“I am Your Slave”

Psalm 119:121-128

Derick Parfan

Facebook
Email

Ang lahat ng tao ay alipin. Ang pinagkaiba lang ng bawat isa ay nasa sagot sa tanong na, “Kaninong alipin ka?” Ibig sabihin, sino o ano ang nagpapatakbo ng buhay mo? Noong isang gabi, meron akong kausap, pagod na sa trabaho niya. Sabi ko sa kanya, “Baka kasi ang trabaho mo na ang nagpapatakbo sa buhay mo. Hindi ka talaga makapagpapahinga kapag ganun. Hindi mo na rin nae-enjoy ang ginagawa mo.” Kumbaga, alipin na siya ng trabaho niya. Pero, sabi niya, Kristiyano siya. At kung Kristiyano siya, tagasunod siya ni Cristo. At ang tagasunod ni Cristo ay tinawag na “alipin ni Cristo.” Ganito ipinapakilala nina Paul, James, Peter, at Jude ang mga sarili nila sa bungad ng mga sulat nila: “a slave of Jesus Christ” sa salin ng Legacy Standard Bible (Rom 1:1; Jas 1:1; 2 Pet 1:1; Jude 1). Galing kasi ‘yan sa Greek na doulos, ibig sabihin, bondservant, isang alipin na pag-aari ni Cristo. Si Cristo ang nasusunod, si Cristo ang pagpatakbo ng buhay natin. Hindi ang trabaho, hindi ang pera, hindi ang sistema ng mundong ito, hindi ang ibang tao, hindi ang sariling puso natin.

Ganito rin pagpapakilala ng sumulat ng Psalm 119 sa sarili niya. Sabi niya sa prayer niya, “I am your slave” (Ps 119:125 LSB). Galing naman ‘yan sa Hebrew ebed, na pwedeng isalin na “servant” (tulad ng sa ESV, o “lingkod” sa Tagalog) o “slave.” Ilang beses din ‘yan ginamit sa mga previous verses, “your slave” (Ps 119:17, 23, 38, 49, 65, 76, 84), pero dito sa section na ‘to, sa text natin ngayon, verses 21-28 ang pinakamarami, tatlong beses: “Be for your slave a guarantee for good” (v. 122 LSB); “Deal with your slave according to your lovingkindness” (v. 124 LSB); “I am your slave” (v. 125 LSB). Siya ay alipin ng Diyos.

Ang bahaging ito ng Salita ng Diyos ay para rin sa lahat ng alipin ni Cristo. Sermon at section number 16 na ‘to sa Psalm 119. Sa itaas nito ay nakasulat ang Ayin, 16th letter sa Hebrew alphabet. Isa kasi itong acrostic psalm, meaning bawat verse nito ay nagsisimula sa letrang ayin. Like verse 121, “I have done…”; asiti; verse 122, “Give…a pledge”; arob; and so on. Carefully and beautifully composed ang awit na ‘to. Isang personal prayer ng psalmist na nagse-celebrate ng kahalagahan ng salita ng Diyos sa buhay niya. Halos lahat ng verses ng Psalm 119, with only a few exceptions, ay may binabanggit tungkol sa salita ng Diyos. Except verses 121 and 122, yung iba meron na: “your righteous promise” (v. 123); “your statutes” (v. 124); “your testimonies” (v. 125); “your law” (v. 126); “your commandments” (v. 127); “your precepts” (v. 128). Ang nagpapatakbo sa buhay ng isang alipin ng Diyos ay ang Diyos at ang kanyang mga salita.

Usually, sa simula ng bawat taon natin pinag-aaralan ang Psalm 119. Ang isa sa main reasons ay para sa simula ng bawat taon ay mapaalalahanan tayo sa kahalagahan ng salita ng Diyos sa buhay natin at ma-encourage na ma-develop ang daily habit of personal Bible reading and meditation. Pero sa tingin ko, less than two months bago matapos ang taong ito, mahalaga na makapaglaan din tayo ng panahon to evaluate ang sariling attitude at discipline natin tungkol sa salita ng Diyos. Hindi kapag nagsisimula lang ang taon at excited pa tayo na gawin yun. Pero habang tumatagal, nagiging sobrang busy, napapagod sa mga trabaho at mga problema sa buhay, mainam na tanungin natin ang sarili natin: Pinahahalagahan pa rin ba natin ang salita ng Diyos sa buhay natin? Siyempre kapag every Sunday, pinapahalagahan natin ‘yan as a church, as we read the Word, pray the Word, sing the Word, and preach the Word sa worship services natin. Pero ang tanong ko, mas personal: Sa buhay mo ba, sa araw-araw, pinahahalagahan mo ba talaga ang salita ng Diyos? Binabasa mo ba ‘yan araw-araw? Pinagbubulayan? Mine-memorize? Ang salita ba ng Diyos ang nagpapatakbo sa buhay mo?

Masusubok ‘yan lalo na sa mga panahong dumaraan tayo sa mga mahihirap na yugto ng buhay natin. Kapag may nang-aaway sa ‘yo. Kapag may conflicts sa relationships. Kapag may financial difficulties. Kapag matindi ang tukso ng kaaway. Ang buhay Kristiyano kasi ay hindi madali. Yes, iniligtas tayo ni Cristo, pero hindi nangangahulugang tinanggal na lahat ng sufferings sa buhay natin. Talagang masusubok ang katapatan ng isang Kristiyano sa panahon ng hirap. Kaya mahalagang tanong na masagot natin sa passage natin ay ito: Ano ang katangian ng isang tagasunod ni Cristo na dumaraan sa hirap ng buhay? Ganito rin kasi ang karanasan ng sumulat ng awit na ‘to. Meron siyang matinding hirap na pinagdaraanan dahil merong siyang mga “oppressors” o yung mga umaapi o umaaway sa kanya (v. 121). Ito yung mga “arrogant” (v. 122 LSB) o mga hambog, mayayabang. Bilang lingkod o alipin ng Diyos, anu-anong katangian ang makikita natin dito na siyang dapat na makita rin sa atin bilang mga tagasunod o alipin ni Cristo? Dalawang bagay, sa first half, verses 121-124 ay yung patient longing o matiyagang paghihintay sa pangako ng Diyos. Sa second half naman, verses 125-128 ay yung passionate love o masidhing pagmamahal sa salita ng Diyos. Matututunan natin dito na kahit na tayo ay mapalibutan ng maraming problema sa buhay, ang isang tagasunod ni Cristo ay patuloy na nakakapit sa Diyos at sa kanyang mga salita.

Patient Longing: Matiyagang paghihintay sa pangako ng Diyos (119:121-124)

Ang unang katangian ng isang alipin ni Cristo na makikita natin sa tekstong ito ay ang patient longing, o matiyagang paghihintay sa pangako ng Diyos. Sa verses 121-124 ay mapapansin natin ang mga salitang may kinalaman sa covenant. Ang mga taong kabilang sa covenant ng Diyos, God’s covenant people, ay inaasahang namumuhay nang may katapatan at ginagawa yung kanilang mga covenant obligations: “I have done what is just and right” (v. 121). Umaasa sila sa katuparan ng pangako ng Diyos na nakapaloob sa covenant, “for the fulfillment of your righteous promise” (v. 123). Yung katangian ng Diyos, his “steadfast love” o hesed ay nag-iindicate din ng covenant faithfulness ng Diyos. Sa apat na verses sa bahaging ito, makikita natin na nakapaloob dito sa matiyagang paghihintay sa pangako ng Diyos ang apat na bagay na hinihintay niya mula sa Diyos.

Pananatili ng presensya ng Diyos (v. 121)

Ang una ay ang pananatili ng presensya ng Diyos sa verse 121, “I have done what is just and right; do not leave me to my oppressors” (Ps 119:121). “Huwag mo akong iwan” (AB). Ang panalanging ito o appeal sa Diyos na patuloy siyang samahan, o manatili ang presensya ng Diyos sa buhay niya, ay nakakabit sa katotohanang siya ay tapat na namuhay as one of God’s covenant people. Sabi niya, “I have done what is just and right.” Katangian ng Diyos ang justice at righteousness. “He loves righteousness and justice” (Ps 33:5). So, he expects his people “to keep the way of the Lord by doing righteousness and justice” (Gen 18:19). So, itong psalmist, sinasabi niyang he’s reflecting God’s character as God’s image-bearer. Ang nilikha sa larawan ng Diyos ay nagre-reflect ng katangiang tulad ng Diyos. Malinaw rin sa kautusan ng Diyos na dapat nilang gawin kung ano ang tama at mabuti sa pakikitungo sa ibang tao, lalo na sa mga mahihirap, mga biyuda, at mga inaapi sa society nila. Hindi naman niya sinasabing wala siyang kasalanan, pero he’s consistent in doing his covenant obligations. Kahit nga sa pagsunod sa kautusan ng Diyos ay siya pa ang inaapi at ginagawan nang masama. Sabi ni John Calvin, “Ang ibig niyang sabihin ay ito: na anuman ang ginagawa ng masasama, siya ay nanatiling matatag sa pagsunod sa katapatan at integridad, at kailanman ay hindi lumihis sa kung ano ang makatarungan at tama sa lahat ng kanyang pampubliko o pribadong pakikitungo.”

Hindi madali ang manatili sa ganitong pagsunod sa Diyos. Kaya nga ang prayer niya, “Do not leave me to my oppressors.” Ang mga nang-aaping ito ay mga taong nasa position of authority, ginagawa ang kabaligtaran ng ginagawa niya, inaabuso ang kanilang kapangyarihan. Umapela siya sa higher authority— actually, highest authority. Dapat lang na parusahan sila ng Diyos. Pero ang apela niya sa Diyos ay hindi yung maglaho na sila sa buhay niya. Although parang masarap nga na ganun ang ipag-pray! Pero ang prayer niya, “Lord, ‘wag mo akong iwan. Samahan mo ako. Presensya mo ang kailangan ko.” Sa dami ng problemang hinaharap natin, napapaligiran man tayo ng mga taong pinagtitiisan natin, presensya ng Diyos ang higit na kailangan natin. At ‘yang pangako na ‘yan ng Diyos ay tinupad niya nang ipadala niya si Cristo, na pinangalanang Immanuel, ibig sabihin, kasama natin ang Diyos (Isa 7:14; Mat 1:23). Hindi niya tayo iiwan, hindi niya tayo pababayaan. Nangako mismo ang Panginoong Jesus, “I am with you always” (Mat 28:20).

Katiyakan ng kabutihan ng Diyos (v. 122)

Bukod sa pananatili ng presensya ng Diyos, ang ikalawang bagay na nakapaloob sa pangako ng Diyos na matiyagang hinihintay ng mga tagasunod ni Cristo ay ito: katiyakan ng kabutihan ng Diyos. Verse 122, “Give your servant a pledge of good; let not the insolent oppress me” (Ps 119:122). Tulad natin, umaasa rin siya na mabuti ang magiging resulta ng kanyang pagsunod sa Diyos. May pangako rin naman ang Diyos na ganyan. Deuteronomy 6:24, “And the Lord commanded us to do all these statutes, to fear the Lord our God, for our good always” (also Dt 10:13, “for your good”). Pero yun nga, “bad things” are happening to him. Hindi naman sa nagrereklamo na siya sa Panginoon. Pero ito ay panalangin na nagtitiwala siya sa Diyos na may gagawin ang Diyos for his good. Kaya ang prayer niya, “Let not the insolent (LSB, arrogant) oppress me.” Prayer niya na ‘wag magpatuloy yung pang-aalipusta sa kanya.

It is right to pray that God will end our sufferings. But we pray in faith, trusting God’s goodness. Psalm 34:8, “Oh, taste and see that the Lord is good! Blessed is the man who takes refuge in him!” Pangako rin naman ng Diyos sa Romans 8:28, “And we know that for those who love God all things work together for good.” Nasaan ang katiyakan natin na mananatiling mabuti ang Diyos sa atin? Nakay Cristo. Romans 8:31–34:

What then shall we say to these things? If God is for us, who can be against us? He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things? Who shall bring any charge against God’s elect? It is God who justifies. Who is to condemn? Christ Jesus is the one who died—more than that, who was raised—who is at the right hand of God, who indeed is interceding for us.

Ibinigay siya ng Diyos para sa atin, nagdusa siya para sa atin, namatay siya para sa atin. Siya yung “suffering servant” (ng Isaiah 53) na ibinigay ang kanyang buhay para sa atin. He’s our “pledge of good” o “guarantee for good” para sa atin, katiyakan na magpapatuloy ang kabutihan ng Diyos sa atin. Hindi hihinto ang kabutihan ng Diyos sa atin kahit na nagpapatuloy ang kasamaan sa paligid natin. Sa salin ng Ang Biblia, “Maging panagot ka sa ikabubuti ng iyong lingkod.” Sabi ni Charles Spurgeon:

Madudurog sana tayo sa ilalim ng ating mapagmataas na kaaway na si Satanas kung ang ating Panginoong Jesus ay hindi namagitan para sa atin sa harap ng Tagapagparatang at naging ating Tagapanagot. Dahil sa kanyang pagiging Tagapanagot, tayo ay nakatatakas na gaya ng ibong nakawala sa bitag ng kalaban. Kay laking pagpapala na maipagkatiwala natin ang lahat ng ating alalahanin sa mga kamay ng ating Tagapanagot, sapagkat alam nating magiging maayos ang lahat, dahil mayroon siyang sagot sa bawat paratang at pagsaway sa bawat manlalait.

Pagdating ng pagliligtas ng Diyos (v. 123)

Pananatili ng presensya ng Diyos. Katiyakan ng kabutihan ng Diyos. Pangatlong bagay na pangako ng Diyos na matiyagang hinihintay natin: pagdating ng pagliligtas ng Diyos. Verse 123 “My eyes long for your salvation and for the fulfillment of your righteous promise” (Ps 119:123). Sa LSB, “my eyes fail with longing.” Nandun na yung kapaguran sa tagal ng paghihintay. Kaya salin sa Tagalog, malamlam na ang mata. Ito ay pagpapahayag ng hirap na dinaranas niya. Again, hindi sa pagrereklamo, pero yung paghihintay na nagpapatuloy pa rin ang pagtitiwala niya sa Diyos. Sabi ni Calvin:

Gayunman, hindi siya tumitigil sa patuloy na paghihintay sa pagliligtas ng Diyos. Sa madaling salita, ang panghihina ng kanyang mga mata ay nagpapahiwatig ng pagtitiyaga na may kasamang matindi at mabigat na pagsisikap. Ito ay kabaligtaran ng panandaliang sigasig ng mga taong agad nanghihina at sumusuko kapag hindi kaagad ipinagkakaloob ng Diyos ang kanilang mga hinihiling.

Ayon naman kay Spurgeon:

Siya ay umiyak, naghintay, at matiyagang nagbantay para sa nagliligtas na kamay ng Diyos, at ang mga karanasang ito ay sumubok sa mga mata ng kanyang pananampalataya hanggang sa halos mawalan na ito ng lakas. Siya ay tumingin sa Diyos lamang; siya ay tumingin nang may pananabik; siya ay tumingin nang matagal; siya ay tumingin hanggang sa sumakit ang kanyang mga mata. Ngunit ito ang kaaliwan: kung manghina man ang ating mga mata, ang Diyos ay hindi nanghihina, ni ang kanyang mga mata man ay hindi nanghihina.

Ano ang hinihintay niya? “Your salvation.” Hindi pagliligtas o tulong ng iba ang hinahangad niya kundi yung tulong na nanggagaling sa Diyos. Heto ang magandang katekismo ayon sa Psalm 121:1–2, “From where does my help come? My help comes from the Lord, who made heaven and earth.” Ang tulong na ito ay maaaring ma-delay, at least from our perspective. But it will surely come. Bakit? Dahil tutuparin ng Diyos ang ipinangako niya, kaya ito ang inaabangan niya, “and for the fulfillment of your righteous promise.” Matuwid, tama, at tapat ang Diyos sa lahat ng sinasabi niya. Hindi siya nagsisinungaling. Kapag nangako siya, hindi napapako. Kapag sinabi niyang darating ang tulong at tagapagligtas, siguradong darating. Yung salvation na yun, sa Hebrew yeshua, ay dumating sa pamamagitan ni Jesus, na ang pangalan ay Iesous sa Greek at Yeshua naman sa Hebrew. Kaya nang ipanganak siya, ipinaliwanag ng anghel kay Mary kung bakit Jesus ang ipapangalan sa bata, “for he will save his people from their sins” (Mt 1:21). Totoong naghihintay tayong iligtas tayo ng Diyos sa mga hirap at problemang kinakaharap natin araw-araw. Ngunit ang kasalanan at ang parusa ng Diyos sa kasalanan ang pinakamalaking problemang dapat masolusyunan. Tinupad ng Diyos ang pangako niya, ibinigay niya si Cristo na ating Tagapagligtas. How much more yung mga tulong na kailangan natin araw-araw? It will surely come.

Katapatan ng pagmamahal ng Diyos (v. 124)

Pananatili ng presensya ng Diyos. Katiyakan ng kabutihan ng Diyos. Pagdating ng pagliligtas ng Diyos. Ikaapat na bagay na matiyaga nating hinihintay, ayon sa pangako ng Diyos: katapatan ng pagmamahal ng Diyos. Verse 124, “Deal with your servant according to your steadfast love, and teach me your statutes.” Ito ay panalangin sa Diyos na gumawa siya sa buhay ng kanyang lingkod sa paraang consistent sa kanyang tapat na pagmamahal. Itong “steadfast love” ay hesed, na nag-iindicate ng covenant faithfulness ng Diyos. Ang covenant faithfulness ng sumulat ng awit na ‘to ay reflection ng covenant faithfulness ng Diyos. So, ine-expect niya ang Diyos, dahil hindi siya nagbabago, na kumilos siya in a way na consistent sa kanyang karakter. He always does. Hindi siya nagiging “unloving” dahil lang may mga panahong hinahayaan ng Diyos na masaktan tayo dahil sa mga kasalanan ng ibang tao o mahirapan dahil sa mga financial crisis na kinakaharap natin habang patuloy tayo sa pagsunod at hindi kinokompromiso ang pananampalataya natin. Hindi nagbabago, hindi pumapalya, hindi nanlalamig, hindi humihinto ang pagmamahal sa atin ng Diyos. So we pray na ito ang patuloy na maranasan natin sa buhay natin.

Not because we are perfectly faithful all the time. Itong psalmist din naman, alam niya ang mga imperfections niya, at hindi niya ina-assume yung role ng pagiging teacher na para bang tinuturuan pa niya ang Diyos kung ano ang gagawin niya. No, he’s humbly admitting his need to learn more. Kaya kasama sa prayer niya, “and teach me your statutes.” Nakita ni Calvin ang kaugnayan ng dalawang ito—ang salita ng Diyos at ang pagmamahal ng Diyos—“Walang alinlangan na ang buong kaligayahan natin ay nakasalalay sa pagtatamo ng tunay na karunungang nagmumula sa salita ng Diyos. At ang ating tanging pag-asa upang matamo ang karunungang ito ay nasa kagandahang-loob ng Diyos na ihayag sa atin ang kanyang habag at kabutihan.” Ang Diyos ang master-teacher. Mararanasan nating patuloy ang pagmamahal sa atin ng Diyos kung babasahin natin palagi ang salita ng Diyos. Tulad ni Mary, kapatid nina Martha at Lazarus, na nakaupo sa paanan ni Jesus at nakikinig sa kanyang turo (Luke 10:39). Ito ay marka ng isang tagasunod ni Jesus, sabik na mag-aral at matuto ng mga salita ng Panginoon. Hindi yung lalapit lang tayo kay Jesus kasi kailangan natin ang tulong niya kapag marami tayong problema, kundi naroon ang pagnanais na mas makilala siya, mas makasunod sa kanya.

We are slaves of Christ. At bilang tagasunod ni Cristo na dumaranas ng hirap sa buhay in following the ways of Christ, matiyaga tayong naghihintay sa katuparan ng pangako ng Diyos—sa pananatili ng presensya ng Diyos, sa katiyakan ng kabutihan ng Diyos, sa pagdating ng pagliligtas ng Diyos, at sa katapatan ng pagmamahal ng Diyos. Hindi lang ang maalis ang lahat ng problema natin sa buhay ang pinakahinihintay natin; ang Diyos mismo ang pinakahihintay natin. And he will surely come.

Passionate Love: Masidhing pagmamahal sa salita ng Diyos (119:125-128)

Bukod sa matiyagang paghihintay, ang isa pang katangian ng isang alipin ni Cristo, habang dumaraan tayo sa hirap ng buhay, ay ito: passionate love, o masidhing pagmamahal sa salita ng Diyos. Itong huling prayer niya verse 124, “teach me your statutes,” ay nagsisilbing tulay sa pangunahing tema naman ng ikalawang bahagi ng teksto natin. Dito sa verses 125-128 ay ipinapahayag niya ang tinitibok ng puso niya para sa salita ng Diyos (“your testimonies…your law…your commandments…your precepts”)—yung hangarin niya para sa salita ng Diyos. At yung hangaring ito ay ipinahayag niya sa iba’t ibang naisin niya para sa salita ng Diyos.

Hangaring maunawaan ang salita ng Diyos (v. 125)

Ang una ay ang hangarin niyang maunawaan ang salita ng Diyos. Verse 125, “I am your servant; give me understanding, that I may know your testimonies!” Sa LSB, “I am your slave.” Ang isang alipin ay nasa ilalim ng pamamahala ng kanyang panginoon. Ang nagpapatakbo ng buhay niya ay ang Diyos, at kung ano ang sasabihin ng Diyos ay yun ang dapat niyang gawin. So, mahalaga na maintindihan natin ang salita ng Diyos. Kaya ang prayer niya, “Give me understanding, that I may know your testimonies.” Paano nga naman natin magagawa kung ano ang gusto ng Diyos kung hindi natin iniintindi kung ano ang sinabi niya? Wrong interpretation leads to wrong application. Halimbawa, kung nagbabasa ka ng mga stories sa Old Testament at nabasa mong sina Abraham o David o Solomon ay merong higit sa isang asawa, at ang intindi mo ay pwede naman pala yun, lagot ka kung gagayahin mo yung “bad example” nila. O kung nabasa mo yung pangako ng Diyos na his plans is to prosper you and give you good success, tapos mali ang intindi mo, made-depress ka kapag nalugi ka sa negosyo o kaya ay bumagsak sa exam. Wrong interpretation leads to wrong theology and practice.

Kaya kapag magbabasa at mag-aaral tayo ng Bible, tularan natin ang psalmist na he’s humble enough na aminin na kailangan niya ang tulong ng Diyos. Hindi lang para turuan siya, like sa verse 124, kundi para bigyan siya ng pang-unawa. No human teacher can do that. Only the Holy Spirit can do that, “that we might understand the things freely given us by God” (1 Cor 2:12). ‘Wag nawang dumating tayo sa punto ng buhay natin na masabi nating kaya na natin sa sarili nating maintindihan ang salita ng Diyos. Hangarin nating hindi lang mabasa regularly kundi maunawaang mabuti ang salita ng Diyos.

Hangaring masunod ang salita ng Diyos (v. 126)

Bukod sa maunawaan ang salita ng Diyos, ang ikalawang hangarin natin ay ang masunod ang salita ng Diyos. His zeal or passion for God’s word is evident sa verse 126, “It is time for the Lord (Yahweh) to act, for your law has been broken” (Ps 119:126). Yahweh ang covenant name ng Diyos. God will not let his covenant be broken for long without doing something about it. Dito, hindi niya kini-criticize ang Diyos na para bang passive siya o wala siyang ginagawa. Yung sinabi niyang, “Panahon na, O Yahweh, upang ikaw ay kumilos,” ay nag-eexpress ng pusong ang hangarin ay tulad ng sa puso ng Diyos. Dahil ang Diyos ay zealous for his law to be honored and obeyed, he is also zealous for God and his word. Yung sinabi niyang dahilan kasi, “for your law has been broken,” ay yung ginagawa ng mga umaaway at umaapi sa kanya. Humihingi siya ng tulong sa Diyos hindi lang for his personal convenience, but out of a heart passionate for God’s glory. Ayaw niyang sinusuway ang utos ng Diyos. Hangad niya na sundin ang utos ng Diyos. Hindi lang siya, kundi ng mga tao sa paligid niya.

That is why we have church discipline, hindi para maghiganti sa mga nagkasala, but because of zeal for God’s holy law. Ang problema, baka nagiging callous na tayo sa kasalanan sa sarili natin at sa paligid natin. Sobrang talamak ang corruption, nagiging accepted sa society natin ang sexual sins at ang lifestyle ng LGBT, pati violence hindi lang sa nababalitang mga krimen kundi pati na rin sa mga movies at TV shows, baka nagiging manhid na tayo sa pagbabalewala sa salita ng Diyos. Meron tayong Diyos na hindi babalewalain ang pagsuway sa mga utos niya. Kaya nga na-exile sa Babylon ang bayan ng Diyos dahil sa kanilang covenant unfaithfulness. At sa krus ni Cristo, ang judgment na ito ng Diyos ay ipinataw kay Cristo. Si Cristo na ating lawkeeper ay namatay bilang kahalili nating mga lawbreakers. On the cross, God made him a lawbreaker, so that we will be declared as lawkeepers. 2 Corinthians 5:21, “For our sake he made him to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God.” Dahil diyan, hangarin nating maunawaan at masunod ang salita ng Diyos—sa sarili nating buhay, sa church natin, at sa paligid natin.

Hangaring mapahalagahan ang salita ng Diyos (v. 127)

Bukod sa maunawaan at masunod, hangarin din natin tulad ng psalmist na mapahalagahan ang salita ng Diyos. Verse 127, “Therefore I love your commandments above gold, above fine gold” (Ps 119:127). Ibang-iba sa atin, “Ayaw na ayaw ko na inuutusan ako! Gusto ko ako ang nasusunod!” Ito naman, “Gustung-gusto ko ang mga utos mo!” Psalm 119:47, “for I find my delight in your commandments, which I love.” Masaya niyang tinatanggap ang salita ng Diyos dahil alam niyang ito ay mabuti at makakabuti para sa kanya. Kaya naman yung pagpapahalaga niya dito ay higit pa sa yaman sa mundong ito, “above gold, above fine gold.” Sabi niya sa verse 72, “The law of your mouth is better to me than thousands of gold and silver pieces” (Ps 119:72). Hindi tulad ni Judas na pinahalagahan ang ibinayad sa kanya na 30 pieces of silver kaysa sa pagsunod niya sa Panginoong Jesus.

Ang tunay na tagasunod ni Jesus ay itinuturing na kayamanang higit sa lahat ang kanyang relasyon sa Panginoon kaya nga ang mga utos niya ay pinapahalagahan din. Napakadali sa atin ngayon na pabayaan ang oras na dapat ay inilalaan natin sa communion with God in his word and in prayer at ipagpalit sa mga bagay na itinuturing nating higit na mas mahalaga. Maraming Kristiyano, sadly some of our members, pasundot-sundot lang ang pagdalo sa Sunday worship service. Okay lang na hindi marinig ang salita ng Diyos—in singing, in prayers, in preaching—at ipagpalit ito sa trabaho, sa kausap na client, sa isang business opportunity, o bakasyon sa ibang lugar. Ganun din sa araw-araw na oras na dapat ay inilalaan natin sa salita ng Diyos. Sa sobrang busy sa buhay, hindi na pinahahalagahan ang mga bagay na higit na mahalaga sa lahat. Ang tagasunod ni Jesus, alipin ni Jesus, pinahahalagahan si Jesus at ang kanyang salita nang higit sa lahat. Kahit gaano man maging mahirap ang sitwasyon.

Hangaring manatili sa salita ng Diyos (v. 128)

Sa mga panahong ito masusubok talaga yun puso natin para sa salita ng Diyos. Itong hangaring maunawaan, sundin, at pahalagahan ang salita ng Diyos ay hangarin ding manatili sa salita ng Diyos. Ibig sabihin, magpatuloy hanggang sa dulo, no matter how tempting for us na lumihis ng landas. Kaya ito yung closing ng section na ‘to, “Therefore I consider all your precepts to be right; I hate every false way” (Ps 119:128). Ito yung tibay ng paniniwala na lahat ng nakasulat sa salita ng Diyos (“all your precepts”) ay totoo at tama. Tulad ng sinasabi sa 2 Timothy 3:16, “All Scripture is breathed out by God and profitable…” Ito yung tinatawag na verbal plenary inspiration. Bawat salita sa orihinal na pagkakasulat nito (verbal) ay galing sa Diyos. Ang buong Bibliya (plenary) ay salita ng Diyos. At kung firm yung conviction mo na yun nga ang dapat mong paniwalaan at sundin, at sinasabi mong “I love your word!”, masasabi mo rin, “I hate every false way.” Andun yung resolve na anumang maling katuruan, anumang paglabag sa salita ng Diyos ay tatanggihan. Hindi yung mamimili lang tayo kung ano yung gusto nating paniwalaan at sundin, at anong mga kasalanan naman yung acceptable kasi maliit na kasalanan lang naman (so we thought). No, we fight every sin, we hate every sin, because we love God and his word. Kung gaano kasidhi ang pagmamahal natin sa salita ng Diyos, ganun din kasidhi ang paglaban natin sa anumang kasalanan. ‘Yan ang hangaring manatatili sa salita ng Diyos, to abide in the words of Jesus, hanggang sa dulo ng buhay natin, gaano man maging kahirap ang sitwasyon.

Concluding Applications

To summarize: ang sure salvation na tinanggap natin bilang mga tagasunod ni Cristo ay hindi nangangahulugang mawawala na ang lahat ng problema, sufferings, and difficulties sa buhay natin. Rather, bilang mga alipin at tagasunod ni Cristo, matiyaga tayong naghihintay sa pangako ng Diyos at masidhing nagmamahal sa salita ng Diyos.

Pero kung ikaw ay hindi Kristiyano, this is not yet true of you. Hindi ka pa alipin ni Cristo. Merong iba na nagpapatakbo ng buhay mo. Hangga’t maaari, gusto mong mas maging maginhawa, mas convenient ang buhay mo. Baka ayaw mong sumunod kay Cristo kasi mas magiging mahirap ang buhay mo, at hindi na ikaw ang masusunod sa buhay mo. Tandaan mo, kung wala si Cristo, balewala ang lahat sa buhay mo. Siya mismo ang nagsabi, “Ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili?” (Mark 8:36). Tanggihan mo ang mga mababaw na pangako ng mundong ito at panghawakan ang pangako ng Diyos na nakay Cristo. Magiging mahirap ang buhay mo, totoo, pero magiging lubos at walang hanggan ang kagalakan mo.

At para sa atin na mga tagasunod ni Cristo, tandaan nating tayo’y alipin ni Cristo. Gawin natin ang lahat ng magagawa natin para ibabad ang sarili natin sa mga salita niya, intindihin natin, pag-aralan natin, sundin natin, panghawakan natin, pahalagahan natin ang salita niya. Araw-araw. Kaya merong tayong Bible reading schedule. Kaya meron tayong fighter verses. Nagbabasa ka ba? Nagme-memorize ka ba? Especially every Sunday. Kami na mga pastor n’yo, we will make sure that our gatherings are saturated by the Word. Make sure nandito ka kasama ang pamilya mo every Sunday. ‘Wag mong hayaan ang anumang bagay sa mundong ito ang maging dahilan para malayo ka sa salita ng Diyos. Tulungan natin ang isa’t isa. Kaya mahalaga na member ka ng church. Para meron kang katuwang. Merong magpapaalala sa ‘yo. Tutulungan natin ang bawat isa—as we go through the difficulties ng buhay sa mundong ito—na mas maindintihan ang salita ng Diyos, mas mahalin ang salita ng Diyos, mas sundin ang salita ng Diyos, at mas panghawakan nang mahigpit ang salita ng Diyos.