The Story of God (Volume 2): From Conquest to Kingdom

Fill out the form below to access the study guide. It includes reflection questions and discussion prompts to help you process the resource, apply it personally, or use it with your small group.

Fill out the form below to access the eBook version of this resource. You can read it at your own pace, revisit key sections, and use it for personal study or discipleship.

What to Expect

The Story of God: Volume 2 – From Conquest to Kingdom ay nagpapatuloy sa malaking kuwento ng Bibliya mula sa pagpasok ng Israel sa Lupang Pangako hanggang sa pagtatatag ng kaharian sa panahon nina Saul, David, at Solomon. Dito makikita kung paano tinutupad ng Diyos ang kanyang mga pangako—binibigyan niya ng tagumpay, kapahingahan, at hari ang kanyang bayan—pero makikita rin kung paano paulit-ulit na nagrerebelde ang Israel at kung bakit kailangan nila ng isang tunay at matuwid na Hari.

Naglalaman ang Volume 2 ng 23 Bible study lessons, mula Chapter 24 hanggang Chapter 46, na tumatalakay sa conquest under Joshua, rest in the Promised Land, cycles of rebellion sa Judges, mga kuwento nina Gideon, Samson, Ruth, Samuel, Saul, David, at Solomon, pati na rin ang pangako ng Diyos kay David, ang pagtatayo ng templo, at ang pagbagsak ni Solomon.

Makakatutulong para pakinggan ang kuwento, ikuwento muli, pag-usapan, pagnilayan, at isabuhay ang Salita ng Diyos. Magagamit ito ng churches, Sunday School classes, discipleship groups, families, at small groups para mas maunawaan ang biblical theology—lalo na ang katapatan ng Diyos, ang bigat ng kasalanan, ang pangangailangan ng tunay na pagsisisi, at ang pag-asang nakatuon kay Cristo, ang tunay na Hari ng bayan ng Diyos.

Share this resource