
Ang iba sa inyo hindi nagbabasa ng Bible. Ang dahilan, not because you are busy, not because you don’t have the time, but because your heart is not in it. At kung wala ka talagang interes sa Bible, mag-ingat ka, baka wala ka pa kay Cristo dahil wala kang interes sa kanyang salita. Maybe you are not yet born again, because you are not longing for the milk of the Word.
Pero alam ko marami sa inyo born again na, may relasyon na kay Cristo, nagbabasa ng Bible. Pero baka isipin mo ang pakikinig sa kanyang salita pag time lang ng devotion mo or quiet time. Tapos the whole day di ka naman sensitive sa voice and leading ng Holy Spirit. Baka akala mo quiet na si Lord after ng quiet time mo sa kanya. O yung iba sa inyo alam ko masipag na masipag ngayon na sumusunod sa reading plan natin sa Psalms. Nakapost palagi sa FB, naka hashtags pa. Good. Pero paano after two weeks or two months? Ganun pa rin kaya kaexcited sa Word? Pag huminto na, ang problema yung desire, yung longing, yung motivation. Ang iba naman baka nagbabasa lang, nagiging ritual na lang, pero walang pagbabagong nangyayari.
Again, the heart is the problem. Bible reading is not just an activity. It is for our transformation. Hindi lang mababago ang ugali. Kasama yun siyempre. But the greatest transformation ay yung intimate relationship natin kay Lord. As your heart treasures the Word of God, you listen to him when you open your Bible, when you close your Bible, and live a life of intimate relationship with him 24/7. Malinaw yan sa unang awit na pag-aaralan natin, sa Psalm 19.
Ito ang laman ng awit ni David sa vv. 1-6. Hindi na niya kailangang magbanggit pa ng maraming nilikha ng Diyos. Sapat na ang sabihin niya ang tungkol sa kalangitan at kalawakan (v. 1) at ang araw (v. 4) na nagbibigay liwanag tuwing araw (v. 2) at pinanggagalingan ng liwanag ng buwan sa gabi (v. 2). Yan na ang mga nasa itaas ng nilikha ng Diyos. Ang araw sa Solar System natin ay isa lang sa bilyung-bilyong mga bituin sa Milky Way Galaxy na kinabibilangan ng mundo natin. At itong Milky Way Galaxy ay isa lang sa bilyung-bilyong galaxies sa buong kalawakan o universe. Tumingin ka sa itaas, there is so much more above the sun. Yan ang kalangitan na nilikha ng Diyos. At kung ano man ang sinasabi nito tungkol sa Diyos, ganun na rin tungkol sa lahat ng aspeto ng nilikha ng Diyos. Ang itinuturo nito tungkol sa Diyos ay abot sa lahat ng dako…umaabot hanggang sa dulo ng daigdig (v. 4).
Walang patid ang pagsasalita ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang nilikha. 24/7 yan. Marami nga lang sa atin di nakikinig, kadalasan nakikita na natin ang mga yan, di man lang tayo huminto at magbulay. Ipinapahayag…ipinapakita (v. 1). Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman (v. 2). Wala mang tinig, salita o tunoy na naririnig (v. 3), pero tiyak na may sinasabi o itinuturo tungkol sa Diyos. Ano yun?
His glory as Creator (vv. 1-2). Ang kaluwalhatian ng Diyos na makikita sa ginawa ng kanyang kamay (v. 1). Sa bawat araw at gabi (v. 2), makikita mo ang liwanag na siyang nagpapakilala sa Diyos na nagbibigay liwanag at buhay sa atin. Ang ulap na siyang nagpapakilala sa Diyos na siyang kumakalinga at nagbabantay sa atin. Ang mga bundok na nilikha ng Diyos na siyang ating matibay na sandigan. Ang tubig na siyang naglilinis sa atin at pumapawi ng uhaw natin. Ang karagatan na siyang lawak ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Kitang-kita sa nilikha ng Diyos ang lawak ng kapangyarihan niya at ang sakop ng kabutihan at pagmamahal niya.
His passion to make himself known to all (vv. 3-4). Di pwedeng di niya maipakilala ang sarili niya sa lahat. Sa lahat ng dako…sa dulo ng daigdig. Kahit mga walang pinag-aralan, kahit sa mga tribong di pa nararating ng mga misyonero, kahit sa mga taong sumasamba sa kalikasan, nagpapakilala siya.
“Sapagkat ang katotohanan tungkol sa Dios ay malinaw sa kanila dahil inihayag ito sa kanila ng Dios. Totoong hindi nakikita ang Dios, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Dios ay naipahayag sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan” (Roma 1:19-20 ASD).
His majestic sovereignty over everything (vv. 5-6). Nagniningning ang kanyang kadakilaan at kapamahalaan sa lahat ng kanyang nilikha. Inihalintulad ni David dito ang araw sa lalaking ikakasal, nagniningning sa liwanag at kagandahan. At kung ang Diyos ang lumikha nito at ng lahat ng mga bituin, he is much more beautiful and more majestic. Infinitely more beautiful. Kung sa liwanag ng araw di na tayo makatingin nang diretsahan, sa liwanag pa kaya ng kaningningan ng Diyos? Inihalintulad din ang araw sa isang manlalaro (strong man, ESV) na handang-handa o sabik na sabik sa takbuhan. Mula silangan hanggang kanluran, mula sa lahat ng dako, sakop ng liwanag at init ng araw. Paano pa kaya sa Diyos na lumikha nito? He is in total control of everything. This world, this universe is God’s playing field, he owns it, he takes delight in running it.
Pagmasdan mo ang nilikha niya, pakinggan mo ang sinasabi niya tungkol sa kanya. Tinatawag ito ng mga theologian na general o natural revelation. Ang pagpapakilala ng Diyos sa lahat sa pamamagitan ng kanyang nilikha. Pero yan ay di sapat para tunay nating makilala nang personal ang Diyos. We can know about him through nature, but we cannot truly know him. We need special revelation. Yan naman ang salita niya na nakasulat sa Bibliya. Yan naman ang tema ng sumunod na inawit ni David.
Hindi pwedeng nakasara lagi ang Bible mo. Dapat mong buksan! Iba’t ibang pangalan ang ginamit niya para tukuyin ang salita ng Diyos. Batas, tuntunin, utos, tagubilin, paggalang at pagsunod (fear of the Lord) na siyang dulot ng salita ng Diyos, mga hatol (o panukala kung ano ang tama at kung ano ang mali). Wag na nating suriing mabuti kung ano ang pagkakaiba-iba ng mga pangalang ‘yan. Ang mahalaga, malaman nating ang lahat ng ‘yan ay tumutukoy sa Salita ng Diyos. Sa panahon ni David, ang meron pa lang siya ang yung Torah o Pentateuch (Genesis to Deuteronomy). Pero kung ano ang totoo sa limang aklat na yun ay totoo rin sa lahat ng aklat na nasa Bibliya – Lumang Tipan o Bagong Tipan man. Lahat ng Kasulatan ay galing sa Diyos at kapaki-pakinabang, sabi ni apostol Pablo (2 Tim. 3:16-17). Lahat! Kasama ang Leviticus, kasama ang Habakkuk, kasama ang Psalms!
Ang mga sumunod ay may kinalaman sa katangian ng salita ng Diyos at ang benepisyo o pakinabang sa atin.
God speaks to us because he wants to have a relationship with us. Two-way yan. Nagsasalita siya, we respond to him. Tulad ni David. Ang awit na ito ay awit niya sa Diyos. Mula sa puso niya. Narito rin sa vv. 12-14 ang panalangin niya, Iligtas mo ako, Yahweh. Ilayo mo…huwag mong itulot…Nawa’y… Ang layunin ng panalangin niya ay magkaroon ng buhay na kinalulugdan ng Diyos, walang kapintasan at walang bahid ng masama…kaluguran. Ganyan ang prayer niya kasi habang mas nakikilala niya ang Diyos sa kanyang Salita, mas nakikilala niya ang sarili niya, ang sarili niyang puso na puno pa rin ng kasalanan. As you read the Word…
Pray that God will expose the sins in your heart. Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan (v. 12). Sanay na tayong magkasala, minsan di na natin napapansin, minsan nagiging manhid na. Kailangan nating hilingin sa Diyos na ipakita niya ang mga kasalanan sa puso natin na nakatago pa rin, na kahit tayo di natin alam. Habang nagbabasa ka, sabihin mo sa Diyos na magsilbing salamin ang salita niya para makita mo ang dumi sa mukha mo. At kapag nakita mo, tumawag ka sa kanya, sabihin mo, “Lord, I need you, everyday I need you. Save me. Deliver me. Rescue me.”
Pray that God will give you freedom from your sins. Pinatawad ka na ng Diyos dahil kay Cristo, tutulungan ka rin niyang mapagtagumpayan ang mga natitirang kasalanan. Ipanalangin mo, Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo’y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay (v. 13). Ganyan ang panalangin natin kasi nga gusto nating mas mapalapit pa sa Diyos. Kaya nga tayo nagbabasa ng Salita niya para mapalapit pa sa kanya. Kung ang kasalanan ay hadlang sa paglapit natin sa kanya, our attitude sa Bible reading ay dapat with repentant heart.
Pray for unhindered intimacy with God. Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan (v. 14). Nalulugod ang Diyos pag ang salita natin ay ayon sa kanyang salita, kung ang isip natin ay hinuhubog ng isip niya. Dinisenyo ng Diyos ang mga awit na tulad nito para maging panalangin din natin, para ipakita kung sino siya, para ipakita kung sino tayo, para ipakita na si Jesus lang ang kailangan natin. Si Jesus ang Panginoon, Yahweh, ang ating Manunubos at Kanlungan. Jesus is our Rock and our Redeemer. Last year, sa prayer ko about this psalm, ganito ang sinulat ko.
O aming Panginoon, ang kalangitan ay nagpapahayag ng iyong kadakilaan. Ang araw ng iyong buhay at liwanag na iyong bigay. Ang mga ibon ng huni ng iyong awit ng pagmamahal sa amin. Ang salita mo o Dios ay puro, perpekto, at nagbibigay kagalakan. Sinasalamin nito ang iyong kabanalan pati na rin ang abang kalagayan ng puso ko. Ipakita mo Panginoon ang aking mga kasalanan, pati ang mga hindi ko nalalaman. Bigyan mo ako ng babala sa mga oras na ako’y sumusuway. Patawarin mo ako sa lahat ng aking kasalanan. Ituwid mo ako at hubugin.
Para ako’y maging ganap at walang kapintasan tulad ng iyong Anak na si Jesus. Siya ang aking Batong Kanlungan at Tagapagligtas. Sa pamamagitan niya’y nagsalita ka, nagpakilala, ipinahayag ang kadakilaan mo, kabutihan mo, kalooban mo. He is your Word (Jn 1:1). He is perfect, just, righteous altogether. Sa pamamagitan niya ay nahahayag ang aming mga sala at kami’y pinatatawad. Inako niya ang parusang dapat sana ay sa amin. Nabuhay siyang muli para kami’y muling ibalik sa iyo. He is my treasure and my pleasure forever more. Ang puso ko’t saloobin ay nakalulugod sa iyo dahil kay Cristo.
Salamat po. Salamat po. Tiwala ko’y sa iyo na patuloy akong gagabayan ng iyong Salita, itutuwid, palalayain, huhubugin, gagantimpalaan, at pasasayahin. Tulungan n’yo po akong palaging marinig ang sinasabi n’yo. Makita ang pinapakita n’yo. Maunawaan ang itinuturo n’yo. Sundin ang mga utos n’yo. Pagtiwalaan ang mga pangako n’yo. Ituring na yaman at kagalakan ang salita n’yo. Wag n’yo pong pahintulutang maging boring ang Bible reading ko. O mechanical lang na pagkatapos ay di na ko magbigay atensyon sa sinasabi n’yo sa buong araw. May the meditation of my heart and the words of my lips be pleasing in your sight. My Lord. My Rock. My Redeemer. Amen.