Fill out the form below to access the study guide. It includes reflection questions and discussion prompts to help you process the resource, apply it personally, or use it with your small group.
Fill out the form below to access the eBook version of this resource. You can read it at your own pace, revisit key sections, and use it for personal study or discipleship.
The Story of God: Volume 1 – From Creation to Wilderness ay Tagalog study guide na sumusunod sa malaking kuwento ng Diyos mula sa paglikha hanggang sa paglalakbay ng Israel sa wilderness. Sa bawat aralin, makikita kung paano ipinapakilala ng Bibliya ang Diyos bilang Manlilikha, Hari, Tagapagligtas, at tapat na tumutupad sa kanyang mga pangako.
Naglalaman ang Volume 1 ng 23 Bible study lessons na nagsisimula sa kuwento nina Adan at Eba, ang pagpasok at paglaganap ng kasalanan, ang pangako ng Diyos kay Abraham, ang buhay nina Isaac, Jacob, Joseph, Moses, at ang pagliligtas ng Diyos sa Israel mula sa pagkaalipin. Kasama rin dito ang mga aralin tungkol sa kautusan, tabernakulo, paghahandog, kabanalan, at ang pagrereklamo ng Israel sa wilderness.
Bawat lesson ay dinisenyo para hindi lang basahin ang kuwento, kundi pakinggan, ikuwento muli, pag-usapan, pagnilayan, at isabuhay. Makakatulong ito sa mga churches, Sunday School classes, discipleship groups, families, at small groups na mas maunawaan ang kabuuang kuwento ng Bibliya at makita kung paanong ang bawat bahagi nito ay nakaturo kay Cristo.
Layunin ng study guide na ito na tulungan tayong makilala ang Diyos, maunawaan ang bigat ng kasalanan, makita ang kanyang biyaya at pangako, at tumugon sa pananampalataya at pagsunod sa pamamagitan ng tulong ng Espiritu.