan ngang magkabukud-bukod kayo upang makilala kung sinu-sino sa inyo ang mga tapat.” ESV, “so that those who are approved may be recognized among you.” Sinu-sino ang totoong tapat kay Cristo, sinu-sino ang totoong faithful member of the church? Conflicts reveal that, merong aalis, merong mananatili. Hindi naman para husgahan natin ang iba, “Ay hindi pala sila totoong Christians.” But for us to see God’s sovereign purposes even in times of conflict.
This week lang. Meron isang church na lumapit sa akin ang mga leaders dahil sa conflicts na nangyayari sa church nila. Masalimuot ang problema. Pero nagpapakita na lahat sila kailangan nila si Cristo. Their church, tulad din ng church natin, needs the gospel. Yun naman ang kahalagahan ng Lord’s Supper. It is about the gospel. Kaso nakakalimutan nila kung para saan. Tayo rin naman baka nagiging mali din ang attitude natin dito.
Kaya pakinggan din natin ang sinasabi ni Pablo, vv. 20-22, “Kapag nagtitipon kayo upang ipagdiwang ang Banal na Hapunan, hindi tama ang ginagawa ninyo (sa MBB, hindi Banal na Hapunan ang kinakain ninyo – yes, you’re eating and drinking, pero hindi Lord’s Supper ‘yan! Bakit?), 21 dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy busog at lasing na, at ang iba namaʼy gutom. (So malamang, they usually have meals or feasts sa celebrations nila). 22 Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang iglesya ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap. Ano ngayon ang gusto ninyong gawin ko? Purihin kayo? Aba, hindi!”
Straight to the point, wala nang paliguy-ligoy, sasabihin natin, ang prangka, ang taray. Kakain ka, iinom ka, para mabusog, para masiyahan. Pero kung yun lang, umuwi ka na lang sa bahay sabi ni Pablo. Kasi wala kang concern for the glory of God, wala kang concern for the good of others. Sarili mo lang iniisip mo, hindi ganyan ang halimbawa ni Pablo (10:33-11:1), hindi ganito ang halimbawa ni Cristo (Mark 10:45). Wala namang masamang kumain pero kung ang ginagawa mo ay nagiging dahilan para magutom ang iba, “ang iba nama’y gutom…” you are offending God and his church: “Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang iglesya ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap” (v. 22).
Sa 10:14-22 pinag-aralan na natin ang ilan about the Lord’s Supper. Act of worship ‘yan, so dapat layuan natin ang idolatry, anumang karibal sa pagsamba sa Diyos (v. 14). Merong vertical dimension, meron ding horizontal: “We who are many are one body” (v. 17). Dito sa text natin ngayon, mas detalyado ang horizontal dimension ng Lord’s Supper. Sa kanila they share meals sa mga celebration nila. Ganun din tayo minsan. Like last Sunday sa Family Night, though wala naman tayong Lord’s Supper. Yung point dito, kung meron kayong selfishness, at disregard for others, lack of concern and love for other members of the church, you are not celebrating the Lord’s Supper. The essence of this is the love of God for us, so we also love others.
Sa church natin, when we share meals together, it is a good thing. Kung may madala ka mainam, kung wala naman okay lang. Wag tayong magkumparahan kung sino ang sagana sino ang mahirap. Magkakapatid tayo sa Panginoon. O kaya, baka naman nagbabalot ka na ng takeout, o kaya kung kumuha sa plato mo napakarami, yung iba nauubusan na, o yung ibang may meetings pa o ginagawa pa wala nang maabutan. Or hindi man related sa pagkain, pero merong bitterness sa iba, merong unfair judgment, merong pagbabalewala sa iba at merong lang mga pinahahalagahan sa church.
Para maitama itong mga maling damdamin natin, para mabago ang puso natin sa relasyon sa isa’t isa, kailangang alalahanin natin ang ilan sa mga mahahalagang bagay about the Lord’s Supper at pag-isipan natin kung ano ang implikasyon nito sa unity natin sa church.
Itong vv. 23-26 ang lagi nating naririnig sa Lord’s Supper: “Ito ang turo na ibinigay sa akin ng Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing traydurin ang Panginoong Jesus, kumuha siya ng tinapay, 24at pagkatapos niyang magpasalamat sa Dios, hinati-hati niya ito at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 25Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.” 26Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.”
Iniutos ito sa lahat ng Christians, sa lahat ng churches. Kung di natin gagawin, nagkakasala tayo sa Panginoon. Kung di ka aattend ng church gathering, di mo rin magagawa ang pakikibahagi dito. Bakit natin ‘to dapat gawin? Para saan? Ano ang purpose? Ano ang mangyayari sa church if we are faithful dito?
Sabi sa sagot sa tanong na “What is the Lord’s Supper?” ng New City Catechism: “Christ commanded all Christians to eat bread and to drink from the cup in thankful remembrance of him and his death. The Lord’s Supper is a celebration of the presence of God in our midst; bringing us into communion with God and with one another; feeding and nourishing our souls. It also anticipates the day when we will eat and drink with Christ in his Father’s kingdom.”
Definition naman ni Bobby Jamieson sa 9Marks book na Understanding the Lord’s Supper: “The Lord’s Supper is a church’s act of communing with Christ and each other and of commemorating Christ’s death by partaking of bread and wine, and a believer’s act of receiving Christ’s benefits and renewing his or her commitment to Christ and his people, thereby making the church one body and marking it off from the world.”
Iisa-isahin natin ang mga elementong nakapaloob dito para mas maintindihan natin at makita natin how it applies to our church unity at bakit incompatible ito kung meron tayong mga divisions sa church.
You see, itong ginagawa natin ng 10-15 minutes every first Sunday of the month napakahalaga, merong malaking impact sa relasyon natin sa isa’t isa. Ginagamit ito ng Diyos for…
In light of all this, heto ang last words ni Paul sa usaping ito, vv. 33-34, “Kaya nga, mga kapatid, kapag nagtitipon-tipon kayo para sa Banal na Hapunan, maghintayan kayo. 34Kung may nagugutom sa inyo, kumain na muna siya sa kanyang bahay nang hindi kayo maparusahan ng Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo sa inyong pagtitipon. At tungkol naman sa iba pang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.” So, wait for one another. Ito ang concluding instruction niya sa kanila. Walang unahan sa pagkain. The Lord’s Supper is not about you. Church is not about you. Christian life is not about you. It is about Christ and our calling to serve one another. Make intentional effort for unity. Itong last three elements ng Lord’s Supper may kinalaman sa application natin sa church.
So, mahalaga ang unity sa church. Kapag may divisions, nawawalang kahulugan ang Lord’s Supper at pagsamba natin sa Diyos. Pero mabuti ang Diyos, ginagamit niya itong Lord’s Supper ay means of grace, ordinary means of grace, to do something extraordinary – para pagkaisahin, para ipagkasundo tayong lahat sa church na nakipag-isa na kay Cristo at sa pamamagitan ni Cristo ay naipagkasundo sa Diyos.
Ang tanong ngayon, nakikibahagi ka ba sa pagkakaisa sa church o isa ka sa gumagawa para sa pagkakabaha-bahagi? Siyasatin natin ang puso natin tungkol dito.