ITO AY ISANG AKLAT TUNGKOL SA PUSO NI CRISTO. Sino siya? Sino ba talaga siya? Ano ba ang pinakanatural sa kanya? Ano ang agad na nag-aapoy sa kanyang kalooban habang lumalapit siya sa mga makasalanan at mga nagdurusa? Ano ang pinakamalaya at pinakanatural na dumadaloy? Sino ba siya?
Ang librong ito ay isinulat para sa mga pinanghihinaan ng loob, bigo, pagod, dismayado, mapagduda, walang kabuluhan. Yung mga hindi na kaya pang magpatuloy. Ang mga taong ang buhay Kristiyano’y parang palaging tumatakbo paakyat sa pababang escalator. Tayong mga nag-iisip ng: “Paanong pumalpak ako nang ganun—na naman?” Ito ay para sa lumalaking hinala na ang pagtitiis ng Diyos sa atin ay malapit nang maubos. Para sa ating mga nakakaalam na mahal tayo ng Diyos ngunit iniisip na lubos natin siyang nabigo. Na nagsasabi sa iba tungkol sa pag-ibig ni Cristo ngunit iniisip kung—para sa atin—ay nagtatanim siya ng sama ng loob. Tayong nag-iisip na baka nasira na natin ng lubusan ang ating buhay na hindi na ito maaayos pa. Tayong kumbinsido na tuluyan nang nawala ang ating pagiging kapaki-pakinabang sa Panginoon. Tayong nalulunod sa hindi maunawaang sakit at iniisip kung paano tayo patuloy na mabubuhay sa ilalim ng nakamamanhid na kadiliman. Tayong tumitingin sa ating mga buhay at naipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng konklusyon na ang Diyos ay talagang maramot.
Sa madaling salita, ito ay isinulat para sa mga normal na Kristiyano. Sa madaling salita, ito ay para sa mga makasalanan at mga nagdurusa. Ano ang nadarama ni Jesus tungkol sa kanila?
Ito ay mula sa Panimula ng librong Gentle and Lowly: Ang Puso ni Cristo para sa mga Makasalanan at Nagdurusa ni Dane Ortlund.

Now available at our online stores:
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

