• Ang kabiguan na maibahagi ang gospel. Dahil ang evangelism ay pagbabahagi ng gospel, ang pangunahing pagkakamali ay ang mabigo na ibahagi ang mensahe.  Minsan iniisip ng mga gumagawa ng social work na ang pagmamalasakit sa mga mahihirap o pagtulong sa mga naaapi ay “pagbabahagi ng gospel nang hindi gumagamit ng mga salita.” Hindi yun ganun. Maaaring gumagawa sila ng mabubuti at mapagsakripisyong mga bagay para sa iba, pero ang evangelism ay pagsasabi sa iba ng mensahe tungkol kay Cristo.
  • Pagbaluktot sa mensahe. Ang matapat na evangelism ay pagpapahayag ng mensahe sa kabuuan nito (Gawa 20:27), kahit ang mga hindi popular na katotohanan tungkol sa kasalanan at paghatol ng Diyos.
  • Pagtuturo ng hindi totoong mensahe bilang kapalit ng gospel. Ang ilang mga tao na nagsasabing sila’y nangangaral ng gospel, sa totoo lang, ay kabaligtaran ang ipinapangaral. At ito’y may masaklap na resulta para sa kanila at sa kanilang mga tagapakinig (Gal. 1:6–9, 2 Ped. 2:1–3).
  • Pagpapahayag sa gospel bilang isa lamang opinyon. Isang pagbaluktot sa gospel ang ipahayag ito bilang isang personal na opinyon na maaaring tanggihan ng sinuman nang walang totoong epekto o resulta. Ang evangelism ay pagtawag sa mga tao na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magtiwala kay Cristo upang makaligtas mula sa poot ng Diyos. Ang gospel ay hindi lamang opinyon at ang ating evangelism ay dapat na tapat na maipahayag ang pangkalahatang katotohanan at demands ng gospel.
  • Ang pamimilit sa isang tao na gumawa ng isang desisyon. Tanging ang Diyos ang maaaring magkaloob ng pananampalataya at pagsisisi. Kapag pinilit natin ang mga tao na gumawa ng isang desisyon, maaaring gumawa sila ng isang desisyon na wala namang halaga sa kawalang-hanggan. Maaaring mailigaw nito ang isang tao na maniwala na sa pamamagitan ng kanyang “desisyon,” siya’y naging isang Kristiyano kahit hindi naman siya nagsisi sa kanyang mga kasalanan at nagtiwala kay Cristo.
  • Pagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa mga hindi naman gaanong mahalagang bagay. Kahit na gusto nating mapag-usapan ang mga tanong ng mga unbelievers, ang paglalaan ng maraming oras sa pagdedebate tungkol sa problema ng kasamaan ay hindi katulad ng pangangaral tungkol kay Cristo. Huwag mong hayaan ang mga usapang walang patutunguhan na pigilan kang maipahayag ang mensahe ng krus.
  • Walang pakundangang paghamak sa mga tanong o pagtutol ng mga unbelievers. Ito ay isang siguradong paraan para saktan sila at tapusin ang mga pag-uusap tungkol sa gospel. Ipinakita sa atin ni Pedro kung paano tayo dapat tumugon sa mga tanong ng mga unbelievers noong isinulat niya ito, “Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi…” (1 Ped. 3:15–16).

Salin sa Filipino/Taglish ng What are some examples of bad evangelistic practices? ni Marie Manahan.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply