Malinaw ang sinabi sa Bible: tayo ay nilikha ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian. Sinabi ng Diyos, “Hayaan ninyong magbalik ang aking bayan, mula sa malalayong dako; mula sa lahat ng panig ng daigdig. Sila ang aking bayan na aking nilalang, upang ako’y bigyan ng karangalan” (Isa. 43:6–7). Nasasayang ang buhay kapag hindi tayo nabubuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos. At ang ibig kong sabihin ay lahat sa buhay. Lahat ay para sa kanyang kaluwalhatian. Kaya nga ang Bible ay umabot pa sa detalye ng pagkain at pag-inom. “Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos” (1 Cor. 10:31). Sinasayang natin ang ating mga buhay kung hindi natin isinasama ang Diyos sa ating pagkain at pag-inom at sa iba pang bahagi sa pamamagitan ng pagkagalak at pagpapakilala sa kanya.
Ano ba ang ibig sabihin na luwalhatiin ang Diyos? Baka maging mapanganib na pagbaluktot ito kung hindi tayo magiging maingat. Ang luwalhatiin ay katulad ng salitang pagandahin. Ngunit ang salitang “pagandahin” ay karaniwang nangangahulugan na “gawing mas maganda ang isang bagay,” o i-improve ang kagandahan nito. Hindi iyan ang ibig sabihin natin sa salitang luwalhatiin na may kinalaman sa Diyos. Hindi maaaring gawing mas maluwalhati o mas maganda ang Diyos. Hindi siya maaaring i-improve, “ni hindi rin naman siya pinaglilingkuran ng mga kamay ng tao, na para bang mayroon siyang kailangan” (Gawa 17:25 AB). Ang luwalhatiin ay hindi nangangahulugan na dagdagan ang kaluwalhatian ng Diyos.
Mas katulad nito ang salitang magnify. Pero kahit dito ay maaari pa rin tayong magkamali. Ang salitang magnify ay may dalawang magkaibang kahulugan. Kung patungkol sa Diyos, ang isa ay pagsamba, at ang isa ay kasamaan. Maaari kang mag-magnify katulad ng isang telescope o katulad ng isang microscope. Kapag nag-magnify ka katulad ng isang microscope, pinagmumukha mong mas malaki ang isang maliit na bagay. Ang isang surot ay maaaring magmukhang monster. Ang pagpapanggap na i-magnify ang Diyos katulad niyan ay kasamaan. Pero kapag ikaw ay nag-magnify katulad ng isang telescope, pinapakita mo kung gaano talaga kalaki ang isang napakalaking bagay. Dahil sa Hubble Space Telescope, naipapakita kung ano talaga ang mga tila maliliit na butas ng karayom sa langit—billion-star giants sa galaxies. Ang pagluwalhati sa Diyos na katulad niyan ay pagsamba.
Sinasayang natin ang ating buhay kapag hindi natin ipinapanalangin at pinag-iisipan at pinapangarap at pinagpaplanuhan at pinagtatrabahuhan ang maluwalhati ang Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay. Nilikha tayo ng Diyos para rito: ang mamuhay sa paraan na mas makikilala ang kadakilaan at ang kagandahan at walang hanggang halaga na talaga namang tinataglay niya. Para sa karamihan ng tao, ang nakikita nila sa Diyos, kung meron man, ay liwanag na tila butas ng karayom sa karimlan ng langit. Ngunit nilikha niya tayo at tinawag tayo para ipakita siya sa kung sino talaga siya. Ito ang ibig sabihin ng nilikha sa larawan o wangis ng Diyos. Nakatakda tayo na ilarawan o ipakita sa mundo kung sino talaga siya.
Mula sa chapter 2 ng ‘Wag Sayangin ang Buhay, salin sa Taglish ng librong Don’t Waste Your Life ni John Piper.
Si John Piper ang founder ng desiringGod.org. Siya ay naglingkod ng 33 taon bilang pastor ng Bethlehem Baptist Church sa Minneapolis, at sumulat ng higit 50 mga libro kasama ang Five Points, The Supremacy of God in Preaching, at Astonished by God.

Buy paperback copies on:
Listen to the audiobook on:
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.


Thank you for the great work! SDG!