Paano ba nangyayari ang discipleship?

Pangunahing nangyayari ang discipleship sa pamamagitan ng pagtuturo at pagtulad. Pinakaepektibo itong nagagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. Habang buong pagmamahal nating tinuturuan ang mga nakababatang mananampalataya sa daan ng kabanalan at pamumuhay na kapuri-puri, sila ay lumalago sa pagiging katulad ni Cristo sa pamamagitan ng pagtulad sa ating buhay at doktrina.